I

1420 Words
    "Iha? Magbreakfast ka muna?"     Nanigas ako sa ginagawang pagtakas ng biglang dumating 'yung Manang.     "Di na po." Tanggi ko ngunit makulit iyong si Manang at hinigit ako para paupuin sa hapag. Ngumiwi ako.     Naghain siya ng bacon, hotdog, itlog at fried rice. May gatas rin doon. Kumuha ako ng kaunti para mabilis na makaalis doon. Baka mamaya ay maabutan pa ako nung Von at ipakulong ako. Nasa ikatlong subo pa lang ako ng makarinig ako ng nagmamadaling hakbang sa hagdan.      Niluwa noon si Von na ngayon ay nakasuot ng boxers at isang puting v-neck na tshirt. Magulo pa ang kanyang buhok.     "Manang!" Sigaw niya at mukhang ‘di pa niya ako napapansin.     Lumabas si Manang na may dala pang basahan at pinggan.     "Sinong naghatid sa akin kagabi?" Aligagang tanong niya.     Nginuso ako ni Manang. Nakita ko ang pagtaas ng kilay niya. Di ko nalunok lunok iyong pagkain sa aking bibig.     Wag naman niya sanang maalala...     "Bakit nandito pa siya?"     Mabilis na binatukan ni Manang si Von kaya napaatras siya. Hinamas himas niya ang kanyang batok.     "Di ka man lang ba magpapasalamat? Bakit ba lasing na lasing ka na naman? Bakit ba mas gusto mo pang magmodelo na lang ulit kaysa imanage mo iyong kumpanya niyo? May bakasyon kapang nalalaman."  Matinis na sabi ni Manang.     "Manang naman. Natapos ko na naman iyong malaking project sa mga Luna. Saka kailangan ko ng bakasyon. Ang usapan namin ni Daddy ay pwede ko nang gawin ang gusto ko pagkatapos noong partnership." Iling ni Von at umupo na.     Kumuha siya ng pagkain. Nabunutan ako ng tinik doon sa ginawa niya. Mukhang di niya alam ang nangyari kagabi. Napangiti na lang ako. Mukhang malaya ako sa mga susunod pang araw, ah?     "Ikaw? Saan mo ako kinuha kagabi? Sigurado ka bang wala kang ninakaw sa akin?" Tanong niya ng mapansin ang ngiti ko. Mabilis ko iyong binura at nagseryoso.     "Ikaw ang dapat magpasalamat. Di lang naman ako nakaattend sa party ng bestfriend ko. Plus, ako pa iyong naistorbo kasi kailangan kong ihatid iyong lalaking di ko naman kilaka na bigla na lang nagpass-out sa harapan ko. Inihian mo pa iyong perspective ko!"     Natigilan siya sa sinabi ko. Sumubo rin siya ng fried rice.     "So, it means.. Di panaginip ang lahat? Ikaw yung nakasex ko?" Naibuga ko ang fried rice sa tanong niya. Wala man lang bang filter?     "Huh?" Uminom ako ng tubig.     "I can't believe na ginalaw kita. Di ka kaaya-aya. Sana man lang kumuha ako ng model kaysa ikaw ang niromansa ko." Nagtaas na ako ng kilay sa sinabi niya.     Hello? Pagkatapos ko siyang marape ay ito ang sasabihin niya? Eh halos sambahin niya nga ako kagabi eh? Wala sa hitsura yan! Nasa performance!     "Excuse me?" Pumiyok pa ang boses ko.     Di man lang siya natinag kaya tumayo na ako para lapitan siya.     "Pagkatapos mong kunin ang virginity ko ay ito ang sasabihin mo? Wow. Ano  wala man lang bang thank you dyan kasi hinayaan kita na mauna sa katawan kong NTSB?" Sigaw ko.     Ngumiwi siya sa sigaw ko. Nairita ata siya sa boses ko. Buti nga at mild pa lang yan. Baka magbaril siya sa ulo kapag tinodo ko ang sigaw ko.     "NTSB?" Tanong niya na mukha pa siyang nag-eenjoy.     "Oo! NTSB! No touch since birth." Umirap pa ako. Tumawa siya.      Sayang gwapo sana. May saltik nga lang. Umayos siya ng upo at nginuso iyong naiwan kong upuan.     "Upo ka nga dun! Nagmumukha kang katulong diyan." Ginawa ko ang lahat para pigilan ang pagsaksak sa kanya ng breadknife.     "Anong oras na?"     Luminga ako sa paligid ngunit walang orasan doon. Maganda sana ang bahay kaso wala namang orasan. Leche!     "Bakit uuwi ka na agad? Ayaw mong pag-usapan natin ang mga nangyari kagabi?" Ngumisi siya.     Kinuha ko iyong wax na prutas at binato sa kanya. Nasalo naman niya iyon.     Akala ko kasparks na 'to. Mukhang may saltik pa ata nakuha ko. Malas!         "Wala tayong dapat pag-usapan. Ang liit ng sa'yo!" Sumama ang tingin niya sa akin. Nagbibiro lang ako. Gusto ko lang talaga siyang asarin.     "Gusto mo ulitin natin? Anong maliit ka diyan?"     Umirap ako at di na pinatulan ang kabastusan niya. Kinapa ko ang aking cellphone at nakita ko na lowbatt na iyon.     "May charger ka ba?" Tanong ko.     Tumaas ang kilay niya at umiling. Tinawag niya iyong katulong at humingi ng charger para sa akin.     "Tutal ‘di pa natin kilala ang isa't-isa ay magtanungan muna tayo." Sabi ko habang hinihintay na mabuhay iyong cellphone ko ng sa gayon ay makapagpadala ako sa opisina ng pamalit na damit.     "Getting to know? Type mo na ako?" Pang-aasar niya.     Wala na bang ikakapal pa ang mukha niya? Nahiya iyong wooden table niya sa sobrang kakapalan niya.     "Edi wag! Ayaw mo eh!"     Sinundot ko iyong hotdog at kinagat. Tumawa siya na para bang ang saya saya niya.     "Sige, let's have question and answer portion. I like you, you're funny." Ngiti niya.     "Name?" Tanong ko.     "Von Graeson Garcia. 25. 6'2. Model and businessmen. Single and ready to mingle." Tinaas ko ang kilay ko.     "Sabi ko name hindi sagutan ang biodata! Ikaw naman!"     "Same with your's." Tamad na sabi niya.     Nag-ayos ako ng buhok habang sinasagot iyon.     "Veronica Jane Virtucio." Umiling siya.     "Puro V ang name mo. Sayang, di ka na V." Sabi niya.     Tumayo na ako at lalapitan na siya para sakalin. May mga tao talaga na unang kilala mo pa lang ay gusto mo na agad patayin.     "Gago ka! Next question."     "Anong trabaho mo? Nasabi ko na ang akin." Sabi niya.     "Di pa ako Licensed Architect. Nasa last year na ako ng apprenticeship. Baka next year ay kumuha na ako ng board exam." Proud kong sabi.     Malapit na akong kumita.      "Ilang taon ka na?" Tanong niya.     Nagbalat ba siya ng saging at kinain iyon habang nakatingin sa akin. Nakatitig lang ako sa kanya habang sinusubo niya iyon.     Wow, ang gwapo niya kumain. Ang panga niya ay perpektong umiigting kapag ngumunguya siya.     "Hoy," Nagwave pa siya sa aking harapan. Nagising naman ako sa ginagawa ko at mabilis na umubo. Kita ko ang natatawa niyang mukha. "Ano na?"     "23 ako." Sagot ko.     Nagring ang cellphone ko kaya't binalingan ko iyon. Bumungad sa akin ang text ni Jojo na dadaan raw siya sa firm mamayang 8 para dalhin iyong damit ko.     "Ako naman magtatanong! Kanina ka pa." Suplada kong sabi. "May girlfriend ka?"     Mas lumapad ang kanyang nakakainis ngunit nakakalaglag panty na ngisi.     "Bakit? Mag-aapply ka?" Kinuha ko iyong wax na ubas at binato sa kanyang mukha. Tinamaan siya ng mga naghiwa-hiwalay na bunga.     "s**t. Tangina." Mura niya.     Medyo nakunsensya ako dahil mukha siyang nasaktan sa lakas ng bato ko. Dahil din naman iyon sa kapreskuhan niya kaya tama lang iyon.     "Unang beses pa lang nating nagkikita pero may lakas ka na ng loob manakit. Tangina!" Iritang sigaw niya.     Di ko siya pinansin bagkus ay nagawa ko pang icheck iyong kuko ko. Wala akong paki sa nararamdaman ng baliw na lalaking ito. Gwapong bastos.     "Ako naman magtatanong!" Sigaw niya.     Ngumiwi ako at ‘di na nakapagtalo. Parang kahit anong segundo ay maari niya akong sakalin sa pamamahay niya.     "Fine."     "Magaling ba ako kagabi?"     Napanganga ako sa kanyang tanong. Seryoso kaya siya? Sa tingin niyang nakakaloko at sa tipo ng kanyang ngiti ay mukhang hindi.     "Manyak!" Sigaw ko.     Nawala ang kanyang pang-asar na ngiti.     "Anong manyak? Lasing ako kagabi? Eh ikaw? Mukhang wala ka namang tama kagabi, ah? Ikaw ang manyak. Sinamantala mo ang kahinaan ko."     Nagngiting tagumpay pa siya. Tinaas baba niya ang kanyang kilay. Di ako makapaniwala. Sobra ang kayabangan niya sa katawan. Bakit ang malas malas ko at kasama ko ngayon ang lalaking ito? At siya pa ang nakakuha ng virginity ko.     Di ako nakasagot. Sumasakit ang ulo ko. Tama siya, wala akong tama kagabi. Anong pumasok sa utak ko at pinatulan ko siya? Dahil ba sa maiinit niyang labi? Sa malambing niyang boses? O dahil sa nakakalunod niyang titig kagabi?     Umiling ako. Anong nangyayari sa akin? Sana pala ‘di ko na lang siya hinatid. Napupolluted ang utak ko.     "I'm waiting. Answer my question. Am I good?" Inulit niya iyon.     At ngayon mas klaro at mas seryoso ang pagkakabigkas niya noon.     Nalunod ako sa titig niyang napakaseryoso. Parang ibang tao siya sa pinapakita niyang reaksyon. Para siyang prince charming na nagkikipag-usap sa kanyang iniibig. Ang hirap sagutin ng kanyang tanong.      Namawis bigla ang aking kili-kili. Parang one million peso question sa Who wants to be a Millionaire. Sobrang hirap.     Sabi na nga ba eh! Dapat pinabayaan ko na lang siyang marape ng pederasyon. Ano bang pinasok kong gulo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD