bc

Mafia Boss First Lady (SPG)

book_age18+
1.5K
FOLLOW
12.8K
READ
dark
forbidden
love-triangle
contract marriage
family
HE
fated
badboy
mafia
billionairess
heir/heiress
tragedy
sweet
lighthearted
serious
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

"Baog ako!" Linya na gumiba sa buhay ni Athena Castellano. Ang naging dahilan kung bakit naging mala impyerno ang buhay niya sa kamay ng kanyang asawa na si Benedict Devereux.

~Hope you'll support this story guys!~

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
ATHENA P.O.V Limang taon. Limang taon na akong nakatali sa lalaking hindi ko minahal. Limang taon na akong nakakulong sa isang kasal na walang pagmamahal. Limang taon kong tiniis ang bawat sakit, panlalait, at malamig na tingin ni Benedict Devereux. Pero sa loob ng limang taon na ‘yon, hindi niya ako pinansin. Wala akong halaga sa kanya. Ako lang ang trophy wife na ipinagmalaki ng pamilya niya, pero wala akong silbi sa mata niya. Hanggang ngayon. Nakapwesto ako sa malambot naming kama, pero ni hindi ko maramdaman ang kahit anong ginhawa. Pigil ang hininga ko habang pinapanood siyang pumasok sa kwarto. Amoy alak. Amoy pabango ng ibang babae. Gasgas na ang ganitong eksena. Hindi na ako nagulat. Hindi na ako nasaktan. Pero may kakaiba ngayon. Nakaupo siya sa harapan ko, mata’y matalim, bibig ay mahigpit na nakatikom. Parang may dinidibdib na galit. "Mag-usap tayo," malamig niyang sabi. Hindi ako sumagot. Ipinagpatuloy ko ang pagpupunas sa buhok kong basa mula sa pagligo. Wala akong ganang makipag-usap sa kanya. "Put the towel down, Athena," madiin niyang utos. Napatigil ako. May kilabot na gumapang sa likod ko. Hindi siya kailanman nakialam sa akin. Hindi siya kailanman nagbigay ng atensyon. "Anong gusto mong pag-usapan?" malamig kong tanong, iniiwasang ipakita ang kahit anong emosyon. Mabigat ang kanyang titig nang bigkasin niya ang mga susunod na salita—mga salitang nagpayanig sa mundo ko. "Gusto ko ng anak." Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Natawa ako—isang mapait na tawa. "Bakit ngayon lang? Limang taon kang walang pakialam sa akin, Benedict. Bakit bigla kang nagdesisyon na gusto mo akong anakan?" "Hindi ko kailangan ng dahilan," sagot niya, walang kaemosyon-emusyon. "Gusto ng pamilya ko ng tagapagmana. At asawa kita." "Asawa lang sa papel," mariin kong sagot. "Wala kang ibang ginawa kundi dalhin ang kabit mo rito, lasingin ang sarili mo, at tratuhin akong para bang hindi ako umiiral! Ngayon, gusto mong anakan kita? Hindi ako hayop, Benedict!" Nakita ko kung paano nanikip ang panga niya. "Wala kang karapatang tumanggi, Athena." Tumayo siya at lumapit. Isang hakbang. Dalawa. Hanggang sa halos madama ko na ang init ng katawan niya. Napalunok ako. Hindi. Hindi ko hahayaan na mangyari ‘to. "May sasabihin ako sa’yo," mahina kong sabi, pilit pinapanatiling kalmado ang boses ko. "Ano?" malamig niyang tanong. Humugot ako ng malalim na hininga. Kailangan kong gawin ‘to. Kailangan kong makaligtas. "Hindi ako pwedeng magbuntis," kaswal kong sabi. "Baog ako." Tahimik. Napakabilis ng paglipas ng ilang segundo, pero ang bigat ng katahimikan. Para bang isang bombang sasabog anumang oras. "Bullshit," madiin niyang sabi. "Sinungaling ka." "Anong makukuha ko sa pagsisinungaling?" naglakas-loob akong tanong. "Kung gusto mong magkaanak, hindi sa akin ‘yon mangyayari. Wala kang mapapala sa akin, Benedict." Akala ko tatanggapin niya ‘yon. Akala ko maaawa siya o kahit papaano'y mauunawaan niya. Mali ako. Mabilis niyang hinablot ang braso ko. Napangiwi ako sa sakit. "Baog ka?" Humalakhak siya, pero walang halong saya. "Nagpapatawa ka ba, Athena?" "Bitawan mo ako!" pilit kong nilabanan ang mahigpit niyang hawak. "Sa tingin mo, matutuwa ang pamilya ko kapag nalaman nilang wala kang silbi?" marahas niyang tanong. "Nadungisan ko ang pangalan ko sa pagpapakasal sa’yo, tapos ngayon, sasabihin mong hindi mo man lang kayang bigyan ako ng tagapagmana?" "Bakit? May pakialam ba ako?" napasigaw na ako. "Ikaw ang pumayag sa kasal na 'to! Hindi ako!" Isang malakas na hampas ang dumapo sa pisngi ko. Napalinga ako sa gilid. Nanginig ang buong katawan ko sa sakit. "Huwag mo akong susubukang lokohin, Athena," madiin niyang sabi. "Hindi kita hahayaang ipahiya ako. Wala kang kwenta. Wala kang silbi!" Napapikit ako. Nanginginig ang mga kamay ko. Ilang beses na ba akong nakaranas ng sakit sa piling niya? Ilang beses na akong lumunok ng pride? Ilang beses na akong nagkunwaring walang pakialam? Pero ngayon, tapos na. Ayoko na. "Sawa na ako," mahina kong sabi. "Kung wala akong silbi sa’yo, tapusin na natin ‘to." Nakita ko ang panlalaki ng mata niya. "Ano?" "Lumaya ka na. Lumaya na rin ako. Magpapawalang-bisa na tayo." Nagpanting ang tenga niya. Sa isang iglap, bumagsak sa sahig ang lampshade sa tabi namin. Sinipa niya ito sa sobrang galit. "PUTANGINA MO, ATHENA!" sigaw niya. "Pinaglalaruan mo ako, ha?!" Pero hindi na ako natakot. Tumayo ako, kahit nanginginig pa ang mga tuhod ko. "Ayaw mo na rin naman sa akin, ‘di ba?" bulong ko. "Sa tingin mo ba, gusto pa kitang makasama? Hindi kita minahal, Benedict. Hindi kita gustong maging asawa. At kahit kailan, hindi kita magugustuhan." Nakikita ko ang galit sa mata niya, pero wala na akong pakialam. Tumawa siya nang mapait. "Sige. Magpapawalang-bisa tayo." Pumintig ang puso ko. Hindi ko alam kung matatakot ako o matutuwa. Pero ang isang bagay, sigurado ako. Sa unang pagkakataon, makakawala na ako sa impyernong ‘to. ************* Kasalukuyan akong nasa kwarto, tahimik na nag-iimpake ng kaunting gamit. Wala akong balak magtagal sa bahay na ‘to. Ngayon na pumayag na si Benedict sa annulment, hindi ko na kailangan pang maghintay. Kailangan kong makaalis bago pa siya magbago ng isip. Isang matalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko habang marahang sinasara ang bag. Ito na ang huling araw ko sa bahay na ‘to. Pero bago pa ako makalabas ng pinto, bumukas ito bigla. Napakurap ako nang makita si Benedict. Nanlamig ang buo kong katawan. Walang babala, bigla niyang hinablot ang bag ko at inihagis sa malayo. Tumilapon ito sa gilid ng kwarto, tumapon ang mga damit ko sa sahig. "B-Benedict—" "Hindi ka aalis." Nalaglag ang puso ko sa sinabi niya. "A-Anong ibig mong sabihin?" Kumakabog ang dibdib ko, pilit iniintindi ang mga sinabi niya kagabi. "Pumayag ka na sa annulment, ‘di ba?" Tumingin siya sa akin, puno ng kasinungalingan ang mga mata niya. "Nagbago na ang isip ko." Parang binagsakan ako ng langit at lupa. "Hindi pwede ‘yon," mahina kong sabi, nanginginig ang boses ko. "Napagkasunduan na natin. Sinabi mo kagabi—" "Ano?" Mariin ang kanyang tono. "Na hindi kita gusto? Na wala kang halaga sa akin?" Napangisi siya nang mapait. "Alam mo, Athena… nagkamali ako." Kumunot ang noo ko. "Ano'ng pinagsasasabi mo?" Bigla siyang lumapit. Mabilis. Hindi ko na nagawang umatras. Isang iglap lang, nasa harapan ko na siya, ang mukha niya ilang pulgada lang ang layo sa akin. "Hindi kita hahayaang lumaya," bulong niya. Napaatras ako, pero huli na. Sinunggaban niya ang baba ko, mariin na hinawakan, pinipilit akong tumingin sa kanya. Ang kanyang mga mata, malamig at puno ng kasamaan. "Hindi mo ba naisip, Athena? Sa loob ng limang taon na magkasama tayo, pinabayaan lang kita." Pilit kong inalis ang kamay niya, pero lalo lang niyang hinigpitan ang hawak. "Pero ngayong gusto mo nang umalis? Bigla na lang kitang pakakawalan?" Natigilan ako. Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin. Anong laro na naman ‘to? "Hindi ka aalis," madiin niyang ulit. "Hindi kita bibigyan ng annulment." Nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya. "Bakit?" Napasigaw ako. "Anong mapapala mo sa akin?! Hindi mo naman ako mahal! Hindi mo nga ako kayang tingnan bilang asawa mo! Ano pang silbi ko sa’yo?" Nakita ko kung paano dumilim ang kanyang mukha. "Hindi ko alam," mahinang sagot niya. "Pero isang bagay lang ang sigurado ako… Hindi kita bibitawan." Parang sumabog ang utak ko. "Ikaw ang nagdesisyon na tapusin ‘to!" halos pasigaw kong sabi. "Bakit bigla kang nagbago ng isip?" Napangisi siya. Isang delikadong ngiti. "Dahil gusto kong makita kang naghihirap." Parang tinadyakan ang puso ko sa sinabi niya. "Hindi mo ba naisip, Athena?" Itinaas niya ang kamay niya, itinulak ang buhok ko sa likod ng tenga. Para bang isang malambing na kilos, pero ramdam ko ang pananakot sa bawat galaw niya. "Gusto kong makita kang nasasaktan." Lalong lumakas ang kaba sa dibdib ko. "Gusto kong durugin ang pangarap mong makalaya." Napasinghap ako. "Hindi mo na ako matatakasan, Athena," bulong niya, kasabay ng mapanirang halakhak. At doon ko lang napagtanto ang katotohanan. Wala na akong kawala.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
92.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
161.5K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
22.5K
bc

His Obsession

read
99.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Cold Billionaire

read
17.8M
bc

Ang Mainit na Gabi sa Piling ni Ginoong Wild

read
8.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook