Chapter IV - Date

2655 Words
Chriden Miguel Point of View   Nakakatakot talaga yung sitwasyon ko kanina. Ayoko na maulit yun! Pakiramdam ko ay parang sinisilihan ang pwet ko kania at gustong gusto ko ng umalis sa harapan nila kanina. Haaaay. Di na mauulit yun! Swear! Yoko na! "Be ready nextweek" nabasa ko sa cellphone ko. Galing iyon kay Paul impakto. Sapilitan ngang kinuha number ko kanina ng walangyang yon! "Be ready your face! Hindi ako sasama! Maghanap ka ng ibang kasama mo! At pwede ba wag mo ako isali sa kalokohang naisip mo! Wala akong boyfriend na abnormal!" Mahabang reply ko sa kanya. Wala ka bang boyfriend na abnormal? Pwes! Simula bukas liligawan kita sa ayaw at sa gusto mo! Goodnight! Hindi ko na nireplayan yung message niyang iyon. Lalo lang kaming hindi magkakatapos kung papatulan ko pa ang text nyang yon. Inilagay ko ang cellphone ko malapit sa lampshade ng kwarto ko at natulog na ako. . . . Wake me up! Wake me up inside Wake me up inside Call my name and save me from the darkkkk! Putakte! Ayaw tumigil ng lintek na Bring me to life na ito! Kinapa ko ang cellphone ko at inihagis ko ito sa set na nasa kwarto ko. Aga aga mambulahaw! Wala namang pasok! Tumigil nga si Evanescence sa kasisigaw pero bigla naman nagconcert ang Destiny's Child at nagkukumanta ng SURVIVOR! Pilit kong ginapang ang cellphone ko mula sa pagkakahagis ko sa sofa at kinansel ko ang tawag. Yumuko ako sa sofa para ipagpatuloy ang naputol kong pagkakatulog pero hindi ko pa napapasok ang neverland nung bigla nanaman magsimulang kumanta ang cellphone ko. "ANO BA! NATUTULOG PA ANG TAO! ANG AGA AGA NYONG MAMBULAHAW!" Sagot ko sa tumawag sa cellphone ko. "Kanina pa ako nandito sa bahay niyo. Wala ka bang balak gumising!?" Pabalang na sabi ng taong sinigawan ko. Biglang akong napaayos ng upo sa sofa nung mag-sink in sa utak ko kung kanino nanggaling yung pamilyar na boses na iyon. Basta-basta ko nalang kasi sinagot yung tawag nang hindi tinitingnan kung sino iyon. Lumabas ako ng kwarto ko ng hindi pa nag-aayos ng sarili para masigurado ko na tama nga ba ang pagkakaintindi ko sa narinig ko. "Aba Den buti naman at nagising ka na. Kanina pa may nag-iintay sayo sa sala." Walang emosyong bati sakin ng aking ina. Paktay tayo diyan! Alam ko ang mga ganitong asal ni mama. "Sino daw ma?" Pagpapatay malisya kong tanong. "Boyfriend mo daw" diretsong sabi ni mama na nangangahulugan na kailangan kong magpaliwanag sa nangyayari sakin. "Ah eh… Hindi ma. Nagbibiro lang yung impaktong yun. Sandali lang ma puntahan ko lang" Nadatnan kong nakatayo at paikot-ikot si Paul sa sala namin. Tinitingnan isa-isa ang mga litratong nakadisplay sa pagitan tv at component namin. "Anong ginagawa mo dito! Pati ba naman sabado guguluhin mo ako!" Pagalit kong sabi sa kanya. "Okay naman pala bahay niyo. Maliit pero maganda" sabi niya habang patuloy sa pag-i-scan sa mga nakadisplay. Langyang to ah! Puri ba yon o pang-iinis! Saksakan talaga ng yabang ng hayup na to ah. Di porket mayaman siya ay pwede na yung ganun ganung ugali saken! Alalahanin niya malaki ang kasalanan niya saken. "Mag-ayos ka. Mag-de-date tayo!" Diretsong sabi niya. "Aba! Sino ka para utusan mo ako!? At sino ka para magdisisyon basta basta!?" Pabalang kong tanong sa kanya. Nagkatinginan kami. Yung para bang may lumalabas na kuryente sa bawat tingin na binibigay namin. "Oh, mukhang hindi yata kayo magkasundong dalawa" pagpuna ni mama nung inilagay niya yung juice sa lamesita. "Lakad na! Marami pa akong gagawin at inaantay ko pa si KENNETH dahil niyakag niya ako sa Moa!" Sabay talikod ko at dumiretso na ulit ako sa kwarto. Napakabastos! Napakayabang! Anong akala niya mapapasunod ako sa gusto niya!? At isa pa gusto lang niya ako magpanggap na syota niya para hindi siya ireto ng ireto ng Ate niyang weird! Kabwiset! Habang nag-iimagine ako kung paano ko papatayin ang impaktong yun ay biglang tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko iyon. Ano ba namang klaseng tao kaaaaaaa! "Nandito na uli ako sanyo. Bilisan mo! Ayoko ng nag-aantay!" "Ma aalis na muna kami" paalam ko kay mama. Halatang halata ang pagtataka sa mukha ni mama. "Akala ko ba may iba kang gagawin?" Si mama. Tiningnan ako ng demonyo ng makahulugang tingin at ngumisi ito. "Narealize ko kasi Ma na mas importante yung lakad namin ni Paul. Nakakahiya naman kasi sa taong nag-eeffort" nakangiti kong sagot kay Mama. "Sige po Ma, alis na muna kami ni Denden" Bigla ako napatingin sa kanya pati narin si Mama. Aba! Naki-Mama ang impakto! Hindi na nahiya! Ang kapal ng mukha! Padabog akong sumakay sa sasakyan ni Paul. Binigyan niya lang ako ng nakakalokong ngiti. "Akala ko ba may iba ka pang gagawin at may lakad kayo ni KENNETH?" Talagang pinagkadiinan pa niya ang pangalan ni Kenneth. Flashback (nung may tumawag sa cp ko) "Oh, baket ang aga mong tumawag? Diba may klase ka ngayon?" Mabilis kong sabi sa taong tumawag. Si Elaine yun. May NSTP kase sila tuwing sabado. "Galing kasi si Paul dito... Hina-" "Wala akong pakialam kung yung impakto lang yun ang pag-uusapan natin. Hindi ako intere-" mabilis din niyang pinutol ang sinasabi ko. "Hinahanap si Kenneth at mukhang may hindi magandang gagawin! At pinasabi niya sakin na tawagan daw kita at ipaalam dahil baka daw magbago pa isip mo!" Dire-diretsong litanya ng bespren ko. Hudas ka talagang impakto ka! Napakawalanghiya mo! "SABIHIN MO BESSIE NA NAG-AANTAY AKO SA KANYA DITO SA BAHAY!" Malakas na pagkakasabi ko sa kanya. Mabilis na in-end ni Elaine ang convocall namin. End of flashback "Huwag mo nga akong pagkakausapin!" Mataray na sabi ko sa kanya. Napansin kong nag-iba ang pustura ng kanyang mukha at hindi na muling nagsalita. Nandito kami ngayon sa SM. Wala narin naman akong magagawa kundi ang sumama sa mayabang na lalakeng ito! Masama mang hilingin Lord sana mabagok ito at biglang magbago ng ugali! "Saan mo gustong kumain?" Tanong niya sakin. "Busog ako" tipid kong sagot sa kanya. "Subukan mo pang sumagot ng hindi maganda at itutumba ko yang cotton candy stall na nasa harapan natin!" Malakas na pagkakasabi niya dahilan para magtinginan samin ang mga taong naroon. Alam kong kaya niyang gawin iyon dahil narin sa gaspang ng ugaling meron siya. Kaya mas minabuti ko nalang na kalmahin ang sarili ko at wag na siyang patulan para sa ikakaayos ng lakad namin na ito. "Sa Burger King"tipid at mahinahon kong sagot. Nagsimula na kaming maglakad. Hanggat maari eh ayokong sumabay sa kanya sa paglalakad hindi dahil sa naaasiwa ako kundi dahil nabubwiset ako sa taglay niyang kayabangan. "Baket ba napakabagal mong maglakad!?" Bulyaw niya. "Eh ano bang pakialam mo!? Eh di mauna ka kung nababagalan ka saken!" Ganting sigaw ko sa kanya. Naramdaman ko nalang muli na pinagtitinginan kami ng mga tao roon. Hindi ko na uli siya inintindi at nagpatuloy nalang ako sa paglalakad. Naramdaman ko nalang na biglang may kamay na pumatong sa balikat ko. Ang impakto nakaakbay saken. Lihim ko itong tinatanggal ngunit paulit-ulit niya iyong ibinabalik. "Subukan mo pang tanggalin ulit yan - babalian ko ng balikat yang makakasalubong natin!" Sabi niya na walang pakialam kahit naririnig siya ng nakakasabay naming maglakad. Nakaupo na kami ngayon dito sa Burger King. May pagkaGentleman din pala ang loko dahil siya ang pumila para umorder. Ang problema nga lang hindi niya ako tinanong kung ano ang gusto ko. "Ako ang nauna sa pila! Kung gusto mong maka-order aba pumila ka ng maayos!" Narinig kong sigaw nung babae. Parang may naalala tuloy akong bigla. Haaaay.. Sigurado ako na si.... Ha!? Takte! Mabilis kong tinungo yung pilahan ng order at hindi nga ako nagkamali. Si Impakto nakikipag-away sa nasa unahang pila. JuskoNaman! Hanggang dito ba naman! "Ay ate pasensya na po.." Singit ko sa girian nila. "Baket nahingi ka ng pasensya diyan sa pange-" "Tumigil ka!" Putol ko sa kanya. "Ate pasensya na uli. Medyo may kaabnormalan ho kasi itong kasama ko" paghingi ko uli ng dispensa sa babae. "Pagsabihan mo yang boyfriend mo na yan!" Huling sabi nung babae at mabilis na umalis pagkakuha ng order niya. Boyfriend? Hala! Wala ho akong boyfriend! Lalo na kung ang tinutukoy niyo ay ang kamag-anak ni Lucifer na ito! Sabi ng isipan ko. Ako na ang pumila para sa order namin. Nagkamali pa yata ako kanina nung hinayaan ko siyang pumila mag-isa. Ano nga naman ang aasahan ko sa isang Paul Francisco Gabriel! Edi wala! GULO! Inilapag ko ang inorder kong spaghetti at steak pati narin yung coke. Nagsimula na kaming kumain at kapwa kami walang imikan. Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko at kasunod nun ay ang kantang survivor senyales na may natawag. "Hello?" Mabilis kong sabi. "Talaga? Kailan?" Nakangiti kong tanong sa taong kausap ko. "Okay sige. Pero teka...kasama ba si.." "Sana hindi kami maging akward. Sige. I'll join" matapos yun ay pinagpatuloy ko na ang pagkain. "Sino yon?" Biglang basag ni Paul sa katahimikan. "Si Christine. Tropa ko. Baket gusto mo ireto kita!?" Sarkastikong sagot ko. Tiningnan niya lang ako ng masama at bumalik na siya sa pagkain. "Hey Paul! Galing ako sa inyo wa--- Hi Den! Magkasama pala kayo ni Paul" sabi ni Jerome na hindi namin namalayan na nasa harapan na pala namin siya kasama ang ibang tropa ni Paul. "Nagkataon lang. Kain!" Nakangiti kong alok sa kanya. Umusog ako ng konti para makaupo si Jerome at yung ibang kasama naman niya ay naupo malapit kay Paul. "May iba ka pa bang lakad? Pasama sana ako sayo Den eh" diretsong sabi ni Jerome matapos uminom sa straw ng softdrinks ko. Nahagip ng mata ko ang nanlilisik na tingin ni Paul sakin. "Maaga kasi akong uuwe mamaya. May inaasahan kasi akong bisita eh" nakangiting sagot ko sa kanya. Pero sa totoo lang ay ayaw kong mapadikit pa kahit kanino sa kanila. Puro may mga sayad kase! Ngayon nga nag-iisip na ako ng paraan para malayo sa impaktong si Paul eh. "Kahit after dito?" "Eheeem" Natigilan sa pangungulit si Jerome sakin nung narinig niya medyo umubo si Paul. Di pa natuluyan! Buset! Sabi ng aking isipan. Matapos naming kumain at napagpasyahan nilang magpunta sa Toms World. Ayos! Kailangan manalo ako ng maraming ticket para makuha ko na si Chopper! Yipiiiiie! Naghiwa-hiwalay muna kami. Sila Paul sa basketball machine games, yung ibang tropa naman niya at sa car racing at shooting games. Ako? Haha! Yung pipindot ka ng button tapos may malalaglag na bola at kung saan mapatyempo ay iyon ang dami ng ticket na lalabas dun sa machine. "Badtriiiip" sabi ko. Palagi nalang kasing sa 2tickets at sa 5tickets napupunta yung bola! Eh yung jackpot ang aim ko, yung 200tickets! Hahaha! "Hi! Ikaw pala si Chriden" sabi sakin nung lumapit na lalake. Teka parang kilala ko to ah! ISIP ISIP ISIP ISIP "Tama! Ikaw yung lalake na nakipag-away ke Paul sa Angelicas!" Sabi ko sa kanya. Gwapo rin pala itong kumag na ito. Matangos ang ilong, mapulang labi at mapang-akit na mata. Nu ba yan! Baket ba iyan ang napapansin ko. "Ako nga pala si Carlo." Pagpapakilala niya sakin at inilahad niya ang kanyang kamay. Ayoko maging bastos kaya tinanggap ko iyon. "Matagal na kitang gustong kausapin pero ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon." Dugtong niya sa kanyang sinasabi. Nagpasalamat siya sakin dahil sa ginawa ko dating pagpigil kay Paul. Kwela rin pala siya at puro kalokohan ang kinukwento. "So - free ka ba bukas ng gabi?" Biglang seryoso niya. Aktong magsasalita na sana ako nung biglang may nagsalita sa likuran namin. "Kung mahal mo pa buhay mo ay subukan mo ng umalis" nanlilisik ang mata ni Paul nung sinabi niya yun sa taong kausap ko. Hindi na nagawang magpaalam pa ni Carlo at agad na itong umalis. "Nawala lang ako saglit kung sinu-sino na agad ang kinakausap mo!" Pabulyaw na sabi sakin ni Paul dahilan para magtinginan lalo ang mga naglalaro sa tabi ko. "Kailangan ba lahat ng taong kakausap saken eh ipapaalam ko sayo!?" Pang-iinis kong sabi sa kanya. "Baket kailangan ba lahat ng tao kausapin mo!?" Pambabara niyang patanong saken. Buti at nakakapagtimpi pa ako sa hayup na ito. Hindi nalang uli ako nagsalita pa at hinahayaan ko nalang siya. Hindi nagtagal ay nagdatingan na ang iba pa niyang mga kaibigan na saksakan din ng gugulo. Naupo kami sa foodcourt habang kinakain ang binili ni Jerome na chichirya sa department store. May pinag-uusapan silang gimik nila na hindi ko masyadong iniintindi dahil wala naman akong pakialam sa kahit anong lakad nila. "May titingnan lang ako sa Dept.store" walang emosyon kong paalam sa katabi ko. Naisip ko kasing maglakad lakad muna kesa ubusin ang oras ko sa walang kakwenta-kwentang usapan nila. Hindi ko na inantay ang sagot ni Paul. Kaagad akong naglakad patungong dept store at tumingin tingin dun. Agad na naagaw ang atensyon ko ng isang stuff toy. Hinawakan ko ito at pinisil pisil ko. Ang cute naman neto. Ibinalik ko sa pwesto ang stuff toy at nagpatuloy ako sa paglalakad. Nung napadako naman ako sa part ng nintendo games and accessories ay agad na may pumukaw ng atensyon ko. Si Ariel. Ang exboyfriend kong sobra kong minahal dati pero bigla nalang akong iniwan. Pinagpalit ako sa mayaman na anak ng boss ng tatay niya. Nasaan naman ang katarungan non? May kasama siyang babae at sigurado ako na iyon yung anak ng boss ng tatay niya. Makakasalubong ko siya. Hindi ko naman magawang bumalik dahil obvious na obvious naman na iniiwasan ko siya - nakatingin narin kasi sila saken. "Oh Den musta na?" Plastik na tanong saken ni Steffany. Nagkakilala na kami dati niyong impaktitang ito dahil kay Ariel. Kung anu-ano ngang masasakit na salita ang inabot ko sa kanya. Kesyo ano daw ba ang nakita sakin ni Ariel eh bakla naman daw ako at wala pa raw akong pera. Kung hindi uso sakin ang salitang timpi baka nalamas ko bunganga ng babaeng ito eh. "Ayos lang naman. Maganda parin" sarkastikong sagot ko. "Halika na babe. Diba manunuod pa tayo ng sine" yaya ni Ariel na halatang iniiwasan ako. Pakshet ka Ariel! May araw karin saken! Akala mong kung sinong gwapo! Nagpatuloy ako sa paglalakad ko. Nawili ako sa free game sa psp dun at hindi ko napansin ang oras. Onepiece kasi yung laro kaya wiling wili ako. Favorite ko pa naman yun - sobra! Iloveyou zorro! "Kanina pa ako hanap ng hanap sayo! Nandito ka lang pala! Isip bata!" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Paul sa tagiliran ko. "Tingnan mo Francisco oh! Ang gaaaaanda!" Masayang sabi ko sa kanya at patuloy parin ako sa paglalaro. Wala akong narinig na reklamo kay Paul. Tumayo lang siya sa likuran ko at pinanuod lang ako maglaro. Nakakatuwa kasi yung laro. Pinili ko si Nico Robin laban kay Eneru. Hahaha! Adic lang ako talaga. "Try mo dali. Laban tayo" yaya ko sa kanya pero hindi niya ako inintindi. Nakita kong kausap niya yung sales lady. Hindi ko na siya inintindi pa at pinagpatuloy ko ang nilalaro ko. "Tara Francisco! Uwe na tayo" nakangiti kong yaya sa kanya. Na-goodvibes yata ako sa nilaro ko kaya feeling ko ang saya saya ko. Napansin ko rin na Francisco na ang tawag ko kay Paul. Mas maganda kasing pakinggan at parang mabait na pangalan. Bago siya tuluyang pumasok sa driver’s seat ay umikot muna siya ay narinig kong sumara ang compartment. Nagsimula na niyang paandarin ang sasakyan at walang nagsasalita saming dalawa. . . . "Pasok na ako sa loob. Labag man sa kalooban ko pero...salamat!" Sabi ko nung nasa harapan na kami ng bahay namin. Aktong pipihitin ko na ang doorknob ng pintuan namin nung tinawag niya ako. "Oh..." Sabay aboy niya sakin ng isang malaking box at isang paperbag na may tatak na nintendo. "Ano to?" "Edi box! Bulag ka ba!?" Singhal nya sakin. "Alam ko!" Bulyaw ko sa kanya. "Alam mo naman pala baket nagtatanong ka pa!" Pabulyaw nanaman niyang sabi saken. "Subukan mong ibalik saken yan at ibabato ko yan sa bahay niyo!" Dugtong niya. Napansin niya yatang aakma na akong ibalik sa kanya yung hawak ko. "Uuwe na ako!" Matapos niyang sabihin yun ay mabilis siyang sumakay sa kanyang sasakyan at kaagad na pinaandar iyon. "Ang hard naman ng manliligaw mo Den! Hahaha" narinig kong sabi ni Julieanne. Pinsan ko. Hindi ko na pinansin yon at pumasok na ako sa bahay at nagdiretso sa kwarto ko. Binuksan ko yung laman ng bawat box na binigay saken ni Francisco. Yung stufftoy na nakita ko sa Deptstore. Ang cuuuuute! Saka psp at yung game na nilalaro ko kanina. Onepiece. Mabilis kong kinuha ang cellphone ko. "Hoy Francisco Maraming Salamat! Labyu!" At mabilis kong pinindot ang send button.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD