Chapter Three

1246 Words
Dennis Park's POV I was about to enter my office when I saw her chatting with her co-workers. She's very friendly and jolly person. I guess, makaka-adjust sya ng madali sa kompanya. "Miss Choi, coffee please. No sugar." I said nang mapadaan sa direksyon nila. Her co-workers greeted me. "Right away, Sir." Pumunta na sya sa mini kitchen ng office ko. Naturo na ni Ms. Ramillete ang mga dapat nyang gawin before ito mag-resign kahapon. "Here's your coffee, Sir." She said with a beautiful smile that made her eyes look so hot. Oh! Erase that! Anong sabi ko? Hot? Yeah. I know, hot ang coffee ko. Funny. "Thanks. May meeting ba ako for this month?" I asked. "Yes, sir. A business proposal for ---" Naputol ang sasabihin ni Gina ng may dumating. "Den!" Sigaw ni Min Rin. Min Rin is my childhood bestfriend. Half filipino and half korean sya. She's still single pero ewan ko ba sa babaeng yan kung bakit wala pa ring boyfriend hanggang ngayon. Sabi nya, may mahal na sya pero ayaw nyang i-risk ang kung anong relationship ang meron sila. Bigla nya akong niyakap. "Den, I'm back! I missed you so much!" "Y-yeah. I see. Wait. Miss Choi, I'll talk to you later. I have to face this bwisitor." "O-okay, Sir." She flashed a weak smile and leave. Pabiro akong pinalo sa braso ni Min Rin. "Hey! I'm not a bwisitor! I'm too pretty for that! Wait. Who's that girl? Is she new here?" "Yeah. She's my new secretary. Anyway, what are you doing here? I thought nasa Korea ka?" Third year high school kami ng umalis sya ng bansa. Sa seoul na nya pinagpatuloy ang pag-aaral nya. Ngayon nalang ulit kami nagkita, kahit na nagkakausap kasi sa telepono. "Uh-huh. Pinauwi lang ako ni Mommy para asikasuhin yung business namin sa Palawan. Since matagal na rin akong hindi nakakauwi ng Philippines, pumayag agad ako. At syempre para makita ko na rin ang bestfriend ko." Nakangiti nyang sabi. Hindi pa rin sya nagbabago. "Yeah. I missed you too. Sana tinext mo ako para nasundo kita sa airport." "No need na. Nga pala, may pasalubong ako sayo from Korea. Dala ngayon ni Nathan. Pinaluto ko sa kanya kasi alam kong mas masarap syang magluto kesa sa akin. Ihahatid nya nalang daw dito mamaya. I dropped here just to say hello to you. I have to go. May pupuntahan pa ako eh." Saka lang nya naisipan na bumitaw sa pagyakap sa akin. "Okay. You take care." I said. Dahil wala kaming babae na kapatid, sya na ang tinuring ko na baby sister. Close nya rin ang iba kong kapatid. Mga sabik kasi kami sa kapatid na babae. Alam nyo naman. Puro lalaki kasi kami. "Sir, nandito na po ang mga kapatid nyo." Gina said when she opened the door. Pansin ko lang, parang medyo malungkot si Gina. Iba yung aura nya ngayon kesa noong nakita ko sya kaninang umaga. "Let them in." Kakausapin ko nalang si Gina mamaya about sa meetings ko this month. "Kuya! Here's your lunch! I made it!" Masiglang sabi ni Nathan. Lunch na pala. Hindi ko napansin. Dumating na rin ang pinakafavorite kong kapatid kasama ang pinakapasaway sa lahat ng pasaway na si Marcus. "Yeah. I know you cooked it but Min Rin bought the ingredients from Seoul." "How did you know?" Takang tanong ni Nathan. "Hello?! Obvious naman na pumunta na dito si Ate Min Rin. Slow ka talaga." Marcus said while playing using his cellphone. "Shut up Marcus! Maglaro ka nalang dyan. Dapat pala hindi na kita sinama dito." Iritableng sabi ni Nathan. "Hay naku! Nagsalita ang hindi magulo. Argh! Tignan mo! Natalo tuloy ako! Kainis! Sarado mo nga yang bunganga mo baka sakaling manalo pa ako." Saka nya lang inangat ang tingin. "Guys, enough. Anyway. Salamat sa pagdala nitong pagkain. Alam kong gaganahan na naman akong kumain dahil ang future chef natin ang gumawa." "Future Chef? I don't think so, Kuya. Kasi alam ko naman na sa ibang branch ng HBE ang bagsak ko." Malungkot na sabi ni Nathan. "Oo nga. Magluluto ka ng mga papeles." Ang hilig talagang asarin ni Marcus si Nathan. Nasa Highschool level palang silang dalawa. Nathan wants to be a chef someday. But as you can see, may kanya-kanya kaming branches na ima-manage. "Manahimik ka na nga lang dyan. By the way kuya, may bago ka na palang secretary. She's nice and pretty huh." Nathan noticed. "And hot!" Dugtong naman ni Marcus. Natawa naman ako sa sinabi ni Marcus. Minsan nakakatakot syang kausapin kasi babarahin ka at aasarin ka. Ang talas din ng utak at dila nya. "I hired her yesterday." Imporma ko sa kanila. "Pero kuya, sexy sya di ba? Ang hot talaga! Aminin mo kuya." Pagpapaamin sa akin ni Marcus. Binitawan nya muna ang cellphone nya at tumingin sa akin na parang natatakam. "Whatever, game addict." Nasabi ko nalang. Hinding hindi ako magsasalita ng kung anong nararamdaman ko dahil alam kong aasarin lang nila ako. Then Nathan's phone beep. "Oh! Kuya, alis na pala kami. Nagpapabili pa kasi ng pizza si Kuya Matthew." I nodded. Tumayo na silang dalawa. "Marcus! Pakisabi kay Gina na pumasok sya sa office ko." Sabi ko. "Oh. Gina is the name, huh? Hmm... Okay." That evil smile. I know may pinaplano to. GINA JANE CHOI's POV Inaayos ko ang mga papeles sa table ko ng may humawak sa kamay ko. "Hey! Gina, right? Tawag ka ni Kuya. Be ready. Baka hindi ka na nya palabasin sa loob ng office." Ngisi nyang sabi. Tumindig ang balahibo ko sa sinabi nya. Gosh! Hindi ako palalabasin sa office ni Dennis?! Noooo! "Wag kang maniwalan dyan. Pinagtitripan ka lang nyan. Pumunta ka na sa office ni Kuya Dennis." Sabi ng kasama nya. Mas mukhang mabait ang kasama nitong siraulong lalaki na hanggang ngayon hawak pa rin ang kamay ko. Nakangisi pa rin sya. "Marcus, bitiwan mo na sya. Umaatake na naman yang kapilyohan mo." Sabi ng medyo maliit doon sa Marcus daw ang name. "KJ mo talaga Nathan kahit kailan." Binitiwan na nya ang kamay ko at umalis na sila. Grabe yon ha! May ganon palang kapatid si Dennis. "Gina, what's my schedule for this month?" "You have fifteen meetings for this month and a photoshoots." I said at sinabi ko na rin kung anong mga meetings yon. "Okay. By the way, is it okay kung mag-o-overtime ka starting next week para if ever na kailangan ko ng help or advice, nandyan ka." He smiled showing his only one dimple. Kahit na isa lang ang dimple nya, ang cute nyang tignan. Parang kinikilig ako kapag nakikita ko ang nag-iisa nyang dimple. "Gina, okay ka lang?" Nag-aalala nyang sabi. Gosh! Natulala pala ako sa dimple nya. Kasi naman eh! Ang cute! At ang gwapo nya. "A-ah. O-okay lang po ako. Hehehe. Ahm. Okay lang po sa akin mag-overtime next week." Kinakabahan kong sabi. Then I remembered my mission. This is it! I 'll execute the plan next week. I hope makita ko na ang pakay ko rito. I'm sorry, Dennis. Trabaho lang. Kailangan ko na syang gawin as soon as possible. Ayaw pa naman ni Madam M na pinaghihintay sya ng matagal. Sa tagal na hindi kami nagkita ni Dennis, ngayon pa kami magkikita in a bad situation. I feel bad for him. Sana mapatawad nya ako sa gagawin ko. I'm really sorry, Dennis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD