When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
"Utak ang kailangan sa game, Mendez!" Mabilis niyang pinatalbog ang bola at nang habulin siya ni Coron ay isang mabilis na pagsalungat sa galaw nito ang kanyang ginawa. Dinala niya ang bola at iniwasan ang matangkad na bantay. Dito ay nakita rin niya ang pagdating ni Vallada ngunit ginamit niya ang nakatayo sa harapan niyang si Karim. Pinatalbog niya ang bola at pinadaan ito sa nakabukang mga binti ng kanyang kakampi. Kasunod noon ay ang pagsingit niya nang mabilis sa gitna nito at ni Vallada. Hinabol niya ang bola at mabilis na tumakbo papunta sa side nila habang pinapatalbog ito. Sa kabila ng mga ginawa niya ay patuloy pa rin siyang nakamasid sa paligid. Bukod kay Martin ay may isa pang mabilis siyang kakampi. Malakas din ito at batak sa mabibigat na trabaho. Napatayo ang kar