CHAPTER 03

1153 Words
Nagising si Leonhart na may brasong nakayakap mula sa baywang nya. Nilingon nya si Sophie at mahimbing itong natutulog habang nakaawang ang mapulang labi. Napakainosente ng maamong mukha nito. Kusang sumilay ang ngiti sa labi nya habang nakatitig sa kababata nya. Medyo naibsan ang sakit ng ipin nya ngayon. Mukhang epektibo ang ginawa ni Sophie kagabi. Bumangon na sya at hinayaan itong nakahiga sa kama. Tiningnan nya ang sariling mukha sa salamin, namamaga pa rin ang pisngi nya pero naibsan na ang kirot niyon. Thanks to her best friend. Malaking tulong talaga na kasama nya ito. Palagi na lang sya nitong inaalagaan kaya napakasuwerte nya dahil naging kaibigan nya ito. Bigla syang natigilan at napaisip. Mas masuwerte siguro ang magiging nobyo nito, pero dadaan muna sa kanya ang lahat ng magtatangkang manligaw kay Sophie. Hindi sya papayag na mapunta na lang sa basta-basta ang best friend nya. Hindi sya papayag na maloko na naman ito ng kung sinong gunggong lang. Gusto nyang mapunta si Sophie sa lalaking mamahalin talaga ito ng totoo at ibibigay kung ano ang pagmamahal na deserve ng kaibigan nya. Bumaba sya upang maghanda ng breakfast. Sya ang magluluto ngayon para makabawi naman sya kay Sophie. Topless nyang isinuot ang apron sa katawan at nagluto ng agahan. Bacon, sausage at itlog ang niluto nya. Nagsangag din sya ng kanin at nagtimpla ng gatas para kay Sophie. Napangiti sya nang maihain nya iyon sa lamesa. Palagi nyang tinitimplahan ng gatas si Sophie kapag dito ito natutulog sa bahay nya, iyon nga lang ay hindi na nya iyon nagawa kagabi dahil sobrang sama ng pakiramdam nya dala ng sakit ng ipin nya. Pumanhik na sya sa itaas upang tawagin ang kababata nya. Marahan nyang binuksan ang pintuan at ganoon na lamang ang pagkagulat nya nang makitang nakatalikod ito sa kama habang nakasuot lang ng bra at underwear. May nakalagay na tuwalya sa buhok nito at bagong paligo lang. Mabilis syang natigilan at napatalikod. Agad nyang isinara ang pintuan nang hindi nito namamalayan. What the f**k?! Bakit ba hindi man lang ito nag-lock ng pintuan gayong naligo pala ito sa silid nya? Tsk! Napalunok sya at pakiramdam nya'y nanigas sya sa kinatatayuan nya. Humugot sya ng isang malalim na buntong-hininga. The feeling is so weird. What the hell is happening to him? Si Sophie lang naman iyon, ang best friend nya. Ipinilig nya ang ulo at kinalma ang sarili. Marahan syang kumatok sa pintuan habang nakapikit. "Sophie?" tawag nya sa pangalan nito. "Yes? Nagbibihis ako sandali lang," sagot nito sa kanya. "Ah, o-okay bumaba ka na dyan nagluto ako ng breakfast." habol ang hiningang sambit nya. Tsk! Bakit ba sya nauutal? "Susunod na ako," sagot nito sa kanya kaya bumaba na sya ng hagdan. Saka lang sya nakahinga ng maluwag nang makabalik sya sa ibaba. Hinintay nya itong bumaba at ilang sandali lang ay lumabas na nga ito ng silid nya. Pababa na ito ngayon sa hagdanan. Hinagod nya ito ng tingin. Suot nito ang malaki at maluwang nyang t-shirt na kulay pula. Umabot iyon hanggang sa tuhod nito. Muli syang napalunok. Hindi naman ito ang unang beses na ginagamit nito ang mga gamit nya, pero ngayon ay may kakaiba syang nararamdaman at naiinis sya sa sarili nya dahil ang weird ng nangyayari sa kanya ngayon. "Anong nangyayari sayo bakit ganyan ka makatingin?" takhang tanong nito sa kanya nang makababa na ito. Napakurap sya at ipinilig ang ulo. Basa pa ang buhok nito na tumutulo. "Ah, wala kang pasok ngayon sa clinic mo?" pag-iiba nya ng usapan. Kumunot naman ang noo nito. "Hello? Sunday po kaya ngayon so it's my day off," sagot nito sa kanya at humila ng upuan. Napangiti ito nang ilinga ang paningin sa mga nakahain sa lamesa. "Talagang nagluto ka for me? Anong may'ron?" Sya naman ang napakunot ang noo dahil sa tanong nito. "Hindi ba't dati ko namang ginagawa ito?" aniya at nagsandok ng sinangag. Nilagyan nya ang plato nito ng sinangag at kinuha naman nito ang baso ng gatas na itinabi nya para dito, ininom nito ang laman niyon. "Thank you!" nakangiting sabi nito sa kanya. "Anything for my best friend." Ngumiti na rin sya at kumindat sa kababata nya. Napansin nya na parang biglang namula ang mukha nito. "H-hey bakit namumula ang mukha mo?" takhang tanong nya. Kinabahan sya dahil baka may allergy ito pero wala pa naman itong kinakain sa mga hinanda nya, saka lagi naman nya itong pinagluluto ng ganitong mga pagkain noon pa. "H-ha? W-wala ito, wag mong pansinin baka dahil lang sa pagkakaligo ko ng maaga," sagot naman nito sa kanya at naging mailap ang mga mata. Hindi na sya nagsalita pa at sinimulan na nilang kumain. Tahimik silang nagsalo ni Sophie at paminsan-minsan ay napapasulyap sya sa mukha nito, sakto naman na nakatingin din ito sa kanya kaya nagkakangitian na lang sila. Ang ganda ng best friend nya at ang simple lang nito kaya hindi nya maintindihan kung bakit lagi itong niloloko ng mga lalaking nakakarelasyon nito. Mabait pa ito at maasikaso, sana sa susunod na may ipakilala ito ulit sa kanya eh matinong lalaki na iyon. "Wala ba kayong gig ngayon?" bigla ay tanong nito sa kanya. "Mayroon mamaya sa Cavite, sasama ka ba?" Mabilis naman itong ngumiti sa kanya at tumango. "Of course! Gusto kong mag-chill eh,” nakangiting sagot nito sa kanya. "Chill ka dyan, bawal kang uminom. Baka mamaya ay mapaaway na naman ako dahil sayo. Ayoko ng nilalapitan ka ng mga kung sino-sinong lalaki lang sa bar," aniya at uminom ng tubig. "So paano ako makakapag-chill nyan?" "Manood ka na lang. Wala ng chill-chill pa,” iiling-iling na sabi nya. Sumimangot ito sa kanya at pinitik ang kamay nya. "Minsan lang iinom eh, parang San Mig Light lang naman." "Gaano kadalas ang minsan? Alak pa din ‘yon,” pagkontra nya. "Hmp! Ang KJ mo talaga kahit kailan." "Pinoprotektahan lang kita." "Fine! Wala na akong sinabi,” pagsuko nito sa kanya. Napangiti naman sya at pinitik ang ilong nito. "Good girl!" Kinuskos nya ang buhok nito at agad naman nitong inalis ang kamay nya. "Ginagawa mo na naman akong bata Leonhart Carson. Bunutin ko 'yang ipin mo dyan eh!" natatawang sabi nito. Naningkit ang mga mata nya dahil doon. "Hindi na sumasakit," sabi nya at pinalakas ang loob. Ayaw nya talagang ipabunot ang ipin nya. "Hindi sumasakit kasi namamaga. Baka may impeksyon na yan," anito sa kanya. Bigla syang kinabahan. "Tinatakot mo na naman ako." "Hindi kita tinatakot. Pinapaalalahanan lang kita." Napasimangot sya at inis na kinamot ang buhok. "Fine! Bukas ay pupunta ako sa clinic mo para patingnan ito," aniya at agad naman na sumilay ang ngiti sa labi nito. "Very good!" nakangising wika nito kaya napailing na lang sya. No choice sya, ayaw pa nyang mamatay. Gusto nya pang magpalaganap ng magaganda at gwapong lahi sa mundo. Napabuntong-hininga na lang sya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD