bc

Closer to You

book_age12+
0
FOLLOW
1K
READ
HE
sweet
scary
campus
like
intro-logo
Blurb

Ysabelle Catelyn had a big crush on Larkin Keon Delavin, a transferee and a student athlete at Clark National High school. Larkin, who was used to her presence, wanted to be close to her. But how? When she stopped chasing him. Can Larkin get closer to her?

chap-preview
Free preview
Prologue
Ang boring naman ng buhay ko, kailan ba ito sasaya? Napabuntong-hininga nalang si Belle habang nakatitig sa labas ng bintana ng classroom nila. Ilang araw ko na siyang hindi nakikita, kailan ba kita makikita, Larkin? Hayst! I miss your tan skin, your sweet smile. So good to me, so right--- Naputol ang pagmumuni niya nang biglang dumating ang kaibigan niyang si Medea. "Hindi ka magkakaroon ng pera sa ganiyan, Belle." "Istorbo ka naman.." Umupo ito sa tabi niya at sumilip rin sa labas ng bintana. "Sino bang hinihintay mo diyan?" "E, sino pa nga ba?" Napatalon sa gulat si Belle nang may magdikit ng malamig na bagay sa pisngi niya. Lumingon siya at sinamaan ng tingin si Althea bago kinuha ang pinabili niyang milktea. "Isa lang naman ang kinababaliwan niyan!" Inismiran nalang niya ito at binuksan ang inumin niya. Lunch time ngayon pero hindi sumama si Belle para kumain ng lunch, wala kasi siyang gana kaya nagpabili nalang siya ng inumin kay Althea na papunta palang sa school nila. At saka magmumukha nanaman siyang thirdwheel sa magjowang sina Medea at Rogan. "Mm!" Nanlaki ang mga mata ni Belle nang makita ang isang pamilyar na pigura. "It's him!" Ibinaba niya ang iniinom niya at nagpahalumbaba sa may bintana habang sinusundan ng tingin si Larkin. Kasama niya ang dalawa niyang kaibigan, at mukhang patungo sila ngayon sa Gym para mag-practice. Ha! Kung wala lang kaming klase mamaya, manonood talaga ako. "Ang pogi niya talaga..." Nagkatingin ang dalawa sa gilid niya at napailing-iling nalang. "Natamaan na talaga..." Bulong ni Medea bago lumipat ng upuan. Larkin Keon Delavin is a tall, handsome, and talented young man. He's a senior high school student on the verge of graduating. As an athlete, many admire him, including Belle. Moreover, he excels in playing instruments like the piano and drums. Ang galing niya rin kumanta at sobrang talino pa. Full package na, so saan ka pa? Kaagad na napakaway si Belle nang lumingon si Larkin sa direksiyon niya o kung doon nga ba.. Umiwas naman kaagad si Larkin at muling nakipag-kwentuhan sa mga kaibigan niya. Napasimangot nalang si Belle nang mawala na sa paningin niya si Larkin. Di bale, makikita ko pa naman siya mamaya. Umayos na ng upo si Belle at inubos na ang milktea niya. Hindi nalang niya pinansin ang tingin ng dalawa sa kaniya. Kailan niya kaya ako mapapansin? Hindi pa ba sapat ang pagpapapansin ko sa kaniya dito sa campus? Larkin, bakit ang pogi mo kasi? Kasalanan mo 'to, hmm! "You will have a group project to be pass on November 25. Groupings will be based on your last name." At magkakasama nanaman silang tatlo. "No extension of the deadline, so work as a group. Kapag may hindi tumulong, isulat niyo parin yung pangalan pero lagyan niyo ng 'walang ambag o kaya walang kwenta' ako ng bahala sa grades nila. Do you guys understand?" "Yes, Sir!" "Very well, see you around. Goodbye, class!" At lumabas na siya sa classroom nila. Napalingon si Belle sa dalawa. "Nakakasawa na kayong ka-group." "Sinong hindi magsasawa, ang tatamad niyong ka-group." Ani Medea. "Ouch!" Sabay na tugon nina Althea at Belle. "Hindi naman nakaka-hurt yung sinabi mo, Medeng." Belle said, umirap nalang si Medea nang marinig ang pangalan na binanggit ng kaibigan. Well, she hates that nickname. Tumayo na si Belle matapos ayusin ang mga gamit niya, last subject na kasi nila yun at uwian na rin. Excited na siyang lumabas dahil may gusto siyang makita. "Besh, mauna na ako!" "Hoy, sabay na tayo!" Hindi na narinig ni Belle ang sinabi ni Medea dahil nakalabas na siya. "Si Larkin nanaman hihintayin nun." "Luh! Hindi ka na nasanay." Komento ni Althea at sumunod na ring lumabas. Nagulat pa siya nang makita ang boyfriend ni Medea, kaagad niyang itinuro ang loob ng classroom bago ito nilagpasan. "Sana all may sundo..." Sa labas ng gate naghintay si Belle, marami na rin ang pauwi ngayon. Kinakabahan nga siya baka hindi niya makita si Larkin. Chineck niya ang cellphone niya para tignan ang oras. "Ingat, bro!" Napaangat siya nang marinig ang pamilyar na boses. Kaagad siyang napangiti nang makita ang hinihintay niya. "Larkin!" Tawag niya dito, lumingon siya pero hindi nagsalita. "Maglalakad ka ba?" She asked. Hindi siya sinagot nito, nilagpasan lang siya at nagpatuloy sa paglalakad. "Sabay na tayo!" Sumunod na siya kahit hindi hindi parin siya pinapansin ng kausap. Kahit ganito lang, ang saya-saya ko na. Hayst, iba ka talaga, Larkin. Maraming gustong itanong si Belle pero pinili nalang niyang manahimik, mukha kasing pagod si Larkin mula sa practice. Nang malapit na silang maghiwalay ng daan ay nagsalita na siya. "Babye, Larkin! Ingat ka a! Mamahalin pa kita!" Aniya at tumakbo na paliko. Napahinto naman si Larkin at walang ka-emo-emosyong lumingon sa pinaglikuan ni Belle bago nagpatuloy sa paglalakad. He stopped when he received a message. It was from his mom. From: Mom We will not be home today. Take care, son. He turned off his phone. "As usual..." aniya at nagpatuloy na sa paglalakad. MASAYANG naglalakad si Belle pauwi. Lahat tuloy ng nakakasalubong niya ay binabati niya ng magandang hapon. Nang makarating siya sa bahay nila ay doon nawala ang ngiti niya. "Mama, andito na po ako.." Hindi siya napansin ng kaniyang ina dahil abala ito sa paghiwa ng gulay habang kausap ang kasintahan sa telepono. Hindi na muling nagsalita si Belle at pumasok na sa kuwarto niya. Pagkababa niya ng bag ay kaagad siyang humiga sa kama niya. Napatitig nalang siya sa kisame at napahinga ng malalim. Napalingon siya sa bag niya nang marinig ang tunog ng notification ng phone niya. Bumangon siya at kinalkal ang bag niya. Chat yun sa gc nilang tatlo nina Medea at Rogan. Medea: @Belle @Althea, nakauwi na kayo? Kaagad siyang nag-reply. Belle: Yes, madam! Ikaw ba? Althea: Oo, kanina pa. Alam kong 'di ka pa nakakauwi, Medea. Kasama mo nanaman bebecakes mo, sumbong nga kita sa nanay mo. Medea: Heh! Wala ka lang bebe e. Althea: Aray ha! Napangiti nalang si Belle nang mabasa ang chat ng dalawa. Bi-nack niya muna ang gc at napatingin sa pangalan ni Larkin. Hindi pa niya friend sa f******k si Larkin dahil hindi pa nito in-accept ang matagal na niyang friend request, pero palagi siyang nagchachat dito. Ginagawa niyang diary ang messenger ni Larkin. She clicked Larkin's messenger and typed a message. November 11, 2020 Finally, nakita ko na siya! Ang pogi niya pa rin. Sabay kaming naglakad kanina pauwi, kinikilig tuloy ako! Kahit na sobrang cold niya, bet ko pa rin siya.. Kahit maging yelo ka pa, Larkin. Mamahalin parin kita (Insert heart) Hindi naman niya binabasa ito at kahit na mabasa niya, okay lang. Bumalik siya sa gc nila at napairap nalang, natambakan kasi kaagad siya ng chat ng dalawa, nag-backread tuloy siya, nagreply lang siya saglit bago ibinaba ang cellphone niya. Kumuha siya ng damit at lumabas para maligo, nakita na siya ng kaniyang ina. "Sabelle, andito ka na pala." "Opo," walang ganang sagot ni Belle bago pumasok sa cr. "Maghapunan na tayo pagkatapos mo diyan a!" Hindi na siya sumagot, kaagad niyang binuksan ang faucet at hinintay na mapuno ang balde bago naligo. Mahigit 20 minutes si Belle sa loob ng cr at pagkalabas niya ay kaagad siyang tinawag ng kaniyang ina. "Anak, halika. Mag-hi ka sa Tito Elian mo." "May gagawin pa po ako," aniya at umalis na. Pumasok siya sa kuwarto niya at ni-lock iyon. Mamaya nalang siya kakain, mawawalan rin naman siya ng gana kung makikisabay siya sa kaniyang ina. Nakipag-kwentuhan nalang siya sa dalawa habang pinapalipas ang oras. Medea: Hoy, may myday si Larkin! @Belle Kaagad siyang nabuhayan. Belle: Patingin!! Medea sent a photo "Late night walk," basa ni Belle sa caption ni Larkin. Belle: Ugh! Bakit di niya sinabi? Sasamahan ko sana siyang mag-late night walk... Althea: Nasa labas pa naman ata siya, samahan mo na Medea: Gaga, gabi na Belle: Ay bakit, pwede ka bang mag-late night walk sa umaga? Nag-react nalang ng emojing Haha si Althea sa sinabi ni Belle. Medea: ?, what I mean is hindi ka na pwedeng lumabas dahil gabi na, mga gaga! Matulog na nga kayo! Althea: Hahaha! Belle: Goodnight, y'all! In-off na niya ang phone niya at saktong tumunog ang tiyan niya. "Gutom na ako..." Lumabas siya sa kuwarto niya, napahinto pa siya nang makitang walang kailaw-ilaw sa labas. Binuksan niya kaagad ang flashlight at lumapit sa switch ng ilaw. Mukhang tulog na rin ang Mama niya. Kumain nalang siya ng tahimik sa kusina. Kinabukasan ay maaga siyang nagising, hindi na siya nag-almusal at pumasok na. Dumaan muna siya sa 7/11 para bumili ng pagkain at inumin bago pumasok sa campus. Nabuhayan siya nang makita si Larkin na papasok palang. Tumakbo siya palapit at tumigil sa tabi nito, hindi naman siya nilingon ni Larkin. "Hi, Larkin!" No pansin ha? "May tanong ako." Tumaas ang kilay ni Larkin pero hindi siya tumigil sa paglalakad, napansin yun ni Belle kaya napangiti siya. "Kape ka ba?" Ilang segundo bago sumagot si Larkin. "No," napaawang ang bibig ni Belle, first time kasing sumagot si Larkin sa kaniya. "Mali! Dapat sabihin mo 'bakit?'" Doon napahinto si Larkin at nilingon siya. "Kailan pa naging sagot ang 'bakit na word'?" Natameme naman si Belle dahil tinignan lang naman siya ni Larkin sa mata. Umiwas ng tingin si Larkin at dahil hindi pa rin nagsasalita si Belle ay nagsalita siya. "Okay, why?" Parang radiong binuksan si Belle nang marinig yun. "Kasi umaga palang, kailangan na kita. Eyy!" "You know what? Too much coffee can kill you." Hindi nakaimik si Belle. Napatitig pa siya sa hawak niyang kape at muling ibinalik ang tingin kay Larkin na nakalayo na. "Eyy! Kape pa!" Pang-aasar ni Rogan nang mapadaan ito sa gilid niya. Narinig niya pala ang banat niya kay Larkin. Siya yung Boyfriend ni Medea, naging ka-close na rin niya ito dahil palagi lang naman siyang kasama ni Medea tuwing Lunch, sa library, kahit saan magkasama sila. Parang magnet na hirap paghiwalayin. Napasimangot nalang si Belle at nagpatuloy na sa paglalakad, kahit sinabi yun ni Larkin ay inubos niya pa rin ang kapeng binili niya. "Kahit na, coffee is life! Hmp!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Her Triplet Alphas

read
7.0M
bc

The Heartless Alpha

read
1.5M
bc

My Professor Is My Alpha Mate

read
461.6K
bc

The Guardian Wolf and her Alpha Mate

read
494.6K
bc

The Perfect Luna

read
4.0M
bc

The Billionaire CEO's Runaway Wife

read
599.9K
bc

Their Bullied and Broken Mate

read
462.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook