Hate You But I love You

Hate You But I love You

book_age18+
6.6K
FOLLOW
56.2K
READ
opposites attract
city
like
intro-logo
Blurb

Mahal na mahal ni Tatica ang kuya nya. Nag iisa nya itong kapatid at super close sila. Tagapagtanggol nya ito sa mga umaapi sa kanya. Ganoon din sya. Pinagtatanggol din nya ito sa mga kaaway nito. Lalo na kay Conrado Dela Riva. Ang kilalang siga at mananabong sa lugar nila. Sukdulan hanggang langit ang galit nya rito dahil sa pambubugbog nito sa kuya nya noong bata pa sya. Kulang na nga lang ay ipakulam nya ito.

Pero paano kung isang araw ay may umusbong na bagong damdamin sa kanya para dito? Damdamin na nagpapabilis ng t***k ng puso nya at damdamin na nagpapaiba ng tingin nya dito. Mapanindigan nya kaya ang galit o pananaigin na nya ang damdamin nyang sinisigaw ang pangalan nito.

READ AT YOUR OWN RISK!

MATURE AND EXPLICIT CONTENT!

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Tatica Year 2011 Bayan ng San Isidro.. NAGKAKAGULO sa loob ng arena at hindi magkamayaw ang mga tao na halos puro kalalakihan sa pagsigaw. Kanya kanya sila ng sigaw sa manok na pambato nila. Lumalakas pa ang hiyawan kapag nadedehado ang manok. "Pula! Pula! Pula!" "Puti! Puti! Puti!" Pilit akong nagsusumiksik kasama ang mga kalaro ko palapit sa arena. Napapatakip pa ako ng ilong dahil iba iba ang amoy ng mga mama. May amoy sigarilyo, amoy bad breath at amoy putok. "Ang baho naman!" Angal ko at pinisil ang ilong. "Wag ka ngang maingay Tati. Baka marinig ka ng mga yan batukan ka." Saway sa akin ni Iyek, ang bading kong kalaro at kaibigan. "Eh sa totoo naman eh! Ang babaho nila. Di yata sila naliligo. Saka subukan nilang batukan ako. Isusumbong ko sila sa kuya ko." Maangas na sabi ko. Matapang ang Kuya Jomel ko. Kinakatakutan sya sa amin. Takot nga rin ang mga kalaro kong siga at bully sa kanya eh. "Bilis! Malapit na tayo!" Hinatak na ako ni Iyek at nakarating na kami sa harapan ng arena kasama ang iba pa naming kalaro. Nakisigaw na rin kami sa mga tao at nagtatalon talon. "Sa puti tayo! Yun ang pusta ni Kuya Macoy eh. Kapag nanalo yun babalatuhan nya tayo!" Sabi ni Jonjon sa amin. Si Kuya Macoy ay kapitbahay namin na mahilig tumaya sa sabong. Palagi syang nanalo at kapag nananalo sya binibigyan nya kami ng tigbibenta minsan nga singkwenta pa. "Sige sige, puti tayo!" At yun na ang sinigaw namin. Sumasabay kami sa sigaw ng mga malalaki sa amin. "Puti! Puti! Puti!" Umaangal pa kami kapag nagdedehado ang puting manok. Mukhang malakas ang pula. Yari na. Wala kaming balato nito. "Hoy! Mga bata bawal kayo dito ah!" Sita sa amin ng dalawang bantay. "Labas na tayo nandyan na ang mga pangit!" Sigaw ni Iyek at nakipagsiksikan ulit kami sa mga tao palabas ng arena. Habang ang dalawang bantay naman ay sinisigawan kami. Binibelatan naman namin sila. "Ano ba yan! Nakita pa tayo." Ani Lester na pinakamatanda sa amin. Bawal kasi ang bata sa loob ng arena. "Dito na lang tayo maghintay sa labas." Sabi naman ni Jonjon na inuubo pa at hinihingal. Mataba kasi. Pinunasan ko ng kamay ang pawis sa noo ko. "Sana manalo yung puting manok para may balato tayo kay Kuya Macoy." Sabi ko. "Sana nga, pero baka hindi. Hilo na yung puting manok eh, malakas yung pula." Kontra ni Iyek. Sinimangutan ko sya. "Kontrabida ka naman." "Hindi ako kontrabida no! Sinasabi ko lang yung nakita ko. Saka nakita mo rin naman na mahina na yung puting manok. Kaya wag na tayong umasa ng balato." Nakapamewang at mataray na sabi ni Iyek. Pinanghinaaan naman ako ng loob at napakamot sa medyo kutuhin kong ulo. Mukhang di ako makakabili ng popsicle ah. "Di problema yan. Dun tayo manghingi sa mananalo. Lalo na dun sa mamang malaki ang pusta. Sa pulang manok sya pumusta, sa kanya din yata yung pulang manok eh. Abangan na lang natin sya dito." Sabi ni Lester. "Eh mamigay naman kaya yun? Baka kuripot din yun." Dudang sabi ko. "Galante yung si Boss Conrad, maraming pera yun eh." Sabi ni Jonjon. Kilala ko ang tinutukoy ni Jonjon na Boss Conrad. Malaking mama yun na malaki din ang katawan at may tattoo sa braso. May balbas at bigote sya. Nakakatakot ang hitsura nya. Kilala din syang siga dito sa bayan namin. Kung maraming natatakot sa kuya ko ay mas maraming natatakot sa kanya. Marami na daw syang pinabugbog ayon sa kwento ni Lester at Jonjon. Napakamot na naman ako sa ulo. Parang may nakakapa pa nga akong kuto. Ang kati kati na naman ng ulo ko. Mamaya pa ako maliligo pag uwi kapag wala na si nanay sa bahay dahil sigurado kukutuhan na naman nya ako. Nagtinginan kami ng lumakas ang sigawan sa loob ng arena. Mukhang may panalo na. Ano kayang manok ang ititinola? Yung pula o yung puti? "Titingnan ko kung sino ang nanalo. Dito lang kayo." Sabi ni Lester at pasimpleng pumasok sa entrada ng arena. Kami ay nag abang na lang sa labas at pasilip silip sa loob. Maya maya ay nagsilabasan na ang mga tao. May masayang masaya at nagbibilang ng perang pinanalunan. Meron namang mga mukhang nalugi. Lumabas na si Kester na kakamot kamot sa ulo at lumapit sa amin. "Talo ang manok natin." Ani Lester. Pati kami ay napakamot na lang din sa ulo. Olats kami ngayon. Napalingon kami sa entrada ng tila magkagulo na ang mga tao. "Boss Conrad! Pengeng balato! Panggatas lang ng anak ko!" "Boss Conrad! Balato naman!" "Boss! Boss Conrad!" Sigawan ng mga tao habang pinagkakaguluhan ang malaking lalaki na balbas sarado at may nakaipit na sigarilyo sa bibig. Nagpapamudmod sya ng pera sa mga nanghihingi ng balato. "Tara! Manghingi rin tayo!" Sabi ni Lester na nagpatiuna na palapit kay Boss Conrad. Hindi naman kami nagpahuli at agad na sumunod. Nakipagsiksikan din kami sa mga tao. "Boss Conrad! Balato po!" Sabi ni Lester at nilahad ang kamay. Ginaya na rin naman sya. "Balato po manong!" Sabi ko at nilahad ang maliit na kamay. Sumiksik pa ako sa mabantot na mama na nanghihingi din ng balato. Ang iba kong mga kaibigan ay kanya kanya din ng diskarte sa pakikipagsiksikan para makahingi ng balato. Papalapit ng papalapit sa akin si Boss Conrad kaya nagsumiksik pa ako. Nanlaki pa ang mata ko ng bigyan nya si Iyek at Jonjon ng tig singkwenta. Sunod naman nyang binigyan ay si Lester at iba pang batang nanghihingi. Ang daya! Wala pa ako. "Manong! Manong! Ako po wala pa." Sabi ko sabay tingkayad at tinaas pa ang kamay. Baka kasi hindi nya ako nakikita. Sakto namang tumingin sya sa akin. Nagtama ang mga mata namin. Nakipagtitigan ako sa kanya. "Manong wala pa ako!" Nakangusong sabi ko at winagayway ko pa ang nakalahad na kamay. Ngumisi sya sabay lagay ng isang daang papel sa kamay kong nakalahad. Nanlaki naman ang mata ko at agad kong hinawakan ng mahigpit ang pera. "Thank you po manong! Ang bait bait nyo. Sana wag pa kayong kunin ni Lord!" Sabi ko at tumalikod na. Tumakbo ako palapit sa mga kaibigan ko na naghihintay sa akin. Pinakita ko sa kanila ang isang daan. "Isang daan ang binigay nya sa akin." Tuwang tuwang sabi ko at kumendeng kendeng pa. "Hala! Ang daya! Bakit isandaan sayo?" Angal ni Jonjon. "Eh yun bigay nya saken eh! Gagawen ko?" Malapad ang ngiting sabi ko. Iniisip ko na ang mga bibilhin ko. Siguradong marami akong pagkaing mabibili sa tindahan ni Aling Susan. At higit sa lahat makakabili na ako ng popsicle kahit dalawa pa. Tinupi ko na ang pera at nilagay sa sling bag kong pink na luma na at madumi. Umalis na kami sa lugar at tinahak na ang daan pauwi. Kailangan ko na ring umuwi baka wala na sa bahay si nanay. Maliligo na rin ako. "Ang daya daya naman!" Angal pa rin ni Jonjon na nakabusangot. "Hayaan mo na, at least meron tayo." Sabi ni Iyek. "Baka kasi nakyutan si Boss Conrad kay Tati kaya isangdaan ang binigay." Sabi naman ni Lester. "Weh? Nakyutan? Saan banda? Eh ang dusing dusing nga nyan eh! Tapos amoy maasim pa." Pang aasar ni Jonjon sa akin. Namaywang ako. "Cute naman talaga ako no! Madusing lang ako at maasim dahil wala pa akong ligo. Ikaw nga dyan kahit naligo na maasim pa rin. Saka baka kaya singkwenta lang ang binigay sayo dahil mataba ka. Magdiet ka daw." Ganting pang aasar ko rin. "Aba't sinasabi mo bang mataba ako? Ha?" Nandidilat ang mata na sabi ni Jonjon. Nakakuyom ang dalawang matatabang kamao at nilapitan ako. Nagtaas noo ako at kinuyom din ang dalawang kamao. "Oo, sinabi kong mataba ka! Bakit babanatan mo ko? Sige subukan mo!" Tinaas ko na ang kamao. Kahit mas malaki sya sa akin ay di ko sya uurungan. Tinuruan kaya ako ng Kuya Jomel kong manuntok. "O tama na yan! Wag kayong mag away." Awat sa amin ni Lester. "Ikaw naman wag mo ng patulan yan, babae yan." Sita pa nya kay Jonjon. "Sya kasi nang aasar." Ani Jonjon na nakanguso at matalim pa rin ang tingin sa akin. "Ikaw naman kasi ang unang nang asar di mo lang matanggap na singkwenta ang bigay sayo." Sabat ni Iyek. "Tumahimik ka nga bading! Di ka naman kasali sa usapan eh!" "Heh! Ewan ko sayo. Mataba ka naman talaga. Halika na nga Tati." Magkahawak kamay na kaming naunang naglakad ni Iyek at iniwan ang dalawa. Binelatan pa namin si Jonjon sabay takbo at tawa. Akmang hahabulin nya kami pero pinigilan sya ni Lester. *****

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
54.7K
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
75.0K
bc

Luhod, Kagawad (SPG)

read
175.1K
bc

NINANG PATRIZ (SPG)

read
22.1K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

Dare to love ME

read
66.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook