Episode 2

1187 Words
             "Mommy bye na po, papasok na ako! Si Daddy Mom?" Bitbit niya ang kanyang backpack at humalik sa kanyang ina. Full house wife ang mommy niya at ito ang tuwirang nag aalaga sa kanilang lahat.              "Oh siya sige anak mag iingat ka sa pagpasok. Nakaalis na ang Daddy mo kanina pang alas sais at maaga niyang bubuksan ang hardware niya." Paliwanag ng kanyang ina, tuluyan na siyang lumabas na siya ng kanilang bahay, at maglalakad lang siya patungo sa paaralan. Bilib siya sa kasipagan na iyon ng tatay niya, napalago nito ang Villamor hardware na tindahan nila, sikat iyon sa lungsod ng Baguio at talagang dinadayo sila ng mga suki ng tatay niya, may kakambal na iyon na talyer din mga dalawang taon nang naitayo katabi ng tindahan nila.                           Malaki ang paggalang niya sa tatay niya mula ng magkaisip siya ay kitang kita niya ang pagpapakahirap nito para maitaguyod ang buong pamilya nila at ramdam naman niya ang matinding pagmamahal nito sa kanya at talagang kung ituri siya ay prinsesa nito. Ang kuya Ronald niya na kasabay niya laging magbreakfast ay nauuna na laging umalis dahil mas maaga ang first subject nito compared sa kanya. 2nd year college na iyon at Engineering ang kurso, at ang isa pa niyang kuya na si Ruel ay mamaya pa ang pasok, nurse naman ang kinuhang kurso nito, graduating na iyon next year. Pareho ng pinapasukang paaralan ang dalawang  kuya niya at walking distance lang ang school ng mga ito sa school naman niya. May isa pa siyang kuya na siyang pinaka panganay ang kuya Robert niya. Kasalukuyang ngtatrabaho na iyon sa Smart telecom sa lungsod ng Baguio at Accounting ang kursong tinapos ng kuya niya, at syempre dahil nasa tamang edad na iyon ay may official girlfriend na ito na si Ate Shiela. Agad nitong nakuha ang loob niya ng nobya ng kuya niya, nagustuhan niya iyon dahil bukod sa maganda ay thoughtful pa, lagi itong may present sa kanya kapag pumupunta sa kanila, kaya naging close na silang dalawa.                         Seryoso siyang naglalakad ng makarinig siya ng sumusutsot sa likod niya, hindi na lang niya pinansin iyon at nakatanaw siya sa paaralang pinapasukan niya, pataas kasi ang lugar na kinatitirikan ng St. Louis University, kaya malayo ka pa ay tanaw na tanaw na iyon.               "Uy Dette, hindi ka man lang lumilingon eh, nasa likod mo lang ako." Pagtingin niya ay kasabay na niya si d**k ang itinuturi niyang bestfriend. Pareho sila ng oras ng klase pero sa kabilang paaralan ito na katabi ng sa kanila. Exclusive for girls lang kasi ang pinapasukan niya.            "Hay nako alam ko naman na ikaw lang yon, may pangalan naman ako bakit puro sutsot ka diyan." Tinaasan niya ito nang kilay.              "Ano ba yan! Ang aga aga taray agad! Ganern talaga ba? Nakakasira ka ng beauty." Hindi na niya napigil na matawa dito, paano ang landi nito magsalita kasama pa ang malantik nitong daliri.               "Sira ka talaga! Ang aga nga at baka may maagang makakita sa iyo sa kaartihan mo!" Wika niya dito. Umabrisiyete na ito sa kanya habang naglalakad sila dahil sa pataas ang lugar na iyon.               "Hindi ako nakakain!" Wika nito. "Wala pa kasing luto si Mama ko at bumili na lang daw ako sa daan. Nagugutom na ako girl."               "Kaya naman pala wala kang kalakas lakas at inaakay pa kita paakyat, oh siya tara samahan kitang bumili doon." Saka niya ito hinila habang naglalakad. At talagang nagpahila naman ito dahil sa wala itong energy.               "Gggrr! Bigat mo inday." pabaklang turan niya dito at sige pa rin siya sa paghatak sa kaibigan. Ganito ito maglambing sa kanya at mangulit, pero syempre kahit ganito itong kaibigan niya ay mahal niya ito, mula pagkabata ay magkaibigan na sila, isang kanto lang ang layo ng bahay nito sa kanila. Marami na silang hindi matatawaran na pinagsamahan nito at marami rin silang sikreto na ipinagkatiwala sa isa't isa. Ito lang ang bestfriend niya na itinuturing sa lahat ng kaibigan.               Pag sila ay magkasama nito ay wala silang ginawa kundi tumawa nang tumawa, masayang kasama ito yung tipong hindi ka maboboring, maraming kwento at jokes na alam. Kaya gustong gusto niya na ito ang kasama lagi dahil walang dull moments na kasama ito. At ganung tipo ng mga tao ang nais niyang nakakasama lagi.               "Oy bakla! Kumain ka na ba? Gusto mo?" Sabay lapit ng binili nitong sandwich sa bibig niya. Tumawa siya ng malakas               "Inaalok mo ko sige ka kakainin ko lahat iyan, sige pa isubo mo pa sa akin, iyak ka kapag kinain ko yan. Bilisan mo at 10 minutes na lang klase ko na, maglalakad pa ako papasuk doon." Sabay turo niya sa kanilang gate.               "Saglit lang naman! Itong bruha na ito, mabilaukan pa ako kakamadali mo." Mataray na sabi nito, hindi siya napipikon dito, natatawa lang siya sa mga malalanding reaksyon nito, kapag kasi nasa kanila ito ay lalaking lalaki kumilos at pagkakataon niya iyon para asarin ito.                 "Oh sige na nga gurl mauna ka na. Pakiss muna ako inday." Sabay nagbeso beso sa kanya ito.                 "Baka hinihintay ka na nang mga chicks mo sa loob." Kumindat pa ito sa kanya. Iniwan na niya ito at naglakad sa pataas na lugar na iyon. Ayaw na ayaw niya na malelate sa unang subject niya dahil ayaw niyang tumayo ng isang oras sa harapan ng mga kaklse niya. Ganon kasi ang parusa ng teacher nila. Ok lang daw na malate sila pero tatayo sa harapan ng mga estudyante. Ayaw niya iyon at nahihiya siya lalo na at marami siyang crush sa loob ng classroom nila. Lahat halos ng mga iyon ay kaclose niya at mga kabiruan niya.                Medyo hinihingal pa siya pagkaupo niya sa kanyang seatclass. Lumapit sa kanya ang isa niyang klasmeyt.             "Dette balita ko may transferee tayong classmate ngayon."             "Talaga! Mamaya ba papasok na?" Tanong niya dito.             "Oo yata, yun ang balita ko eh, narinig ko kay Mama kanina kausap ni Ms. Cuevas." Teacher ang nanay ni Sol, teacher nila sa Science Subject.             "Ahh sige kilalanin natin mamaya. Sana maganda siya." Sabay kindat niya sa kaklase.             "Nako ayan ka na naman, umandar na naman ang pagkaboyish mo. Kaya sayo ko agad binalita eh." Umayos na ito sa pagkakaupo dahil pumasok na nang classroom ang prof nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD