CARLO POV
"Ano? Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo ha? Bakit ang bilis mo namang mag desisyon," sabi ko pa. "Umuwi ka na muna kasi matindi ang pag aaway naming dalawa ngayon nang asawa ko."
Yumuko siya sa mga anak niya, "Wait lang mga anak ha? Pwede bang dito muna kayo? Mag uusap lang kami ni tito Carlo saglit," sabi niya pa sa mga anak niya.
Tumungo lang ang kanyang mga anak bilang pag sagot ng oo sa kanyang sinabi. 6 years old parehas ang anak niya kay Caloy kaya sure akong wala pa silang ideya sa kung ano man ang mga nangyayari.
Samantala, hinatak ako ni Cindy papasok sa kwarto ko at dito ay kinausap niya ako.
"Ano ka ba? Kailangan na nating tumakas sa lugar na ito. Si Caloy, lubog siya sa utang at hinahanap na siya ng mga ito sa bahay namin. At ikaw naman, sinabi sa akin ni Mary na kung pwede raw ay samahan ko siya kasi sa barangay kasi ayaw mo raw umamin sa kanya kung saan mo dinala ang perang kinita niya sa abroad. Ang sabi niya pa nga sa akin, iyak daw siya ng iyak sa tita mo kasi sobra siyang nasasaktan sa ginawa mo."
"Ano!" pag tataas ko ng boses sa kanya, "Teka lang, seryoso ka ba sa sinasabi mo sa akin ha? Bakit naman ako maiisipang ipa baranggay ng asawa ko? Nahihibang ka na ba talaga? Ganyan ka na ba ka desperado na maka alis tayong dalawa? Tingnan mo ako, sobrang walang kwentang tao na ako ngayon-"
"Pwede ba, wag ka munang mag drama jan ha?" pag sabat niya, "Totoo ang sinasabi ko sayo, ipapa baranggay ka ng asawa mo, bakit ko naman maiisip na pag tripan ka ha? Umuwi na tayong dalawa sa probinsya, mabuhay tayo ng tahimik, malayo sa gulo at sa mga taong gusto nating takasan. Please, trust me, wala na tayong ibang pupuntahan at hindi ko kakayanin na makita kang humihimas ng malamig na rehas. Ginagawa ko ito para sa ikakabuti nating dalawa."
Wala akong nababakas na kahit kaunting ngiti sa mga labi ni Cindy, at puno rin ng pag aalala ang kanyang boses. Talaga yatang totoo na ipina barangay na ako ng asawa ko. Masakit ito sa akin pero tila yata ay nasasagad na ang pasensya ng asawa ko. Natatakot ako sa kung ano ang pwede niyang gawin sa akin. Tapos nag punta pa siya sa kanyang chismosang tita kaya natitiyak ko na susulsulan niya ito ng malala at siya rin ang naka isip na ipa baranggay ako kasi mainit na ang dugo niya sa akin sa umpisa pa lang na naka relasyon ko ang kanyang pamangkin.
Kahit na sobrang biglaan nito ay kailangan ko nang sumama kay Cindy. Kailangan na naming magpaka layo upang maging tahimik na ang buhay namin. Lalagyan ko na ring ng direksyon ang buhay ko.
"Okay sige, walang problema sa akin, mag iimpake na ako ng mga gamit ko habang wala ang asawa ko," sabi ko pa sa kanya.
"Teka lang? Kailangan ay tulungan na kita. Mahirap na at baka madatnan ka pa ng asawa mo, Wag ka nang mag dala ng maraming mga gamit, isang bag lang ay ayos na siguro. Mag sisimula na lang tayo ulit mag pundar para sa ating dalawa. Hayaan mo na yung ibang mga gamit mo dito."
"Teka paano naman ang mga anak mo sa labas?"
"Basta kumilos ka na lang, ang dami mo pang sinasabi jan eh," pag tataas niya pa ng boses.
Tinulungan niya akong mag hakot ng mga gamit ko. Kaunti lang naman talaga ang mga damit ko, subalit ang marami ang mga pantalon ko at hindi ko kayang dalhin itong lahat.
"May pera ka ba jan ha? Kasi wala na talaga ako ngayon kahit na singkong duling," sabi ko sa kanya.
"May pera ako pero sakto na lang ito sa pamasahe natin doon. Naka usap ko na rin ang tita ko at sinabi niya sa akin na pumapayag siyang umuwi tayo."
"Wow? Ano ba ang pag papakilala mo sa akin sa kanya?" tanong ko.
"Ang sabi ko ay asawa kita, di na siya nag tanong pa pagkatapos nun. At ine expect niya na bukas ay makaka uwi na tayong dalawa sa leyte."
Binilisan naming mag impake ng mga gamit ko at sinimot ko ang laman ng wallet ni Mary na iniwan niya. Nasa 5 thousand din ito, pwede na rin ito pang dagdag sa gastusin naming dalawa ni Cindy.
Pag labas namin, maraming mga tao ang naka tingin sa amin. Pero dine dedma ko lang sila. Wala na akong pakialam pa sa sasabihin ng ibang tao. Ang gusto ko lang ay matakbuhan ang mga problema ko at makapag simula ulit ng isang tahimik na buhay kasama ni Cindy na marami ring mga dalang gamit ngayon.
Nang maka sakay na kami sa terminal, kandong kandong namin ang parehas na anak niya na ngayon ay mahimbing nang natutulog sa aming mga bisig. Habang naka tingin ako sa mga inosenteng mga batang ito, hindi ko mapigilan na mag alala.
"Paano nga pala ang pag aaral ng mga anak mo, Cindy?" bulong na tanong ko sa kanya. "Malapit na ang pasukan nila di ba? Nakaka guilty naman kung parehas silang hihinto sa kanilang mga pag aaral?"
"Ano ka ba? Matagal ko nang naisip ang tungkol sa bagay na yan kaya wag kang mag alala kasi sa Leyte na sila mag aaral. At tayong dalawa, mag tutulungan tayo para sa mga anak ko. Di ba ang sabi mo sa akin ay parang anak na rin ang turing mo sa kanila? Kaya dapat lang na panindigan mo ito hanggang huli, okay?"
"Oo naman, magkasama tayong dalawa sa hirap at ginhawa. At tatanawin kong isang malaking utang na loob ang pag ligtas mo sa akin kay Mary kasi sobrang kahihiyan talaga nito para sa akin kung aabot sa baranggay ang away naming dalawa. Alam na nga ng lahat ng mga tao na batugan lang ako sa bahay, paano pa kung bigla na lang akong mahuli sa kasalanan ko sa asawa ko?"
"Basta, mag stop ka na kasi sa pag o over think mo sa akin. Hayaan mo na si Mary, simula ngayong araw ay wala na kayong dalawa. Tayo na ngayon at hindi na siya dapat pang masali sa kahit na ano mang usapan natin, mag move on na tayo sa kanya, okay? Ako na ang misis mo ngayon!"
"Eh paano ang mga bata, si Caloy pa rin ang alam nilang tatay nila?"
"Hindi, pinaliwanag ko na sa kanila ang tungkol dito pero handa ako na muli itong ipaliwanag sa kanila. Wag kang mangamba sa mga anak ko, nanay nila ako at kung ano ang sasabihin ko sa kanila, ito ang kanilang susundin," sagot niya sa akin. "Pero siya nga pala, ano yung envelope na hawak hawak mo kanina? Bakit para yatang natatakot ka na ipakita yun sa akin ha?" tanong niya.
Wala na aong rason para itago pa sa kanya ang tungkol sa nakakapang lumong utang ng pamilya ni Mary, tutal labas na ako sa mga magiging problema niya.
"Ah, yung brown envelope? Nakaka gulat pero siguro ay maigi na rin pa lang tumakas ako ngayon at lumayo na kay Mary. Di ko lang din lubos maisip na malaki pala ang utang ng mga parents niya. Biruin mo, umabot ng 50 million ang utang nila sa Casino? Ang lakas nilang mag sugal. paano sila nagkaroon ng ganung kalaking perang naipatalo? Eh noong maging kaming dalawa ni Mary, mahirap lang din siyang babae."
"Talaga? 50 million, ano ito joke ba to? Di naman sugarol ang parents ni Mary. Kilala ko sila at imposible ang sinasab mo-"
"Hindi, basta, di ba sayo na rin nanggaling na wala na tayong pakialam sa kanila? Kaya hayaan mo na siya, kung ano man yung gulong nangyayari ngayon sa buhay niya ay wala na tayong pakialam pa," sagot ko.