Chapter II - Den, nagdadalaga ka na!

2027 Words
Chriden Miguel Point of View Maayos naman ang naging unang linggo ng pasukan. Pagpapaliwanag ng mga requirements at pagpi-fill-up ng class cards. Karamihan sa mga prof namin ay yung dati parin. May nadagdag lang na iba - merong terror at meron naman na nakakasabay sa trip namin. "Mall tayo mamaya Bessy" ani ni Elaine habang nasa cafeteria kami ng School namin. Bestfriend ko si Elaine naging magbestfriends kami ng hindi namin namamalayan. Hahaha! Nakuha namin yung tawagan naming Bessy dun sa isang koreanovela na Besty ata yung name. Kaya ayun. Bahala na kayo mag-isip ang hirap ikwento nun. "Sige." Pagsang-ayon ko. Tutal maaga rin naman ang uwian namin ngayon at tyempo wash day. Hindi yung literal na labahan day aa! Kundi naka-civillian kami at nakapanggalang suot. Haha! "Kita nalang tayo mamaya, pasok muna ako kay Maam Paig (Filipino). Iniwanan ko muna si Elaine sa cafeteria. Magkaiba kasi kami ng kurso. I.T siya (Information Technology) hindi E.T ha! Wag niyong gawing alien ang bespren ko! "Uyy si Chriden dalaga na! Hahaha" sabi nung abnormal na nakaupo malapit sa hagdan. Hindi ko siya kilala pero alam niya pangalan ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa madaanan ko ang grupo nila hampas lupa. "Uyy si Den... Dalaga na.. Pwede na..." Panunukso nung isa sa mga kaibigan ni hampas-lupa dahilan para magtawanan ang mga yon. "Hoy bastos! Ako nga eh tigilan nyo! Tumabi nga kayo diyan at baka sipain ko mga pagmumukha nyo!" Pagtataray ko sa kanila. "Wooooow! Ang taray ng nagdadalaga. Hahahaha!" Singit naman nung isang chinito. Napansin ko si hampas-lupa na nakatingin lang sakin at nang-aasar sa pamamagitan ng pagngiti. Nagtataka na ako kanina pa dahil sa paulit ulit na sinasabi na mga nadadaanan ko na nagdadalaga na daw ako. Hindi ko lang pinapahalata na nahihiya ako. "Den... Ano kase eh... Parang... Parang may dumi ka sa bandang likuran..." Sabi ni oh-so-damn-cute na si Jerome. Talagang inalam ko pangalan niya pagkatapos nung insidente na nangyari nung nag-inuman kami kina Kuya Ampong. Kinapa ko ang bandang likuran ko. Naramdaman ko na medyo basa iyon at parang medyo makapal ang likidong nahawakan ko. Tiningnan ko iyon. Napatitig ako sa kamay kong may kulay pulang likido na malansa lansa ang amoy. Nagsimulang manginig ang kamay ko at nakakaramdam ako ng pagkahilo. Naramdaman kong may taong humawak sakin dahilan para hindi ako matumba dahil sa pagkahilong nararamdaman ko. Tinanggal ni Jerome ang dugo sa kamay ko sa pamamagitan ng kanyang kulay puting panyo. Inalalayan niya ako hanggang sa mawala ang hilong nararamdaman ko. "Gusto mo dalin kita sa clinic?" Sinserong tanong niya sakin. "Wag na... Okay lang ako...salamat" mahinahong sagot ko sa kanya. "Halika sumama ka muna sakin para mapahiram kita ng pants o kaya shorts. May extra akong dala" pagmamagandang loob niya sakin. "Tss arte! Uuwe na ako!" Narinig kong pabalang na sabi ni hampas-lupa at di na inantay ang sagot ng kanyang mga kaibigan. "Huwag mo na intindihin si Paul. Ganyan talaga yan" sabi sakin ni Jerome habang naglalakad kami papunta sa kanyang locker. Paul pala ang pangalan ng impaktong yon! Napakabarumbado! Maging tama lang ang hinala ko na siya ang may kagagawan ng nangyari sakin mapapatay ko talaga siya. Bigla kasing pumasok sa isipan ko yung sinabi sakin ni Ate Jaja na humanda ako dahil sa ginawa kong pagtataray sa Paul na iyon. Akala niya saken basta basta nalang susuko! Utut niya! Nalaman kong dugo pala galing sa laboratory ang naupuan ko kanina or let me say sinadyang ilagay sa upuan ko para maupuan ko kanina. Taktenang yan! Nakakahiya tuloy sa mga estudyanteng nakakita sakin kanina. "Salamat Jerome. Isauli ko nalang sayo sa friday." Sabi ko kay Jerome at pagkatapos at tinext ko na agad si Elaine. Hindi narin naman ako makakapasok kasi late na late na ako. "Oh baket iba na ang suot mo ngayon? Artista lang ang peg?" Nang-aasar na sabi sakin ni Elaine nung nagkita kami sa harap ng chapel ng school. Ramdam ko rin na pinagtitinginan ako ng mga estudyanteng nandoon. Nu bang problema ng mga to? Mukha ba akong alien sa suot ko? Kinuwento ko ang nangyari kay Elaine. Gusto ko nga siyang batukan dahil imbis na maawa siya sakin ay pinagtawanan niya rin ako at sinabihang nagdadalaga. Walang kwentang bespren! "Sino! Sinoooo!?" Narinig kong sigaw sa labas ng gate. Naagaw agad ang atensyon ko nung nakita ko kung sino yung lalakeng sumisigaw. Tama! Si Paul nanaman! Ang hampas-lupa! "Hindi ako tol... Ba't ko naman gagawin yun?" Sabi nung lalakeng kinukwelyuhan niya. "Wag mo akong matawag-tawag na tol!" Bago niya tuluyang bitawan yung lalake ay itinulak muna niya ito dahilan para mapasandal sa pader yung lalake. Dumaan siya sa harapan ko at nilampasan ako habang binibigyan ako ng masamang tingin. "Yabang!" Sabi ko at hinila ko na si Elaine patawid ng kalsada. . . . Nakailang oras din kami sa pag-iikot dito sa mall pero wala kaming naisipang bilihin. Hahaha! Ganito naman palagi kahit sinasabi ni Elaine na may bibilihin siya - ang ending wala rin. Kuripoooooot! "Chriden!" Nilingon ko agad yun. "Oy! Kenneth!" Bati ko sa kanya. Nalaman kong naggala rin siya kasi maaga rin ang uwian nila. Isa si Kenneth sa kaibigan ni Mike na tropa ko. Naisipan naming kumain sa burgerking sa third floor. "Ah eh... Bessy, una na pala ako. Nagtext si Craven, nag-aantay daw siya saken sa labas" sabi ni Elaine nung aktong papasok na kami sa loob ng burger king. Wala na akong nagawa. Malandi talaga yang bespren ko na yan eh. Saka sana'y na ako. Sa twing may lakad kaming ganito ay lagi siyang nakikipagkita kay Craven (boyfie niya) at naiiwan akong mag-isa. Ngayon lang hindi kasi andito si Kenneth. "Kain na tayo - para makauwe agad tayo" sabi ko kay Kenneth. Nagsimula na kami kumain habang nagkukwentuhan. Nabanggit niya sakin na magiging magkaklase kami sa isang subject. Filipino. "Ayos! Papakipyahin mo ako ah! Tanga tanga ako sa Fil. eh" sabi ko sa kanya kasunod nun ay ang pagtawa. "Hi Den! Dito ka rin pala" bati sakin ni Jerome habang bitbit yung order at kasama ang mga kaibigan niya. Hindi na ako nagtataka kung wala ang impakto. Narinig ko naman kanina na uuwe na siya. "Napadaan lang. Nga pala thanks dito sa -" "Nagugutom na ako. Bilisan nyo" hindi ko na naituloy ang sinasabi ko nung may sumigaw sa likod na bahagi ng burger king. Haaay naku! Ang mayabang nanaman! Kasama pala!   Pagpasok ko ng gate ng school ay agad na hinila ni Elaine ang kamay ko. Ngayon ko lang nalaman na siya pala si flashwoman bigla bigla nalang sumusulpot at nanghihila. "Baket ba bessie? Para namang nandiyan na ang kalaban natin at kailangan na natin magtransform into Saulor Uranus at Neptune!" Pagbibiro ko sa kanya. "Huwag mo nga munang pairalin yang kabaklaan mo diyan! Tingnan mo nangyayari sa cafeteria" turo niya sakin habang papalapit na kami don. Ang daming estudyante ang nakapaligid don. Nakita ko si Paul at mga kaibigan nito na may binubully nanaman. "Hindi na po mauulit.." Narinig kong sabi nung tatlong lalake habang nasa lapag. Gustuhin ko man lumapit at pinigilan na ako ni Elaine. Alam naman niyang takot ako sa dugo at naisip niyang paniguradong may dugo dun dahil kay Paul. Siga talagang yang hampas-lupang iyan! Lahat nalang yata ay binubully. Siguro dapat iwasan kong makabangga ulit siya kasi baka dumating ang pagkakataong ako na ang sumunod na bangasan niya ng mukha. JuskoLord! wag naman po. Sana nakalimutan na niya yung nangyari samin nung enrolment. "Oh baket muntanga ka diyan bessie?" Tanong sakin ni Elaine habang nandito kami sa paborito naming pwesto sa cafeteria. Dito nga rin pala sa pwesto namin nangyari yung pambubully ni Paul sa tatlong lalake. "Wala. Naisip ko lang kung saan matatagpuan ang Onepiece treasure"  "Araaaaay!" Sigaw ko nung binatukan niya ako. "Kelan ka ba magiging matinong kausap bakla ka!?" Dugtong na sabi ni Elaine. Pasalamat ka Elaine at bespren kita, kung hindi naku! Pinakain na kita sa banana crocodile na alaga ni Mr.0! Bumalik na kami sa kanya-kanya naming room. Last subject na kasi. 7:00 - 8:30pm biology - kay Maam Aboyme. Sinabi niyang sa next meeting daw ay disecting daw ang gagawin namin. JuskoLord! Ayoko nun! Hindi ako pwede don! Sabay-sabay napatingin sakin ang mga kaibigan ko at nagbigay ng mapang-asar na ngiti. "Makakasama nyo nga pala ang ibang section sa disecting this coming monday" huling sabi ni Maam at lumabas na kaming lahat ng lecture room. Hindi makakasabay sakin sa pag-uwe si Elaine dahil sinundo siya ni Craven. Kaya eto loner ang peg ko ngayon. Buset na mga sasakyang dumadaan! Puro papuntang bacoor. Hindi naman ako taga-Bacoor aa! Taga-Tanza ako nu! Inabot na yata ako ng 9:15pm sa kaaantay ng masasakyan. Nakita kong palabas si Kenneth ng school. Lumapit siya sakin. "Sabay na ta-" Beeeeeep beeeeeeep! Hindi na naituloy ni Kenneth ang sinasabi niya dahil sa malakas na busina na nanggagaling sa likuran namin. "Get in the car" Napakunot ang noo ko nung nakita ko kung sino ang nagsalita galing sa loob ng sasakyan. "I said get in the car!" Medyo napalakas na ang pagkakasabi ni Paul. Hindi ko siya inintindi. Sumakay kami ni Kenneth sa tumigil na baby bus at iniwanan ko ang hampas lupang walang modo kung makasigaw sakin. "Magkakilala pala kayo ng sigang yun sa school natin ah!" Sabi ni Kenneth nung nakasakay na kami. "Hindi kami magkakilala, baka nagkakamali lang yun kani-" hindi ko naituloy muli ang sasabihin ko nung biglang pumreno ang sinasakyan namin dahilan para mahulog ako mula sa kinauupuan ko. "Okay ka lang Den?" Ani ni Kenneth. "Ikaw kaya ang mahulog at mauntog? Okay ka kaya!" Pambabara ko sa kanya. Umayos ako ng pagkakaupo. "Ano bang problema mo boy! Umalis ka diyan at nakakaistorbo ka" narinig kong sabi nung driver. Nagsisilipan na ang mga nakasakay na pasahero sa unahan at nakakarinig na ako ng mga bulungan. Sa sobrang kakatihan ko ay nakisilip narin ako. Nakita kong may nakaharang na sasakyan sa unahan ng baby bus na sinasakyan namin at may nakasandal sa kotse na lalake na may hawak hawak na sigarilyo. Teka. Parang kilala ko yun ah. Putakte! Si Paul! "Kausapin mo nga yun Kenneth!" Sabi ko sa katabi ko. "Ikaw na! Mahal ko pa buhay ko nu! Ayoko ngang matanggal sa eskwelahang pinapasukan natin" duwag na sagot niya saken. Kaya no choice ako. Kaming dalawa lang naman ni Kenneth ang kilala si Paul pero mukhang takot siya kaya NO CHOICE. Ako na! Bumaba ako ng sasakyan at nakita ko nga si Paul na nakasandal sa kanyang AWESOME na car. Ang kintab kintab nga kahit madilim na ang paligid. "Itabi mo nga ang sasakyan mo, hindi mo ba nakikitang nakaharang ka!" Lakas loob kong sabi sa kanya. Himithit siya ng sigarilyo at sabay buga. Hindi siya nasagot bagkus binuksan niya ang isang pintuan ng kanyang sasakyan. "Hindi mo ba ako naiintindihan Mr. Paul!?" Mariing giit ko pa sa kanya. "Kung magkukwentuhan kayong dalawa diyan pwede bang pakitabi muna ang sasakyan para makaalis na kami, humahaba na ang traffic" sabi nung driver samin at talagang bumaba na para masigurong naririnig namin siya. "Hindi mo ba nakikita? Nagkakandatrapik na sa kagagawan mo!" Giit ko pa sa kanya. "Get in the car" mariing pagkakasabi niya sakin. Hindi ko ulit siya inintindi. "Hindi ako aalis dito hanggang hindi ka nasakay sa sasakyan ko" seryosong sabi niya sakin and takenote nakakatakot ang tingin na ibinibigay niya sakin. Mukhang seryoso ang impakto kaya sumakay na ako ng sasakyan niya. Sinara niya yung pintuan na pinasukan ko at agad din naman siyang sumakay sa driver’s seat at mabilis na pinaandar ang nakaharang niyang sasakyan. "Sasakay ka rin pala puro ka arte" sabi niya habang nagda-drive. Hindi ako naimik. Natatakot ako. Baka ito na yung time na gagantihan niya ako. Baka bugbugin niya ako at itapos nalang ako sa tabi ng Villamar may narinig kasi akong balita na may pinatay daw doon at nakita ang bangkay na bugbog sarado at puro saksak. Yikes! Please Lord ayokong mamatay ng ngetpey ang katawan ko. "Diyan nalang ako sa kanto ng Tejero" sabi ko sa kanya pero hindi niya ako inintindi. Dire-diretso parin siya sa pagmamaneho. Hindi nalang ako nagsalita pa. Bahala siya kung saan niya gustong magpunta. Irereklamo ko siya bukas na bukas din dahil kidnaping ito! (Lakas makamayaman ko nu) hahaha! "Paano mo nalaman ang bahay namin?" Takang tanong ko nung tumigil kami sa harapan ng bahay namin. May mga tambay pa nga sa kalsada at nag-iinom. "Lakad na! Uwe na!" Sigaw niya sakin pero hindi siya natingin saken. Impaktong to! Napakabastos! Binuksan ko ang pintuan at mabilis na akong lumabas ng sasakyan. Medyo nawala na yung kaba ko dahil nakakasigurado na akong ligtas na ako. Malakas kong idinabog pasara ang pintuan. Matapos yun ay umalis na siya. Damuhong ito! Abnormal! Kayabang-yabang!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD