II: Promise

2188 Words
NAMILOG ang mga mata ni Gino nang makita niya ang estrangherang dalaga na umaakyat sa binatana ng kanyang silid. Dali-dali niyang isinara ang pintuan at tarantang nagtungo sa kung nasaan umaakyat ang dalaga. Bumagsak iyon sa lapag at napangiti nang makita siya. Bumuga siya ng napakaraming hangin at napahilamos sa mukha dala ng matinding kaba. Hindi niya aakalain na gagawa ng gano'ng kalokohan ang dalaga makapasok lang sa kanilang bahay. "Gin!" galak na sambit nito. Hinawakan niya ang magkabilang balikat nito at ini-upo ito sa kama. Kitang-kita sa mukha ng dalaga ang pagtataka sa kanyang ikinilos. "Anong problema?" inosenteng tanong nito. "Ikaw? Anong problema mo? Alam mo ba kung ano ang ginagawa mo? Papaano kung nahulog ka ro'n? papaano kung nakita ka ni Lolo't lola?" binitiwan niya ang dalaga at kulang na lang ay mapasabunot sa sarili dala ng matinding frustrations. Napahawak siya sa kanyang sentido at marahan iyong hinimas-himas. "Bakit mo kasi ako tinatakbuhan. Gusto ko lang naman humingi ng tulong sa 'yo." "For pete's sake hindi kita tutulungang maghanap ng kung anong elemento sa kakahuyan tulad ng gusto mo!" asik niya. Napatikom ang bibig ng dalaga. Binalingan naman niya ito ng masamang tingin. Maya-maya'y narinig niya ang yabag ng kung sino na mukhang patungo sa silid niya. Nabalot siya ng taranta, dali-dali niyang pinagtutulak ang dalaga patungo sa ilalim ng kama at binalak na itago subalit nagpupumiglas naman ito. "Magtago ka!" "Ayoko nga eh! Ang dumi-dumi kaya sa ilalim ng kama!" "Bakit nakapagtago ka na ba d'yan?" "Bakit ikaw ba 'tong marurumihan?" muli silang nagtulakan. "Ayoko ngang magtago!" Pinandilatan niya ang dalaga. "Baka kung anong sabihin ng Lolo ko kapag nakita ka niya! Ano na lang ang iisipin nila sa akin? na nagtatago ako ng babae rito sa kwarto ko?" Bumukas ang pinto ng kanyang silid at iniluwa no'n ang kanyang Lolo. Kitang-kita niya ang kunot-noo nitong ekspresyon habang nakatingin sa kanya. "Iho, akala ko naman kung ano ang nangyari sa 'yo. May problema ba?" napalunok siya sa sinabi ng matanda at sinulyapan ang nakaupong dalaga sa kanyang kama. "Baka sakaling nakakita ka ng mga daga r'yan kaya nagpunta ako rito. Oh heto, kunin mo 'tong panghuli sa daga." Kunot-noo niya ring sinundan ng tingin ang lolo niya habang inilalapag sa mesa ang panghuli sa dalaga. Muli iyong sumulyap sa kanya't ngumiti bago pa man lumiban ng kanyang silid. Pansamantala siyang natigilan, iniisip kung ano ang nangyari at kung bakit hindi siya sinermunan ng kanyang lolo tulad ng kanyang inaasahan. Parang wala pa itong pakielam na mayroong nakaupong dalaga sa kama niya habang lumalalim ang gabi. "Sabi ko sa 'yo hindi ko na kailangan pang magtago eh." Panunudyo ng dalaga. Bahagya nitong tinitigan ang dalaga. Iniisip kung ano ang nangyayari at kung bakit hindi siya gano'ng napapansin ng kanyang lolo't lola. Mabilis na dumistansya ang binata papalayo rito at pinagkrus ang hinlalaki ng daliri. "Anong klaseng nilalang ka? b-bakit hindi ka nakikita ng Lolo't lola ko?" tarantang sambit niya. Huminga ng malalim ang dalaga bago humiga sa kama. Pansin niyang nakatitig lang ito sa kisame habang ginagalaw-galaw nito ang magkabilang braso. "Kaya nga ako sa 'yo humihingi ng tulong dahil ikaw lang ang nakakakita sa akin." Bumangon ito at bumaling ng tingin sa kanya. "Kailangan ko ng tulong mo para makatawid ako sa kabilang buhay. Alam mo naman siguro kung saan 'yon 'di ba? Sa langit." Pansamantalang nanaig ang katahimikan sa apat na sulok ng silid. Sinampal ng binata ang sarili nito at masasabi naman niyang naging malakas 'yon dahil dinig na dinig ito sa buong silid. Napaupo siya sa sahig habang hawak-hawak ang pisngi. "Gumising ka na sa nakakatakot na panaginip na 'to. baka mamaya natutulog ka pa rin, Gin!" "H'wag kang mag-alala hind—" "H'wag akong mag-alala? Anong gusto mong gawin ko? Matuwa dahil may kung anong masamang elemento naririto sa silid ko?" pigil sigaw ng binata. Dali-dali siyang lumabas ng silid at tumakbo pababa sa ibabang bahagi ng bahay. Hindi niya malaman kung ano ang dapat gawin sa sandaling iyon. Isang espirito, isang masamang elemento, isang 'di kilalang estranghera ang patuloy na sumusunod sa kanya kahit na saan siya magpunta. Isang nilalang na hindi niya alam kung papaano matatakasan –kung matatakasan man. "Gin!" inis niyang nilingon ang dalagang sumusunod sa kanya. tangin ilaw lang mula sa poste ang nagsisilbing liwanag sa madilim na daan. Dahan-dahan niya ring nasilayan ang imahe ng dalaga mula sa nakakatakot na dilim ng paligid. at tulad niya, nababakas ang pagkahingal nito. "Bakit mo ba ako sinusundan? Hindi mo ba nakikitang naiinis na ako? Ilang beses ko bang sasabihin ko sa 'yong hindi kita tutulungan sa gusto mong paghahanap ng kung ano sa kakahuyan." Asik niya. "Hindi naman 'yon ang gusto kong ihingi sa 'yo ng tulong. Sino ba nagsabi sa 'yo na 'yon ang gusto kong gawin?" napailing ang dalaga. "Ang totoo niyan... ikaw pa lang ang nakakakita sa akin kaya gagawin ko ang lahat matulungan mo lang ako." Bahagya siyang napanganga sa narinig. Mas lalo siyang lumayo sa dalaga nang marinig 'yon. Halos maghurumentado ang isip niya sa narinig. Mga nakakatakot na bagay ang namamayagpag sa kanyang pag-iisip. Sumagi rin sa kanyang isip ang senaryo kung saan dinaanan lang ng Lola niya ang estrangherang babae. Ang oras kung saan ay dapat nakita ng Lolo niya na nakaupo ito sa kanyang kama. Ang mga eksenang 'yon ang nagkapagpatunay na hindi isang ordinaryong tao ang babaeng sumusunod sa kanya. "Bakit hindi na lang iba ang gambalain mo? Bakit ako pa?" ginulo-gulo niya ang buhok dala ng matinding inis. "Kakasabi ko lang, ikaw pa lang ang nakakakita sa akin simula nang mamatay ako sampung taon na ang nakakalipas." Mas lalong kumirot ang ulo niya sa narinig. Muli niyang hinawakan ang sentido at marahang hinimas-himas. "Sampung taon." May pagtitimping sambit niya. "Jusmiyo, ano ba ang dapat kong gawin para lang lubayan ako ng babaeng ito?" isip-isip niya. "Totoo ang sinasabi ko. Kailangan kong gawin ang unfinished business ko para makapasok na ako ro'n." Saka nito itinuro ang madilim na kalangitan. "H'wag kang mag-alala, sa oras na tulungan mo ako. Hindi lang ikaw ang makakakita sa akin. lahat ng taong nasa paligid ay makikita ako sa loob ng isang buwan. At pagkatapos, mabubura ako sa ala-ala nila dahil hiram lang naman ang sandali ko. Isa pa, sampung taon na rin naman akong patay kaya hindi nila talaga ako makikilala't matatandaan kung sakaling mawala ako." Ngiting sambit nito na para bang napakasimple lang ng ninanais gawin. "Pati ba ako makakalimutan ka?" Nagkibit balikat ang dalaga. "Oo naman." Bahagyang napaisip ang binata. sa nakikita niyang ngiti sa mukha ng estrangherang dalaga ay para bang nagpapahiwatig nito na napakadali lang ng gagawin nila. Kailangan lang niyang tulungan ang dalagang iyon sa ninanais gawin at pagkatapos ay manunumbalik na ang lahat sa normal. Hindi niya maalala ang dalagang 'yon at tanging ala-ala lang ng bakasyon niya sa probinsyang 'yon ang mananatili sa isipan niya. Walang halong ala-ala ng nilalang na nasa harapan niya. Umihip ang malamig na simoy ng hangin sa paligid na para bang nagbabadya ang paparating na ulan. Bahagya niyang tinitigan ang dalaga na mukhang kanina pa siya pinagmamasdan. Pansin niyang kanina pa nito nilalaro ang laylayan ng puting bestida.  "Babalik na ako sa bahay. Hindi ka pa naman nila makikita 'di ba? Hindi pa naman ako sumasang-ayon sa gusto mo." Tumango lang ito bilang pagsagot. "Sa loob na natin yan pag-usapan." Tahimik ang mga sumunod na sandali habang pabalik silang dalawa sa bahay. Napakalaki ng distansya nila sa isa't-isa habang pinapakiramdaman ng binata ang dalaga sa kanyang likuran. At hanggang ngayon ay iniisip pa rin kung papaano iiwasan ang espirito kahit na mukhang napaka-imposible. Hindi rin niya maiwasan ang kilabutan sa tuwing sumasagi sa isipan niya na hindi isang ordinaryong dalaga ang sumusunod sa kanya. Tahimik na bumalik sa silid si Gin kasunod ang dalaga. Nagtungo siya sa dulong bahagi ng kanyang silid samantalang hinayaan niya lang na maupo ang dalaga sa kanyang kama. "Maipapangako mo ba na kapag natulungan kita, hindi mo na ako gagambalain pa?" "Mark my words!" Bumuga siya ng hangin. Mariing napapikit na para bang nag-aalangan pa rin sa gagawing pagtulong sa estrangherang dalaga. "Anong pangalan mo at papaano kita matutulungan?" "Sena for short, Serena for long." Simpleng sagot nito. "At kailangan kong gawin ang unfinished business ko sa mundong ito para makatawid ako sa kabilang buhay at mamuhay tayong dalawa ng tahimik, payapa, at masaya. 'di ba exciting?" ngumisi ito. "Anong klaseng tulong ba ang kailangan ko para makatawid ka na." pansin niyang pansamantalang napatigil ang dalaga. Napatingala ito sa kisame na para bang naroroon ang sagot na kailagan nito. bahagya nitong nilaro-laro ang mga paa habang patuloy na nakatingin sa itaas. "Hindi ko rin alam." Kunot noong sagot ng dalaga na para bang hindi rin ito sigurado sa sinabi. "Hindi ko maalala eh." Napaface palm na lang ito at bumunga ng napakaraming hangin. "Kaya nga ako nagpapatulong sa 'yo dahil hindi ko alam kung ano ang unfinished business ko." "At sa tingin mo magiging madali ang lahat sa atin? Ngayon wala ka namang ideya sa kung ano ba talaga ang unfinished business mo?" "Kaya nga ako nagpapatulong sa 'yo." Nakangusong sagot nito. "Para mo na rin akong pinagsolve ng mathematical equation gamit ang solution na hindi naman nag-eexist!" "Pero kahit gamitin mo naman 'yon may lalabas pa ring sagot kahit imbento lang 'yon. 'di ba? 'di ba?" Pinanliitan niya lang ng mga mata ang dalaga. Ngumiti lang ito sa kanya at pinaglaruan ang mga unan sa gilid ng kanyang kama. Dahan-dahan niyang nilapitan ang dalaga at umupo sa sahig 'di kalayuan sa kama. "Totoo bang isa kang espirito? Bakit ka namatay?" Napansin niyang humiga ito sa kama habang yakap-yakap ang unan. "Mukhang gano'n na nga, isa akong espirito. Isang kaluluwang hindi makaalis sa mundong ito kahit patay na. Hindi ko rin matandaan kung papaano ako namatay. Basta isang araw, nang imulat ko ang mga mata ko ay nakita ko ang napakaraming bulaklak kung saan tayo nagkita sa kakahuyan." "Ano bang klaseng multo ka? may amnesia ka ba bago mamatay? Bakit parang wala kang alam." "Sorry naman! Eh ang dapat ko lang naman gawin sa mundong ito eh 'yong unfinished business ko. Dapat ko pa bang alalahanin kung papaano ako namatay?" "Malamang! Papaano kung isa pala ro'n ang unfinished business mo?" "Para mo na rin sinabing hindi ko magagawa ang unfinished business ko kung gano'n. S'yempre, ang priority ko eh kung ano ang dapat kong gawin ngayon. Hindi 'yong nakalipas na." bumalikwas ng upo ang dalaga mula sa pagkakahiga sa kama. Bahagya naman siyang dumistansya nang maramdamang lumapit ang dalaga sa kanya. "So ano? Tutulungan mo ba ako o tutulungan mo ako?" "Hindi mo pa nga nalilinaw sa akin kung ano ba talaga ang unfinished business mo." "H'wag kang mag-alala, Kung papaano lang ako namatay at unfinished business ko lang ang hindi ko maalala. Pero ang ibang ala-ala ko noong nabubuhay pa ako, natatandaan ko pa." Habang yakap-yakap ang unan, mas lalo itong lumapit sa kanya. "So anong desisyon mo, Gin? Oo o Oo?" ngiting sambit nito. Bumuntong hininga ang binata at bahagyang tumingala sa kisame. Isinandal din nito ang ulo sa gilid ng kama. "Mukhang may iba pa akong choice. Nakikita kong hindi mo ako tatantanan hanggat hindi ako pumapayag." "Gin, ang galing-galing mo naman. Manghuhula ka ba?" natawa ito. "Oh sige, mangako ka na sa akin." kumunot ang noo ng binata at binalingan ng kung anong tingin ang dalaga. "Ang dami mong pakulo. Papayag naman ako." "Kailangan mong mangako sa akin. Pagpapatunay na gagawin mo talaga ang hinihingi kong tulong. Sa oras na mangako ka sa akin, hindi lang ikaw ang makakakita sa akin. ibig sabihin no'n, pansamantalang gagana sa mundo ang hiram kong oras para magawa ang unfinished business ko sa loob ng isang buwan." Ipinakita ng dalaga ang hinliliit nito. "Dali-dali. Magpromise ka na." Kunot-noong inabot ng binata ang kamay niya sa dalaga at idinikit ang hinliliit nito sa hinliliit ni Serena. Marahan itong ngumiti sa kanya, saka lang niya napansin na napakagaan sa pakiramdam ng ngiti ng dalaga. Ngiti na hindi nakakasawang tingnan, ngiti na hindi mo alam kung may dalang kapahamakan, ngiti na kakaiba sa lahat. "Sabihin mo na." "Nangangako na akong tulungan ka para magawa mo ang unfinished business mo. Gagawin ko ang lahat para makatulong." bahagyang nagliwanag ang parehong hinliliit nila. Napangiti naman ang dalaga sa kanya at bahagyang napapikit. Sumunod niyang naramdaman ang malamig na ihip ng hangin sa apat na sulok ng silid niya. Hangin na hindi niya malaman kung saan nagmula. Kitang-kita niya ang bahagyang paglutang ng mahabang buhok ng dalaga sa kanya maging ang marahang pag-angat ng katawan nito mula sa kama. Hindi niya maiwasang pagmasdan ang nakapikit na mga mata ng dalaga habang bahagyang nagliliwanag ang buong katawan nito. Mula sa Malabo-labong imahe nito, dahan-dahang nabibigyang linaw ang buong katawan ng dalaga. Nagsisimula na rin niyang maramdaman ang init na nagmumula sa hinliliit ng dalaga. Muling napa-upo ang dalaga sa kanyang kama, pinaghiwalay nila ang hinliliit nila sa isa't-isa nang matapos ang maikling pangako sa isa't-isa. Pangako na hindi niya alam kung magagawa ba ng madalian. Pansin niya ring nagkaroon na bigat ang dalaga habang nakaupo ito sa kama. Makikita na ring nakaroon na ng gusot ang inuupuan nito na kanina'y wala naman. "Tapos na ba?" ngumiti ito sa kanya. "Nagsimula na ang oras ko sa mundong ito. Aasahan kong magagawa natin ang kailangang gawin sa mga susunod na araw."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD