bc

Chasing Happiness

book_age16+
985
FOLLOW
11.7K
READ
friends to lovers
drama
comedy
sweet
humorous
female lead
highschool
first love
sassy
like
intro-logo
Blurb

Akiro was Jinry's first love, I guess until now kahit hindi sila nagkatuluyan.. si Aki parin ang mahal niya. Years have passed when the two of them reunited unexpectedly, pero marami na ang nagbago...

chap-preview
Free preview
I
" ATEEEEEEEEEEEEEEEEE! " Nagising ako sa lakas ng sigaw ng kapatid ko.. Tinignan ko cellphone ko, bombarded ng mga text pero lahat naman puro GM. Press Back lang ako lagi, wala ako sa mood basahin mga walang kwentang parinigan nila. 8 palang naman ng umaga pero ang lakas na ng atungal ng kapatid ko. " ANOOOOO???? " sumagot ako. " Bumangon ka na raw diyan sabi ni Papa! " sigaw niya mula sa baba. Nagmaktol muna ako bago bumangon. " Ang aga-aga, wala namang pasok babangon agad. " " ATEEEEEEEEEEEEEEEEEEE! " Tarages yan, " Oo andiyan na! " Di makapaghintay? Siyempre wala naman akong magagawa, nagligpit na ako ng higaan tapos baba na. Tingin ako agad sa mesa... biglang tumunog yung doorbell! "Ay kamote! " Sino ba yon? Keaga-aga e may nang-iistorbo! Akmang kakain palang ako ng pandesal nang.... " Insaaaaaaaaaaaaaaan! " Anak ng tipaklong! May dumating na kutong-lups.  " Bakit nandito ka ng maaga?" tanong ko. " Makiki-almusal, bakit masama? " sabay kuha ng pandesal tapos sawsaw sa kape ko. " Oo, masamang-masama. Kumuha ka kaya ng sarili mong kape." sabay iwas sa kape na tinimpla ko. " Mas masarap ang may kahati, ba't ba ang aga-aga ang sungit mo din ha insan? " sabay kotong sa akin. " Wala ka na doon." inis na ilag ko sa kamay niya. " Wala talaga dahil nandito ako." pabirong sagot niya. " Ang corny mo!" " Corny pala ah. Hi Tita! Ang aga-aga ang sungit ni pinsan, saan niyo ba pinaglihi to? " Kakatapos lang pala maglaba ni Mama kaya nilapitan kami agad. " O Rye, ba't ang aga mong dumayo dito sa'min? " tanong sa kanya ni mama pagkatapos mag-mano ng pinsan ko. " Yayayain ko sana tong lumabas Tita eh, kaso parang pinakuluan sa kumukulong tubig." sagot niya kay mama habang humihila ng upuan para sumabay mag-agahan. " Saan naman kayo pupunta?" tanong ni mama habang pinupunasan ang basang kamay. Tinignan ko ng masama si Rye, parang may feeling ako na meron siyang pina-plano. " O bakit ganyan ka makatingin?" tanong niya. " Wala. O ayan, sayo na yang kape ko." sabay abot sa kape na hindi ko man lang nabawasan. " Uy salamat ha. Ang bait-bait mo talaga sakin pinsan." " Ewan ko sa'yo! " Hindi ko alam pero kinabahan ako. Sinilip ko ulit si pinsan. Bihis na bihis ang mokong. Alas-otso pa lang pero san naman kaya ang lakad nito? At isasama pa ako? Wagas! Ano to? Brokenhearted? Manlilibre ng ganito ka-aga? Pero alam ko wala namang pino-pormahan to ngayon ah.  " Hoy maligo ka na, aalis na tayo maya-maya! " sabi niya na kanda-bulol bulol sa pagsasalita. " Don't talk nga when you're mouth is full. San ba tayo talaga pupunta? " Nagningning ang mga mata niya. Ngumiti pa ng nakakaloko. " Babawiin ko yang tinapay at kape, san ba talaga tayo pupunta? " kinakabahan na talaga ako. " Wag na. Magbihis ka nalang. Siguraduhin mo yung maganda at magtitinginan lahat sila sa'yo. " ........ ting! Alam ko na! Sinasabi ko na nga ba! Tinitigan ko lang siya ng matagal, sabi ko na nga ba! " Kasama ba natin si Akiro?? " tanong ko. Pinagpapawisan na ako ng malamig. " Paano mo naman nasabi? " hindi tumitingin sa Rye kaya ibig sabihin tama ako. Niyugyog ko yung balikat niya, hindi ko tinigilan hangga't di sumasagot. " Oo o Hindi lang naman ang sagot eh, kasama ba siya? " pangungulit ko sa kanya. Hindi ko maitago ang excitement na nararamdaman ko. " OO na, kasama na! Kaya magbihis ka na, baka mainip pa 'yon." sagot nito habang iniingatang hindi matapon ang iniinom na kape. Nanghina ako... Bakit? Para saan? " Bakit sina-sama mo ako? " tanong ko. " Chance mo na to pinsan. Ligawan mo na si Aki, habang wala pa siyang girlfriend at habang hindi pa siya sinasagot ni Anne! " paliwanag niya. Doon ako naliwanagan, oo nga pala. Nagpapalakad nga pala ako kay pinsan para maging kami ni Akiro. Matagal-tagal ko na rin siyang gusto. Siguro magda-dalawang taon na!  Oo, dalawang taon ko na siyang gusto at simula noon, wala ng ibang nakakuha ng atensiyon ko. Tumayo na ako sa mesa, tinapik ko sa balikat si pinsan.  " Doon ka sa sala, hintayin mo ko doon. " pagkatapos umakyat na ako sa kwarto ko. Lahat ng pwede kong isuot nilabas ko na, nilabas ko na rin lahat ng sapatos na pede kong isuot.  Marami akong nakitang magandang designs pero isa ang nagustuhan ko. Isang halter V-strapped summer dress na may wooden bead accent ang nakita ko.  " Hoy, Jinry! Ang tagal mo! Di tayo pupunta sa sagala ah! " Nagmamadali na akong bumaba, siyempre kahit kinakabahan ako ayokong maging cause of delay ng lakad namin.  Pagbaba ko... Nakatingin si Papa, kausap ni Mama.  Lalo akong kinabahan. Tumayo si Papa, lumapit sa akin. HALAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA! " B-Bakit Pa? " tanong ko. " Ang pangit ng suot mo! " yon lang tapos umupo na siya sa sala. Tumingin ako sa salamin, maganda naman ah? Nang-aasar lang siguro. " Tito, Tita, alis na po kami" paalam ni Rye. " Sige, basta wag kayo magpapagabi ah! " sabi ni Mama.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The CEO's First Romance | Completed

read
1.4M
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.1K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.7K
bc

I was once His Secret Wife (COMPLETED)

read
389.0K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
311.7K
bc

CLOSER

read
140.5K
bc

Mr. Billionaire and Eve(ZL Lounge Series 02)

read
315.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook