bc

Ang Manliligaw Kong Bully Book I

book_age16+
442
FOLLOW
1.5K
READ
forbidden
badboy
drama
comedy
sweet
Writing Challenge
LGBT+ Writing Contest
bxb
bisexual
first love
like
intro-logo
Blurb

Ano nga ba ang maaring mangyari kung ang taong gustong manligaw sayo ay isang seloso, mayabang, at isang bully. Pero isa naman siyang ubod ng yaman at sikat na lalake.

Hahayaan mo ba siyang makuha ka sa paraang maharas at sapilitan?

Ako nga pala si Chriden Miguel Juco. College student at kumukuha ng kursong Psychology.

At ito ang kwento ko.

chap-preview
Free preview
Chapter I - Enrolment
Chriden Miguel Point ov View Buset na enrolment to! Kadami-dami na ngang Student Assistant ang naglalagay ng info at subject na kukunin namin ay napakatagal pa! Sigurado nanaman na hahapunin nanaman ako sa pag-eenrol dito. Ako nga pala si Chriden Miguel Juco. Baket walang middle name? Actually yung  Juco talaga ang middle name ko, hindi ko lang trip gamitin ang surname ko. Private reason. Hahaha! Malalaman nyo rin yun. Second year college na ako at kasalukuyang kumukuha ng kursong Psychology dito sa San Sebastian College Recoletos de Cavite. Oh ayan kumpleto ang alma matter ko! Dapat binabayaran ako nung school na yun ee. Pinopromote ko. Baket Psychology? Ewan ko. No choice na ee. Pero graduate narin ako ng kursong Computer Science sa Montessori Professional College (MPC Imus Branch) dapat bayaran nyo rin ako! Diploma course nga lang. Siguro gusto ko yung Psyche kase sabi nila saken dati nakakabasa daw ng utak yun mind reader kumbaga. Tapos nakakahula ka daw. Takteng yan! Di naman totoo! Naloko nila ako dun! Halos dumugo na utak ko dahil sa hirap ng kursong iyon tapos hindi pala nakakabasa ng isip ng tao! Badtrip! Ang daming nagsasabi na lahat daw ng kumukuha ng kursong Psychology ay may sayad "daw" aba! Subukan nyong sabihin sa harapan ko yan at baka magamitan ko kayo ng Hana Hana Fruit Power na nakain ko! Ako ang pangalawang nakakain ng sinumpang prutas ng Bulaklak! Hahaha! May sayad nga. Osya - enuf na sa pagpapakilala sa sarili ko. Unti-unti naman malalaman yun. Sa wakas after 237391736393 years eto na ako sa unahan para ibigay ang papel na hawak hawak ko para ma-encode na ng S.A (Student Assistant) "Ate Ja, pakibilisan may session kami mamaya nila Kuya Norman" nakangiti kong sabi kay Ate Jaja. Psychology Major din siya kaso iregular. "Araaaaaaay!!!!" Biglang sigaw ko nung may taong bigla nalang ako naitulak dahilan para muntik ng ngumudngod ang pagmumuka ko sa computer na pinag-e-encode-an ng subjects. "Unahin mo to" narinig kong sabi nung hampas lupang bumangga saken. Aba! Pinag-iinit nito ang ulo ko ah! Teka nga! "Aba Kuya hindi ka ba marunong pumila? Kita mong napakahaba ng pila tapos bigla ka nalang manunulak at sasabihin mong unahin ka!?" Mataray kong sabi. Nakita kong naka-senyas ang mga nasa likuran ng ugok na wag akong maingay at halatang pinipigilan ako sa ginagawa kong pagsita sa taong bakulaw. "Anong wag maingay!? Nasa library ba tayo!?" Sunod kong sabi patukoy sa mga taong nakapila. "Kuya kung gusto mong mag-enroll aba pumila ka! Akala mo kung sino ka!" Dagdag ko pa sa sinabi ko. Nakatingin lang siya sakin at takte yung mga mata niya! Adik ata to! Nanlilisik!  "Ahmm... Den, upo ka muna sa likuran ko. Pagtapos nito isusunod ko na sayo" pang-aamo sakin ni Ate Jaja. Hindi na ako kumibo dahil baka mag-away lang kami ng hampas-lupa. Aba di porket babakla-bakla ako eh hindi ko siya papatulan. Tingnan nalang niya! "Yabang" mahinang sabi ko matapos ma-i-encode ni Ate Jaja ang form nung hampas lupang iyon. "Pasensya ka na Den. Ganon talaga yon. Pasalamat ka nga hindi ka pinatulan o mas okay kung sabihin kong humanda ka" sabi ni Ate Jaja. "Wala akong pakialam kung sino man siya Miss Janina. Kesa ikwento mo ang tuod na yon eh bilisan mo na - ako nalang ang wala sa inuman!" Kasunod nun ay ang pagtawa ko. . . . "Pasensya na late ako" sabi ko nung nakapasok na ako sa tinatambayan namin. Kina Kuya Ampong. Angelicas sa likod ng Baste. "Oh bigyan na agad ng tagay yang si Den!" Narinig kong sabi ni Norman at sa mikropono pa talaga sinabi yun habang nakanta siya ng pinakapaborito niyang runaway train yata yon. Nagpatuloy ang inuman namin. Wala naman akong problema kasi sana'y nanaman si mama na ginagabi palagi ako ng uwe. (College na kaya ako, astig na!) "Anong oras na dre?" Tanong ni Ghandi sa bagong dating na sila Mike at Joshua. "8:30 tol. Baket?" Sabay na sagot ng dalawa. "8:30 na pala eh! Baket ngayon lang kayo!? Kinain nyo ba lahat ng registration forms ng baste!" Pasigaw na sabi ni Ghandi. May tama na kasi ng alak kaya ganoon. Mahina pa naman ang tolerance ng buwaya na to sa alak. Napakamot nalang ng ulo yung dalawa at naupo na sa tabi namin. Nagpabili pa si Norman ng alak nung napansin siyang wala na kaming iniinom. "Tuloy ang inuman! Mayaman si Norman! Wala ng pulutan! I-lechon si Norman!" Sabe ni Ghandi na halatang laseng na. Napatawa talaga ako nun nung sinabing i-lechon si Norman - mataba kase talaga si Norman. Kinuha ko yung songbook. Syempre! Hindi lang naman sila ang maalam sa pagkanta! Pinindot ko yung # at hinulog ko yung buong limang piso at bumalik na ako sa pwesto ko at pinagpatuloy ang pagtagay. "Den ikaw na!" Tawag saken ni Norman pagtukoy sa kantang hinulog ko. Kinuha ko yung mic na inabot saken ni Norman at pumuwesto ako sa unahan ng mahabang lamesang ginagamit namin. Say it’s true there's nothing but me and you Not alone tell me you feel it too... Pagkanta ko. Co'z I would runaway... I would runaway ehh... Napatigil ako sa pagkanta nung naulinigan kong may sumasabay sakin sa pagkanta. Hindi ko na muna tiningnan yon bagkus kinuha ko ang tagay na inaabot saken ni Ghanding Buwaya. Coz I have runaway... Runaway... Co'z I have run away with you.... Takte! Di na ako makasolo sa kanta! Sino ba ang buset na sumabay saken sa pagkanta! Mabilis kong nilingon ang kinalalagyan ng pangalawang mikropono. Nasa kabilang table pala at...at... Si Hampas-lupaaaaaaaaaa! Aba! At talagang nangsisira ng moment tong walangyang to ah! Tiningnan ko siya ng masama at inirapan ko siya. "Akala mong kagandahan ang boses! Boses itik naman!" Sabi ko pagkalapag ko ng mic sa lamesa. Kako ba eh kung gustong kumanta, pumili ng sarili hindi yung nakikisali sa kanta ng may kanta. Kaboses naman ni tweety bird! Panget! Napansin kong nakatingin lahat ng kaibigan ko saken. At ito namang si Norman ay pinandidilatan ako ng mata. "Norman hindi ka kuwago! Baboy ka! Kaya wag mo akong pandilatan ng mata!" Puna ko sa kanya at mabilis na akong bumalik sa pwesto ko at nakipag-inuman na muli sa kanila. Nagpatuloy ang inuman namin. Hindi na nga namin napansin ang oras dahil sa puro kwentuhan at lokohan ang ginagawa namin. Nakaagaw pansin samin ang isang grupo na MAS magugulo pa samin na parating. Mga Engineering yata yun. Kilala ko kasi ang isa sa kanila pero di ko katropa. Kilala lang. "Doon tayo tol! Mukhang wala naman yatang nakapwesto dun!" Sigaw nung isa sa kanila na mukhang weirdo. "Kahit ba may nakapwesto diyan - kung diyan gusto nating pumuwesto" saad naman nung lider ang peg sa kanila. Naglakad yung lider kuno papunta sa pwestong tinuturo nung weirdo nung bigla silang nagkabanggan ni Hampaslupa. Bigla bigla naman kasing tumatayo ang hampaslupa ng hindi tumitingin kung may tao o wala. Makitid pa naman yung daanan kaya siguradong magkakasagian kung sakaling magkakasalubungan. "Arggh!" Sigaw nung liderkuno nung nabangga ang kanang balikat niya. "Hindi ka ba marunong tumingin kung may dadaan?" Matapang na sabi nung liderkuno. (Di ko pa alam pangalan ee) Nagtinginan sa kanila ang halos nandon.  "Tsk..tsk..tsk.." Narinig ko mula kay Joshua. Nakita kong nanlilisik ang mata ni hampaslupa at diretso itong nakatingin sa taong nasa harapan niya. "Haharang ka nalang ba diyan!?" Matapang parin na sabi nung lider-lideran. Bigla nalang binigyan ng napakalakas na suntok ni hampas lupa ang taong nasa harapan niya at agad na napahiga yon sa lapag. Aktong tatayo na si lider nung biglang hinawakan siya ni hampas lupa at kinuwelyuhan. Walang naawat sa kanila bagkus nakatingin lamang ang lahat pati ang mga kaibigan ng bawat grupo. Walang awa tong taong ito! Tumayo ako. Hindi naman sa nagpapaka-good-samaritan ako pera mukhang hindi tama ang nangyayari. Ang alam ko kapag may nag-aaway ay dapat inaawat at hindi pinapanuod lamang. Hindi naman ito sabong para panuorin lang! "Den! Huwag ka makialam" awat saken ni Mike. "Eh ano gagawin ko? Makipagpustahan?" Sarkastikong sabi ko sa kanya. "Baka hindi mo nakikila ang grupong yan!?" Dagdag ni Joshua. "Eh di ako unang magpapakilala!" Pilosopong sagot ko. Tinungo ko sila. Napansin kong nakaagaw pansin ang pagpunta ko sa lugar na iyon. Hinawi ko ang mga kasama ni lider na halos tumanga lang sa nangyayari at wala talagang balak ipagtanggol ang kanilang kaibigan. "Hindi nyo ba kayang magpasensyahan nalang? Hindi ba kayo nahihiya at napakaraming tao na ang nakatingin sa inyo!?" Paglalakas loob kong sabi nung nasa harap na nila ako. Nakita kong nakatingin sakin ang grupo ni hampas lupa. Tangna! Nagsisisi na ako kung bakit nakialam la ako. Wala na akong magagawa, nandito. Tapang-tapangan nalang. (Sana walang sea prism stone sila para gumawa ang hana hana fruit ko) Nakatuon sa akin ang nanlilisik na mata ni hampas lupa. "Sino ka para makialam dito!?" Nakakatakot na tanong niya. Nasaan na ba ang mga kaibigan ko!? Bakit hindi nila ako tulungan sa pagkakataong ito! "Ako lang naman yung binangga mo kanina sa pila habang nag-eenroll para makasingit kang bastos ka!" Napalakas kong sabi. Paktay tayo niyan! Hindi ko na nakontrol ang bunganga ko. Nakita kong pangiti-ngiti ang mga kaibigan ni hampas lupa. Lalo na yung isang kaibigan niyang - OH-SO-DAMN-CUTE! Nasa bingit na ako ng kapahamakan pero naglulumandi pa puso ko. Hahaha! Totoo. Promise. Bigla niyang binitiwan ang pagkakakwelyo kay liderkuno dahilan para bumagsak na ng tuluyan ito sa sahig. Syempre tumulong na ako kaya lulubos-lubusin ko na. Inayos ko ang pagkakaupo ng nasapok na si lider. Hinawakan ko ang mukha niya. Pero may naramdaman ako basa mula sa mga palad ko pagkatapos kong hawakan ang mukha niya. Nagsimulang manginig ang dalawang kamay ko at dahan-dahan ko iyong inihaharap sa sarili ko. "Du..du...." "Den! Den!" Iyon ang narinig ko bago ako nawalan ng malay.. . . . . Nagising nalang ako ng nasa bahay na ako. Alam ko ang nangyari. Nahilo ako at nawalan ako ng malay. Tumingin ako sa orasan, 8:00am na pala. Walang pasok kaya ayos lang. "Ayos ka na ba?" Narinig kong sabi ni mama habang nagluluto ng ubod sarap na ulam. Tortang giniling at ginisang pechay. Hahaha! Totoo. Yan palagi ang madalas lutuin ni inang mader ko. "Ok na ako ma. Nagkasayahan lang kami. Suriiiii" sabi ko sabay halik sa pisngi niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Husband Is A CEO Boss

read
470.1K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
311.7K
bc

The CEO's First Romance | Completed

read
1.4M
bc

Mister Billionaire's Secret Wife [Tagalog/Filipino]

read
5.1M
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.1K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.2K
bc

My Secret Agent's Mate

read
114.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook