CHAPTER 02

1430 Words
Nakakalumbaba si Sophie habang nagmumunu-muni at nakatanaw sa bintana ng kwarto nya. Nagtatakha sya dahil bukas pa ang ilaw sa silid ni Leonhart. Magkalapit lang ang bahay nila kaya naman tanaw nila palagi ang isa't isa. Baka mayroong gig ang mga ito ngayon at kadadating lang kaya gising pa din ang kababata nya. 1:00 AM na kasi at hindi naman sya makatulog. Sumitsit sya at sinimulang pukawin ang pansin ni Leonhart. Ganoon lang ang ginagawa nya at gets na agad ni Leonhart ang pagsitsit nyang iyon. Mabilis itong nagbukas ng bintana at dumungaw roon habang nakatanaw sa kanya. Malungkot ang mga mata nito at nakahawak sa pisngi kaya nagtakha sya. Anong nangyayari sa taong ito? Tumingin sya sa table malapit sa kama nya at kinuha ang papel na nakapatong doon kasama ang pentel pen. Nagsulat sya doon at pagkatapos ay ipinakita iyon kay Leonhart. WHAT'S WRONG? Iyon ang nakalagay sa sinulatan nyang papel. Nakita nyang may kinuha din si Leonhart at nagsimula din itong magsulat. Nang matapos ito ay ipinakita nito sa kanya ang papel na sinulatan nito. TOOTHACHE.  Nakasimangot pa talaga ang mukha nito habang pinapakita sa kanya ang sulat. Napailing na lang sya. Dali-dali syang lumabas ng silid nya bitbit ang maliit nyang bag at tinungo ang bahay nito. Kumatok sya sa pintuan nito at mabilis naman nitong binuksan iyon. "Bakit ka pa lumabas? Gabi na," anito sa kanya habang nakahawak sa pisngi. Imbes na sumagot ay pinagmasdan lang nya ang kababata at hinawakan ang pisngi nito. "Bakit hindi mo sinabi agad sakin? Mukha ka ng alien," aniya rito kaya mas lalong umasim ang mukha nito. Pumasok na sya sa loob at naupo sya sa couch. Naupo rin si Leonhart sa tabi nya. "Ang gwapo ko namang alien kung ganun,” biro pa nito kahit hindi na maipinta ang mukha nito. Magang-maga ang ipin nito kaya kailangan nya muna itong paimpisin. Kailangan nitong uminom muna ng gamot para sa pamamaga. Mabuti na lang at may mga antibiotic pa syang naiuwi. "Kailangan mong inumin ito," aniya dito habang inilalabas ang gamot mula sa bag nya. "Mawawala ba ang sakit ng ipin ko dyan?" "Mawawala ang pamamaga, kapag nawala ang pamamaga bubunutin ko na at kapag nabunot ko na ay mawawala na ang sakit na pinoproblema mo," sagot nya dito. "What? No! Ayokong magpabunot ng ipin," sabi nito at parang batang nagmamaktol. "Ah, ayaw mong ipabunot? Gusto mong maimpeksyon at mawalan ng drummer ang Buzz Tone? Kawawa ko naman pala, mawawalan ako kaagad ng bestfriend." pananakot nya dito. "Sophie naman!" Halatang natakot ito sa sinabi nya. "Bahala ka, kung ayaw mong ipabunot yan eh simulan mo ng mamaalam sa Earth." Sumimangot lang ito sa kanya at sinandal ang ulo sa balikat nya. Nagsimula itong umingit na parang bata. Naiintindihan nya ang nararamdaman nito. Alam nya kung gaano kahirap kapag ipin na ang sumasakit. "Sobrang sakit..." mahinang daing nito at ipinikit ang mga mata habang nakatingala. Hinawakan nya ang pisngi nito at hinimas iyon. Malamang na hindi ito makakatulog ng maayos dahil sa kirot ng ipin nito. Maya-maya ay bigla itong nagsalita. "Sophie?" "Yes?" "N-nakakamatay ba talaga ang impeksyon sa ipin?" Pinigilan nya ang matawa sa tanong nito. Akala nya ay kung ano na ang sasabihin nito. Mukhang natatakot ito sa sinabi nya kanina at iniisip pa rin pala nito iyon. "Y-yes. Impeksyon 'yon kaya nakakamatay," sagot nya. "Wala na ba talagang ibang paraan?" "Wala na, kailangan na nating mabunot yan. For sure mayroon ng sira ang ipin mo kaya ganyan." "Pero wala naman akong nakikitang sira ng ipin ko kapag tinitingnan ko sa salamin." "Maybe nasa loob ang sira kaya ganoon," sagot nya. Hindi na nagsalita pa si Leonhart pero rinig pa din nya ang mahihina nitong daing. Tumayo sya at tinungo ang ref. Kumuha sya ng yelo roon at inilagay iyon sa maliit na towel. Bumalik sya kay Leonhart habang bitbit iyon. Nakapikit ito habang nakatingala at nakasandal sa couch. Lukot-lukot ang noo nito kaya di nya maiwasan ang maawa. Naupo sya tabi nito at inilapat ang bimpong may yelo sa pisngi ng kababata nya. Bahagya nitong inatras ang mukha sa kanya habang nakakunot ang noo. "What's that?" tanong nito. "Bimpo na may yelo. Ilalapat ko sa pisngi mo para mamanhid at mawala ang kirot. Ang hilig mo kasi sa matatamis ayan tuloy!" sermon nya dito at sya na ang naghilig ng ulo ni Leonhart sa balikat nya habang marahang idinadampi sa pisngi nito ang bimpo. "Sophie?" mahinang tawag nito sa pangalan nya. "Ano?" "T-thanks ha?" "Thanks for what?" "For taking care of me. Kahit madaling araw na ay pinuntahan mo pa din ako dito." "That's what friends are for," sagot nya. "I'm so lucky to have you," anito at lumingon sa kanya. Nagtama ang mga mata nila at biglang bumilis ang t***k ng puso nya. Geez! Ano bang nangyayari sa kanya? Iniwasan nya ang mga mata nito at tumingala. "Sino pa ba ang mag-aalaga sayo eh wala naman sila Tita," sagot nya nang makabawi sya. Wala kasi ang mga magulang ni Leonhart dahil nasa Switzerland ang mga ito at nagbabakasyon doon. "Mag-asawa ka na kasi para may nag-aalaga sayo. Paano kung wala na ako?" biro nya na agad namang ikinagalaw ng katawan nito. Muli itong sumulyap sa kanya at seryoso ang mga mata nito. Ang pula ng labi ni Leonhart kaya naman iniiwasan nyang tingnan iyon dahil nahahalina syang pagmasdan. Daig pa yata nito ang labi nya dahil sa pula niyon. "Tinataboy mo na yata ako?" may halong pagtatampo sa boses nito. Ngumiti naman sya. "Of course not! Maraming beses na nga kitang tinaboy pero di ka pa din umaalis sa buhay ko eh." Binuntutan nya ng tawa ang sinabi. Nalukot ang mga kilay nito dahil sa sinabi nya. "Tss! Hindi nakakatuwa ang biro mo Sophie. Ayaw mo na yata akong makasama." Humalukipkip ito at tumingin sa kabilang gilid. Natatawa sya sa ikinikilos nito ngayon dahil para itong bata. "Kung ayaw kitang makasama eh di wala sana ako dito ngayon," sagot nya at niyakap ito sa tiyan. Isiniksik nya ang mukha sa balikat nito habang nakatagilid ito sa kanya. "T-talaga?" "Oo naman. Alam mo namang hindi kita kayang tiisin eh. Kaya kapag umimpis na ang pamamaga nyan ay bubunutin ko na ang ipin mo, okay ba?" "But–" "No buts." Pinutol nya ang sinasabi nito at tinakpan ang labi nito. Hindi na ito nakapagsalita pa. Kahit kumontra ito ay hindi naman ito mananalo sa kanya. Kabisado na sya ni Leonhart at hindi ito umuubra sa mga gusto nyang gawin. "F-fine, but please promise me na hindi 'yon masakit," anito sa mahinang boses. Gusto na naman nyang matawa. Ang laking tao nito tapos takot ito sa pagpapabunot ng ipin. Pinigilan na lang nya ang sarili na mapangisi. "Yes I promise," sagot nya at niyaya na nya itong pumunta sa itaas. Nagtungo sila sa loob ng silid nito. Dito na lang muna sya matutulog sa tabi nito para may kasama ito. Kawawa naman kasi ang kaibigan nya kapag iniwanan nya itong mag-isa. "I'll stay here. Matulog ka na," aniya nang makahiga na ito sa kama. Tiningnan lang sya nito. "Are you sure?" Tumango sya dito. "Yes," sagot nya at sumampa na rin sa kama. Nahiga sya sa tabi nito at niyakap ito habang nakatalikod. Wala lang sa kanila ang mga ganitong tagpo dahil sobrang komportable na sila ni Leonhart sa isa't isa. Madalas na nga silang mapagkamalang mag-asawa at tinatawanan lang nila ang bagay na iyon. Sa edad na dalawampu't-walo ay nagkaroon na sya ng walong ex, palagi na lang hindi natutuloy ang pinapangarap nyang magkaroon na ng sariling pamilya. Halos lahat kasi iyon ay babaero kaya wala syang nakatuluyan. Ang pinakamatagal nyang naging karelasyon ay si Steve. Ito rin ang huli nyang naging nobyo pero may asawa na pala ito at niloko lang sya. Hindi nya nakutuban agad iyon dahil magaling magtago ang gago, si Leonhart pa talaga ang nakabuko niyon dahil inalam pala nito ang buhay ni Steve dahil nga sinasabi nya dito na gusto na nyang magkaanak. Dapat daw na sigurado sya sa gusto nyang pasukin. Mabuti na lang talaga at mapanuri ang best friend nya at matalino ito. Nalaman nito ang totoo at nakatikim si Steve ng kaliwa't kanang suntok sa mukha. Hindi nya malilimutan ang tagpong iyon. Thanks to Leonhart dahil naipaghiganti sya nito sa panlolokong ginawa ni Steve sa kanya. Sinulyapan nya ang mukha ni Leonhart at nakapikit na ito habang mahinang naghihilik. Mukhang nakatulog na ito ng tuluyan. Napangiti sya at pumikit na din sa tabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD