Chapter- 8

2098 Words
"BROTHER, isang linggo pa lamang ang nakakalipas mula ng bumalik ka ng Pilipinas, pero bakit ganyan ang mukha mo? Dapat masaya ka ngayon dahil pinayagan ka ni Daddy na makabalik ng bansa matapos mong pag stay sa London. At maaari mo ng tapusin ang huling semester mo sa college.” “Hindi na ako mag-aaral kuya, nawalan na ako ng gana.” “Bakit may iba ka na bang gustong gawin?” “Wala naman, kaya lang ayaw ko nang mag-aral pang muli nakakapagod lang yan at wala rin namang mangyayari.” “Magsabi ka nga ng totoo, ano ba ang nangyari sa’yo at nitong mga nakaraang buwan ay lagi kang tahimik. Siguro kung hindi ka biglang nag drop sa iyong klase ay naka graduate ka rin last month. Isa pa hindi ka na rin lumalabas ng bahay, na-basted ka ba ng nililigawan mo?” “Hindi ah! At saka wala naman akong nililigawan.” “Ano pala ang nangyari doon sa magandang babae na dinala mo dito sa mansion noon?” “W-wala ‘yon kuya, pagkatapos raw ng graduation nila ay bigla na lang nawala.” “Eh, ang kaibigan mo?” “Isa pa ang tarantadong ‘yon hindi na rin nagpakita baka nga magkasama ang dalawang ‘yon eh.” “Bakit ‘yon ang iniisip mo, sa tingin ko ay mabait naman ang kaibigan mong ‘yon.” “Ewan ko sa dalawang ‘yon, by the way nabanggit ni Daddy na pupunta ka raw ng probinsya?” “Yes, brother bakit gusto mong sumama?” “Hindi, at kaya ko tinatanong ay sa akin mo na lang sana iwanan ang position mo sa company.” “Sigurado ka ba sa sinasabi mo, kaya mong i-handle?” “Of course, yes, bakit wala ka bang tiwala sa kakayahan ko?” “Hindi naman sa gano’n brother, kaya lang ikaw kasi ang tipo na hindi magtatagal sa loob ng kumpanya. Alam naming lahat na wala kang hilig sa paghawak ng mga Negosyo. Kaya naman nakakapagtaka lang na bigla kang naging interesado na hawakan ang company.” “Wala lang kuya, malay naman natin pag naroon na ako ay makasanayan ko rin ang paghawak ng isa sa mga Negosyo ng pamilya natin.” “Sige, kung talagang desidido ka ay pumunta ka sa company bukas ng umaga at ituturo ko sa’yo ang mga bagay na dapat mong malaman.” “Okay.” Nang tumalikod ang kapatid ay nasundan na lang ng tingin ni JB. Alam niyang may problema ito at hindi lang magawang sabihin sa kaniya. Hindi ganito ang ugali ng isang Nikolai, maloko, hindi natitino sa bahay at lalong higit ay nasa katawan nito ang pagiging pasaway. Ngunit sa ilang buwan ay bigla na lang nagbago at hindi siya naniniwala na ang isang tao ay magagawang magbago ng ganon kadali lang. Kaya lang ayaw naman niya itong pangunahan, narito lang naman siya at naghihintay na kusang mag open sa kaniya ang kapatid. Alam niya na isang araw ay lalapit sa kaniya at maglalahad din ng nararamdaman. - Few months later... Samantala ay pansamantalang nanirahan si Aaliyah, sa isang tao na dating taga linis sa bahay ampunan no’ng panahong may sakit ang anak nito. Hindi nga lang nagtagal dahil namatay rin ang anak kaya umalis din agad pero bago nilisan ang lugar ay nag-iwan sa kaniya nang address. Sakali raw na maisipan niyang lumabas ng bahay ampunan ay puntahan raw niya ito kaya ngayon ay naroon siya at nakikituloy muna. “Ally, asikasuhin mo na ang papers mo at anumang oras ay darating dito ang taong kausap ko.” “Aling Pacing sa kalagayan ko ay hindi po ako maaaring lumabas ng bansa, siguro pag nakapanganak na lang po ako.” “Wala namang problema doon hija, ang mahalaga ay ayusin mo na ang papers mo dahil ang sabi sa akin ni Mr. Reyes ay parating na raw sa susunod na buwag ang pamangkin niya at kailangan kang isama pabalik ng England.” “Sigurado hindi ako tatanggapin ng taong nag-hire sa akin, ilang panahon na lang ay malaki na ang aking tiyan.” “Kung hindi ka niya tanggapin ay ayos lang basta ang importante ay na-ready na ang papers mo para kung sakali ay makakalabas ka agad ng bansa.” “Sige po Aling Pacing.” Kinabukasan ay maaga pa ay nakabihis na siya dahil mahaba ang pila sa DFA, sumakay lang siya ng jeep dahil kailangan na mag-double tipid. Pagdating doon ay medyo mahaba na ang pila kaya agad na nag-pwesto siya sa linya. Nasa pang dalawampu’t-isa siya at hawak ang kaniyang numero. “Hija, buntis ka ba?” “Opo, Ma’am.” “Kung gano’n ay doon ka na sa unahan, sa priority lane ka pumila.” “Salamat po Ma’am.” Nakangiti siya sa may edad na ginang. Pagdating doon ay pinapasok na agad siya at nag fill up ng application pagkatapos ay ibigay niya ang mga kailangan na requirements at naghintay lang ng halos kalahating oras ay nakuha na niya ang schedule ng releasing. Nahaplos niya ang kaniyang tiyan at napangiti nang maisip na iyon ang dahilan kung bakit mabilis na natapos ang kaniyang pagpapa-passport. Wala rin namang naging problema sa kaniyang mga papeles dahil kumpleto iyon. Kaya nang makitang tatlong araw mula sa araw na iyon mare-release ang passport ay umuwi na siya sa bahay ni Aling Pacing. “Bakit ang bilis mo Ally, may problema ba ang papeles mo?” “Wala naman po, nasa priority lane kasi ako dahil buntis kaya diretso na agad sa loob. Wala rin naman pong gaanong pila kaya mabilis na natapos.” “Kailan naman raw makukuha ang pasaporte mo?” “After three days po.” “Mabuti naman pala kung gano’n, pag naroon ka na sa ibang bansa ay huwag mo sana akong kakalimutan dito.” “Oo naman po, ikaw lang ang itinuturing ko na nag-iisang pamilya.” May napapansin siya kay Aling Pacing, bakit tila nagmamadali ito na maayos ang papeles niya. Ilang beses na rin na nakikitang may kausap ito sa cellphone, at nakaramdam siya ng takot. Hindi kaya alam ni Nikolai, kung nasaan siya? Pero bakit naman siya hahanapin ng lalaking ‘yon, samantalang sobra ang galit sa kaniya. O baka naman nalaman na nang pamilya Montemayor ang tungkol sa pagbubutis niya? At sa isiping iyon ay bigla siyang nakaramdam ng takot, sa yaman ng pamilyang ‘yon ay posibleng kunin ang kaniyang anak. “Ally, bakit naiyak ka may nasabi ba akong masama?” “Naku, wala naman po meron lang akong naalala.” “Ang ama ba ng anak mo?” “Parang gano’n na nga po.” “Ally, kung anuman ang nangyari sa inyo ng lalaking ‘yon ay huwag mong masyadong isipin. Ang mahalaga ay ang magiging anak mo. Kahit wala siyang ama ay maitataguyod mo lang siya na mag-isa. Nakatapos ka ng pag-aaral kaya malaki ang chance na makahanap ng maayos na trabaho. Isipin mo lang na ang bata diyan sa tiyan mo ang isang swerte na dumating sa iyong buhay.” “Salamat po Aling Pacing.” “Walang anuman Ally, ang mabuti pa ay pumasok ka na sa loob at ako’y pupunta muna sa palengke. May gusto ka bang ipabili, o gustong kainin?” “Maaari po ba na makisuyo, pakibili ako ng singkamas po at pepino?” “Sige Ally, siguro iyon ang pinaglilihihan mo at sigurado maputi ang anak mo.” “Gano’n po ba ‘yon?” “Oo, kaya maiwan na kita at nang makabalik agad ako.” “Sige po, ingat.” “Salamat, Ally.” Nang makaalis na ang ginang ay isinara niya ang pintuan, na upo muna siya dahil nakakaramdam ng pangangalay. At napangiti siya ng maramdaman na gumalaw ang anak sa loob ng tiyan, nang maalala ang schedule niya bukas para sa check-up. Tatlong buwan na pala siyang hindi nakakapunta sa Ob-Gynecologist, at dapat malaman na niya ang status ng anak. Hindi sinadya ay nakapa ang kaniyang cellphone, binuksan iyon at tumambad sa kaniya ang larawan ni Nikolai. Hindi pa rin pala niya napapalitan ang wall paper niya. Iyon ang old cellphone niya dahil ang ginagamit niya noong gabing mangyari ang lahat sa kanila ni Niko ay bigla na lang din nawala. Kaya napilitan siya na gamitin muli ang lumang cellphone, dahil kung bibili pa siya ay dagdag gastos pa iyon. Wala sa sarili na nahaplos niya ang mukha ng binata sa screen ng cellphone. Kahit gano’n ang nangyari ay hindi pa rin niya magawang magalit ng tuluyan dito. Siguro dahil minahal niya ito ng sobra, ang unang lalaki na natotonan niyang mahalin. Kaya lang ang hindi mawala sa kaniyang isipan ay ang lalaking pinagpasahan sa kaniya nito, paano kaya kung iyon ang ama ng kaniyang anak? “Magandang araw Aling Pacing, naririyan ka ho ba?” Napatayo siya sa narinig, sino kaya ang nasa labas ng pintuna dahil sa ayon sa boses ay may pagka islang iyon. Baka sa malayong lugar pa nanggaling kaya naman agad na pinagbuksan niya iyon ng pinto. Subalit napansin agad niya ang naging reaksyon ng lalaki. “Ahm, wala ho siya rito at nasa palengke. Pasok na lang ho kayo at mukhang malayo ang pinanggalingan n’yo.” “Salamat.” “Gusto n’yo po ba ng maiinom? Pasensya na kayo at ‘yon lang ang maiaalok ko sa inyo.” “Ayos lang, kahit tubig na lang.” “Sige ho maiwan ko muna kayo,” mabilis siyang tumalikod at tinungo ang maliit na kusina. Binuksan ang may kaliitan rin na Refrigerator at kumuha ng malamig na tubig. Bumalik sa mini-sala at inabutan ang dalawang tao na halos hindi magkasya sa upan dahil sa laki ng mga katawan. “Miss, kaano-ano ka ni Aling Pacing?” “Ahm, isang kaibigan lang po.” Nagyuko siya ng ulo dahil hindi niya gusto ang titig na binibigay sa kaniya ng lalaking kaharap. Masasabi niyang gwapo ito at matikas ang pangangatawan ngunit para sa kaniya ay si Nikolai lang ang nag-iisang lalaking nakakahigit sa kahit sino. “Maaari bang malaman ang pangalan mo?” “Aaliyah De Lion… “Ikaw pala si Ally?” Hindi siya agad nakasagot dahil nagulat sa malakas nitong boses. “I’m sorry, pero ikaw talaga ang sadya namin kaya kami naririto.” Nang marinig niya ang sinabi ng lalaking kaharap ay napatayo siya at akmang aatras palayo nang mabilis siya nitong nahawakan. Takot agad ang kaniyang naramdaman lalo nan ang mahagip nito ang kaniyang kamay. “S-sino kayo, please pakawalan mo ako… “Alli, huwag kang matakot at kaya kami naririto ay upang sabihin sa’yo na pamangkin ako ng asawa ng Tita Lenith mo.” “Tita Lenith, w-wala po akong kilala na gano’ng pangalan at lalong wala na akong kamag-anak.” “Meron pa at siya ang kapatid ng father mo.” “Imposible ang sinasabi mo mister, sa bahay ampunan ako lumaki at wala akong kahit isang kamag-anak.” “Okay, para maniwala ka ay hintayin natin si Alin Pacing, siya na ang magsasabi sa iyo ng buong detalye.” Natahimik kaming parepareho, hindi ko rin alam kung anong dapat kong sabihin o itanong. Siguro tama ang lalaking ito, si Aling Pacing ang dapat na magsabi sa kaniya dahil ‘yon ang paniniwalaan niya. “By the way ako pala si Bryle Ledisma Carpio at itong kasama ko ay kaibigan ko na si Lyndon De Vera Jones.” “H-hello, ahm…bakit pala kayo naririto at ang sabi mo ay ako ang pakay ninyo?” “Narito kami sa Pilipinas para magbakasyon, at nalaman ni Tita Lenith, kaya pinakiusapan niya ako na puntahan si Aling Pacing dahil last time ay nag-usap na raw sila tungkol sa’yo. Kasi one-month lang kami dito at dapat ay maisabay ka namin pabalik ng England.” “Ha? I mean how? Wala naman akong visa papunta doon.” “Ang sabi ng Tita Lenith mo ay matagal na iyong nakahanda, noong graduation mo pa lang ay na-apply na at nitong nakaraang buwan ay approved na. Kaya nga minamadali ka na niya dahil pag hindi mo pa iyon na asikaso baka abutan na ng expiration.” “Anong visa status?” “Visit visa lang muna at kung magugustuhan mo doon ay saka i-apply ng panibagong visa.” “I see, pero baka ma-deny ako sa kalagayan kong ito.” “Why, what happen?” “Buntis kasi ako ng tatlong buwan.” “Maliit pa naman pala, okay lang ‘yon.” Hindi na siya sumagot dahil wala na rin siyang maisip na itanong pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD