PROLOGUE
"Louise, baks gumising ka na jan andito na tayo." Carrie said habang niyuyugyog ako para magising.
Carrie Althea Samonte, is one of my best and trusted friend who's been with me since high school. We share same interest and passion at the same time, she's the sister I never had. Carrie followed me in New York after she graduated dahil na rin sa pakiusap ko. Nauna kasi akong lumipat sa New York to finish my studies.
She continued to wake me up, "Huy baks ano ba?! Pagod na pagod lang? Hirap mo po gisingin."
Tinanggal ko ang aking sleep mask at pumikit pikit para makapag adjust sa liwanag. "Baks naman 17 hours ang byahe natin. Nakakapagod kaya 'yon." Naginat inat pa ako ng kaunti bago tuluyang tumayo at ayusin ang aking mga gamit.
Si Carrie naman ay nauna ng magayos ng gamit mabuti na lang at mabilis ko lang nakuha ang hand carry ko at sabay na kaming bumaba ng eroplano. Nagintay pa kami ng ilang minuto para makuha ang aming luggage. Paglabas namin sa airport ay nakita ko agad si mang Daniel, our driver.
"Manong Daniel, salamat po sa pagsundo! Namiss ko po kayo." Bungad ko paglapit ko sa kanya.
"Naku ikaw talagang bata ka, aba'y ako talaga ang nagprisintang sunduin ka ang tagal tagal mong nawala, miss na miss ka na namin." Nakangiti nyang sagot sa akin. He even tapped my shoulders. Para ko na ring tatay si mang Daniel bata pa lang ako ay nasa amin na siya nagtatrabaho.
Tiningnan ko ang paligid habang nilalagay ni manong ang aming mga bagahe sa compartment.
"Hay manong buti nga po at magtatagal yan dito, ang hirap alagaan, masyadong makulit. Ayaw magpatinag sa trabaho." Sabat naman ni Carrie na nasa aking tabi.
Eto talagang kaibigan ko, hindi ko na nga binabanggit ang mga yan dahil paniguradong mapapagalitan ako nila mommy eh. Tsk!
When I was in New York, I busied myself by working, even on weekends, madalas na nasa apartment lang ako at nagdedesign. I want to finish my projects fast, para kapag may revisions agad kong nagagawa.
"Halina na nga kayo at nang makakain at makapagpahinga na kayong dalawa." Naiiling na sabi ni Mang Daniel.
Carrie and I deposited ourselves inside the car. Habang nasa byahe ay tinitingnan ko ang paligid. On the past 7 years that I was away, marami na ang nagbago sa Manila. Buildings are everywhere, iba iba ang disenyo, iba ibang taas. I was awed with the architecture of the buildings ng naramdaman kong nagvibrate at tumunog ang aking cellphone.
"Good morning! Alam kong nasa Pilipinas ka na at kung ano ano nanaman ang iniisip mo but you don't have to worry about anything okay? Leave work for a while at magpahinga ka muna. See your old friends, shopping, etc. Ilang lingo lang ay susunod na ko jan alam ko namang miss na miss mo na ko. Hahaah!" Litanya ng bakulaw kong kaibigan sa kabilang linya.
Natawa ko sa mga paalala nya. He really knows me well, alam nyang iniisip ko pa rin ang mga naiwan kong trabaho sa firm at hindi ako mapapakali ng hindi ko iyon natatapos o nakakamusta man lang. Then suddenly I missed New York and my everyday routine.
"Luis Martin! Opo, susundin ko po lahat ng sinabi nyo kaya tumigil na po kayo sa sandamakmak nyong paalala! I miss you though, wala akong kakampi -- "
"Hoy! Anong walang kakampi sapakin kaya kita jan! Ako kaya ang lagi nyong pinagkakaisahan palibhasa pareho kayong Luis ang pangalan! Tse!" Natatawa ko namang nilingon si Carrie dahil hinampas nya ko sa braso.
"O sige na hindi na, joke lang baks ikaw naman. Love you!" Sagot ko sa kanya. Well, it's true madalas kaming mag-asarang magkakaibigan, madalas din ako ang kinakampihan ni Luis.
"I know you're just about to go home. It's late, go ahead, keep safe and rest. I'll see you after two weeks."
"Alright you two take care. Bye." Sabi ni Luis bago patayin ang tawag.
John Luis Martin, my guy bestfriend but more like kuya since mas matanda sya ng dalawang taon samin ni Carrie. Nagkakilala kami ni Luis sa New York when I studied interior designing. Mabilis ko syang nakapalagayan ng loob lalo ng nung nalaman ko na half Filipino pala siya. Her mom is a Filipina and her dad is an American. He knows how to communicate in tagalog kasi dito naman siya lumaki sa Pilipinas, nagmigrate lang sila sa States nung high school na siya.
I took up Civil Engineering here in the Philippines but unfortunate things happened and decided to continue my studies in US nung 5th year na. Mabuti na lang at sa isang international school ako nagaaral kaya mostly ng subjects ko ay credited naman nung lumipat ako. After graduating and passing the board exam I took two year interior design course, that's where I met Martin.
And because I love designing small spaces, putting colors on it and arranging stuff it became my carrier. Later on, we decided to put up a design firm, Martin is an architect, Me and Carrie as an engineer and interior designer. It's been 4 years when "Ravens," was born, we design everything, offices, buildings houses, etc. Sa ngayon ay si Luis ang namamahala nito dahil kailangan kong umuwi ng Pilipinas alinsunod na din sa pakiusap ni daddy. Carrie is taking her short vacation bago namin simulan ang isa sa pinaka malaking nakaline up na projects namin.
Makalipas ang isang oras ay nakarating na din kami sa bahay. God! I miss our house and everything that's inside. Naunang lumabas si Carrie sa akin at maglakad papasok ng bahay.
"Ay nakakaloka baks! Bahay nyo ata to hindi sa amin. Nauna ka pa ahh! Anak ka ba ng nanay at tatay ko?!" Sigaw ko sa kanya.
"Ang bagal mo kasi kumilos gutom na ko!" Sigaw naman niya pabalik habang tumatawa. Aba't loko talaga.
"Oi kapal ng mukha mo yung mga gamit mo! Tapon ko 'to!"
"Sige na anak pumasok ka na at ipapaakyat ko na lang itong gamit mo sa kwarto." Nagulat pa ko ng nagsalita si mang Daniel nasa gilid ko na pala sya at isa isa ng binababa ang mga gamit namin.
"Sige po manong una na po ako papasok. Salamat po."
Nagsimula na akong maglakad papasok ng bahay pero bago 'yon ay nilingon ko muna ang paligid. Everything's the same the flooring, the wood entrance door, front lawn at ang mga bulaklak ni mommy sa harapan ng bahay. I bet mas malago na ang mga nasa likod bahay na bulaklak knowing how my mom loves flowers and gardening.
Pagbukas ko ng pinto ay bumungad na sa akin ang aking mga magulang at agad ko silang niyakap.
"Welcome home anak. Miss na miss ka na namin." Sabi sakin ni mommy habang magkayakap kami.
When I turned to dad, he kissed me and a wide smile was plastered on his face. "Finally, my princess is back."
"Mom, dad, seriously? Last month lang tayo magkakasama sa New York."
"Anak naman, iba pa din kapag araw araw ka naming kasama at nandito ka." Sabay ukyabit ng kamay ni mommy sa kamay ko.
"Tama na nga yan, halina sa hapag at nagaantay na ang pagkain at maging ang mga bisita ko para sa bagong project natin. Nauna pa sayo si Carrie, nandun na sa kusina at ginutom mo daw sya. Tara na." Dad said while ushering us to the dining area.
Nakangiti naman ako habang naglalakad. I really missed this place at lalo na ngayon ang luto ni mommy. She taught me how to cook before but I mastered baking way back, mom is the one preparing for the main course at ako na ang bahala sa desert.
I miss family gatherings lalo na kapag kumpleto kami nila kuya before, when we are not busy with our studies, we will just hang around cooking, baking, playing board games, watching movies. Nakagawian na namin that Sundays are family days pero kapag busy kami sa school lunch and dinner na lang kami nagkakasabay sabay.
Pagpasok ko pa lang ng kusina ay bigla akong kinabahan sa nakita ko, I was stunned that I was not able to walk right after I saw them. Nagulat pa ko ng tumayo ang dalawa para batiin ako at lumayo sakin si mommy para makaupo na. Tinitigan ko lang sila, are they my father's visitor? Hindi makapagsalita at abo't abot ang aking kaba. The feeling that my heart is ready to jump out of my rib cage is what I'm feeling right now.
Gusto kong lumabas ulit ng dining area at magdahilan na pagod but it will be nonsense, magmumukha lang akong tanga. All I have to do right now is just pretend that nothing happened, so I walked on my place and put a smile on my face.
Seeing the reason why you left na sya ring madadatnan mo seven years later? Oh boy, this is really not a good idea.