Prologue
Wallace
PABALIBAG na sinarado ko ang pinto ng kwarto ni Claire ng makapasok ako sa loob. Tiim bagang na namewang ako habang sinusundan ng tingin ang babae na aligaga sa pag e-empake.
"I am telling you Claire, oras na lumabas ka sa bahay na ito ay wala ka ng babalikan." Mabalasik ang boses na sabi ko.
Padarag naman nyang binitawan ang damit sa kama at hinarap ako. Galit ang nakarehistro sa kanyang mukha.
"Why can't you understand me Wallace? Alam mo naman na pangarap ko ito. Chance ko na ito na makilala sa mundo ng pagmomodelo at walang makakapigil sa akin kahit ikaw pa." Matigas din nyang sabi at tinuloy na ang pageempake.
"At ano? Iiwan mo si Wayne? Nahihibang ka na ba Claire!? Six months pa lang si Wayne! Damn it!" Sigaw ko. Talagang kumukulo na ang dugo ko sa kanya. Paiksi ng paiksi ang pasensya ko.
"Sino ba ang may sabing iiwan ko sya? One year lang naman ako sa Paris dahil one year contract lang ang pinirmahan ko." Katwiran pa nya.
"One year na walang uwian. Six months pa lang si Wayne at kailangan pa nya ng ina. Kailangan ka nya. Ano bang hindi mo maintindihan doon?" Binabaan ko na ang boses. Baka sakaling makinig sya sa akin at maintindihan ang pinupunto ko.
Kung ako lang ay hahayaan ko na sya sa gusto nyang gawin sa buhay nya. Wala sa bokubularyo ko ang namimilit ng babae. Pero kailangan sya ng anak namin.
Saglit naman syang natigilan at bumuntong hininga.
"Hindi naman ako kakailanganin ni Wayne dahil hindi naman sya nagbibreastfeed sa akin. Formula milk ang iniinom nya kaya mabubuhay sya kahit wala ako."
Napaawang ang labi ko sa tinuran nya. Mariin akong pumikit. Ramdam ko ang pagpintig ng ugat sa sentido ko. Tila ba puputok na ito sa galit.
"Dahil ayaw mong magpabreastfeed!"
"Of course! Ayokong lumawlaw ang dibdib ko no. Baka wala ng tumanggap sa aking agency. Alam mo naman na katawan ko ang puhunan ko."
Ngumisi ako at umiling. "Ibang klase ka talagang babae ka. Masyado kang makasarili. Ngayon lang ako nakakita ng isang inang walang pakialam sa sariling anak."
"Wallace -- "
Tinaas ko ang isang kamay para patigilin sya sa pagsasalita. Ayoko ng makipagpilitan sa kanya.
"Fine. Do whatever you want. I don't care anymore. Pero inuulit ko, once na lumabas ka sa pamamahay na ito wala ka ng babalikan. Pati si Wayne hindi mo na mababalikan."
"That's unfair!"
"No it's fair! Wala ka namang pakialam sa kanya so bakit pa nya kakailanganin ang isang inang kagaya mo."
"Wallace -- " Naputol ang sasabihin nya ng tumunog ang cellphone nya na nakapatong sa nightstand. Dinampot nya iyon at sinagot. "Ok, ok, I got it. I'm on my way now."
Pinatay na nya ang cellphone at nilagay sa shoulder bag nya. Mabilis lang nyang sinalpak ang mga damit sa maleta at zinipper na ito. Binaba na nya ito sa sahig at sinukbit na sa balikat ang shoulder bag.
"Mag usap na lang tayo kapag malamig na ang ulo mo at nakakaintindi ka na. I have to go nasa labas na ng subdivision ang sundo ko." Hinila na nya ang maleta palabas ng kwarto.
Sinundan ko na lang ng tingin si Claire na nagmamadali sa paglabas ng bahay hila hila ang maleta. Kahit kelan talaga makasarili sya. Laging inuuna ang sarili. Wala syang pakialam sa anak namin. Kahit nga noong pinagbubuntis pa nya ang anak namin ay wala rin syang pakialam. Kung ano anong mga supplement ang iniinom nya na bawal sa ipinagbubuntis nya noon. Muntik ng mawala ang anak namin kaya galit na galit ako sa kanya noon. At kung nagkataon talaga na nalaglag ang anak namin ipapakulong ko talaga sya.
Isang malaking pagkakamali talaga na nahulog ako sa kanya noon. Akala ko sya na ang babaeng makakasama ko sa buhay at magiging ina ng mga anak ko. Pero nagkamali ako. Ayaw nya pang mag asawa at lalo na ayaw pa nyang magkaanak dahil masisira daw ang katawan nya. Buhay nya ang pagmomodelo.
Hindi ko rin naman sinasadya na mabuntis ko sya. Lagi akong may proteksyon kapag nagse-s*x kami. Nagkataong isang beses lasing ako at nakalimutan kong magsuot ng proteksyon. Pero hindi ko naman pinagsisihan na nabuntis ko sya. Gustong gusto ko rin namang magkaanak dahil nagkakaedad na ako.
Kaya kung wala syang pakialam sa anak namin at mas gusto nyang magmodelo ay bahala na sya sa buhay nya. Palalakihin ko na lang mag isa si Wayne. Hindi kailangan ng anak ko ng inang walang kwenta.
Tinungo ko ang nursery room kung nasaan ang anim na buwan kong anak. Pagbukas ko ng pinto ay sumalubong sa akin ang malakas na palahaw nyang iyak.
"Ser ayaw po nyang tumahan." Ani Melinda na kasambahay sa mansion at pansamantalang yaya ni Baby Wayne.
Bumuntong hininga ako at nilapitan ang anak. Kinuha ko sya kay Melinda.
"Shh hush baby, daddy is here." Pagpapatahan ko sa anak habang marahan syang sinasayaw sayaw. Namumula na ang kanyang mukha sa kakaiyak. Unti unti naman syang tumatahan.
Binalingan ko si Melinda. "Ihanda mo ang mga gamit ni Baby Wayne. Uuwi tayo sa mansion."
"Opo ser." Agad ng tumalima ang kasambahay at nag ayos na ng mga gamit ni Baby Wayne.
-
"Yan na nga ba ang sinasabi ko eh! Hindi nga ako nagkamali. Walang kwenta ang babaeng yun! Kung bakit naman kasi hindi ka nag iingat at nabuntis mo pa sya. O hayan! Iniwan sayo ang bata at sya nagbubuhay dalaga. Ayoko ng makita ang babaeng yan ha." Galit na sabi ni papa.
Lalo namang lumakas ang iyak ni Baby Wayne dahil sa malakas na boses ni papa.
"Melchor ang boses mo pakibabaan nga! Nagugulat ang bata." Saway ni mama kay papa habang buhat nya si Baby Wayne at pinapatahan ito.
"Ito kasing anak mo eh! Hindi marunong makinig sa akin kaya ayan. Binatang ama." Mababa na ang boses na saad ni papa. Tumahan naman si Baby Wayne.
"Walang masama sa pagiging binatang ama papa." Sabat ko naman.
"O so pano mo aalagaan ang batang yan habang nagtatrabaho ka?"
"Eh di magha-hire ako ng yaya. Problema ba yun?" Kahit ilang yaya pa kayang kaya kong kumuha para lang may mag alaga sa anak ko.
"Tonto! Hindi yaya ang kailangan ng anak mo. Ina ang kailangan nya."
"Mabubuhay ang anak ko kahit walang ina papa. Nandito naman ako. Maglalaan ako ng oras para sa kanya."
Umiling iling si papa. "Bahala ka na nga sa buhay mo. Matanda ka na. At sana naman leksyon na to sayo para hindi na kung sino sinong babae ang patulan mo." Tumalikod na sya at umalis ng sala. Alam kong sa library office ang punta nya.
Humugot ako ng malalim na hininga at nilapitan si mama at si Baby Wayne.
"Wag mo ng pansinin ang papa mo anak. Nag aalala lang yun sa inyo ng anak mo. Mahirap magpalaki ng anak na mag isa ka lang."
Hinaplos ko ang buhok ni Baby Wayne. Tahimik na sya at may supsop ng bote ang bibig.
"Kaya ko ho syang palakihin mama. Magtiwala lang kayo sa akin. Hindi ko ho pababayaan ang anak ko."
"Malaki ang tiwala ko sayo anak. Saka nandito naman ako. Tutulungan kita sa pag aalaga dito sa apo ko." Nakangiting sabi ni mama.
Napangiti na rin ako. Mabuti na lang nandito lagi sa tabi ko si mama. Laging nakasuporta at nakaalalay sa akin.
Si mama ang ideal woman ko. Napakaswerte ni papa sa kanya. Mabait si mama at napakapasensyosa. Maalaga pa at mapagmahal. Kapag nag aaway kami ni papa ay lagi syang nasa gitna. Kaya hindi nagtatagal ang away namin ni papa dahil sa kanya. Mahal naming pareho si mama.
Mahirap na yatang makatagpo ng babaeng gaya ni mama.
*****