Special Chapter 3

1217 Words
Masayang nagkukwentuhan sina Miles at Mikay nang di napansin ng dalaga na gabi na pala. "Hala nakalimutan ko ang oras! Nako nag aalala na sila saakin kailangan ko nang unuwi." nagpapanik na sabi ni Miles sa kaibigan. "Hatid na kita." sabi ni Mikay. Napailing nalang si Miles at ngumiti. "Wag na. Salamat nalang. Sige una na ako sa susunod nating pagkikita." tumango naman si Mikay at tumakbo na siya pabalik sa palasyo at nakita doon na naghahanap ang lahat sa kanya. "Nandito ka na! Salamat naman at ligtas ka!" sabi nung isang katulong. "Pasensya na." "Halika na pigilan mo ang mahal na hari sinisira niya ang mga gamit sa kanyang kwarto dahil galit siya dahil nawala ka." ramdam ng dalaga na nanginginig ito at tumango nalang siya at dumiretso sa kwarto ng hari at nandun ang ibang katulong sa labas ng kwarto nito. "Ako na po ang bahala dito." sabi ng dalaga sa kanila. Tumango naman sila at umalis na. Pumasok siya sa loob at nakita niya na sira na ang lahat ng gamit sa loob ng kwarto nito. "Eren." mahinang tawag nito. Hanggang makita niya si Eren sa sahig nakasandal sa kama habang nakaupo sa malamig na sahig. "Nako! Tumayo ka jan malamig jan sa sahig." pinatayo niya si Eren at si Eren nakatingin lamang sa kanya. "Ikaw na ba yan, Miles?" tumango ang dalaga nang bigla siyang yakapin ng binata. "Saan ka galing nag aalala ako sayo." sabi nito sa kanya. "May... May iniligtas lamang akong kaibigan." Humiwalay siya ng yakap saakin. "Kaibigan? Di mo ba alam na gabi na? M-maraming nag aalala sayo dito lalo na ako!" sigaw niya saakin na kinagulat ko. Ito ang pinakaunang sigaw niya saakin. "Pasensya na." "Simula ngayon wag ka nang lumabas ng palasyo." Napatingin ang dalaga sa binata. "Para na akong preso nun kung gagawin mo yun." sabi agad ng dalaga. Tumayo ang dalaga at tiningnan ang hari na nakaupo sa sahig na nakatingin sa kanya. "Para di ka na mag aalala saakin ako na ang aalis salamat sa mga araw na pinatira mo ko dito." sabi nito sabay labas sa kwarto ni Eren. Umiiyak siya habang tumatakbo hanggang makarating siya sa kwarto niya at kinuha niya ang mga gamit at agad lumabas ng palasyo na walang nakakaalam. Habang naglalakad ramdam niya ang lamig sa paligid dahil gabi na at madilim na ang paligid tanging buwan nalang ang ilaw niya sa daan. Umiiyak padin ang dalaga habang naglalakad nang biglang bumuhos ang malakas na buwan mabuti nakahanap siya ng isang bahay doon at doon nagpasilong. Hanggang sa makatulog siya kinaumagahan napamulat siya at nakita niya ang isang lalaki na nakatingin sa kanya. "Uhmmm... Sainyo ho ba tung bahay na toh?" sabi niya agad. Tumango naman ang lalaki. "Magkape ka muna sa loob mukhang giniginaw ka dito sa labas. Kakadating ko lang at nakita kita." "Salamat po, Kuya." napatingin ang lalaki kay Miles. "Kuya?" "Opo, matanda po kayo saakin kaya Kuya nalang tawag ko sayo." nakangiting sabi ni Miles. "Ganun? By the way ako pala si Zaido. Just call me that not Kuya okey? Ikaw anong pangalan mo?" sabi nito sa dalaga. "Miles po." "Nice to meet you." Nang matapos kumain agad tumayo si Miles. "Kailangan ko na pong umalis." nakangiting sabi ni Miles. "Gusto mo ihatid na kita?" sabi nito. "Wag na po. Ayos lang po ako." at nagpaalam na si Miles at umalis na. Habang sa palasyo naman ni Eren. Napagdesisyonan niyang puntahan si Miles sa kwarto nito para humingi ng paumanhin sa ginawa nito kahapon. Kumatok siya ng paulit ulit pero walang nagsalita. "Miles, buksan mo tong pintuan." kalmang sabi niya. Nang hindi padin sumasagot agad siyang nagteleport papasok sa kwarto at  nakita niya na wala ito sa higaan nito. Nagsimulang tumibok ng mabilis ang puso niya dahil sa kaba. Tumakbo siya papunta sa paliguan at walang tao doon agad siyang pumunta sa lobby at pinatawag lahat ng mga kasambahay at kawal nito. "Find her!" sigaw niya at nagsitakbuhan naman sila. Nang makalipas ang ilang minuto. "Wala po siya dito sa palasyo kamahalan." sabi nung isang kawal niya. Napahilamos siya sa mukha at gulong g**o na ang kanyang utak dahil sa nawawala ang dalaga. Nakaramdam siya ng paghihina. "Please help me find her... Help ne find my Other half. My Miles." nalaman niya na si Miles na nakilala niya ngayon at Miles na binigyan niya ng kwintas noon ay iisa pala dahil binasa niya ang  nakaraan ng dalaga at nawalan ito ng alaala dahil nabagok ang ulo nito. "Hahanapin kita Miles." Sa pwesto naman ni Miles nakahawak siya ngayon sa tyan niya dahil tumutunog na iyon dahil sa gutom. At hinang hina na din ang katawan niya di niya alam kung bakit. Parang may hinahanap. "Nako mamaya ka na tumunog jan tyan." luminga linga siya sa paligid baka may mahanap na pagkain sa paligid pero bagsak ang balikat noya dahil wala siyang mahanap. "Ayan kasi lumayas layas ka pa kasi eh! Doon sa palasyo maraming pagkain. " kausap nito ang sarili. Huminto siya saglit at umupo sa lupa. Hindi naman siya lalakad kung walang papuntahan. Pupuntahan niya ang kapatid ng Nanay niya may kinuwento kasi ang Nanay nito na may kapatid siya at sa kanya daw ito lalapit. Pumikit siya sandali at dumilat ulit napatingin siya sa isang rabbit. "Eh?" parang may tinuturo ito at tumalon talon. Kaya agad iyong sinundan ng dalaga. Hanggang huminto ang kuneho at napahinto din si Miles at napatingin sa boung lugar. "Lungsod!" masayang sabi niya at napatingin siya sa kaharian. "Ang laki naman." nakangangang sabi niya sa sarili. Agad siyang tumakbo papunta sa  Lungsod at hanggang makarating na siya sa lungsod. "Wow!" tiningnan niya ang mga gamit na nakasabit at mga pagkaing nakalatag sa mesa. Kumakalam ang tyan niya habang nakatingin sa mga pagkaing nandoon. Napatingin siya sa mga presyo na nandoon at napanganga siya dahil puro iyon ang mamahal at wala na siyang naiwang pera para ibili ng pagkain. Nagbuntong hininga nalang siya at lumakad doon palayo. Hinang hina siyang naglalakad nang may narinig siyang sumigaw. "Tumabi ka!" sigaw ng isang boses at nagpalinga linga naman siya at wala naman siyang nakita nang biglang napatingin siya sa taas dahil sa anino na papunta sa kinatatayuan niya. Huli na para makailag siya napapikit nalang siya at naramdamang nasa sahig na pala silang dalawa at nakahiga siya habang ang lalaki ay nakapatong sa kanya. "Waaaa!" tili niya napapikit naman sabay takip ng tenga ang lalaki. "Miss wag kang sumigaw." sabi nito. Napatigil naman siya sa pagsigaw at umalis na ang lalaki sa harapan niya at tinulungan siya nitong makatayo. "S-Salamat." sabi nalang ni Miles sa estranghero. "Hulihin siya!" napatingin ang dalawa sa mga tao. "Nako!" hinawakan bigla ng estranhero ang kamay ni Miles at tumakbo silang dalawa. Hingal na hingal sila nang makakita ng taguan. "Teka bakit mo ko dinala dito! Mukhang kasali na ako sa hahanapin nila! Di kita kilala bakit mo ko dinamay!" "Uhmm... Nakita kasi nila na kausap kita malaking kasiguraduhan na huhulihin ka din nila" sinamaan siya ng tingin ni Miles at umirap. "Ang sungit naman. By the way ako nga pala si Red." sabi nung estranghero kay Miles. "Miles, yun ang pangalan ko." pakilala din niya. Nang biglang tumunog ang tyan ni Miles. "Gutom atah sila. Tara libre kita ng makakain para di ka na magalit saakin." nagningning naman ang mata ng dalaga. "Sige!" ***** LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD