CHAPTER 3

2334 Words
STALLION RIDING Club.   Napangiti si Dominique nang makita ang ranch-style sign na iyon.  Sa wakas ay nakarating na rin siya sa kanyang destinasyon.  Nang makausap niya ang kanyang Ninong Arnulfo ay nabanggit nitong miyembro nga ng riding club na iyon si Zell.  Kaya naman hindi na siya nag-aksaya pa ng panahong pumunta roon.  Curious na kasi talaga siya sa kung ano ang itsura sa personal ng batang lalaking nagustuhan niya nang husto noon.   Noong una nga ay inakala niyang naliligaw na siya dahil napakahaba ng private road patungo sa pinaka-Clubhouse proper ng naturang highly exclusive equestrian club. Nalaman niya ang tungkol doon sa ama ng lalaki. Sa Stallion Riding Club daw naglalagi si Zell kapag bigla itong nawawala sa opisina nito. Pero saan nga ba ang lintik na riding club na iyon? Puro puno at damuhan lang ang nakikita niya sa mahabang biyahe na iyon. Mabuti na lang at maganda ang view. Kahit paano ay may taga-aliw ang umiinit na niyang ulo. Hanggang sa nakita nga niya sa wakas ang gate na iyon. Isa sa limang guwardiya lumapit sa kanya.  “Good morning, Ma’m.  SOP lang po, Ma’m.” “Yes?” “Ano pong pangalan nila, Ma’m?”  May hawak itong log book. “Paz Dominique Moreno.” Lihim siyang napangiti nang tila magulat ang guwardiya nang marinig ang pangalan niya.  Obviously, kilala nito kung sino siya.  Saglit nitong sinipat ang log book bago siya muling binalingan. “Pasensiya na, Ma’m.  Pero wala ho kasi ang pangalan ninyo rito sa listahan namin kaya hindi namin kayo maaaring patuluyin.” “I know wala riyan ang pangalan ko dahil ngayon pa lang ako nakapunta rito.  But I am Renzell Zapanta’s fiancee.  Puwede ninyo siyang tawagan para i-confirm iyon.” “Sige ho, Ma’m.  Sandali lang po.” Saglit nitong kinausap ang mga kasamahan sa guard house at pagkatapos ay dinampot ng kausap niyang guwardiya ang telepono.  Mahigpit pala talaga ang seguridad sa lugar na iyon, which was understandable.  Sa dami ba naman ng mga malalaking tao na miyembro ng club na iyon.  Ilang sandali pa ay heto ng muli ito. “Ma’m, ang sabi ho ni Mr. Zapanta ay...wala raw ho siyang kilalang Dominique—“ “I said Paz Dominique Moreno—“  Nagpagting na ang kanyang tenga kaya lumabas na siya ng sasakyan niya at tinungo ang guardhouse.  She didn’t come here all the way from Davao to be insulted like this.  Walang sere-seremonya niyang dinampot ang telepono. “Ano ang number ni Zell sa loob?” tanong niya sa isa sa mga guwardiya. “Ma’m, ayaw na hong magpa-istorbo ni Mr. Zapanta—“ “Damn it!  Just give me his number!” “Dominique.” Nilingon niya ang nagsalita.  Kalalabas lang ng isang lalaki sa kotse nito at lumapit sa kanya.  Agad niya itong nakilala.   “Neiji.” Neiji Villaraza was her cousin on the mother side. “Anong ginagawa mo rito?” “Saving you from humiliation.” Lumapit na ito sa kanya at sinenyasan ang mga guwardiya bago muling binalingan si Dominique. “Wala kang mapapala sa mga tauhan ni Reid sa lugar na ‘to. They’d been brieffed thoroughly and they only answer to Reid Alleje.” “And who the hell is Reid?” “Reid Alleje, owner of the Stallion Riding Club.  At nandito ako dahil tinawagan ako ni Uncle Ismael na baka nga raw maligaw ka rito kaya pinabantayan ka niya sa akin para alalayan.” “I don’t need anyone.” “You do.  Kung talagang gusto mong makapasok ng SRC.”  Binalingan uli ni Neiji ang mga guwardiya.  “Pakilagay ang pangalan ni Miss Moreno sa guest list ko.  Paz Dominique Moreno. She’s my cousin.” “Yes, Sir.” Binalingan ni Dominique ang pinsan.  “Member ka rin ng Stallion Riding Club?” “Matagal na.”  Napakamot ito ng ulo.  “Ano nga pala ang ginagawa mo rito?  Tinawagan ako ni Tito at sinabi nga niya na baka makita kita rito sa Maynila dahil basta ka na lang umalis sa inyo. Ang tanging paalam mo lang ay hahanapin mo ang kapalaran mo? I thought you’re already settled with your own business.” “Oo nga.” “Ano pa ang hinahanap mong kapalaran kung ganon?” “Sikreto. Anyway, may number ka ba ng Reid Alleje na iyon?” “Bakit?” “I want to buy this place.  Pagkatapos ay siya naman ang hindi ko patatapakin pa dito kahit kailan.” “Mukhang hindi ka pa nag-aalmusal, ah,” natatawa nitong wika.  “Ang mabuti pa tumuloy na tayo sa loob at doon mag-usap. Baka may dumating pang ibang members at guests e makaistorbo pa tayo sa daan.” “Okay. But last question. Kilala mo ba si Renzell Zapanta?” Mainit pa rin ang ulo ni Dominique dahil sa ginawang pagkakaila sa kanya ng lalaking iyon. “Oo. Bakit?” “Alam mo kung saan siya nakatira?”   “Ang alam ko, may bahay siya sa Ortigas at Makati.” “Sa loob ng Stallion Riding Club, narito siya ngayon?” Humalukipkip lang ito.  “Sabihin mo muna sa akin kung bakit mo hinahanap si Zell.” “Gusto kong makilala nang personal ang fiancé ko.” “Fiancé…?” “Yeah. Zell.” “You’re joking, right?” “No.  Itanong mo pa kina Papa at Mama.  Sila ang mga salarin kung bakit nagkaroon ng ugnayan ang mga buhay namin ni Zell.” Matagal lang na nakatitig sa kanya si Neiji.  Nagkaroon tuloy ng pagkakataon si Dominique na mapagmasdan ito nang husto.  At ngayon lang din niya napansin na may itsura pala ang pinsan niyang ito.  Samantalang noong mga bata pa sila ay binabatok-batukan at inuutos-utusan lang niya ito.   “Seryoso ba talaga iyan?” tanong nito na halatang hindi pa rin makapaniwala.  “Si Zell talaga ang tinutukoy ng pamilya ninyo na ipinagkasundo sa iyo?” Pagkatapos ay bigla na lang itong malakas na tumawa.  Sipain kaya niya ito?  Or better yet, itulak na lang niya sa pinakamalapit na bangin doon. “I can’t believe this,” wika nito na hindi pa rin mapigilan ang matawa.  “My cousin and Mr. Nice-Guy-to–Girls-Only were engaged.  End of the world na yata.” “Anong nakakatawa dun?” “Wala naman.”  Sa wakas ay umayos na rin ito.  “Sigurado kang pakakasalan mo si Zell?”  “Bakit?  Kayo ba?” “Yeah, right.”  Nagpamaywang ito.  “I must say na ito na yata ang pinaka-interesanteng bagay na nalaman ko ngayong linggo.” “Kung magsalita ka parang hindi ko dapat dinidikitan si Zell, ah.  May girlfriend na ba siya?  O ibang fiancé?  Okay lang naman sa akin iyon.  Babalik na lang ako sa Maynila…” Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang marinig ang papalapit na ingay na iyon.  Ilang sandali pa ay lumitaw na mula kung saan ang isang puting kabayo sakay ang isang lalaking may pamilyar na mukha.  He looked absolutely dashing in his black and white riding uniform.  At kahit ilang metro rin ang layo nito sa kanila ay hindi siya maaaring magkamali sa napakaguwapong mukhang iyon.   “Good morning, Mr. Zapanta,” magiliw na bati rito ng mga guwardiya.  “Nag-enjoy yata kayo nang husto kaya nakarating na kayo rito ni Thunder.” “Actually, I was heading for the lakeside.  Hindi ko nga alam kung bakit dito ako nakarating.” “Naligaw ka kamo,” wika ni Neiji. “Pero siyempre, hindi mo aaminin at susuportahan naman kita kaya sige, ‘yung kabayo mo ang naligaw.” Gustong sikuhin ni Dominique sa tagiliran ang pinsan pero mas inintindi niya na makita nang maayos ang itsura ng lalaki na nakasakay sa kabayo. At nang humarap ito nang tuluyan sa kanila ay nahugot na lang niya ang kanyang hininga. Ito na si Renzell Zapanta?  My!  He was more handsome than that of his picture!  Mabuti na lang pala talaga at sinadya ko ito rito para personal na makaliskisan.  At halos mapanganga siya sa paghanga nang i-guide nito ang kabayo palapit sa kanila.  A few seconds later, his magnificent horse was already standing right in front of them.  Nakatingala na lang siya rito. Nakanganga na kaya siya? Huwag naman sana, Lord. Let me be gorgeous in front of this amazing man. “Neiji,” wika nito. “Renzell,” wika ng pinsan niya. “Dominique,” singit niya.  Napatingin sa kanya ang dalawang lalaki.  “Wala lang.  Para cute.” She tried smiling at Zell.  Inakala niyang magdadamot ito ng ngiti dahil seryoso ang guwapo nitong mukha.  But when he looked at her, a mouth-watering smile curved his lips.  Napatanga na lang tuloy siya rito nang wala sa oras.  Goodness!  He was even way better in person than in the picture! “May rematch pa tayo sa cross-country jumping, Neiji,” baling nito sa kanyang pinsan nang wala man lang siyang maging reaksyon dito.  “I’ll wait at the Lakeside Clubhouse.  Hurry up.” “That is,” wika ni Neiji.  “Kung hindi ka maliligaw papunta roon.” “Anong palagay mo sa akin, hindi marunong sa direksyon?”  Iginiya na nito ang kabayo nito patungo sa pinanggalingan nito.  “I’ll see you there, Neiji.” Bahagyang itinaas ni Zell ang kamay kay Dominique bilang pamamaalam bago ito tuluyang lumayo. Wala siyang ibang naging reaksyon kundi ang tahimik lang itong pagmasdan hanggang sa mawala ito sa paningin niya. Kung hindi pa siya kinalabit ng pinsan niya ay hindi pa siya tila magigising.   “Akala ko ba engaged na kayo?  Bakit parang hindi ka naman niya kilala?  Sigurado kang si Zell talaga ang tinutukoy mong fiancé mo? Baka ibang tao iyon--” “I like him.” “Narinig mo ba ang mga una kong sinabi?” “I really like him.” Napabuntunghininga na lang si Neiji. “Every woman does.” “Dalhin mo ako sa Lakeside Clubhouse.  Now na.” “Dominique—“ “Pero huwag mo munang ipapaalam sa kanya kung sino ako sa buhay niya.  Mabuti na rin ang hindi niya ako nakilala agad.  At least may panahon pa ako para makilala siya nang husto. I still needed to know him more. Although masaya ako sa una kong impression sa kanya kanina, still, I want to know him more.” “Kunsabagay, baka nga mas mainam na ang ganyan.  Mas mabuting makilala mo muna siya nang mabuti bago ka magpasya kung itutuloy mo ba ang arranged marriage ninyong iyon o hindi.” Napapakunot-noo na lang si Dominique nang balingan ang pinsan. Kanina pa kasi niya napapansin na parang kontra ito sa mga naging deklarasyon niya sa isa mga kasamahan nito sa naturang club. “Get straight to the point, Neiji. Ano ba talaga ang gusto mong sabihin tungkol kay Zell.” “No one could own him, Dominique.  Not even you.” “So…kayo na nga?” Kinurot nito ang ilong niya.  “Huwag kang pa-cute diyan.  All I’m saying is that you’re my cousin and I don’t want you to get involved with a man like Zell.  He’s a good guy.  But when it comes to women, I’d rather he’d have someone else instead of you.” “So, tututol ka sa kasal namin ni Zell, ganon ba? Kung sakaling matuloy nga kami sa simbahan?” “Yeah, well…” “Hay naku.  Huwag mong pakialaman ang kapalaran naming dalawa.  If we’re not meant to be together, hindi na sana kami nagkita ngayon.  O hindi na sana naging mag-bestfriends ang mga tatay namin at ipagkasundo kami noong mga bata pa kami.” “He could hurt you because he could never commit himself to any woman.” “He could never commit because he was waiting for me,” buong giting niyang deklara.  “Ganon lang kasimple iyon.” “Nagyabang ka na naman.” “Nagsasabi lang ako ng totoo.  At tsaka, huwag mo na ngang kontrahin ang kapalaran namin ni Zell.  Let destiny do its thing.  Kapag hindi ko nagustuhan ang personality niya, I’ll drop him. Problem solved. Napaka-simple ng buhay, ginagawa mo pang kumplikado.” “And what if you’ve fallen for him and still he couldn’t commit to you?” Pinalo lang niya ito sa balikat.  “Masyado ka kasing negative.  Kaya siguro hanggang ngayon ay wala ka pa ring girlfriend, ano?” “I’m busy with my business.” “Ang sabihin mo, nagdadahilan ka lang. Wala ka talagang lovelife kaya kunwari, busy sa work.” “Huwag mo ng pakialaman ang lovelife ko.  I’m already having problems with the twins.  Huwag ka ng dumagdag pa.” “What twins?” “Not what.  Who.  Jigger and Trigger.”  Iminuwestra na nito ang sasakyan niya.  “Sumunod ka na lang sa akin.  Ipapakilala muna kita kay Reid para alam mo kung sino ang igagalang mo rito sa loob ng Stallion Riding Club.” “Si Zell lang ang ipinunta ko rito. I’m not interested in meeting anyone else.” “Reid Alleje owns this whole place.” “So?” “So, you have to obey the rules around here. Alam ko kung gaano katigas ang ulo sa maraming bagay at hindi uubra dito ang mga gaya mong may sariling mundo madalas. This is a different place from where you were used to, Paz Dominique.  Dito sa Stallion Riding Club, kaming mga members lang ang masusunod.” “Fine, fine. Whatever. So, puwede na nating puntahan ang kapalaran ko? Hindi naman ako magtatagal dito kaya huwag ka nang mag-alala dyan. Si Zell lang talaga ang ipinunta ko rito at wala nang iba.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD