II

1574 Words
    Di ko siya sinagot at binato ko ulit siya ng papayang gawa sa wax. Sumigaw siya noong tamaan siya.     "Laki ng tagas mo! Dyan ka na nga." Sigaw ko at dinampot iyong bag ko.     Dumiretso na ako papalabas sa mansyon. Iniwan ko siyang hinihimas ang kanyang noon. Leche! Itanong ba naman kung magaling siya? Malamang! Di na nga ako nakapag-isip ng maayos nung ginagawa namin 'yon eh!     Nasa labas na ako ng kanilang gate ng bigla kong maalala iyong canister ko. Anak naman! Ang layo na ng nalakad ko atsaka isa pa, masakit ang baba ko. Feeling ko napunit 'yung ano ko. Nakakaasar.     Nakalabas na ako sa gate nila at nakalayo ng tatlong bahay ng biglang mareceive ko ang text ni Jojo.     Jojo: Iniwan ko sa guard ang damit mo. Nagtatampo ako kaya ‘di kita hihintayin.     Nagtatampo nga si Bakla. Hays, sinira ng Von na yan ang lahat. Pupunta pa ako sa opisina at makikiligo muna ako sa pinakamalapit na motel para makatipid ng oras at makaabot sa presentation.... Teka! Nagmura ako at tumakbo pabalik. Nakita ko ang pagdaan ng sasakyan ni Von. s**t. Di maaari! Hinabol ko iyon ngunit ‘di ata ako napapansin. Hinabol ko iyon hanggang palabas sa subdivision. Tumigil iyon sa may guard house. Hingal na hingal akong kumatok sa bintana.     "Von, yung can-" At mas lalong gusto kong magmura dahil hindi si Von ang nakasakay doon kundi isang medyo katandaang lalaki! Nakatingin siya sa akin na parang naguguluhan.     "Manong? Asan si Von?" Tanong ko.     Nagkibit balikat siya at mukhang naguguluhan.     "Miss, ‘di ko kilala si Von na sinasabi mo."     Nagkamot iyong lalaki ng noo. Sinilip ko ang kotse. Kapareho ng sasakyang dinrive ko kahapon. Di kaya carnapper to?     "Kuya, sasakyan yan ni Von! Ninakaw mo ano? Hala! Susumbong kita." Sumama ang tingin noong lalaki sa akin at inayos ang kanyang seatbelt na parang naiirita.     "Miss, akin ang sasakyang ito. Kahit itanong mo pa sa guard. May bahay ako sa loob at ‘di ako carnapper? Tingin mo wala akong kakayahang bumili ng ganito? Aba! Masyado kang mapanghusga!"     Napangiwi ako sa sinabi ni Kuya. Ang lakas pa magdrama. Kasalanan ko bang di mukhang mayaman ang hitsura niya? Na mukha siyang carnapper? Sana kasi di siya bumili ng kotse na kaparehong kapareho ng sa kapitbahay niya!     Umalis na ako doon at inis na inis na nilakad ang pabalik sa bahay ni Von. Nakakaasar! Ang malas malas ko. Nadatnan ko pa rin siya sa kusina na hinihimas iyonh ulo niya. Masamang tingin ang pinukol niya sa akin.     "Ano pang kailangan mo? s**t! Ang sakit ng bato mo ha?" Sigaw niya.     Inirapan ko siya at tinaasan ng kilay. Arte arte!     "Yung canister ko. Nasa kotse mo."     Nilahad ko ang kamay ko para sa susi. Umiling siya at tumayo na para umakyat sa kwarto niya. Sumunod ako sa kanya at isinarado niya ang pintuan pero iniharang ko ang kamay ko dahilan kung bakit sa kamay ko tumama ang pintuan.     "Aray!" Sigaw ko at namilipit sa sakit.     Siraulo to! Naiiyak na ako sa sakit at natataranta siyang lumapit sa akin. Dinaluhan niya ako.     "Gaga ka! Ano bang ginagawa mo dyan? Alam mo namang isasara ko ang pinto eh!" Sigaw niya.     "Eh alam ko bang tototohanin mo ang pagsasara? Ikaw ang siraulo!" Sigaw ko.     Umiling siya at sinuntok ng dalawang beses ang hangin na para banag may sinasaktan siya. Hala! Nay nakikita kaya itong kakaiba?     "Argh! Sarap mong saktan!" Sigaw niya na nagpipigil.     Ako pa? Eh siya kaya itong masarap saktan!     "Ako? Masarap saktan? Ano ka pa!"     Kanina ko pa siya gustong sakalin at balian ng leeg. Kundi lang ako magiging kriminal, matagal ko nang ginawa. Umiling siya at pumasok sa cr niya. Pagbalik niya ay may dala siyang first-aid kit. Kinuha niya ang daliri kong naipit ng padabog.     Pinanlakihan ko siya ng mata sa ginawa niya ngunit parang wala lang sa kanya at padabog na binuksan iyong first aid kit. Wow! Grabe! Sobrang bukal sa loob niya. Ang gentle eh! Pigilan niyo ko papainumin ko to ng betadine.     Umirap ako kahit ‘di niya nakikita. Ginala ko ang tingin ko ng makita ko ang dugo sa bedsheet niyang pula.     s**t! Baka may makakita! Di pwede!     Tinapos niya ang paglilinis at nilagyan iyon ng band-aid. Tumayo siya at binuksan ang drawer at kinuha roon ang car keys.     "Sumama ka. Kukunin na natin ang canister mo."      Lumabas siya at naiwan akong nakatingin sa bedsheet. Kinuha ko iyong comforter at inayos iyon para matakpan. Nakita ko ang kanyang hummer at binuksan niya ang backseat. Kinuha niya ang apat na canister at nilapag sa braso ko lahat.     "Happy?" Nang-aasar na sabi niya.     Sabi nila, kapag binato ka ng bato.. Batuhin mo ng tinapay. Pero ‘di naman fair yun! Kaya kung nang-aasar siya, dapat mang-asar rin ako! Iyon ang fair.      "Super. Salamat ah?" Nang-aasar kong sabi.     "You are welcome." Nakuha pa niyang tumango.     Ano? Bakit ako ata ang mas naiinis dito? Dapat siya eh! Badtrip.     Padabog kong dinampot ang canister at tunalikod na. Leche! Di man lang tinablan ng asar. Ano siya bakal? Napatigil ako ng may maalala.     "Hoy, wag kang magpapasok ng katulong sa kwarto mo. Babalik ako bukas."     Nataas siya ng kilay.     "Bakit? At sino ka para utusan ako?" Tanong niya.     Halatang namamangha. Dapat lang! Si Veronica kaya ang kausap niya. Dapat gets na niya. Para siyang pavirgin! Umirap ako at kinagat ang labi ko.     "Basta!"     Ngumisi siya habang nakatitig sa akin. Para bang may nahulaan siya. Ano na naman kayang nasa utak nito? Kinikilabutan ako sa kanya kapag ganito eh!     "Gusto mo lang ata ako makita! Tss. What a clingy act."     Umiling ako. Oo. Kuha ko na gwapo siya at siya iyong tipo na kapag naging boyfriend mo ay masasabi mong bless ka dahil sobrang gwapo niya pero uso namang magpahumble! Di niya ata alam yun! Ang hangin ng lalaking to.     Pero hello? Mataas kaya ang standards ko ‘di lang dapat gwapo dapat matino rin ang pag-iisip. At dun sa part na yun bagsak na siya. Ang laki ng saltik niya     "Excuuuuuuse me? Duh!" Sigaw ko sabay irap. "Ako clingy sa'yo? What an impossible dream!" Sigaw ko.     "Wow! Ikaw pa lugi? Ako nga dapat nagrereklamo dito. Di ka kagandahan." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.     Kailangan straight to the point? Pwede bang maging plasctic naman siya ng kahit konti lang? Oh my!     "Di ka rin gwapo! At hindi kita type. Kaya ako babalik dito ay ‘di para sa'yo. Yung ano kasi .... ay may ano... kasi ano nga.." Nahihirapan akong magsabi sa kanya. Bakit naiinitan ako? Pinaypayan ko yung sarili ko.     "Ano? Di kita maintindihan? Ano ka ng ano eh!" Singhal niya.     "Kasi yung bedsheet mo! May dugo kaya ako na lang maglalaba para ‘di makita ng iba! Ano gets mo na!?" Sigaw ko.     Natigilan siya sa sinabi ko. Nahihiya ako. Ano ba yan! Senyales na wala na ang v-card ko.     "You'll do the laundry tomorrow just because of the blood stain?" Tanong niya nagtataka.     Kinagat ko ang labi ko sa kahihiyan. Hinawakan ko ang pisngi ko at kinurot iyon.     "Anong laundry? Yung bedsheet mo lang! Di ko sinabi yung buong labahin." Paglilinaw ko.     Baka bukas lahat ng damit niya ako ang paglabahin. Hindi niya ako katulong. Lalabhan ko lang naman dahil tiyak na magtataka ang mga katulong kung saan galing yon. Hello? Lalaki ang boss nila at hindi siya nagkakamens kaya imposible na magkaroon ng blood stain. The fact na ako lang ang babaeng kasama ni Von na umuwi baka isipin nila na may nangyari kahit na meron naman talaga! Baka isipin nila na bayaran akong babae. Oh noes!     "Tss. It's normal, Veronica." Sabi niya bago sumandal sa hummer niya. "When a boy and a girl been alone in a dark, cold room. You know what happens next. Chill, that's what girl and boy do." Paliwanag niya.     Umiling ako. Anong normal doon?     "Walang normal dun! Oh, how can you be so dense? Hindi pa tayo magjowa at lalong ‘di tayo mag-asawa kaya't walang normal dun."     Ngumisi siya ng marinig ako at tumawa. Nilagay niya ang kanyang kamay sa kanyang baba.     "Woah! Hold it there. You said 'hindi pa tayo' and you consider marriage with me. Hmmm." Tinaasa baba pa niya ang kanyang kilay.     Napangiwi ako. Oh! Eto na naman ang kakapalan ng mukha niya. Napahilamos ako. Hopeless na ang lalaking to.     "Ewan ko sa'yo. Aalis na ako!" Paalam ko at tumalikod na ng magsalita siya.     "Tss. Okay. 3pm tomorrow. I'm free you can come here and do the laundry. If you don't show up, I'll let Manang to do it." Sabi niya.     Napatigil ako at may naisip. Akala mo ah!     "Uy! Gusto mo akong bumalik no? Ginamit mo pa si Manang para siguradong bumalik ako bukas ha! Ikaw ha!"     Mas lumapad ang ngisi niya sabay sabing..     "Asa ka! Umalis ka na nga." Umiling ako at ngumiti.     "Akala mo ikaw lang may kakayahang gumanyan. Pwes mali ka! Umirap na ako at naglakad na ulit patungo sa gate ng sumigaw siya.     "Bye Veronica. See you bukas!" Halata mong nang-aasar siya.     Bumaling ako sa kanya at binigyan siya ng dirty finger. Humalakhak siya sa ginawa ko at nakangising hinintay akong makalabas. Nang sa wakas ay makalabas ako ng gate at makasakay sa tinawagan kong taxi naisip ko na himdi rin naman pala masamang makipag-usap sa kanya.     Well. I found a frenemy. And I had s*x with him. Oh life! Mukhang kailangan ko pa ng maikling pasensya just to deal with him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD