Chapter 1

1109 Words
UNANG KABANATA “…Out of coverage area, please check the number and dial again…” Bwisit na bwisit na pinatay ni Daina ang cellphone niya para hindi na niya muling marinig pa ang recorded ng babae sa tuwing hindi masagot ng tinatawagan, nakakasampung ulit na siya at ga’nun na ga’nun parin ang sumasagot sa kanya, nag-scroll pa siya para hanapin ang number ng bestfriend niyang si Agatha, nang mahanap niya ito agad niyang pinindot ang call sa tabi ng number nito at nag-umpisa nang magring. Muli’y tinapat niya sa kaliwang tenga, nang may sumagot na sa kabilang linya. “Hello, Daina hindi ka ba manonood ng ballet show ng boyfriend mo?” Napataray siya ng wala sa oras, “ewan ko sa kanya, badtrip ako sa kanya, alam mo bang hindi siya sumiput nong date namin nong Friday night kasi sabi niya babawi daw siya sa pagiging busy niya, ni anino niya hindi ko nasilayan tapos papanoodin mo ako sa kanya ng show niyang pinagpalit sa akin.” Narinig niya ang pagbuntong hininga sa kabilang linya, “sa totoo lang Daina wala pa siya dito, kanina pa namin siya hinahanap kasi mag-start na yong ballet show.” “Hayyy ewan dyan sa bestfriend mo, mamatay na siya, walang hiya siya.” Saka niya pinatay ang cellphone niya at binato sa kama niya, umupo naman siya sa harap ng study table niya, napasulyap siya sa litrato nila ni Dexter, ang kasintahang niyang kinaiinisan, saka siya bumalik sa kama at lumundag doon, minabuti na lang niyang magpahinga. ~*~ Sa loob ng theater kong saan magaganap ang ballet show ng mga theater arts students para sa kanilang proyekto sa malapit nang magtapos ang unang semester sa taon na ‘yon, sarado pa ang tilon na kulay pula para matakpan ang buong set-up na inihanda nila, busy ang siyamnaput estudyanteng nakapasok sa subject na ‘yon, lahat sila ay mga gagampanang papel sa produksyon, may mga sa sound effects, mga sasayaw sa ballet show na ginawa nila, may mga props man, director nila at iba pa. May mga ilang nagtatalo sa loob ng dressing room dahil wala pa ang sasayaw na lalaki sa kanila, si Dexter, ang kasintahan ni Daina, halos kalahating oras na ang nakakalipas na kailangan na nilang mag-umpisa pero wala pa rin si Dexter, hindi nila mahagilap kong na saan. “Agatha, na saan na yong bestfriend mo?” tanong ng babaeng nakakataas sa kanila, si Dona at presidente ng grupo nila sa theater arts. “Hindi ko alam kong na saan siya, kanina ko pa nga siya hinahanap eh.” Sagot ni Agatha kay Dona na halos lumabas na ang usok sa ilong nito sa inis dahil sa tagal ng isa nilang kasamahan, dahil siya ang presidente siya na naman ang mapapagalitan sa kasalanan ng iba niyang kasamahan. “Baka naman na andoon na naman siya sa girlfriend niyang mahadira,” dagdag pa ni Dona kay Agatha. “Huh?” sabay taas ng kilay ni Agatha dahil ayaw niyang sinasabihan ng kahit na anong mga pangalan ang mga kaibigan niya, “tinawagan ko si Daina, noong last Friday pa sila hindi nagkikita.” “Baka naman kasi nagsasawa na sa kanya, kaya ga’nun.” Biro naman ni Manuel ang vice president ng klase nila na siyang nakatuka naman sa wardrobe. Hindi naman siya pinansin ng mga kasamahan niya, “Clover check mo yong mga tao kong marami na sila sa labas,” utos ni Dona nang sumulyap naman siya babaeng mababa at payat, ang pinakabata sa kanilang klase na si Clover. “Tinignan ko na kanina pa,” anya ni Clover. “Edi tignan mo uli, diba utos ko, dali tignan muna!” singhal ni Dona, kaya agad na napatakbo palabas si Clover palabas ng dressing room. Nagmadaling naglakad si Clover sa may entabladong may takip ng tilon, hindi niya namalayan na may basa pala doon kaya nadulas siya, para hindi siya tuluyang bumagsak, aksidente naman niyang nahawakan ang isang tali, pero dahil sa bigat ng katawan niya bumagsak ang katawan niya at napaupo kasabay ng paghila niya sa tali, may isang mabigat pa ang bumagsak sa harapan niya. Natigilan siya sa kinauupuan niya, nakikipagtitigan siya sa isang bangkay na balot ang katawan ng yelo, halos hindi siya makapagsalita, parang lahat ng kailangan gumana sa katawan niya at bigla na lang nawala, ang lakas ng t***k ng puso niya, hindi niya alam kong masusuko ba siya sa nakikita at naamoy niya o maiyak dahil sa kakaibang bagay na nakita niya. Mula sa loob ng yelo, may tao, pamilyar na tao, labas ang lamang loob nito, dilat na dilat ang katawan at namumuo ang mga dugo na humahalo sa yelo, doon nang gagaling ang tubig kong bakit siya nadulas, may nakatali pa doon na fish net, kong hindi niya hinila ang tali, hindi malalaglag ang taong nasa loob ng yelo. Gusto niyang sumigaw pero hindi niya magawa. Gusto niyang kumilos pero na paralisa ang katawan niya. Alam na ni Clover ang sagot sa tanong kong 'na saan na si Dexter?' 'Yon pala ay patay na, bangkay na lamang ito. Gusto niyang tumakbo pero parang nadikit siya sa kinauupuan niya. “Ano ba yan, Clover, ano ba yong bumagsak---s**t!” sigaw ng binatang nasa likuran niya nang makita din ang nakita ni Clover, dahil ang binatang nababalutan ng matigas na yelong malapit na malusaw ay ang binatang hinahanap nilang sumayaw sa oras na ‘yon, si Dexter. Agad niyang kinuha si Clover kong saan ito nakaupo, doon lang napaiyak si Clover dahil sa takot. “Guys! Guys, come here!” sigaw ni Richard ang tumulong kay Clover. Lahat ng estudyanteng malapit lang sa kanila at madaling makakarinig ay agad na nagsilapitan sa dalawa, nagulat din sila sa nakita sa kanilang kasamahan, may ibang tinatakpan ang ilong, meron naman sa bibig na animoy masusuka sila sa nakikita nila at ang iba naman ay hindi makapaniwala. Lalo na si Agatha na hindi makapaniwala sa kanyang nakikita, na boyfriend ng besfriend niya ay patay, patay na si Dexter, ang tanging tanong naman sa kanyang isipan sino naman ang gagawa nito sa kaibigan niya. Dahil sa nangyari at pagsusumbong sa nakakataas sa kanilang lahat, agad na pinatigil ang produksyon nila, agad silang nagpatawag ng pulis at ang maglilinis ng bangkay ng kalulunos na nangyari kay Dexter, ang magiging masaya sanang ballet show ay nauwi lang sa nakakakilabot na pangyayare, sa lahat ng nakakita ay nababalot ng kilabot, dahil sa nangyari lahat ng kasali sa produksyon ay pinadala sa police station para matanungan ng ilang impormasyon sa nangyari. Pinatawag na rin ang mga magulang ng estudyante.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD