Chapter 1

2552 Words
Tala's POV: Anong oras na pero hindi pa rin sumisikat ang araw. Marahil, uulan mamaya kaya naman maulap ang kalangitan. "Rielle, nag-almusal ka na ba?" Pagtatanong ni Mama habang pinapasok ang mga sinampay sa kwarto namin. "Hindi pa po, Ma. Kakain na lang po ako pagdating ko sa school. Nagbbreakfast na po kasi sila Sir Padua kaya hindi na ho ako kakain," pagpapaliwanag ko. "Ganoon ba? Oh siya, sige. Hindi ka pa ba magmamadali sa pag-alis? Baka abutan ka na ng ulan niyan. May payong ka ba? 'Wag kang magpapaulan, Rielle anak. Alam mo namang ayaw ni Mama na nagkakasakit ka, naiintindihan mo?" Ngumiti ako at lumapit kay Mama para yumakap. Ganito kami kalapit ni Mama sa isa't-isa. Swerte ko nga kay Mama dahil nakakausap at nakakasalamuha ko siya nang ganito. "Sus, nambola pa. Alis na 'ko, Ma. Ingat ka, ha! Uuwi rin ho ako agad 'pag maaga pong natapos ang trabaho ko." Tumango lang si Mama kaya lumabas na rin agad ako sa kwarto at dirediretsong lumakad palabas ng mansiyon. Nakita ko ang sasakyan na panghatid kay Laxus na saktong papaalis pa lang din papunta sa school. Pareho lang kami ng school na pinapasukan dahil scholar ako ng mga magulang niya. Mabuti nga't hindi sila nanunumbat sa pagpapaaral nila sa akin dahil lahat naman ng mga grado ko ay mas mataas pa sa minimum. Hindi ko na inabala pa ang sasakyan dahil asa pa 'ko na isabay ako niyan papasok sa school. Kahit nga magkasalubong pa kami niyan ni Laxus sa school, ni isang tingin hindi man lang ako tinatapunan grabe. Palibhasa'y maraming babae ang nagkakandarapa sa kaniya sa school. Akala niya siguro'y tulad ako ng mga babae niya na patay na patay sa kaniya. Suntok sa buwan na mangyari 'yon kaya bahala siya sa buhay niya. Matapos ang ilang minutong paglalakad, sa wakas ay nandito na rin ako sa sakayan ng jeep papasok. Buti na lang talaga at hindi pa rush hour ngayon. Naku, yari na kapag inabutan ako ng rush hour. Baka mauna pang mamuti ang uwak kaysa sa bus na sasakyan ko kapag inabutan ako ng rush hour. Ngayon ang start ko sa freshmen year ko in college. Nursing pinili ko for my pre-med. I am planning to be a Doctor that's why. Pagdating ko sa school, walang bago. Pinagtitinginan pa rin ako ng ibang mga estudyante. Siguro dahil sa suot ko. Maayos naman ang suot ko pero kung ikukumpara sa kanila ay walang-wala ako. Nakayuko akong dumaan sa gitna ng mga mapanghusgang estudyante habang ang iba sa kanila ay nagbubulungan pa mismo sa harapan ko. Hindi na bago sa 'kin ang ganitong senaryo. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, ganito ang nararanasan ko sa paaralan na 'to. Wala rin naman akong choice dahil gusto ko rin dito magtapos ng pag-aaral. Wala akong binabayaran kaya ano'ng karapatan kong tumanggi at mag-inarte? "Tala!" Nakita ko ang papalapit na si Chino sa gilid ko habang kumakaway pa. Muli na naman tuloy nabaling sa 'kin ang atensiyon ng mga estudyante na nakakalat dito. "Aga natin, ah?" Pangbungad na tanong niya. "Ang ingay mo, Chin. Umiiwas na nga ako sa tingin ng mga tao rito tapos bigla kang susulpot d'yan. Bad timing ka talaga kahit kailan, e 'no?" Pabulong na sambit ko habang sabay kaming naglalakad papasok sa main building. "Bakit ka ba lagi kang nakayuko? Ano ba, may muta ka ba? May pigsa ka ba sa mukha? May black eye ka ba?" Aligagang sambit ni Chino habang pilit na tinitignan ang mukha ko. Napakakulit talaga. Si Chino ang bestfriend ko pamula pa noong elementary. Kilala niya rin si Laxus pero tulad ko ay hindi rin sila close. Though, mayaman din naman si Chino. Mayaman, galing sa kilalang pamilya, may itsura, matalino, at miyembro ng varsity sa school namin. Kaya nga puro sama ng tingin ang natatanggap ko sa tuwing magkasama kami ni Chino. Aba'y malay ko kung ano'ng kinakagalit nila. Mukha bang gusto ko si Chino? Marunong ako kung saan ako lulugar. "Chino, ang kulit mo! Manahimik ka nga!" "Sus, para ka kasing baliw! Hindi ka naman pangit pero lagi kang nakayuko. Bali ba leeg mo? E, kung ito ngang mga pangit na babae sa school natin nakukuha pa magpa-cute sa harapan ko, e. Mga mukha naman silang tanga. Tapos ikaw ang ganda-ganda mo ayaw mo man lang humarap sa mga tao," mahabang paliwanag niya habang may hand gestures pa. Ewan ko rito kay Chino, araw-araw niya namang binabanggit na maganda ako. Mangamote ang maniwala. Pagpasok namin sa room namin, agad na nalihis na naman sa akin ang mga tingin ng mga kaklase ko. Napabuntong hininga na lang ako at dumiretso na lamang sa upuan ko. "Tabi tayo!" Sabi ni Chino na akmang uupo sa upuan sa tabi ko nang bigla siyang sanggihin ni Laxus. "May problema ba, bro?" Seryosong tanong ni Chino kay Laxus. "Nothing. I'm going to seat here that's why you should probably find another seat for you." Noon pa may ay ganito na ang ugali ni Laxus. Hindi ko alam kung bakit samantalang lahat naman ay ibinibigay sa kaniya. O baka naman kaya siya ganiyan ay dahil nasanay siya na lahat ay ibinibigay sa kaniya. "Nauna ako sa upuan, Lax. 'Wag kang mag-inaso d'yan dahil alam mong hindi ko gusto ang makipag-away sa 'yo." Chino is a whole lot different person when he's bothered or offended. Sa 'kin nga lang yata mabait 'tong si Chino. Hindi ako kumikibo rito sa upuan ko dahil ayoko ng g**o. Ayoko na masabihan na naman akong feelingera dahil lang inawat ko si Chino sa pakikipag-away noon. Kaya na nila 'yan. Malaki na sila. Kinuha ko ang libro ko mula sa bag para mag-advance reading habang wala pa ang prof namin. Mamaya may surprise recitation na naman, mas mabuti nang maging handa. "So? I told you, I wanted to seat here. Why can't you just give me this seat, Lim? Hey," nag-angat ako ng tingin ng bahagyang sinipa ni Laxus ang upuan ko para makuha ang atensiyon ko. Ano ba'ng problema niya? Ngayon niya na nga lang ako papansinin, sa ganitong eksena pa. Tinaasan ko siya ng kilay kaya naman binigyan niya rin ako ng hindi makapaniwalang tingin. Kilala naman pala ako nito, e. Namumukhaan naman pala ako. Akala ko sa sobrang self-centered niya pati mga maid nila sa bahay ay wala siyang kilala. Well, hindi malabo na ganoon na nga. "Tell your bestfriend to shut up and lend me this seat. Maghapon na nga kayo magkasama, hanggang classroom ba naman? Get a room, you guys," natatawang sambit niya. May nakakatawa ba sa sinabi niya? Wala namang ibang tumawa bukod sa sarili niya. Tinignan ko si Chino at naabutan ko na nakatingin din siya sa akin na tila ba naghihintay ng magiging desisyon ko. Bakit ako? Bakit sa 'kin nila inaasa pati ganitong bagay? Mga isip bata. "Sige na, Chino. See you mamayang lunch." Ani ko at muling binalik ang atensiyon ko sa librong binabasa ko. Naramdaman ko ang pag-upo ni Laxus sa tabi ko kaya malamang sa malamang ay si Chino na naman ang nagparaya. Hindi naman ito ang unang beses na nagkaharap sila nang ganito ni Laxus. Kung hindi ako nagkakamali, nagsuntukan sila dati dahil sa basketball kaya naman simula no'n ay lagi na mainit ang ulo nila sa isa't isa. Buti nga'y hindi pinapatulan ni Chino si Laxus sa mga ganito kaliit na bagay. No wonder kung bakit halos araw-araw kong naririnig na pinapagalitan si Laxus ng mga magulang niya. Kung ganiyan lang din ang magiging anak ko na isang takaw g**o, aba'y huwag na lang 'no. Ayoko ng sakit sa ulo. Hindi nagtagal ay dumating na rin ang prof namin sa unang subject kaya naman binaba ko na ang librong binabasa ko. "Good morning, class. Seatback and be ready for a surprise recitation." Sabi na, e. Kailan ba 'ko nagkamali? Nagpakawala ng buntong hininga ang mga kaklase ko kaya naman napaangat ng tingin ang prof namin. Unang araw may galit agad sa section namin. Well, I can't blame them. Kung ako rin ang nasa posisyon nila at ganito ang magiging reaksiyon ng mga estudyante ko ay baka mabato ko sila ng kung anong bagay. "Why? Don't tell me that you guys did not read your syllabus? You didn't conduct an advance reading? What are you guys thinking? That you're still in high school? Stop sighing in front of me and be ready!" Unang araw, unang banas. 'Yan ang mood ng prof namin ngayon. Samantalang itong katabi ko, patagong gumagamit ng cellphone sa ilalim ng desk niya. Ganoon siya kalakas. "Ms. Cruz?" Agad akong tumayo nang marinig ko ang pangalan ko. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa bago muling tinignan ang index card ko. Bunot pa nga. "What excites you about medicine in general?" Oh, so it is not a specific question, but more like a personal question. I see. "A lot of things excites me in the medical field. The fact that there are so many diverse niches in the medical field can be considered as to why this field is exciting. Growing up, I told myself that I am going to help other people. I am making myself open for people for me to be able to help them and get them treated. I always wanted to do my best in everything that's why I chose this field. I never wanted to run out of knowledge and being in this field makes me feel able to know more and more every day. The fact that I could help save a life or help bring a new one into the world is way too exciting for me. That's it, Sir." Tinignan niya muna ang index card ko bago tumango-tango at sinenyasan akong maupo na. Thank God at hindi agad subject related question. Hindi ko yata kakayanin dahil wala ako sa kondisyon ngayong araw. "What about you, Mr. Padua? Same question as Ms. Cruz." Tamad na tamad na tumayo si Laxus habang pinapaikot-ikot ang ballpen niya sa kaniyang kabilang kamay kaya naman napunta roon ang tingin ng prof namin. "Would you mind standing properly, Mr. Padua?" Deserve. Deserve niya ang mapagalitan. Akala nitong si Laxus ay lahat mapapasunod niya. Ano siya hilo? "I chose this field simply because my parents asked me to. That's all, Sir." WHAT? Lahat kami napatingin sa kaniya nang ganoon ang sinagot niya at umupo nang wala man lang pasabi o ano. Napataas ng kilay ang prof namin at matagal siyang tinitigan bago ilagay ang index card ni Laxus sa ibabaw ng desk niya. That's it? Hindi siya papagalitan? Hindi siya tatanungin kung bakit ganoon na lamang ang sagot niya? Is this some sort of joke or something? "Your parents are Dr. and Dra. Padua?" my prof asked. "Yes, Sir." "Okay, class dismissed. Be prepared for a quiz tomorrow. Study your syllabus." Huh? Class is already dismissed? That's it? Seryoso ba? Walang lesson or what? Or maybe tama nga 'yung mga napanood ko sa vlog? First day of college is just all about introduction of yourselves or quick recitations. Boring. Lumapit agad sa 'kin si Chino pagkalabas na pagkalabas ng prof namin. "Ano na naman, Chin?" "Luh, sungit. Tara lunch na. Wala raw next prof natin. Free cut kaya tara na," pag-aaya niya sa 'kin habang pilit akong pinapatayo mula sa pagkakaupo. "Do you guys mind to shut the hell up? You guys are too loud," naiinis na sabat ni Laxus sa gilid ko. "Get a life, will you?" Hindi ako nakapagpigil kaya naman sinagot ko siya at tumayo. Pati yata si Chino nagulat sa sinabi ko kaya naman iniwan ko na silang dalawa roon at nauna na akong lumabas ng classroom. Ayaw tumigil, e. Kanina pa sabat nang sabat hindi naman kasali sa usapan. Ang rude niya na nga sa mismong prof namin, e. Sobrang out of line niya na kaya deserve niya lang na maprangka minsan. Nasanay kasi na lahat ng tao sa paligid niya binibigay lang lahat ng gusto niya without him even trying. Though hindi ko naman siya sinisisi na ganiyang buhay ang mayroon siya. His parents worked hard to give him that kind of life so I can't blame him for being born rich. "Tala! Wait for me!" "What are you smiling about?" I asked dahil paglapit niya sa akin ay mayroon siyang nakakalokong ngiti. "You roasted Laxus back there. How does it feel to live my dream? Kidding," natatawang aniya. "What do you mean roasted, ha? Natural lang naman 'yung sinabi ko. Masyado kasi siyang nakikisali kahit hindi naman siya involved. Ayan tuloy nanahimik siya. As he should. Mauna ka na sa canteen, CR lang ako." Dumiretso ako sa CR ng girls para maghilamos dahil sumasakit ang ulo ko. Dahil siguro sa init. Tapos hindi pa ako kumakain. Hindi ako pwedeng himatayin dito 'no. Planning to take up med tapos mahina immune system? May ganoon? "Hey, Tala girl!" Hinarang ako ng tatlong babae sa loob ng cr ng girls. Walang ibang tao maliban sa 'ming apat ngayon kaya malamang ako ang tinutukoy nila bukod sa binanggit nila ang pangalan ko. "Bakit?" Tugon ko. Napasinghap sila sa naging sagot ko at pagkatapos ay tinignan ang kabuuhan ko. Ito na naman sila sa pagmamata sa akin mula ulo hanggang paa. Lumapit sa 'kin ang babaeng nasa gitna na hindi naman gaanong katangkaran dahil mas matangkad pa ako sa kaniya. Problema nito? "Ang kapal talaga ng mukha mo 'no?" Huh? Ako? Inaano ko 'to? "Excuse me, Miss. May nagawa ba 'ko sa 'yo? Hindi nga kita kilala, e. Kaya makikiraan lang," sambit ko bago magtangkang dumaan sa gilid niya nang bigla niyang hilahin ang buhok ko. Napapikit ako nang mariin dahil sa tindi ng pagkakakapit niya sa akin na halos kulang na lang ay sumama pati ang anit ko. "Ano bang problema mo!?" "You! You are our problem! Ba't ba hindi ka na lang umalis dito tutal hindi ka naman mayaman? Ano'ng karapatan mo na pumasok sa ganitong klase ng paaralan, ha? Ang sabihin mo, talagang makapal 'yang pagmumukha mo! Dikit ka nang dikit kay Chino, bakit? Siya ba nagpapakain sa inyo ng pamilya mo?" Tila nagpantig ang tainga ko nang marinig ko ang huling sinabi niya kaya naman nakawala ako mula sa pagkakahawak niya sa buhok ko at sasampalin ko pa lang sana siya nang may nagbukas ng pinto. "Woah, what are you guys doing? Mind if I join you, girls?" Laxus. Tangina, ano'ng ginagawa nito rito? Women's comfort room 'to, ah? Humakbang siya papalapit sa amin nitong babae na sumabunot sa akin habang sa akin lamang nakatutok ang mga mata niyang parang mangangain. What the hell? Then he smirked. "Leave." "Huh? Anong leave sinasabi mo? Hindi ako aalis dito hangga't hindi ko nababawian 'yang babae na 'yan!" Sinong tanga ang papayag na pagsalitaan nang ganoon ang pamilya mo? Naiinis ako, nagagalit ako. "Leave or I'll tell you to your Mom," Laxus said without taking his eyes away from mine. Lumaban din ako ng titigan. Bakit hindi? "Uh, Laxus? What are you doing? Why are you staring directly at her?" Doon lamang nalihis ang titig sa akin ni Laxus dahil hinawakan niya ang baywang ng babae na sumabunot sa 'kin at mariin itong hinalikan sa harap ko mismo kaya naman agad akong napatakbo palabas nang banyo. Tangina? Just what the hell is that? And right in front of me. Great.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD