Chapter 2

1362 Words
PANGALAWANG KABANATA Isang ang nagdaan nang libot ng mga pulisya ang buong eskwelahan lalo na ang amphitheatre, may mga ilang pulis na nagtatanong sa mga taong malapit lang sa lugar na ‘yon kong may kahina-hinala bang taong nagdaraanan sa palibot ng amphitheatre, may iba naman na pinag-aaralan ang buong lugar kong may pwede bang pasukan at labasan agad ang suspek para hindi siya agad na mahuli ng iba, pero iba ang nasa isip ni Alex habang pinagmamasdan niya ang bangkay na halos natutunaw na ang yelo nito sa buong katawan, may takip ang bibig hanggang ilog niya nang kulay itim na mask. Nasa likod niya ang kasamahan niyang sila Jane at Dante, silang tatlong ang madalas na magkakasama sa mga kasong nilulutas nila, galing din sila sa iisang eskwelahan at pare-parehas na nagtapos, halos magkakasing edad din sila, mga bata silang police officer, pero mas nakatuon ang pansin ni Alex sa bangkay, labas ang lamang-loob nito na tigas dahil sa lamig, mga namumuong dugo at dilat na mata ng binatang si Dexter, umaalingasaw na din ang amoy ng bangkay. May ideya siyang hindi sa lugar na ‘yon pinatay ang binata, ayon sa ibang parte ng balat nito, animoy nalalagas na, animoy isang araw ang nakalipas bago doon dinala ang bangkay para masabeng doon pinatay ang binata. “Ano sa tingin mo?” tanong ni Jane sa kanya na may takip din sa bibig hanggang ilong. “Mukhang hindi dito pinatay yong binata, mukhang sa ibang lugar tapos dito lang dinala, kitang-kita na eh, tignan mo balot siya ng yelo sa buong katawan, para siyang nilagay sa maraming freezer para mamamatay.” Anya ng binata sabay alis silang tatlo sa harap ng bangkay. “’Yon din ang tingin namin ni Dante, pero malalaman naman natin yan kong dadalhin na yan sa morgue, sana pumayag yong pamilya na i-eksamin yong katawan para mapadali ito.” Sabi ni Jane habang binabasa ang iilang dokumentong hawak nito sa mga kamay. “Tama, may iba kasing kapamilya ng bangkay na ayaw na ayaw nilang pinapagalaw ang bangkay ng biktima.” Sabi naman ni Dante at napa tango na lang si Jane bilang pagsang-ayon nito. “Sana nga hindi tayo mahirapan,” sambit ni Alex, “kumusta na yong mga estudyante. “Ay, naalala ko pala sabi ni boss tayo daw mag-interview sa mga bata kaya kailangan nating magmadali makabalik lang sa opisina.” Aniya ni Jane habang nakasimangot dahil marami pa silang trabahong kailangan gawin. “At hey guys, wait lang. Sabi nila makukuha natin yong investigation at pwede na nating pag-aralan yong kaso mamaya o bukas.” Sabe naman ni Dante. “Bukas na lang kaya natin yan pag-aralan, kailangan pa natin umuwi at magpahinga.” Singhal ni Alex nang makalabas sila ng amphitheatre. “Oo nga sabi ko nga, uwi muna tayo,” sabay kamot ni Dante sa kanyang batok. ~*~ Dalawang oras nang nakaupo si Agatha sa kanyang puwesto, halos na tanong na ang mga ka klase niya sa silid kong saan ito pinapapasok at pagkatapos n’un ay pinapalabas naman uli, halos nakauwi na rin ang iba niyang kasamahan, hating-gabi na, hindi siya makapaniwala sa nangyari sa kanyang kaibigan, animoy panaginip lang ito o katulad sa napapanood niya sa telebisyon, ‘alam na ba ‘to ni Daina? Sino kaya gagawa nito kay Dexter?’ Mga tanong niya sa kanyang sarili, ramdam niya na nagtataka at natatakot din ang mga ka klase niya sa nangyari. Wala siyang naalalang may nakaaway ang kaibigan niya maliban sa girlfriend nitong si Daina na madalas katalunan nito dahil madalas busy si Dexter. Siya lang ang estudyante na hindi man lang pinuntahan ng magulang dahil nasa malayo ang mga ito, simula nang magkolehiyo siya, mag-isa na lang siya sa bahay ng lola niyang namatay kaya siya na lang din ang tanging nag-aalaga ng bahay ng lola niya, dalawang taon na siyang nasa malayo sa pamilya niya, meron siyang dalawang kapatid at siya ang panganay, may negosyo ang pamilya niya sa probinsya na siyang nagtutustus sa kanya at sa funds na iniwan ng lola niya sa kanya. Napasulyap siya kay Clover na siyang unang nakakita sa kaibigan niyang bangkay na lang na yakap-yakap ng boyfriend nitong si Richard na pangalawa naman na nakakita, silang tatlo na lang ang natitira, umiiyak parin si Clover sa mga oras na ‘yon habang inaalo ng kasintahan nito, hindi na lang siya nagsalita dahil wala naman siyang sasabihin, pakiramdam niya matindi ang traumang nakuha ng pinakabata sa kanilang si Clover. Napasulyap naman siya sa pintong nagbukas at lumabas doon si Xander na hindi maipinta ang mukha, lumabas din ang binatang police officer, naka-jacket ito ng black leather, habang may gupit ito na animoy si Channing Tatum, may maganda itong pangangatawan na animoy nag-ggym tuwing weekends, masasabi din niyang maitsura ito dahil sa perpekto nitong mukha na animoy model ng men’s magazine. May binasa itong papel bago nagtawag ng isa pang pangalang, “Ms. Agatha Domingo,” agad siyang tumayo habang nakataas ang isa niyang kamay. “Ako po ‘yon,” aniya ni Agatha. “Sumunod ka sa akin sa loob,” sabi ng binatang pulis, kaya siya agad na sumunod, nang makapasok naman sila sa loob, meron malaki at malawak na salamin, puros puti ang makikita sa loob ng silid, dalawang upuan sa pagitan ng isang parisukat na lamesa na gawa sa metal. “Maupo ka,” anyaya ng pulis, umupo siya sa dulo ng lamesa kong saan nakaharap siya sa malaking salamin at ang binata na umupo naman sa tapat niya kaya nasa likuran naman ng pulis ang salamin. May nilapag ang binatang pulis sa lamesa, isang folder na brown at binuklat, hindi niya maaninag kong ano ang na andoon, “Ako si PO1 Alex Montero, may mga ilang bagay akong itatanong sayo kaya sana sagutin mo ng maayos, hindi ito biro na nangyari sa ka klase ninyo kaya sana maki-cooperate kayo para mahanap ang salarin.” Halata sa mukha ng binatang pulis ang antok at pagka-uyam, hindi man niya alam kong ano ang nalaman niya sa mga ka klase niya o mga pinagsasabi nito para magkaga’nun ang pulis. “Opo,” ‘yon na lang ang sinagot niya, ayaw niyang makadagdag sa inis nito. “Kaano-ano mo yong bangkay?” tanong ni Alex habang nakahanda ang papel at ballpen nito. Pero may isang bagay na napansin si Agatha kay Alex, ang mannerism nitong madalas paglaruan ang ballpen o maliliit na bagay sa tuwing mag-iisip ang binata. “Ako po si Agatha Domingo, kaibigan ko po si Dexter yong sinasabi ninyong biktima, girlfriend po siya ng kaibigan ko ding si Daina.” Tumango-tango si Alex, “na saan ka ba nong makita ni Clover ang bangkay?” “Bago po nangyari ‘yon, magkakasama pa po kami sa dressing room, halos kalahati sa amin na andoon, kasama po ako sa dressing room, inutusan siya ni Ms. President I mean si Dona na tignan kong marami na bang tao sa labas, so pumunta doon si Clover, hindi ko po alam kong anong nangyari, basta ang alam ko tinawag at nagsisigaw na si Richard yong boyfriend niya, saka na namin nakita yong bangkay ni Dexter na balot ng yelo.” Nakatitig si Agatha sa mga mata ni Alex hindi niya nilalayo ang mga titig niya, sanay na siyang gawin ‘yon kahit kanino, wala pang nakakatagal sa mga titig niya pero si Alex ay animoy nakikipaglaban ng titigan sa kanya pero agad din itong umiwas at muling nagsulat sa papel. “May motibo ka ba para patayin ang kaibigan mo?” Naningkit si Agatha sa sunod na tinanong sa kanya pero bago pa man mapasulyap muli sa kanya si Alex bumalik sa pagiging normal ang mukha niya kahit na kabadong-kabado na siya na hindi niya maintindihan, “hindi po ako ang pumatay sa kaibigan ko, imposible, kaibigan ko siya, kaya hindi ko magagawa ‘yon.” “Ga’nun ba, sige maari ka nang makauwi.” Aniya ni Alex, pero nagtataka si Agatha sa nangyayari, may kong anong kaba ang matinding kumakapit sa dibdib niya hanggang sa makalabas siya sa silid na ‘yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD