bc

Everything about Him

book_age12+
9
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
HE
second chance
sweet
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Tala and Laxus met again. Both of them are successful, and one is already engaged. Unexpectedly, they had to work together on one project. A project that will keep them close or tear them apart. What will happen in the process? What consequences are they still going to face? Will Laxus and Tala find a way back on each other's arms again? Or will they realize that love isn't just enough?

chap-preview
Free preview
Prologue
Tala's POV: "Dra. Cruz, free po ba kayo mamaya?" Nandito ako ngayon sa office ko at nagbabasa ng sandamakmak na mga papeles ng mga pasyente ko. Inaaral ko ang kalagayan ng bawat isa para naman hindi ako maligaw ng landas. "Why?" Pagtatanong ko kay Nurse Chary. "May dinner po kasi kami mamaya and gusto ka po sana namin imbitahin kung ayos lang ho sa inyo at hindi ho kayo busy," nagaalangang sambit niya. "What time, and where?" "Around 8 pm po, Dra. Sa mall po malapit dito sa ospital." "Okay, count me in." "Thank you, Dra. Mauna na ho ako," pagpapaalam ni Chary bago lumabas sa opisina ko. Ang bagal ng oras. Hindi pa ako kumakain at wala pa rin akong maayos na tulog. Well, ginusto ko 'to kaya dapat panindigan ko. Ang dami kong kailangan asikasuhin for this week. Masyadong hectic ang schedule ko, at hindi ko na magawang asikasuhin ang sarili ko. I seriously need a break or I'll die. "What's up, Love?" Napaangat ako ng tingin nang may biglang pumasok sa opisina ko at bungad nun ay si Chino. Tumayo ako mula sa pagkakaupo para ibeso siya at ganoon din ang ginawa niya. "You busy?" He asked. "Why? What brings you here, Mr. Lim?" "Yuck, 'wag mo nga akong tawaging ganiyan. Masyadong formal!" Nagtawanan kaming dalawa sa naging sagot niya bago kami muling balutin ng katahimikan. "So, bakit ka nga napunta rito?" "Wala lang, aayain lang sana kita mag-lunch. G ka ba?" Pinagmasdan ko si Chino kaya naman bigla niyang iniwas ang tingin niya at pinagmasdan na lamang ang opisina ko. "Kilala kita, Lim. Alam kong hindi 'yan ang pinunta mo rito. Bakit nga? Parang tanga, ayaw pa sabihin!" "Wala nga akong ibang sasabihin, baliw. Ayun lang 'yon. Aayain lang sana kita for lunch kaso mukhang busy ka kaya nevermind na lang. Maybe next time." "Isa, Chino. Kapag 'yan hindi mo sinabi sa 'kin, magkalimutan na tayo," pagbabanta ko na ikinabuntong hininga niya. I told you, something's off. "Have you heard the tea?" "What tea? Maraming issue ngayon sa bansa. Ano'ng tea ang sinasabi mo? Enlighten me please?" "He's back." Agad akong napahinto sa narinig ko nang marinig ko ang sinabi ni Chino. May kung ano sa puso ko ang kumalabog at tila nahihirapan akong makahinga ngayon nang dahil sa narinig ko. "Hey, are you alright?" Nag-aalalang sambit ni Chino na akmang lalapitan sana ako nang patigilin ko siya at ininom ko ang tubig sa gilid ng desk ko. "Good for him. G, lunch tayo. Sakto hindi pa rin ako kumakain." Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa swivel chair pero ramdam ko pa rin ang pagtingin ni Chino sa akin. Alam kong pinapakiramdaman niya ako dahil nag-aalala siya para sa 'kin dahil sa nabalitaan ko. "Let's go na. Bakit nakatulala ka pa d'yan?" "Are you sure you're fine?" He asked while holding my hands. I gave him a small smile and nodded as a response. Ayoko munang pagusapan. "Okay, if you say so. Saan tayo kakain ng lunch?" "I don't know, Chino! You literally came in my office and asked me for lunch tapos tatanungin mo ako kung saan tayo kakain ng lunch? Are you kidding me right now, Lim?" "Joke lang naman, e. Nagagalit ka agad. Masyado ka namang highblood, Doc. Tatanda ka agad niyan," pagbibiro niya pa habang tinatanguan ang mga nasasalubong namin. He's still friendly gaya ng dati. Wala naman nagbago kay Chin, he's still kind and loving. People around him still love him. Not because he's good, but because he is Chino himself. Chino created his good image among people that's why. And I'm still thankful for having him by my side as always. Just like in the past. "Lagi ka na lang natutulala sa tuwing kasama mo ako. Hindi mo na ba ako mahal, love?" "Siraulo, tara na nga!" --- Napadpad kaming dalawa sa Vertis North dahil napagdesisyunan namin na dito na lang kumain para payapa ang paligid dahil bibihira lamang ang mga tao rito. Unlike sa ibang malls na ang crowded talaga everyday. I don't like chaotic surroundings, you know? "Ano'ng sa 'yo?" He asked while looking at the menu. Kung noon ay tatangtanga ako sa pagpili ng pagkain, ngayon hindi na. Well, I've grown so much. I learned a lot of things in my life. "Iba ka na talaga, Doc." Chino joked. "Tuloy ba sa Saturday?" I asked. Chino's family asked me to go with them sa Vigan for some medical trip kaya naman pumayag din ako dahil alam ko ang purpose ng lakad. "Ah, right! I forgot to talk about it, sorry. Yeah, tuloy tayo sa Sabado, why? You're not going?" "Silly, of course, I'll go. You know how much I love medical trips, right?" "Well, more than you love me." Pinilit ko ang sarili ko na tumawa sa joke ni Chino kahit na alam ko naman na para sa kaniya ay hindi 'yun joke. It's been almost 10 years and Chino is still here by my side. Lagi't lagi. Walang kupas, hindi napapagod. That's why I feel guilty all the time everytime na may ginagawa siya for me. Chino doesn't deserve someone like me. Masyado akong pinagdamutan ng pagmamahal kaya naman hindi ko na alam kung papaano pa 'yon maibabalik sa iba. After ng biro na iyon ay binalot na kaming dalawa ng katahimikan. Naging busy siya sa phone miya at ako naman ay sa laptop na baon ko. I knew that that will be awkward. Hindi ko rin alam kung bakit sinabi niya pa ang joke na iyon. "Hmm, anong oras tayo aalis sa Sabado?" Pambabasag ko sa katahimikan. "Maaga raw sabi nila Mama, e. Sunduin ba kita? Mga 3 am siguro tayo aalis para maaga tayo makarating doon at para maaga rin tayo makapagsimula. G?" "Can't I bring my own car na lang?" "Ikaw bahala. That would be a hassle though. Pero ikaw. If you want to be alone, then drive your car." Okay. Nawala sa mood si Chino, I get it. "I won't bring my car na lang pala if that's the case. Besides, I won't be driving din naman dahil maantukin ako. Baka mag-cause pa ako ng accident sa road if ever." "Then drink coffee." I cannot with him. He's too pikunin talaga. "Chino, are you mad?" "Nah. Why would I?" Right. Why would he? Sino ba naman ako, hindi ba? Baka naman assuming lang din talaga ako na after all those years ay ako pa rin ang gusto ni Chino. That's kind of imposible because I'm just me. Chino's a perfect guy and I am way too far from being perfect. Sakto lang din na dumating na ang order namin dahil wala na akong masasabi pa rito kay Chino para gumaan ang ambiance sa pagitan naming dalawa. "All-time favorite ko na talaga chicken wings dito," I said randomly but Chino did not even look at me. He also knew that that joke is just not balanced for both parties. Well at least for him. "Why are you eating so fast, Chin? Gago, may operation ka pa ba sa sched mo today?" "Wala akong sched for operation today but a nurse texted me na kailangan daw ako ni Chief sa loob ng ER." "Oh, okay! Go ahaed! Ako na ang bahala rito! Drive safely, Chino!" After niyang bumeso sa akin ay kumaripas na rin siya agad ng takbo pabalik sa parking lot kung saan kami nag-park kanina. Madali lang naman sa akin makabalik sa ospital. 20 minutes walk is the minimum from here to the hospital that I am working at. Muntik ko pang maitapon ang pera na iniwan ni Chino for our lunch dahil hindi ko agad 'yon napansin. Nag-iwan pa pala siya ng pera for the lunch. One trait of Chino na hindi na nawala sa kaniya is that he won't let me spend even a penny for him. Never akong gumastos when I am with Chino kahit nung highschool at college kami. Lagi niya na ako nililibre. Never niya akong hinayaan magbayad. Paglabas ko ng resto, marami pala ang taong nakapila. Pinipilahan kasi ang resto na 'to dahil sa sarap at quality ng pagkain. Mahaba ang lunch break ko, gagala na lang muna ako. I need to buy new clothes kaya. Nauumay na rin ako rito sa white coat ko, joke. Naglakad lang ako nang naglakad hanggang sa may isang shop na pumukaw sa atensiyon ko. Ang gaganda ng damit na naka-display sa labas kaya naman hindi ako nagdalawang isip na pumasok. "Good afternoon, Ma'am." Bati sa akin ng saleslady. Lahat ng damit maganda! I kinda want to make an impulsive decision right now. Hmm. Should I buy at least three dresses? Do I need it? Do I get to wear these often? Whatever. "Miss, do you still have a stock for these three?" "Ah, wait lang po Ma'am, check ko lang po." Nakangiti niyang paalam kaya naman tumango lang ako at tumingin pa sa ibang mga damit na narito. Kung dati ay manang na manang ako manamit, ngayon naman ay puro na lang ako dress at hindi na ako nagpapantalon. Ewan ko ba, natuto na lang din ako manamit nang maayos. Nasanay na lang din siguro for work. Pagbalik nung saleslady, nakangiti niyang inabot sa akin 'yung mga stock na hinihingi ko kaya naman agad akong pumasok sa fitting room. These are all in shade of nude because it compliments my skin very well and very classy din tignan lalo na for work. Agad ko ring binayaran ang mga 'yon matapos kong magsukat. Lahat naman ay kasya sa akin at maganda kaya wala akong naging problema. "Bili na rin kaya ako ng new plates?" Bulong ko sa sarili ko. Ang careless ko kasi. Lagi na lang akong nakakabasag ng pinggan sa condo ko. Ewan ko ba. Hindi naman ako pasmado or anything, lagi ko lang talaga sila nabibitawan. Chino texted me kung nakabalik na ba ako sa ospital so that we can talk pero sinabi kong nasa mall pa ako, running some errands. He's back. Pansamantalang nawala sa isip ko ang binalita ni Chino kanina pero ngayon ay bigla na namang pumasok sa isip ko iyon kaya naman binalot ang puso ko ng kaba. Am I ready to face him? What if we cross paths? Is he still the same? Will he ask for forgiveness? Will he say sorry for the things that he has done before? I don't know, and I don't want to know if I am being honest right now. I am not yet ready to see him up close and I don't want to have a conversation with him ever again. What he did still haunts me sometimes and I can't do something about it. That's why a part of me still hates him for every valid reason. Whatever, too many flashbacks. I hate him, in short. And I don't want to see his face any moment now. May trabaho na lang ako at lahat pero ganito pa rin ang mga saleslady. Sunod pa rin sila nang sunod sa 'yo. Nahihiya tuloy ako mamili ng mga plato dahil nakasunod lang itong babae sa akin. Lol, what is she expecting me to do? Steal? Funny. Okay, stop this now Tala. You're not comfortable and you know it. Kinuha ko na lang ang mga plato na maganda sa paningin ko, bahala na. Bibili na lang ulit ako sa susunod kung may mababasag man. Nakalabas na ako ng mall at naghihintay na lang ako sa Taxi kung meron mang paparada sa harap ko. And there's this car who stopped in front of me. Binaba niya ang bintana but he is wearing a cap so I can't see his face clearly. Chino calling... [Hey, are you on your way? We kinda need your help inside the ER now.] "Ha!? Gago, sige pabalik na ako! Sasakay na ako ng Grab, bye!" [Okay, take care!] Pagbaba ng tawag, agad akong sumakay sa kotse na pumarada sa harap ko. Naloka ako! Bakit naman ngayon pa nagkaroon ng emergency kung kailang hindi ako ready, may dala pa akong mga paperbag ng mga pinamili ko, s**t talaga. "Manong, Grace's hospital ho tayo." Hindi umimik ang driver at basta na lamang siyang nag-drive. Muntik pa nga akong mawala sa balance dahil sa bilis ng pagmamaneho niya. Si Manong mas nagmamadali pa yata kaysa sa 'kin. Kaloka. Sige go, as long as hindi tayo mamamatay dito sa ginagawa mo Manong. Tutal I'm in a rush din naman. Mabilis lang ang byahe dahil sa bilis ng pagmamaneho ng driver at wala rin namang traffic, salamat sa Diyos. Inabot ko ang 500 sa harapan pero hindi niya iyon tinatanggap. Naka-shades din pala ang isang 'to. Summer na summer vibes? "Manong, pakikuha na po itong bayad. Kulang po ba? Nagmamadali po kasi ako, e." "Nah, it's on me, baby." Para akong nagyelo sa kinauupuan ko ngayon at tila binalot ng kung ano ang puso ko ngayon dahilan para maramdaman ko ang paninikip nito ngayon. Nabitawan ko rin ang perang hawak ko at nanlamig ang mga kamay ko. Fuck. Don't tell me? "Baby, did you miss me?" Fuck it, what am I doing inside Laxus' car!?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Her Triplet Alphas

read
7.5M
bc

The Heartless Alpha

read
1.5M
bc

My Professor Is My Alpha Mate

read
461.6K
bc

The Guardian Wolf and her Alpha Mate

read
494.6K
bc

The Perfect Luna

read
4.0M
bc

The Billionaire CEO's Runaway Wife

read
599.9K
bc

Their Bullied and Broken Mate

read
462.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook