CHAPTER 2

2108 Words
ABALA SA PAGNGATNGAT ng straw ng order niyang mocha frappe si Sonja habang nakamasid sa kawalan.  She was slumped lazily on the comfortable sofa at the far end corner of the café.  Dito siya lagi nakatambay sa tuwing nababagot na siya sa kanilang bahay dahil ito ang pinakamaayos na cafe na malapit lang sa kanila at madaling puntahan. Dito rin siya madalas gumawa ng kanyang story draft para sa mga ginagawa niyang nobela dahil tahimik ang café na iyon at walang pakialam ang management kung iisang kape lang ang in-order mo at walong oras ka ng nakaupo sa isa sa mga sofa nila.  But of course, hindi siya ganon. Nakaka-ilang order ng sandwiches din siya roon at isang pasta since iyon ang paborito niyang kainin kapag nasa labas siya. Kaya siguro kahit halos kahalating araw siyang tumatambay doon kapag nagagawi siya minsan sa isang buwan, hindi siya pinapansin ng management ng cafe. Kilala na nga siya na nga siya ng mga ito dahil naging readers na rin ng mga nobela niya ang ilan sa mga ito. Sonja took another sip of her drinks, habang ibinabalik niya sa isip ang mga eksena ng kanyang nobelang iniwan sa kanilang bahay nang may maupo sa katapat niyang sofa.  Usually, kapag ganoong pandalawahan ang puwesto sa mga tables at iisa lang ang nakaupo, wala ng iba pang puwedeng maupo sa libreng sofa.  Kahiyaan na lang kasi.  Kaya nagulat siya nang basta na lang umupo sa kanilang sofa ang isang lalaki na parang wala lang.  Ni hindi nito hiningi ang permiso sa kanya.  Kunsabagay, hindi naman kanya iyon.   But still… “Excuse me,” aniya rito nang tila maghanda na ito sa pagtulog.  “Ahm, taken na ang lugar na ito.” “There’s two seats.  May hinihintay ka bang kasama?” Aba’t ang bruho!  Banatan pa daw ba siya ng English?  “Wala.  Pero puwesto ko na ito.  At ayoko ng may kasama.” The guy looked bored as he looked around.  “Wala ng ibang available seats.  Ito na lang.  Wala ka namang ibang hinihintay kaya dito na ako mauupo.” “Pero—“ “And I don’t see any names written on this table.  Hindi ko rin nababalitaang pumapayag sa reservation ang Café Bonita.” And then he slumped on his seat and closed his eyes.  Antipatiko ang hudyo!  Kung hindi nga lang ito nagsalita ng Ingles, baka isipin niyang taong grasa ito na nababaliw kaya pumasok sa lugar na iyon.  Ang dumi kasi nito sa paningin niya. Naiirita ang mga mata niya lalo pa at siya ‘yung tipo ng tao na ayaw ng makalat o madumi sa paligid. Mahaba ang buhok nitong naka-ponytail nga pero hindi naman maayos ang pagkakatali.  Nag-uumpisa na ring tumubo ang balbas nito na marahil ay ilang araw ng nakakalimutang mag-ahit.  Ang itim nitong t-shirt ay tila puro tilamsik pa ng kung ano-anong kinain nito dahil iba’t iba ang kulay na nagkalat sa damit nito.  His faded denim pants was torn on the knees area and looked like it has not been washed for days.  His sneakers were not any better.  The earring on his left ear looked odd, his thin, silver-chained necklace was worse.  Para itong overgrown rebel teen na hindi maintindihan kung ano ang pipiliin, ang maging overgrown ba o maging rebel.  Ganyan kagulo ang tingin ni Sonja sa lalaki. Maybe she should talk to him.  Ayon sa mga nababasa niya sa medical articles sa internet kapag nagre-research siya para kasalukuyang isinusulat na nobela, ang mga ganitong itsura raw ang ilan sa mga signs ng mga taong may matinding pinagdadaanan sa buhay. ‘Yun bang tipong hindi na maasikaso ang sarili dahil mas okupado ng problema ang isip. Poor thing.  She was about to open her mouth to talk to him when he woke up, and looked straight at her.  Natameme siya.  Now that she could see him better, she realized he wasn’t the type of person who would take his life for nothing.  She was a writer so she was trained to observed people and her surroundings.  Kaya doon lang din niya napansin ang iba pang features nito na sumasalungat sa kanyang unang assessment dito.  His eyes were intelligent, the way he moves belied her first impression that he was just a disillusioned vagabond.  Dahil kumportable ito sa bawat kilos nito.   “I don’t really like it when people are looking at me like I was some fish in an aquarium,” anito. She continued biting on her straw.  “Hindi kita tinitingnan, ‘no?  Nagkataon lang na nasa line of vision kita. Umalis ka dyan, para hindi kita nakikita.” “You’re watching me,” giit nito.  “I can see you.” “See me?  Paano mo akong makikita e nakapikit ka nga riyan?” “Gifted akong tao kaya alam ko kung may nakatingin sa akin o wala.” “Paranoid ka lang kamo.”  Lumihis siya ng upo upang hindi na diretsong makaharap dito.  “Asar, ha?  Ako ang nauna rito pero ako pa ngayon ang nag-a-adjust. This is violation of human rights.” Yeah, she was was exaggerated. But who cares. Naiinis siya dahil naiistorbo ang pagre-relax niya ngayong araw. O gabi. Mabuti na lang at isa sa mga gift din niya ang i-block out ang lahat sa kanyang paligid kapag nag-iisip siya para sa kanyang mga kuwento.  Kaya nagawa niyang kalimutan ang lalaking istorabo na ‘to.  Naipagpatuloy niya ang mga eksena sa kanyang isip habang nakamasid sa malinis na malinis na pader ng Café Bonita.  She was satisfied with what she had accomplished.  Nasundan na kasi niya ang kuwento sa kanyang nobela na naubusan na ng eksena.  Paalis na siya nang sa kanyang pagbaling ay ang mukha ng natutulog na lalaki ang bumungad sa kanya.  Bahagya pa itong nakanganga habang kumportableng nakasalampak sa kinauupuan nito.   Ilang oras na ba siyang nangangarap at parang sarap na sarap na sa pagtulog ang lalaking ito?  Wala siyang relo kaya wala siyang ideya.  Hindi rin naman niya natingnan ang oras sa cellphone niya kaya wala rin iyong silbi.  Unti-unting sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi nang maalala ang cellphone niya.  Na may camera.  Puwedeng reference ito sa mga susunod niyang nobela kapag naubusan uli siya ng eksena.  Besides the fact, of course, that he was really cute sleeping like that.   Nakakailang shots na siya rito nang mapansin ang biglang pagkakagulo sa labas ng café.  And then a woman came in, with ligths from cameras following her.  Kilala niya ang babae.  Si Alicia Manzano, isa sa pinakasikat na artista at modelo sa bansa. Humarang na marahil ang dalawang guwardiya ng café kaya hindi na nakapasok pa ang mga photographer.  Itinago na ni Sonja ang kanyang cellphone. Wala siyang hilig sa artista.  Baka mamaya mag-expect pa si Alicia Manzano na gusto nya magpa-picture e mapilitan pa syang magpa-picture dito. Nakakatamad tumayo at mag-pose. Pero nagulat siya at nagtaka nang lumapit ito sa puwesto niya, or rather, lumapit sa lalaking natutulog. She kissed him on his lips, in front of her!  Eww! Panira ng mga imagination niya ang ginawa nito!   Imoral!   Nagising na ang lalaki. “Sabi na, eh. Ikaw nga ang nakita ko rito, Rodjan.”  Nakisiksik ito sa sofa ng lalaki at mabilis na pumulupot ang mga braso nito sa katawan ng bagong gising.  “Ikaw, ha?  Why didn’t you tell me you’re attending my fashion show today? E di sana nakuhaan kita ng mas magandang place kaysa dito na malapit sa venue ng event namin.  Anyway, let’s just go.  Tapos na ang show kaya puwede na tayong magpunta kahit saan mo gusto.” “Dito na lang muna ako.  I’m just gonna gather my wits.” Maglambingan daw ba sa harapan ko? E di wow. Inilayo na lang ni Sonja ang pansin sa mga ito.  Binalingan na lang niya ang mga nagkikislapang camera na nagmumula sa kabilang panig ng glass wall ng café.  Ngumiti siya at itinaas ang isang kamay, making a peace sign with her fingers.  Wala siyang pinatawad na camera shots kahit na nga alam niyang sina Alicia at ang boyfriend nito ang kinukuhaan ng larawan.   E, ano ba?  Kanya-kanyang trip lang iyan, ‘no? “I didn’t know na may nakakakilala na pala sa iyo, Rodjan,” narinig ni Sonja na wika ni Alicia.  “I thought you wanted to remain a mystery in the world of arts.” “Alicia.” “What, you make exceptions now?  Nagseselos ako, Rodjan, ha?” Napalingon si Sonja kay Alicia.  Nagseselos?  Kanino?  Napakunot ang kanyang noo nang mapansing matalim ang tingin sa kanya ng sikat na artista. What? Ako ang pinagseselosan nya? Ay, wait. Ang haba ng hair ko. “She’s not a fan,” tinatamad na wika ng lalaking nagngangalang Rodjan.  “I don’t even know her name.” “My name? Oh, I’m Sonja Anastacia Romano,” buong pagmamalaki niyang sagot.  “Pronounced as ‘Sonia’ but spelled the Russian way.  S-O-N-J-A.” Inisnab lang siya ng babae.  “Let’s go na, Rodjan.  Marami ng nakikisawsaw sa kasikatan natin dito.” “Sino?” tanong ni Sonja. “Sino ang sira ulong nakikisawsaw sa kasikatan natin dito?” Lumingon-lingon pa siya sa paligid.  Nang mapansing wala naman siyang makitang kaduda-duda ang ikinikilos ay saka lang niya muling binalingan sina Rodjan at Alicia.  The guy was giving her a weird look, the woman an irritated look.  Kaya doon lang din niya na-realize na siya ang tinutukoy ni Alicia na nakikisawsaw sa kasikatan ng mga ito. Siyempre, papayag ba syang mapahiya? Of course not. “Ikaw pala iyong tinutukoy niya?” tanong niya kay Rodjan.  “Payag ka ba ng ganon?  Nilalait-lait ka ng girlfriend mo?  Kung ako ikaw, inihagis ko na iyan.” Napasinghap si Alicia sabay tayo.  Halatang marami itong gustong sabihin pero dahil may mga camera na nakabantay sa bawat kilos at sasabihin nito, hindi ito makahirit ng maayos.  Sayang, naka-battlemode pa naman si Sonja ngayon.  Ang lakas kasing mang-asar ng babaeng ito e hindi naman niya inaano. “Rodjan, let’s just go.  Hindi na maganda ang atmosphere dito.” “Don’t mind her,” tukoy ni Rodjan kay Sonja.  “Kung magpapaapekto ka sa mga sinasabi niya, maiinis ka lang.  Kaya huwag mo na lang siyang pansinin.” “I don’t care about her. Why should I? She’s nothing compared to me.  Gusto ko lang na umalis na tayo rito dahil hindi tayo bagay sa mga ganitong lugar lalo na sa mga…”  The woman looked down on her, literally.  “Lalo na sa mga tao dito.  They’re so not in our circle, Rodjan. Kaya umalis na tayo rito bago pa tayo mahawa sa mga ka-cheap-an ng mga tao rito.” Hindi na nakatiis si Sonja sa mga naririnig kay Alicia.  “Oo nga.  Kung ako sa inyo, umalis na kayo kasi baka mamaya, e mahawa pa kami sa kasosyalan ninyo.  Ikamamatay naming mga tao iyon.  Sensitive pa naman ang mga balat namin.  actually, ngayon nga nangangati na ako.  Gosh!  Is this galis?  Naman, ha?  This is so nakakadiri na talaga!  Look at this, o.” Diring-diri na lumayo sa kanila si Alicia.  “Hihintayin na lang kita sa labas, Rodjan.  Please hurry up.  I can’t take this place anymore.” Ngingisi-ngisi lang si Sonja nang lumabas na ng tuluyan ang babae.  One down, one to go.  She turned to the guy.  Pero wala sa isip niyang hawakan ito.  Itsura pa lang nito, tila nakikini-kinita na niyang ito ang pugad ng mga bagong pagmumulan ng epidemya na magwawakas ng existence ng mga tao sa mundo. “Yes?” aniya rito.  “Can I do something for you, Mister?” “Yeah.  Mind your own business.” Sinundan na lang niya ito ng tingin nang lumabas na rin ito ng cafe habang nginangatngat ng asar ang kanyang kalooban.  Mind her own business?  Hello!  Sino kaya ang nang-istorbo sa pag-iisa ko?   “Asar, ha? Ako na nga ang naistorbo dito, ako pa ang mag-’mind your own business’? How dare…” Dinampot niya ang inumin.  “Lagot kayo sa akin.  Ikaw, lalaki, gagawin kitang lider ng mga terorista sa mga nobela ko.  At ikaw, babae, ipapangalan kita sa isang kuhol.  Tingnan ko lang kung makahirit ka pa sa akin.” Hah!  Ito ang ipinamana ni Gat Jose Rizal sa mga manunulat na gaya niya.  The power of the pen. Yeah!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD