CHAPTER 2

1317 Words
NAKATANGA LANG si Dominique sa kanyang ina habang palakad-lakad ito sa harapan niya.  Ilang minuto pa lang siyang nakakatapak sa lupain ng Davao ay parang gusto na uli niyang lumipad pabalik ng Maynila. “I’m sorry. Nabingi yata ako sa sinabi mo, Ma. Did I hear it right? I’m…” Napakurap-kurap pa si Dominique. “Im engaged?” “Yes, hija.”  Her mother held up her glass of champagne.  “Nakalimutan mo na ba?  Kunsabagay, bata ka pa nga naman nang i-arranged ang marriage mo sa anak ng Ninong Arnulfo mo.  Ten years old ka pa lang noon.  Pero huwag kang mag-alala.  Ngayong nasa tamang edad ka na, buong puso ko iyong ipapaalala sa iyo.” “Ma—“  Natigilan siya nang ibigay nito sa kanya ang isang blowup picture ng isang lalaking naka-equestrian uniform. The guy was smiling at the camera.  He was wearing a riding uniform while leaning against a wooden fence.  From the looks of it, sa isang riding club kinuha ang larawang iyon.  At hindi siya makapaniwalang sa unang pagkakataon ay napatitig siya sa mukha ng isang lalaki.  Alam niyang wala siyang pakialam sa mga guwapong nilalang ng Diyos sa mundo.  Pero sa isang ito, she just couldn’t take her eyes off him.  Tila kasi habang tinititigan niya ito ng matagal ay mas lalo itong nagiging simpatiko sa kanyang paningin. “Who is this guy?” “Your fiancé.” Napatingin siya sa ina.  “Ows?” “Yes.” “Hindi nga?” Tila reynang nagpalakad-lakad sa harap niya ang kanyang ina.  Even in her late forties, her mother still exudes elegance and beauty.  “Hindi mo na ba talaga matandaan si Renzell?” Tila sinipa ng kabayo ang dibdib niya nang marinig ang pangalang iyon.  Renzell Zapanta.  Who could ever forget that handsome boy she met on her tenth birthday?  The boy who gave her first kiss on the cheek?  Muling nabaling ang atensyon niya sa hawak na larawan.  At tila ba nagbubuo siya ng puzzle sa isip habang tinititigan ang nakangiting lalaki sa kanyang harap.  Yes, the cute smile was still there.  Only, the cute boy has changed into a sinfully gorgeous man. Itinaas ni Dominique ang larawan at pinagbali-baliktad iyon. “Hija, that is Renzell Zapanta,” nakangiting wika ng kanyang ina.  “Your fiancé.  O, hindi ba’t tama ako?  He’s quite a handsome man.” “Akala ko kalokohan lang ng mga walang magawang lasing ang kasunduang iyon nina Papa at ni Ninong Arnulfo.” “Well, yeah.  Pero naisip namin ng yumaong si Isabel na bagay na bagay kayo ng kanyang anak kaya kami na lang ang nagpatibay ng kasunduang iyon.”  Lumungkot ang mukha ng kanyang ina.  “It was just too bad she couldn’t see you both now. Hindi na makikita ni Isabela ang napakaganda niyang future daughter-in-law.” Yes, that was me. The most beautiful future daughter-in-law. “Naalala lang ba ninyo si Tita Isabela kaya naisipan ninyong buhayin ang kasunduang iyon, Ma?” “Of course not.” “Kung ganon bakit sa tinagal-tagal na ng usapan ninyong iyon, ngayon lang uli ninyo ito nabanggit?  Kaya nga halos hindi ko na ito maalala.”  Muli niyang binalingan ang larawan at tinitigan ang nakangiting mukha ni Zell.  “Hindi ko na nga rin maaala si Zell.” “You’re the one who told us not to mention anything about Renzell when you went to the States to study?” Hmm, well…   Meron nga siyang naalala ngayon na nabanggit noon sa mga magulang niyang ayaw na muna niyang makarinig ng kahti na anong balita tungkol sa lalaki.  Ayaw kasi niyang ma-distract sa kanyang pag-aaral.  At dala marahil nun kaya pati ang sarili niyang bilin ay hindi na niya matandaan. “Naisip ko lang na panahon na para lumagay ka sa tahimik at bigyan mo na kami ng Papa mo ng mga apo.  I mean, we’re not getting any younger and so was you.” Sinimangutan niya ito.  “And what’s that supposed to mean?  Na matanda na ako?  I’m only on my late twenties.” “Pero gusto ko ng magka-apo.  Sa mga amiga ko, ako na lang ang walang maikuwentong apo.” “E, di ako ang ikuwento ninyo.” “Naririndi na raw sila sa mga adventures mo.  At ang nakakahiya sa lahat, ni wala akong masabi tungkol sa lovelife mo dahil wala ka namang boyfriend.  Samantalang sila, nakakailang divorce at annulments na ang mga anak nila.” “Hay naku, Ma.  Bakit kasi hindi na lang kayo nakuntento sa pagma-majhong ninyo?  Bakit kailangang ungkatin nyo pa ang buhay ng mga anak ninyo?  Wala tuloy kayong mai-contribute.” “Kaya nga mag-asawa ka na tutal naman nasa tamang edad ka na.  And your father’s retiring now.  Wala na kaming mapagkakaabalahan.  Naiinip na kaming pareho sa buhay namin.”  Huminto ito sa harap niya.  “Gusto mo pa bang magkaroon ng kapatid?” Kinilabutan siya sa sinabi nito.  “Ma, you’re on your forties.” “Kung ayaw mo akong bigyan ng apo e di gagawa na lang uli kami ng Papa mo ng—“ “Ma!  Huwag mo ng ituloy, okay?  Nangingilo ako.”  Sumandal siya sa sofa at tinitigan uli ang larawan ni Zell.  “Ganito ba talaga ito kaguwapo?  Baka naman photogenic lang ito at mukha pala siyang bangungot sa personal?” “Why don’t you find out for yourself?  Matagal na rin naman kayong hindi nagkikita at ito ang magandang pagkakataon para makilala ninyong muli ang isa’t isa.” “And if we didn’t hit it off?” “Huwag naman sana.  Sayang ang lahi ng batang iyan.  Napakaguwapo pa naman niya.  Bagay na bagay talaga sa iyo dahil napakaganda mo.  Bukod diyan, maganda rin ang family background niya.” “Pero paano nga kung hindi kami mag-click?”  hindi ito sumagot.  Halatang ayaw nitong mangyari ang mga sinabi niya.  napabuntunghininga na lang siya.  Parents.  “E paano kung may girlfriend na siya ngayon?” Her mom waved her hand, dismissing the thought.  “Don’t worry.  According sa Ninong mo, walang steady girlfriend si Renzell.  Lahat fling.” “A playboy.” “O kaya naman, hinihintay lang niya ang pagbabalik mo sa buhay niya.  Afterall, according to your Ninong, he was fully aware of the arrangement.” “Talaga?  At hindi siya tumutol?”  Saglit na napaisip ang kanyang ina.  “Alright.  I’ll give this a try.  Pero kapag hindi ko siya nagustuhan, walang kasalang magaganap.” “Magugustuhan mo siya.” She looked at the picture once again.  “Well, may potensyal.” “You like him?” Nilingon niya ang ina at napangiti na lang sa nanunuksong tingin nito sa kanya.  Kaya sinakyan na lang niya ang trip nito.  “I had a crush on him when I was ten years old, Ma.  Of course I like him.” Her mother gave her a satisfied smile.  “Good.  Aasikasuhin ko na ang kasal ninyo kung ganon.” “Ah, Ma…” “I’m so excited! My baby’s getting married na! I’ll get some drinks so we could celebrate!” Napapangiti na napapailing na lang si Dominique habang pinagmamasdan ang masayang-masayang ina. Oh, well. Whatever. Hindi na rin siguro masama na makiayon muna pansamantala sa bagong pinagkakaabalahan ng kanyang Mama. “She looks so happy. Masisiraan ‘to ng bait kapag hindi natuloy ang kasal ng pinakaganda nyang anak. Wait. Ako lang ang anak nya.” Nagkibit-balikat lang siya saka muling ibinaling ang atensyon sa larawan ng kanyang ‘fiancé’. “I wonder if you’re still the same cutiepie I met a long time ago…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD