Mga Kuwentong kababalaghan

Mga Kuwentong kababalaghan

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
adventure
dark
BE
goodgirl
heir/heiress
bxg
mystery
campus
city
highschool
apocalypse
soul-swap
sassy
surrender
like
intro-logo
Blurb

Ang librong ito ay naglalaman ng ibat-ibang Kuwentong kababalaghan mula sa ibat-ibang social media platform na inilahad ng ibat-ibang tao, ito ay aking isinaayos, inedit at piangsamasama upang mas gumanda pa lalo ang iyong karanasan sa pagbabasa sa mga ito. Ang mga kuwentong kababalaghan na nilalaman ng librong ito ay ang mga taong naglahad mismo ang nakita o nakaranas nito, kay't di natin mawari kung ito nga ba ay totoo o isang kathang isip lamang. Nawa'y magustuhan ninyo ang mga kuwentong nilalaman ng librong ito.

chap-preview
Free preview
– UNANG KABANATA –
⚠️PAALALA⚠️ Ang librong ito ay naglalaman ng ibat-ibang Kuwentong kababalaghan mula sa ibat-ibang social media platform/accounts na inilahad ng ibat-ibang tao, ito ay aking isinaayos, inedit at piangsamasama upang mas gumanda pa lalo ang iyong karanasan sa pagbabasa sa mga ito. Ang mga kuwentong kababalaghan na nilalaman ng librong ito ay ang mga taong naglahad mismo ang nakakita o nakaranas nito, kay't di natin mawari kung ito nga ba ay totoo o isang kathang isip lamang. Nawa'y magustuhan ninyo ang mga kuwentong nilalaman ng librong ito. GAS STATION Gusto ko lang ibahagi ang mga nakakatakot na karanasan namin ng mga katrabaho ko dito sa station na to. Sa mga nasubukan nang magtrabaho sa gas station alam niyo naman schedule dito ay rotation, hindi ko na papahabain to. Night shift ang set up ng mga F.A 3-3-2, isa akong cashier at meron akong dalawang F.A sa isang buong linggo. Since ako na cashier ay nasa loob lang ng booth, hindi ko masyadong iniinda ang mga kababalaghang nangyayari dito tuwing gabi lalo na pag sapit ng 2am-3am dyan kasi halos wala ng kargahan. Madaling araw na non, lumabas ako para maglakad lakad muna sa forecourt pampawala ng antok at dahil wala din naman nagpapakarga ng biglang bumalik sa forecourt si koykoy tinanong ko siya kung napano siya dahil nga pawis na pawis sya at aligaga sa paligid. Biniro ko pa na "ano success ba?" dahil nga galing sya sa CR. "Hindi baliw ka ,hindi mo ba nakita yung nakaputi na pumasok sa CR?" nagtaka ako kasi kaming dalawa lang naman yung gising sa station nung oras na yon at absent din naman yung isang F.A. "Akala ko si Alex kaya sinundan ko, pagtingin ko wala namang tao tulog din lahat ng F.A sa barracks."Siinabihan ko nalang sya na baka inaantok lang siya kaya kung ano anong nakikita nya, hindi na lang sya sumagot. Rotation namin at 2nd shift ako, narinig kong nagkukwentuhan tong mga F.A na nag insenso raw si Ter, binangungot raw nung nakaraang gabi. Meron raw babaeng nakaputi na nakapatong sa kanya at mahaba ang buhok na nakalaylay sa mukha niya, wala daw tong mukha. Lahat kami kinilabutan, nung una hindi pa ko naniwala sa mga naririnig ko dito sa mga kasama ko kasi hindi ko pa naman nae-encounter. Hanggang sa dumating yung time na nag-stay in ako, kasama ko yung dating cashier din na Naka stay in sa office. Simula nung sa office ako natulog nagigising nalang ako bigla tuwing 2:30-3am na hindi ko maintindihan kasi hindi naman ako nagigising sa mga oras na yan at isa pa kilala ko sarili ko na isa akong tulog mantika. Wala naman akong nakikitang iba kaya hindi ko nalang to masyadong pinansin. Isang araw bigla nalang nagkwento si Len na ano daw ginawa ko kagabi kasi hindi daw ako natulog, naalimpungatan daw sya ng madaling araw, naka off yung ilaw at kitang kita niya na nakaupo daw ako sa gilid niya at nag se-cellphone, pinasundan naman ito ni ate Mik, kasamahan din naming cashier. "kaya siguro puyat ka nanaman." Nagtaka naman ako dahil di naman ako nagising nung madaling araw na yon at talagang nagawa ko pa mag-cellphone. Habang tumatagal kami sa station na to pawirdo ng pawirdo ang mga nangyayari, hindi nako nag stay in. Umamin din si Len na May mga nararamdaman at napapansin daw syang iba sa office pag sya lang mag isa, minsan may mga nahuhulog na gamit na hindi dapat nahuhulog pero mas pinili niyang hayaan nalang ang mga ito. Balik ulit tayo sa night shift, 1am ng lumabas ako ng booth para kumuha ng tubig sa dispenser malapit sa barracks. Pagtapos non tumayo muna ako saglit sa harap at tumanaw sa kabuuanan ng forecourt, sa gilid ay mga isang kotseng naka park pero tulog na yung driver nung mga oras na yon. Nang makarinig ako ng sitsit, lumingon ako sa paligid at baka may FA na nangtitrip sakin o di kaya yung driver ng kotseng nakapark, pero wala akong nakita. Yung mga kasama ko namang F.A ay nasa forecourt, tatlo at umabot pa sa limang beses yung sitsit na yon at palakas ng palakas, yung tipong malapit lang sa tenga ko, gusto kong humarap sa kanya dahil nagsitayuan na ang mga balahibo ko. Dali-dali akong bumalik sa booth, tsaka ko yun binanggit sa mga F.A nagkatinginan sila dahil sila din daw mismo may naririnig na sumisitsit. Dumating ang araw na pati si ate Mik ay nagsalita na dahil matagal na siya dito bilang cashier. Maraming kababalaghan daw talaga ang nangyayari sa station na ito, lalo na tuwing night shift. Naranasan raw ng mga naunang cashiers at F.A ang mga nararanasan namin dito, ang kawawa ay yung mga FA na natutulog sa barracks dahil sila raw ang madalas binabangungot, lagi raw silang pinapatungan ng babae. May oras pa na sinasakal sila nito. Ayon sa kwento ng mag-asawang matagal nang naninirahan dito na nag mamay-ari sa tindahang nasa tapat ng gas station, noon raw ay iilan palang ang kapitbahay nila at wala pa itong gas station. Isa raw itong bakanteng lote at dito itinatapon ang bangkay ng mga pinatay na tao.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

BAD MOUTH-SSPG

read
12.0K
bc

Ang Kanyang Tatlong Alpha

read
6.5K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
81.6K
bc

Wife For A Year

read
66.6K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
308.2K
bc

I'M HIS SEX SLAVE

read
5.4K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
107.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook