CHAPTER 3

584 Words
“IKAW NA naman?”  Nakapamaywang na si Sonja sa harap ng nakabalandrang katawan ni Rodjan sa paborito niyang puwesto sa café na iyon.  Nakapatong pa ang mahahaba nitong binti sa mesita kaya hindi siya makapasok upang makaupo sa bakanteng sofa.  “Wala ka bang ibang pagkakaabalahan ngayon bukod sa sirain ninyo ng girlfriend mong lukring ang gabi ko?” Yeah, gabi na naman kaya buhay na naman ang dugo niya. Ibinaba lang ni Rodjan ang visor ng suot nitong bullcap para maitago ang mukha nang hindi kumikilos sa kinauupuan nito. He crossed his arms over his chest before he answered. “I still don’t see any names here, miss. At puwede ba, huwag kang maingay.  Istorbo ka sa pagtulog ko.” “Aba’t—hoy, mama, hindi ho ninyo bahay ito.  Café Bonita po ito.  As in inuman ng kape ng mga nagbabayad ng buwis sa gobyerno na gaya ko.  ‘Yun bang mga taong pinakikinabangan ng Pilipinas.” “I don’t know what you’re talking about.” Hindi man lang ito nagmagandang loob na mag-angat ng mukha upang tingnan siya habang kinakausap nito.  Sa tingin ni Sonja, wala nga talaga itong balak na umalis doon at pagbigyan siya.  Siya man ay walang balak na basta na lang hayaan si Rodjan na makuha ang gusto nito pagkatapos siyang mabuwisit nito kahapon.  Hinakbangan niya ang mga binti ng lalaki at naupo sa katapat nitong sofa.  Isinaksak niya ang laptop sa outlet ng kuryente.  Iyon pa ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi siya makalipat ng ibang puwesto.  Ang lugar lang kasi na iyon ang may saksakan ng kuryente na ginagamit niya sa kanyang laptop kapag naiisipan niyang magsulat sa labas ng kanilang bahay. At naisipan niyang magsulat sa labas ngayong gabi. Bigla kasi siyang nabagot sa loob ng kanyang kuwarto. Since maaga pa naman, ala sais pa lang ng gabi, at hanggang alas dose naman ang bukas ng cafe na iyon kaya doon siya tatambay para magsulat. May istorbo man o wala sa puwesto niya o wala. Nag-umpisa na siyang tumipa sa keyboard ng kanyang computer.  Pero hindi gaya noong una, sira ang concentration niya ngayon.  Hindi niya mapagkabit-kabit ang ideya at kuwento sa kanyang utak.  At iyon ay dahil sa mukhang gusgusing lalaki sa harap niya.  Hanggang sa tuluyan na niyang kinalimutan ang pagsusulat.   “Ito ang unang pagkakataon na nawala ako sa concentration ko,” pabulong na wika ni Sonja habang masama ang tingin sa lalaking natutulog. Naririnig pa niya ang mahina nitong paghilik. Talagang tulog ang mokong! “At hindi ako papayag na basta ka na lang makawala ng hindi ako nakakaganti sa iyo.  Alam mo kung gaano kahalaga sa akin ang bawat oras na iginugugol ko sa pagsusulat?  Pera ang katumbas ng bawat letra ng nobela ko.  Pero sigurado ako na hindi mo alam kung ano ang ibig sabihin ng hard work dahil naghihilik ka lang lagi sa isang tabi.”  Napabuntunghininga na lang siya.  “Why am I talking to you anyway?  Wala ka namang kuwenta.” Pero ayaw pa niyang umalis.  Kaya nga siya lumabas ngayong gabi ay dahil nababato na siya sa apat na sulok ng kanilang bahay.  Kaya lang, minsan na nga lang masilayan ng mundo ang kanyang kagandahan ay isa pang istorbo.  Hindi siya papayag na basta na lang may sisira sa maayos at smooth-sailing niyang buhay.  Ayaw niyang panggulo.  And then remembered his pictures on her cellphone.   Unti-unting sumilay ang ngisi sa kanyang mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD