BETRAYAL
Dana’s POV
It’s been a week since he broke up with me. Hindi ko lubos maisip na yung tatlong taong pinagsamahan namin tinapon ng ganun ganun na lang.
Bakit kailangan husgahan ako? Bakit kailangan ipahiya pa ako? Bakit kailangan iwanan niya pa ako?Bakit kailangang mangyare pa yun?Bakit kailangan magselos pa siya sa isang bakla?
Ang daming tanong na hindi ko alam ang sagot. Ang hirap hanapin ang sagot sobrang sakit!
Napatingin ako sa mga pictures namin sa gallery ko. Sobrang saya pa namin dito.
“Bakit kasi ang bilis niyang magalit?!” Tanong ko sa sarili ko. Ano bang meron sakin at lahat nalang ng taong nakapaligid sakin hinuhusgahan ako?
Tumayo nalang ako sa aking kama “Sisiguraduhin kong magaayos tayo ngayon” Inayos ko muna ang aking sarili bago lumabas ng kwarto
Ang tahimik ng bahay. Wala nanaman pala ang aking magulang
Wala man lang silang kaalam alam sa nararamdaman ko ngayon matawagan nga sila
Nagdial ako ng number at tinawagan pero nagriring lang naiiyak nanaman ako
Imbes na icomfort ako pero anong inaatupag nila ang business nanaman. Napabuntong hininga nalang ako
Dumiretcho na ako sa aking sasakyan at nagmaneho papunta kay anton
Nang makarating ako sakanila ang tahimik kaya binuksan ko na ang pinto buti nalang na saakin pa ang spare key ng bahay niya.
Pagkapasok ko walang katao tao. Ah! Baka nasa kwarto siya kaya umakyat na ako
“Wala na ba talaga kayo?”
Boses ni Sheena yun ah. Kaya nagdahan dahan akong lumapit sa pinto ng kwarto ni Anton nakabukas kasi to
“Oo nakipagbreak ako sakanya sa harap ng madaming tao” tawang tawa niyang sambit
Kumikirot nanaman ang puso ko at naiiyak nanaman ako pero pinigilan ko gusto kong marinig ang usapan nila at alam kong ako ang pinaguusapan nila
“Mabuti naman kung ganun ayoko ng patago noh” sambit ni sheena
“Buti nga pumayag si lester na bigyan niya ako ng aacting para makuha ang loob ni dana kung hindi matatagalan pa”
Lalong bumigat ang pakiramdam ko sa sinabi ni Anton
Bakit kailangan niyang gawin to sakin? Minahal lang kita Anton hindi kita binigyan ng ikakaselos o ikakagalit mo sakin. Parang sobra naman na ata nagbayad pa siya dun sa kumausap sakin
“I love you babe” hinalikan ni sheena si anton na parang wala ng bukas
Nanghihina ako, napaupo nalang ako dahilan para gumawa ng ingay kaya napatingin sila
“d-dana?” Bungad agad sakin ni Anton
Tumulo na ang luha ko. “K-kailan niyo pa ako n-niloloko?” Tanong ko pero walang sumagot. Tumayo silang dalawa kaya tumayo na din ako at lumapit sakanila
“Pinagkatiwalaan kitang gago ka sheena pero ito ang igaganti mo sakin?!” Pinagsasampal ko si sheena pero nilayo ako ni anton at niyakap si sheena
“ISA KA PA HINDI KANA NAKUNTENTO KAIBIGAN KO PA!”
pinagpapalo ko si anton pero sinampal niya ako. Tangina!
“Kasalanan mo din kung bakit kita pinagpalit!” Galit at dinuro duro pa ako
“Kung pumayag ka sana sa gusto ko edi sana hindi ako naghanap ng iba” pagpapatuloy niya
Dahil lang dun? Eh putangina talaga!
“Mag iisang taon na kami ni Anton at mahal namin ang isa’t isa” singit ni sheena samin. Hindi ko alam kung anong nagawa kong kasalanan sakanila
Umayos ako ng tayo at tinanggal ang kwintas na binigay sakin ni Anton at binato sakanya “F*ck you Anton! Ang sagwa niyo!” Tumakbo ako pababa at pumasok sa sasakyan ko at pinaharurot hindi ko alam kung saan ako pupunta
Bakit ako? Bakit ang sakit? Bakit kailangan nilang gawin sakin to? Anong ginawa ko sakanila?
Muling tumulo yung luha ko at dumiretcho ako sa dagat. Halo halong emosyon na ang nararamdaman ko.
Tanga. Ako yun sobrang tanga ko nahulog sa patibong nilang dalawa. Sobrang tanga ko na nagpaniwala ako sa kabaitan ng babaeng yun. Sa sobrang tanga ko na kahit sinasaktan na ako ng harap harapan patuloy ko parin siya minahal.
Ang daya nila.
Bigla kong inapakan ang preno ng biglang may tumawid sa daan. Sh*t
Bumaba ako para tignan siya hindi ko naman siya nasagasahan pero ang sama ng tingin sakin
“Are you blind?!” Pagsusungit niya sakin
Matangkad at matangos ang ilong niya nakashades siya kaya di ko makita ng kabuuan ng mukha niya pero ang gwapo niya
“I’m sorry. I’m really really sorry” kung minamalas ka nga naman pero tingin ko okay naman siya kaya akmang babalik na ako sa sasakyan ko
“That’s it?” Tinaasan ako ng kilay kaya napahinto ako
“What can i do to make it up to you?” Mahinahon kong sambit
Nilapitan niya ako at ngumisi at tumingin sakin. Tinignan ko kung anong tinititigan niya sakin
Manyak!
“Tara sama ka sakin” nakangisi niyang sambit
“Wag ka ng dumagdag pa at ang bigat bigat na ng pakiramdam ko” tumulo nanaman ang luha ko “kung wala naman masakit sayo aalis na ako” hindi ko na hinintay ang kanyang sagot kaya pumasok na ako ng sasakyan ko at nagmaneho na
Tumigil ako sa isang bar at pinakita ko ang vip card ko sa guard kaya hindi ako hinarang dumiretcho ako sa parking lot at pumasok na sa loob kilala naman na ako ng bouncer kaya hindi ko na kailangan ipakita pa ang vip card ko
Sumalubong sakin ang hiyawan sa dance floor
Umiinom ako pero konti lang pag nag aaway kami ni Anton dito ako pumupunta. Dinala ko na din siya dito minsan pero parang bangungot parin sakin ang nangyare dito nung dinala ko siya
Di ako pumayag sa gusto niya na may mangyare samin kaya kung kanikanino siya nakipagsayawan sa dance floor sa harap ko mismo
Napailing nalang ako sa naisip ko “Ang tanga ko”
Dumiretcho ako sa vip room at nagorder ng maiinom. Chill lang ang music dito sa vip room since soundproof ang room na to
“Dati” bungad ko sa bartender na nakaasign sa room na to kilala naman niya ako kahit halos tatlong buwan na nung last na pumunta ako dito
“Mukhang problemado tayo ngayon ah” sambit niya sakin tumawa lang ako at umupo
“You know me too well Daryl” naging kaibigan ko na siya dahil ito naman lagi kong pinupuntahan na room everytime na pumupunta ako dito lagi niyang binubungad na problemado ako. Minsan na akong nakapagsabi sakanya ng problema ko sa boyfriend ko dati kaya naging close na din kami
“Niloko ako ni Anton” sambit ko sakanya pagkabigay niya sakin ng cocktail
Nagkibit balikat nalang siya dahil parang inaasahan niya na yun ang sasabihin ko
“May kilala ako papupuntahin ko siya dito” nakangisi niyang sambit
Loko. Kakabreakup lang namin natawa nalang ako sa sinabi niya
“Yes i’m broken hearted but i’m not interested” pagpipigil ko “too much heartbreak can kill me” pagsusungit ko sakanya at natawa naman siya
“Well pag ready kana punta ka lang dito, mayaman din yun at naghahanap din siya kaya offer nalang kita” natatawa niyang sambit
“Daryl i’m not into relationsh*t” pagpapaliwanag ko
“If you say so” nagkibit balikat nalang siya
Nilagok ko na ang natitirang alak “labas ako saglit daryl, babalik ako wait lang” tumango lang siya kaya lumabas na ako agad
Luminga linga pa ako na parang may hinahanap ako.
Napaisip tuloy ako. Siguro kung hindi ko sila nahuli at nagkataon na walang tao sa bahay nila anton sigurado akong hanggang ngayon nagiisip ako ng plano kung paano babalik si anton sakin.
Napailing nalang ako sa naisip ko. Tama na ang pagpapakatanga dana
Sumulyap lang ako saglit sa dance floor at bumalik na ako sa loob
“One more shot” bungad ko kay daryl
Nagokay sign naman siya at binigay sakin ang order ko
“Alam mo miss dana. Maganda ka at mayaman” nakangiti niyang sambit kaya ngumiti lang din ako ng mapait
“Madaming nagkakagusto sayo pero nakay anton lang atensyon mo” pagtutuloy niya
Tama nga naman siya nakay anton lagi ang atensyon ko ni wala nga akong pakialam sa ibang tao eh bukod lang kay sheena at anton
“Wag mong sayangin ang luha mo sakanya” hindi ko namamalayan na umiiyak na pala ako. Sobrang sakit kasi ginawa nila sakin. Pinagkaisahan nila ako
Mabilis kong pinunasan ang luha ko “i’m not crying” pailing iling kong sagot
Ngumisi naman siya “You have everything Miss Dana, kaya know your worth” sambit niya at bumalik na siya sa trabaho niya
Para akong tinusok sa mga sinabi ni daryl, tama! Hindi sila worth it. Life must go on
“Daryl thank you for tonight” naglapag ako ng tip niya dahilan para ngumiti siya
“Anytime Miss Dana, ingat ka sa paguwi” nagwave lang ako sakanya at lumabas na ako.
Dumiretcho ako sa parking lot at sumakay sa sasakyan ko at nagdrive papuntang bahay namin
Dumating ako sa bahay ng maayos. Nakauwi na din pala sila mom and dad.
Pagkabukas ko ng pinto “Princess what took you so long” bungad ni dad at lumapit sakin
Ngumiti ako ng mapait at yumakap “Dad wala na kami ni anton” humagulhol nanaman ako sa iyak
Hinigpitan ni dad ang yakap niya “that basstard making my princess cry” pagtatahan ni dad lalo akong naiyak sa sinabi ni dad
“Baby it’s his lost, do you want me to ruin his parents business?” Nagaalalang sambit ni mom
Thank god they comforted me. Kumalas si dad at humarap kay mom
“I will pull out my investment my queen and let me handle this”
Seeing how they comforted me makes me feel at ease. Ngumiti ako ng bahagya at niyakap sila pareho “i love you both”
They both smiled “we love you so much princess” Hinagod nila pareho ang likod ko kaya tumahan na ako sa kakaiyak
Kumalas ako sa yakap at humarap sakanila “i will go upstairs mom and dad, it’s been a long tiring day for me” hinalikan ko sila sa pisngi at umakyat na sa kwarto ko
Pagkapasok ko sa kwarto binagsak ko ang katawan ko sa kama. Pagod na pagod na ako sa kakaiyak at sa kakaisip sa nangyare na hindi ko inaasahan.
Kinuha ko ang phone ko sa bag at pinagdi-delete ang mga nagbibigay alaala sa dalawang yun. Pagkatapos kong madelete lahat hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.