Chapter Two

1073 Words
GINA JANE CHOI's POV "Jane, tumigil ka nga sa kakaikot! Nakakahilo ka na eh. Ano bang hinahanap mo?" Tanong ni Wendy. "Nawawala kasi yong bracelet na bigyan sa akin ni Aunt Estela. Galing pa yon sa mama ko. Yon nalang ang tanging alaala ko sa kanya." Sagot ko habang tinitignan ang bawat sulok ng room. Naiiyak na rin ako. Kailangan kong makita ‘yon. "Naku! Sige. Tutulungan kitang maghanap. Dapat iniingatan ang gamit lalo na kung may sentimental value. Sana hindi yon napunta sa masamang palad." Sana nga. Nilagay ko lang naman ‘yon dito sa ilalim ng desk ko dahil makakasagabal sa P.E subject namin. Naglaro kami ng volleyball. Kainis! Burara ko talaga. Dapat kong mahanap yon. Patuloy lang kami sa panghahanap sa nawawala kong bracelet. Sana naman kapag nakita ng iba yong bracelet ko, ibalik sa akin. Nakakalungkot isipin na ang kaisa isang alaala ng mama ko ay naiwala ko pa. Nakaupo kami ni Wendy sa hallway. Napagod kami sa kakahanap. Hindi pa rin namin ito makita. Naiiyak na talaga ako sa katangahan ko. "Oy, Jane. Look! Yung crush mo. Papalapit sa atin. Ayie!" Tukso sa akin ni Wendy. "Ano ka ba?! Baka marinig ka. Nakakahiya." Mahina kong sabi. Kinurot ko sya sa tagiliran. "Grabe ka naman. Wala namang masama sa crush ah. Ang OA mo." "Hindi nga masama pero yang bunganga mo naman ang pahamak." Eskandalosa pa naman bibig nya. Hinanap ko ang tinutukoy nya. Nakita kong papalapit sya sa direksyon namin. Help! My crush is coming! "Hi, Gina." He smiled. Oh! My! Dimple! "H-h-h-he---" Nagtutunog kambing ako sa pinagsasabi ko. Siniko ako ni Wendy. "Hoy, Jane! Umayos ka nga." I composed myself bago ulit magsalita. Kinakabahan talaga ako. Ang crush ko! Si Dennis Park! "Hello." Nahihiya kong sabi. Buti nalang, di na ako nauutal pero feeling ko namumula ako sa kilig. "Ahm. Sayo ba ito? Nakita ko kasi yan sa gate." May iniabot sya sa akin. Napasinghap ako sa gulat ng makita ang hawak nya. Ang bracelet ko! Kinuha ko yon at pinaghahalikan ang bracelet. "My bracelet! Naku! Buti nalang nakita na kita! Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kapag nawala ka." Mama, promise ko po, I will keep this bracelet safe. Sorry po kung nawala sya sa akin but I will assure you, hindi na sya mawawala sa akin. Lihim kong dasal. "Jane, baka gusto mong mag-thank you muna sa nakakita? Tsaka, sya nalang ang halikan mo imbis na yung necklace." Tukoy ni Wendy kay Dennis. "Ay! Oo nga pala! Thank you." I smiled. Hindi ko pinansin ang huling sinabi ni Wendy. "Your welcome. Basta next time, ingatan mo na yan ha?" That dimple. Its very cute and his so handsome when he smiles. Feeling ko ay nasa heaven ako. "I-i will. T-thanks again." After that incident, hindi na sya mawala sa isip ko. Until dumating yong time na hindi ko na sya crush, love ko na pala sya. One-sided love kung maituturing. Nasa kanya na kasi lahat ng personality na gusto ko sa isang guy. Alam kong bata pa ako pero yong puso ko parang ang bilis mag-mature. Until the worst scenario came. Sobrang nakakahiya. Parang gusto ko ng maglaho sa paningin nya. Lumubog at maglaho. "Habulin mo ako, Gi! Kunin mo to! Dali!" Naghahabulan kaming dalawa. Kinuha nya kasi yong wallet ko. Siraulo talaga. Close na kami kaya nagagawa na nya akong asarin. "Akin na kasi yan! Bibili pa ako ng pagkain eh! Ibalik mo yan! Nagugutom na ako!" Sigaw ko. Nakakainis! Sya kaya kainin ko! Sa sobrang desperada ko, mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Nang malapit ko na syang abutan, nadapa ako at napahawak sa pants nya. When I looked up, I saw his...brief! My virgin eyes! Oh no! Pati position ng pagbagsak namin sa semento, nakakahiya. My face is just three inches away from his brief at nanlalaki talaga ang mata ko. At nang tignan ko sya, namumula na hindi makapaniwala. Dali dali akong tumayo at kinuha ang wallet ko sa kamay nya. Dali-dali din syang tumayo at inayos ang pants nya. Gosh! Ano ba yong nagawa ko? Nakakahiya! "A-a-ahm. S-sorry. S-sorry talaga. H-hindi ko sinasadya." Nahihiya kong sabi. Hindi ako makatingin sa kanya! Nangangamatis na rin ang mukha ko sa kahihiyan. Ang dami naman kasing pwedeng hawakan, bakit yong pants nya pa? "O-okay lang. I’m sorry." Ha?! Okay lang daw?! Sira ba sya?! "Anong okay?! Kung hindi mo kinuha yong wallet ko, eh di sana... H-hindi yon nangyari!" Pasaway kasi! Yan tuloy ang napala nya. "I just said sorry! It's my fault. I know. Tss!" After that, medyo ilang na akong lumapit sa kanya. Nakakahiya talaga! After our elementary graduation, lumipat kami ng bahay. Malayo kasi ang work ni Auntie Estela dito sa amin. Simula noon, wala na akong balita about Dennis Park. Habang tumatagal, nawawala na rin yong feelings ko para sa kanya. Siguro hindi pa ganoon kalalim yong love ko sa kanya kaya nawala nalang. MADAM M's POV "Babe, balak mo pa rin bang ituloy ang plano mo?" Sabi ni Kirby habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang kamay nya. Nandito kami sa condo niya. We are lying in his bed. We're both naked. "Of course! Itutuloy ko pa rin. Walang makakapigil sa akin. Planado na ang lahat. Bahala na si Gina sa dapat nyang gawin. Nasabi ko na sa kanya ang lahat ng dapat kong sabihin kaya I know that she can do it. Pero hindi nya alam kung anong klaseng mission ang pinasok nya." Nakangisi kong sabi. "You're such an evil, babe. That's why I love you. Angel on the outside, evil inside." He kissed my temple. I know, right. I'm evil, witch, b***h, etc. Bahala na kayo kung anong gusto nyong itawag sa akin. I don’t freaking care! Boyfriend ko si Kirby pero hindi ko sya mahal. Sinagot ko lang sya dahil pareho kaming galit kay Dennis Park. Dahil sa Park na yon, parehong nawala ang pinakamamahal namin sa buhay kaya't magbabayad sya! "Babe, I love you." I heard Kirby said. "Yeah. Whatever." I don’t give a s**t for his feelings for me. Alam naman nya na hindi ko sya mahal and its just like kailangan lang namin ang isat isa para sa paghihiganti namin. Sya lang ang OA sa relasyon na ito. Oras na matapos ni Gina ang mission nya, isusunod ko na rin sya sa namayapa nyang ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD