Chapter 1

2866 Words
Paano ba nagsimula ang lahat? Flashback... It was Sunday, a very special day for Rogan because it's his Birthday. Ginanap iyon sa Rest house nila sa Bolinao, Pangasinan. Na-invite silang tatlo doon at hindi naman na sila tumanggi dahil siguradong magtatampo si Rogan. "Gising na, andito na tayo!" Nagulat si Belle dahil sa boses ni Althea. Ilang oras ang biyahe nila kaya nakatulog siya. Bumaba na siya kahit hindi pa tuluyang nagigising ang diwa niya. "Kaya pa today?" Niyugyog siya ni Medea kaya tuluyan na siyang nagising. "Never again, ang layo pala ng lugar niyo." Aniya kay Rogan. "Sobrang layo? Paano mo nalaman? Ang ganda nga ng tulog mo e." Tugon ni Rogan at sabay silang natawa ni Medea. Kinuha nalang ni Belle ang mga gamit niya at sumunod na sa tatlo. "You can put your things there, kain muna tayo." Ani Tita Brita, Rogan's mother. Sumunod naman silang lahat. Inilibot ni Belle ang paningin niya, na-amaze siya sa laki at ganda ng rest house nila Rogan. Hindi niya akalaing ganun kayaman ang kaibigan niya. "Yaman mo naman, bes." Komento niya nang lumapit si Rogan sa kaniya. "Sa Lolo't Lola namin ito, it's a family house." Bakit kaya sila lumipat ng lugar? Maganda naman dito, malapit sa beach at sobrang peaceful. Tanong ni Belle sa isip niya. Niyaya na silang kumain kaya pumunta na sila sa hapag-kainan. Silang anim palang naman ang nasa rest house dahil mamaya pa darating ang ibang kamag-anak nina Rogan. Pagkatapos kumain ay lumabas si Belle para pumunta sa dalampasigan, nagpaalam naman siya bago pumunta doon. Dala ang cellphone niya ay tinungo na niya ang sadya. Kinuhanan niya kaagad ng litrato ang view. Hindi na gaanong mainit dahil papalubog na rin ang araw. Umupo siya sa buhanginan at hinintay na bumaba ang araw. Itinaas niya ang cellphone at patuloy na kinuhanan ng litrato ang sunset, maging ang rest house ay kinuhanan niya. Ibinalik niya ang tingin sa sunset at kaagad niyang napansin ang isang lalaki sa 'di kalayuan. Nakasuot ito ng headphone at nakatitig sa sunset. Hindi namalayan ni Belle na nakuhanan niya rin ng litrato ang lalaki. Nang lumingon ito ay kaagad siyang umiwas. Sinuri niya ang picture at napanganga, ang ganda ng pagkakakuha niya. "Belle!" Napalingon siya nang marinig ang pangalan niya. Kumakaway si Althea mula sa rest house. Muli niyang tinignan ang sunset bago naglakad papunta sa rest house. "Bakit?" Tanong niya nang makalapit. "Anong bakit? Balak mo bang matulog dun?" Tanong ni Medea na kararating lang. "Ang aga pa naman, Medeng." Sinamaan kaagad siya ng tingin ni Medea. "Huwag mo akong ma-Medeng-Medeng, Ysabelle a." "Scary..." pang-aasar pa ni Belle sa kaibigan bago lumayo, baka kasi masakal siya. "Tita, Tito, mga kaibigan po namin. Si Ysabelle at Althea." Pagpapakilala ni Rogan sa dalawa sa Tito't Tita niya. "Hello, mga hija!" "Hello po!" Sabay na sagot ng dalawa. "Wait, where's Keon?" Ani Tito ni Rogan. "I'm here," na-estatwa si Belle sa kinatatayuan niya nang marinig ang malamig na boses ng isang lalaki. Nang mapadaan ito sa gilid niya ay doon niya napagtanto kung sino yun. Siya yung lalaki kanina! Napakurap-kurap siya nang sikuin siya ni Althea. "Bibig mo, papasukan na ng langaw." Sinara niya kaagad ang bibig at tumingin sa kaibigan. "Alam ko, bes." Tumango-tango pa ito. Hinila ni Belle sina Althea at Medea paalis. "Ang guwapo niya!" Bulong nito sa kaibigan. Kaagad namang um-agree si Althea. "Sinabi mo pa!" "Pero ang cold," komento naman ni Medea. Binitawan ni Belle sina Medea at tumingin sa kalangitan. "Mamahalin, iingatan, pagsisilbihan, aalagan habang buhay." Napailing-iling nalang ang dalawa sa tinuran ng kaibigan. "Hoy, ano yan?" Nagulat silang tatlo sa pagsulpot ni Rogan. "Bet niya yung pinsan mo," walang prenong tugon ni Medea. Tinignan tuloy ni Rogan si Belle bago lumingon sa pinsan niya. "Tawagin ko?" "Hoy, huwag!" Pigil agad ni Belle. "Hahaha! Ikaw ah!" Pang-aasar pa ni Rogan. "Rogan! Samahan mo ang pinsan sa Bayan!" Si Tita Brita. "Gusto niyo sumama?" "Ako, gusto ko!" Kaagad na sabi ni Belle. "Wag na pala," pambabawi ni Rogan sa sinabi niya bago umalis kaya napasimangot nalang si Belle. "Maghihiwa raw tayo ng gulay sabi ni Tita," singit ni Medea. "Okay, mamaya ko nalang siya lalandiin." "Huuy!" Gulat na tugon ng dalawa sa sinabi ni Belle. Natawa nalang siya at muling tinignan ang pinsan ni Rogan. Bakit ang pogi niya? Naghiwa nalang ng gulay ang tatlo, si Belle ang nagbabalat ng sibuyas kaya naman mangiyak-ngiyak siya habang ginagawa yun. Tinatawanan lang siya ni Althea na naghihiwa ng carrots at iba pang gulay, si Medea naman ay kasama ng Mama ni Rogan na nagluluto. Habang sina Rogan at ang pinsan naman niya ay pumunta sa Bayan para bumili pa ng ibang sangkap. Pagkalipas ng ilang minuto ay dumating na rin ang ibang kamag-anak nina Rogan. Mga Tito at Tita niya na galing pa sa ibang bansa. Bukas pa ang celebration ng Birthday ni Rogan pero ngayon palang naghahanda na sila. Marami rin kasi ang ini-expect ng pamilya nila Rogan na darating. Siguradong marami tao dito bukas. Komento ni Belle sa isip niya. AT dumating na nga... Kaliwa't-kanan ang tao sa harap ng rest house nila Rogan. Hindi na nga mahanap ni Belle ang mga kaibigan, pumunta nalang siya sa likod at umupo sa bakanteng upuan. Napatitig nalang siya sa kalangitan. Hindi gaanong mainit ngayon, medyo mahangin pa nga. "Meow! Meow!" Napababa ng tingin si Belle at hinanap ang pusa. Tumayo siya at lumapit sa mga paso dahil doon nanggagaling ang ingay. "Meow!" "Kuting!" Aniya nang makita ang maliit na pusa. Umupo siya at dahan-dahang kinuha ang kuting sa likod ng paso. Ang dungis-dungis ng pusa pero kinarga niya pa rin ito. Wala na siyang pake kahit marumihan ang suot niyang beige dress. Muli siyang umupo at hinaplos ang ulo ng kuting. "Meow!" "Nagugutom ka ba?" Tanong niya kahit hindi naman makakasagot ang pusa, pero mukhang naintindihan naman nito ang sinabi niya dahil muli itong nag-ingay. "Sandali.." ibinaba niya ang kuting at tumayo. "Babalik ako!" Pumasok siya sa loob ng Rest house at naghanap ng pagkain para sa pusa. "Belle! Saan ka galing? Kanina pa kita hinahanap." "Althea!" Tinuro niya ang likod ng rest house. "May nakita akong pusa doon, bibigyan ko lang ng pagkain." "Pusa?" Takang tanong ni Althea bago sumunod sa kaibigan. "Ha?" Napahinto si Belle at nagpalinga-linga, wala na kasi ang pusa sa upuan na pinag-iwanan niya. "Saan yung pusa?" Tanong ni Althea. "Andito lang siya kanina..." patuloy sa paghahanap si Belle sa nawawalang pusa. "Hahanapin natin yan mamaya. Kailangan na tayo dun, Belle." "Sige.." ibinaba ni Belle ang dala niyang pagkain at sumunod na sa kaibigan. Hindi pa siya nakakalayo nang marinig ang pag-meow ng pusa. Kaagad siyang bumalik sa likod at hinanap ang pusa. "You're a mess," napahinto si Belle sa paglalakad nang marinig ang boses. Lumiko siya at nakita ang pusa kasama ang pinsan ni Rogan. Kumakain na ang pusa, habang nakaupo naman sa gilid ang lalaki. "Andito ka lang pala.." ani Belle na siyang ikinalingon ng lalaki. "Yung pusa," pang-co-correct niya dahil baka iba ang maisip nung lalaki. "Your owner is here, I gotta go." Anito at umalis na, sinundan nalang ni Belle ng tingin ang lalaki. "Ang attitude a!" "Meow!" "Ikaw ha, alam mo rin kung sino ang lalapitan." Naubos na ng pusa ang pagkain niya kaya kinuha na siya ni Belle at umalis doon. "Belle! Ang hirap mong hanapin a!" Si Althea na nakapameywang na. "Hehe! Sorry." Nag-peace sign nalang si Belle bago binaba ang pusa. Kumain na rin siya kasabay sina Medea at Althea, abala pa si Rogan kaya hindi pa ito lumalapit sa kanila. "Pagod na si bebecakes mo," ani Belle kay Medea. "Ginusto niya yan e," Sagot naman ni Medea at sabay pa silang natawa. Pagkatapos kumain ay bumalik si Belle sa likod para kalaruin ang pusa. Natutulog ito nang madatnan niya sa likod. "Gusto mo bang mamasyal?" "Do you really think he will answer?" Nagulat siya sa boses. Pagkalingon niya ay nandoon sa gilid ang lalaki, nakasandal ito sa pader habang naka-cross arms. "He?" Takang tanong niya. "Paano mo naman nasabing lalaki siya?" Nagpabalik-balik ang tingin niya sa lalaki at sa pusa. "It's obvious," anito at umalis nanaman. "Bakit ba palagi nalang siyang nagwa-walk-out?" Tanong niya sa pusa. "Lalaki ka ba talaga?" Paanong obvious? Hayst! "NAKUHA niyo na ba lahat ng gamit niyo?" tanong ni Tito Vestine nang makasakay sa sasakyan. "Opo," sagot nung apat. "Sigurado kayo a, aalis na tayo." Tumango silang lahat. Nauna na silang umalis dahil may pasok pa sila bukas. Binalikan ng tingin ni Belle ang Rest house. Nalungkot siya dahil hindi niya pwedeng dalhin ang pusa. Hindi pa niya nabibigyan ng pangalan ang kuting. Napunta ang tingin niya sa lalaki na nasa rooftop, nakatitig ito sa dagat. "Rogan, ano na ulit pangalan niya?" "Ha? Sino?" Maang-maangan na tanong ni Rogan kahit na alam na niya kung sino ang tinutukoy ni Belle. "Siya? He's Larkin Keon Delavin, hanapin mo nalang sa sss yung account niya." "Thanks!" Aniya at kaagad na inilabas ang phone niya. "'Di ko naman sinabing ngayon na, pero bahala ka baka masaktan ka lang." Napahinto si Belle dahil saktong napindot na niya ang account ni Larkin. In a relationship... "Ay, okayy..." Komento nalang niya at pinatay ang cellphone. "Lagot ka.." bulong ni Medea kay Rogan. "Kasalanan ko bang may jowa yung crush niya?" Pagtatanggol ni Rogan sa sarili, kinurot siya ni Medea kaya napa-aray nalang siya at nanahimik na. "Okay lang yan, Belle. Marami pang iba diyan." Ani naman ni Althea. Makalipas ang mahabang biyahe, nakarating na rin sila. Nasa iisang subdivision lang sila kaya malapit lang rin sila sa isa't-isa, naunang bumaba si Belle. "Thank you po, Tito at Tita." "No problem, hija. Ingat ka." Kumaway nalang si Belle nang makaalis ang sasakyan. "Bye, Belle!" Kumaway pa si Althea sa kaniya. Wala sa bahay ang Mama niya, mukhang nasa trabaho pa ito. Hindi na nag-abala si Belle na i-message ang Mama niya. Dumeretso nalang siya sa kaniyang kuwarto at humiga doon. Hindi siya nakatulog sa biyahe dahil sa dalawa, panay kasi ang kwentuhan nila at tawanan. Buti pa si Althea, ang ganda ng tulog. 1 month later... Nagising si Belle nang mauntog ang ulo niya sa jeep, napaayos tuloy siya ng upo nang makita ang ibang pasahero na nagpipigil ng tawa. Galing siya sa bayan dahil may binili siyang materials para sa project nila, papasok na rin siya ngayon sa school nila. "Bakit ang tagal mo?" Tanong ni Medea nang makababa siya ng jeep. "Wow, ha! Kung sinamahan mo ako ede mas mabilis sana." "Sorry a, tinapos ko kasi yung assignment mo e." "Ay, oo nga pala. Hehe!" reaksiyon nalang ni Belle at nanahimik na baka kasi punitin ni Medea yung papel niya. Pumunta sila sa library para doon tapusin ang project nila, deadline na kasi yun bukas ng umaga. Sa dami ng event sa nakaraang araw ay hindi na nila napaglaanan ng oras ang project nila. Isa pa, pare-pareho silang officer ng iba't-ibang school club. Napahinto saglit si Belle nang mapansin na kulang sila. "Teka nga, saan nanaman si Althea?" "Sabi niya susunod nalang daw siya." Sagot ng isang kasama nila. "Medea, akala ko tutulungan tayo ni Rogan. Wala pa rin siya?" "He's with his cousin, nasa registrar ata sila." Si Medea na may dala ng mga libro. "Pinsan?" Tumango si Medea. "Yung crush mo," kumunot ang noo ni Belle dahil wala naman siyang maalalang crush niya na pinsan ni Rogan. "Yung masungit na pinsan niya nung birthday niya.." Doon napanganga si Belle. "You mean, Larkin?!" Nang tumango si Medea ay napatili nalang siya, kaagad naman siyang pinatahimik ni Medea dahil baka mapalayas pa sila. "OMG!!!" mahinang tili niya. "Mamaya ka na kiligin, tapusin muna natin 'to." "Sino ba yun?" Takang tanong ni Annie, ka-group nila. "Secret, huwag mo ng alamin." Ani Belle bago tumulong sa kanila. "Hmp, damot!" Tinawanan nalang niya ang sinabi nito. Naalala pa niya kung paano niya nakilala si Larkin, ang ganda tuloy ng ngiti niya. Nawala ang ngiti niya nang maalalang may girlfriend pala ito. Mukhang masasaktan lang ako... Mahigit isang oras nilang ginawa ang project nila, nagpresinta si Annie na siya na ang magpa-pass sa Subject Teacher nila. Dumating si Althea nang malapit na silang matapos. Kaya siya ang pinagligpit nila ng mga kalat bago sila lumabas. "HINDI pa kayo kumakain no?" "Hindi ba obvious?" asar na tanong ni Medea dahil kanina pa niya sinasabi na nagugutom na siya. Nag-peace sign nalang si Rogan. Inaya niya ang tatlo na kumain sa labas, hindi pa niya sinasabi na kasabay nilang kakain si Larkin dahil gusto niyang i-surprise si Belle. Habang palabas sila ay tanong ng tanong si Belle tungkol kay Larkin. Gusto na ngang tumakbo ni Rogan para takasan si Belle. "Totoo?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Belle nang malamang single na ang crush niya. "Sabi na e!" Aniya pa. "Larkin!" Tawag ni Rogan sa pinsan niya. "Huuy!" Reaksiyon ni Belle. "Bakit hindi mo sinabing kasabay natin siya?" Pabulong niyang tanong. "Teka, maayos ba itsura ko?" Lumingon siya kay Althea. "Oo, mukha ka parin namang tao, Belle." Muli siyang humarap kay Rogan at hinampas ito sa braso. "Nakakainis ka, Rogan!" Tinawanan lang siya nito. "Sasabay pala si Larkin sa atin." "Hello, Larkin!" "Hey," sagot nito kay Medea. "Grabe, napaka-cold pa rin hanggnag ngayon..." bulong ni Belle sa gilid. Kumunot ang noo niya nang sikuin siya ni Althea. She cleared her throat. "Hi, Larkin! I'm Ysabelle, naaalala mo pa?" "No," maikling sagot nito. "Yelo ba yang pinsan mo?" Tanong ni Belle kay Rogan kahit na narinig iyon ng tinutukoy niya. "Ang lamig e!" "Di ka type niyan," pang-aasar pa ni Rogan. "Grabe ba," inismiran nalang ni Belle ang mag-pinsan. Sabay na naglalakad ang dalawa kaya tumabi siya kay Medea at Althea. "Any tips para mapansin ni crush?" Tanong niya kay Althea. "Sa'kin ka pa talaga lumapit a?" Hindi makapaniwalang tanong ni Althea. "Kanino ako magtatanong? Sa Lolo ko na nasa taas na?" Napa-aray nalang si Belle nang batukan siya ni Althea. "Ang sasama na talaga ng ugali niyo," tukoy niya sa mga kaibigan. "Kaya pala bagay kayo e." "Ha?" "Feeling ni anteh, maang-maangan? Alam na namin." Ani Belle at nauna nang naglakad. Hinabol naman siya kaagad ni Althea. "Wait!! Anong alam niyo na?" "Alam na namin kung sino ang gusto mo." "Haaaaaa?" Hindi makapaniwalang tanong ni Althea. "Si Louis," singit naman ni Medea. "Hindi no! Yuck!" Napairap nalang si Althea nang ipilit ng dalawa na may gusto siya kay Louis, sa katunayan ay wala naman dahil hate na hate ito noon pa. "Hay nako! Isipin niyo kung ano ang gusto niyong isipin. Basta ako, hinding-hindi ako magkakagusto sa isang tukmol na yun!" Nauna na siyang naglakad, nag-apir pa sina Belle at Medea bago sumunod sa kaniya. NAPAPA-search nalang si Belle sa google. 100 Tips para mapansin ni Crush Tip No. 1: Mag-Hi sa kaniya palagi Palabas si Belle sa classroom nila para bumili ng pagkain nang mahagip ng mata niya si Larkin. "Hi, Larkin!" Pero parang hangin lang ito na dumaan sa gilid niya. Sinundan nalang ni Belle ng tingin ang papalayong si Larkin. Tip No. 2: Kausapin mo siya Naabutan ni Belle si Larkin sa mini forest na nagbabasa ng libro. "Hi, Larkin! Makikiupo ako a!" No comment... Inilabas ni Belle ang dala niyang libro at nagsimula ng magbasa. Napangiti siya nang may mabasang magandang impormasiyon. "Crush, alam mo ba kung bakit blue ang kulay ng dugo ng mga octopus?" Hindi siya nakakuha ng sagot kaya nagpatuloy siya. "Kasi--" Napahinto siya sa pagsasalita nang walang pasabing tumayo si Larkin at umalis na. Tip No. 3: Bigyan mo ng pagkain/inumin Naglalaro ngayon sina Larkin ng Basketball sa gym, nasa gilid na si Belle at may dalang tubig. Hindi na siya pumasok dahil patapos na rin ang laro. Palabas na ang hinhintay niya kaya naghanda na siya. Nang malapit na si Larkin ay inabot niya ang tubig pero sakto rin dahil inangat niya ang tumbler niya at doon uminom. "Hi, Belle! Pwedeng sa'kin nalang yung tubig?" Tanong ni Louis, kaibigan ni Larkin. "Sige.." Tip No. 4: Sulatan mo ng Tula "Kinakabahan ako.." ani Belle kay Medea. "Ngayon ka pa talaga kinabahan? Go na!" Wala siyang nagawa nang itulak siya ng kaibigan. Napalunok nalang siya habang kaharap si Larkin. "Uhm.. para sa'yo!" Inabot niya ang maliit na papel habang nakayuko. Nang makaramdamang kinuha na ang papel ay tumakbo na siya paalis. "Ugh! Nakakahiya!" Nagtago kaagad siya sa likod ni Medea. PALABAS na sila ng campus nang makita ni Belle si Larkin sa may Gate na parang may hinihintay. "Larkin, Hi!" Kaagad na bati Belle. Hindi na nagsalita si Larkin, inabot niya ang papel kay Belle at bast analang umalis. "Teka, para sa'kin!? Thank you!!" "Dali, buksan mo na!" Ani Medea na nasa gilid niya. "Ano kaya ang nilalaman niyan?" Naka-abang na tanong ni Althea. Nawala ang ngiti ni Belle at natawa naman ang dalawa sa nakita. Iyon yung tulang binigay ni Belle kay Larkin, may corrections at side comments na nakasulat sa papel. End of Flashback... "Isang taon na rin simula nang makilala kita, pero hanggang ngayon wala pa ring progress ang love story natin. Tss!" Pero kahit na ganoon ang nangyari, hindi pa rin ako susuko. Hay, Larkin, kaya mas lalo kitang nagugustuhan e!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD