CHAPTER 2

614 Words
NAKATAYO SA harap ng bintana si Kelly habang naghihikab at nag-iinat.  Wala ng araw dahil mag-a-alas sais na ng gabi.  Mahaba-haba na pala ang naitulog niya.  Mabuti naman.  Kahit paano, nakabawi na rin siya sa ilang araw niyang pagpupuyat dala ng kanyang trabaho.  Ngunit nasamid siya at nabitin ang kanyang pag-iinat nang makita ang lalaking walang pang-itaas na nag-i-stretching sa harap ng sariling bakuran ng bahay nito. “Anak ng—“ sambit niya.  “Ang ganda-ganda na ng gising ko, nagpakita pa ang kulugong ito.  Sira na naman ang gabi ko.” The guy in question was none other than her neighboor and self-proclaim ladies’ man Buhawi Magno.  Buwi, for short.  Hindi na talaga gumanda ang araw niya sa tuwing makikita niya ito.  Lalo na kapag wala itong suot na pang-itaas habang ibinabandera ang katawan sa madla.  Well, not that he doesn’t have any right because he really does have a great body.  Pero para sa kanya, hindi pa rin tama na lagi na lang naka-plastada ang katawan nito sa tuwing makakahanap ito ng pagkakataong ipakita ang katawan nito.  It was just too perverted in her book.  For goodness sake!  May mga bata sa kanilang barangay na madalas ay naglalaro sa kalsada, as in sa harap ng bahay nito. Napansin niyang may kinawayan ito sa kabilang panig ng kalsadang naghahati sa kalyeng iyon.  Kaibigan nito ang dalawang lalaki.  Ang reporter na si Haru at ang barangay chairman nilang si Buchou.  Hindi naman nalalayo sa kanyang edad ang chairman nilang iyon kaya minsan ay Buchou na lang ang tawag nila rito.  Ilang sandali pa ay nakita na rin niya ang pagdating ng iba pang kaibigan ng mga ito para magkaroon ng kaunting salo-salo at magkuwentuhan. “Ah, tamang-tama.”  Dinampot niya ang kanyang cellphone at sinubukang i-dial ang numero ni Buchou.  She cleared her throat and adjusted her voice into a husky old lady. Madali sa kanya ang magpalit ng boses dahil iyon ang trabaho niya.  She was a professional dubber and translator s***h transcriber for Japanese animes and other foreign tv novelas that were shown locally. “Hello,” sagot niya nang may sumagot sa kabilang linya.  Lumayo siya sa bintana para hindi siya mabukong siya ang caller kung sakaling mapatingin ang mga ito sa direksyon niya.  “Magre-report lang sana ako ng hindi magandang nakita ko kanina.  There was a half-n***d guy I passed by a few minutes ago.  Hindi magandang makasalubong din siya ng mga kabataan ng Brgy. Calle Pogi dahil makakasira ang masamang imaheng iyon sa magandang pagkatao ng mga residente rito.  Please do something about it.” “Come on, Kelly.  Ang taong may kasing ganda ng katawan ko ay kailangang i-display.  Sayang naman kung ako lang makakakita ng pinagpala kong kakisigan, hindi ba?” Natigilan siya nang marinig ang malambing na boses na iyon.  Parang hindi yata iyon ang pamilyar na boses ni Buchou.  Napalingon siya uli sa bintana.  Tama ang kanyang hinala, dahil si Buwi na ang may hawak ng cellphone.  At nakatingin sa direksyon niya. Kumaway pa ito sa kanya.  “Hi, babes.” “Babes mong mukha mo!  Buwisit!”  She slammed her window shut after almost crashing her cellphone.   Dinampot niya ang wind chimes na binili niya kahapon at muling binuksan ang bintana.  Isinabit niya iyon doon.   “To ward off Evil Buwi,” aniya saka muling padabog na isinara ang bintana.  Kinausap niya ang mga chimes.  “Huwag ninyo akong bibiguin.  Huwag ninyong papasukin ang kahit amoy lang ng Buwi na iyon.” After cleaning herself, and her mind, bumaba na siya sa kusina.  Makakain na lang at nang may mapala ako imbes na isipin pa ang herodes na lalaking iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD