Special Chapter 2

1072 Words
Good Heart Naglalakad ang dalaga habang nakayuko di siya makapaniwala na nasa isang palasyo siya pero parang pakiramdam niya sanay na siya sa ganitong pakiramdam. Pero nananaig padin ang kaba sa kanyang dibdib sa mga oras na iyon dahil makakaharap niya ang isang hari na nagligtas sa kanyang buhay. "Uhmm... May itatanong lang ako." sabi ng dalaga sabay dikit sa katulong. Napahinto naman ang katulong at humarap sa kanya. "Ano po iyon, Miss?" "Uhmm... Yung si King Eren... Ganun ba talaga ang aura niya? Yung parang kakain ng tao?" kanina pa kasi umiikot sa utak niya kung cold ba o hindi ang Hari kasi yung huling tingin niya sa hari ay mabait naman pero mukhang di siya sure baka mapagalitan siya mabuti na at handa siya. "Ang mahal na hari po ay hindi nagpapakita ng awa sa iba. Malamig siya sa lahat at tinatawag siya dito na Coldhearted King." napanganga ang dalaga. "G-ganun ba?" may naisip siya di niya alam kung tatabla ba basta kailangan niyang gawin para maging magkaibigan sila ng hari. "Tayo na po baka hinihintay na po tayo ng hari." sabi nito at tumango nalang si Miles hanggang makarating sila sa hapagkainan at nakita niya ang hari na nakatingin sa kanya. "Nandito na po siya, Mahal na hari." sabi ng katulong. Tumango ito. "Maaari na kayong lumabas." sabi nito at nagsilabasan naman silang lahat. At naaakwardan si Miles ngayon di niya alam kung uupo ba siya o mananatiling nakatayo. "Come here." nagulat siya nang magsalita ang hari. Agad naman siyang sumunod hanggang makarating na siya sa gilid ng hari. Bigla namang tumayo ang hari at inisug niya ang isang upuan sa tabi nito. Napatingin naman ang dalaga sa kanya at napaiwas naman ng tingin ang binata nahihiya ito sa dalaga. Kahit may pagka coldhearted ito pero pag dating sa dalaga natutunaw iyon agad di niya alam kung bakit. 'Magkapareha lamang sila ng pangalan. Pero bakit may pagkaparehas sila?' ang nasa isipan ng binata. "Sit here." sabi ng binata. Nahihiya na tumango ang dalaga at umupo sa upuan at bumalik naman ang hari sa upuan nito. Nilagyan nito ng pagkain ang dalaga. "A-ako na po." nahihiyang sabi ng dalaga. "Ako nalang." malamig na sabi nito. Nang matapos nang lagyan ng pagkain ang plato ng dalaga nilagyan din ng hari ang kanyang plato. "Then let's eat." agad tumango ang dalaga at kumain na. "I hope you're not scared at me." natigilan ang dalaga at napatingin sa binata. "P-po?" "Natatakot ka ba saakin?" tiningnan ng binata ang mga mata nito. Nakikita niya ang mga mata ng Miles na nakilala niya noon. Alam niya na nawawala ang Prinsesang nagustuhan niya noon at pati siya hinahanap niya si Miles. At heto ngayon nakita niya ang dalagang nagngangalang Miles at kailangan lamang niya ng patunay para malaman kung siya ba talaga ito. Tumango ang dalaga na kinabuntong hininga ng binata. "Wag kang matakot saakin. Ako ang poprotekta sayo sa mga gustong kumuha sayo." sabi nito at nagkatinginan sila ng binata. Bigla nalang tumulo ang luha ng dalaga. "B-bakit ka umiiyak?" "Salamat at dumating ka... Akala ko wala nang taong magsasabi saakin niyan." pinunasan ng binata ang luha ng dalaga at napangiti ito. Tatlong taon ang nakalipas dito na nakatira si Miles at sa oras na umaalis ang hari ay tinutulungan niya ang mga katulong sa paglilinis dahil wala naman siyang ginagawa. Naging kaibigan din niya ang mga katulong dito at mga kawal sa palasyo. Pero saa ibang tao malamig ang pakikitungo ng hari pero pagdating sa kanya bumabait ito. Di niya alam kung bakit. "Kailangan ko munang bumili ng mga gulay naubusan na eh." sabi ng isang katulong. Napatingin ang dalaga sa kasambahay. "Sama ako!" sabi nito agad. "Po? Diba saabi ng hari dito lang po kayo?" "Sige na! Mamaya pa yun dadating sige na gusto kong mamasyal ngayon." tumango nalang ito at lumakad na sila. Namamangha padin ang dalaga na makakita ng mga mahika sa market place may mga nagliliparan kasi. Sa palasyo kasi bihira lang ang gumagamit ng kapangyarihan pag naglalaban lang. Nalungkot ang dalaga dahil wala mman lang siyang ganung kapangyarihan. Nangangarap siya ng ganung kapangyarihan kahit ano kahit mahina basta meron yun lamang ang hiling niya para makapagligtas siya ng mga tao. Napatingin siya sa isang side ng parang bahay. Parang nakarinig ang dalaga na may humihingi ng tulong. "Pwede pumunta muna ako doon?" sabi ng dalaga sabay turo sa bahay. "Uhmm sige po sandali lang po ha uuwi po agad tayo." ngumiti naman ang dalaga at nagpaalam na. Pumasok siya doon at nakita niya na isa pala iyong potion store. Nandito lahat ng potion na nakalagay sa bote. Wala namang tao dito sa loob. 'Tulong' Sinundan niya ang boses hanggang makarating siya sa isang pinto dahan dahan niya iyong binuksan at nakita niya ang isang Babae na hinang hina na. "Teka... Bakit ka nandyan? Bakit ka nakakadena?" sabi niya agad sa dalaga. Di aakalain ng dalaga na narinig si ni Miles. "Narinig mo ko?" gulat na sabi niya tumango naman si Miles. "Tulungan mo ko ayoko na dito. Hinahanap na ako ng aking Ama at Ina." tumango naman si Miles at humanap ng susi hanggang napatingin siya sa dingding nakita niya doon ang susi. Kinuha niya agad iyon at tinanggal ang kadena sa paa ng babae. Hanggang makatakas iyon. "Tayo na at lumabas na tayo." tumango ito at agad silang lumabas mabuti walang bantay ang bahay hanggang makarating sila sa kagubatan. "Salamat. Iniligtas mo ko anoong gusto mong hiling bilang gantingpala." nagulat si Miles sa sinabi ng dalaga. "Kailangan pa ba nun? Eh gusto lamang kitang iligtas di ko na kailangan iyon." sabi nito sa babae. "May mabuti kang puso. Pero kailangan talaga sabihin mo lang at ibibigay ko sayo." "Be my friend." nagulat ang babae sa sinabi ni Miles. Ngumiti ito at niyakap si Miles. "Salamat. At kaibigan na kita." humiwalay ito ng yakap. "Ako nga pala si Lynn Mikay. Isa akong fairy princess. Ikaw ano ang iyong pangalan?" napanganga si Miles sa sinabi ni Mikay. "Prinsesa ka?" sabi ng dalaga at tumango si Mikay. "Yup at bilang kaibigan ko may ibibigay ako sayo." biglang nag cast siya ng magic at pumunta iyon sa bewang ko at isa iyong pink tattoo saakin. At pinakita din niya ang sa kanya at violet ang kulay nung sa kanya. "Yan ang palatandaan na tayo ay magkaibigan magpakailanman hanggang sa susunod at susunod pa na buhay." napangiti naman si Miles at niyakap si Mikay. "Thank you, my new friend." ****** LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD