Panimula
"Who are you?" tanong ng lalaking ito sa akin. Hindi ba dapat ako ang magtatanong niyan sa kanya. Bagot ngunit may pagtataka sa kanyang mga mata. Aba! ngayon lang ba siya nakakita ng diyosa?
"W-Who am..." dahil sa inis ko kaya't dinuro-duro ko na lang siya. Kung bakit ba naman kasi kailangan ko pa mag-Ingles? Gaya-gaya lang?
"S-Sino ako? Aba! Sir, ikaw ang sino? Bakit ka narito sa kwarto ng alaga ko?" tapang kong balik na tanong.
Hindi nakaligtas sa aking mga mata ang pagngisi niya na para bang may nakakatawa sa tanong ko.
"A-Are you serious? Miss, for your information, kilala ako ng buong Pilipinas... o universe rather." Universe? Ano Pia Wurtsbach?
Naniningkit na mga mata ko siyang tinitigan. Nandito naman kami sa Pilipinas, pero bakit hindi ko siya kilala?
Habang hindi na mapuknat ang tingin ko sa mukha niya'y hindi ko na namamalayan na kinakabisado ko na pala ang kanyang mukha, at wala na akong masabii – sige na nga, guapo naman siya. Pero hindi pa rin ako magpapaloko.
"Lumabas ka na, miss. I don't have time for this. I'm dead exhausted," sabi niya at itinuro ang daan palabas. Pagkatapos, ibinagsak na ang katawan niya sa kama.
Takot na baka madaganan ang alaga, kaya't dinampot ko ang unang bagay sa tabi ko at hinampas siya. "Walang hiya kang kawatan ka! Akala mo maloloko mo kami! Ma'am! Sir, tulong! Tulong!" sigaw ko at patuloy siyang pinaghahampas.
"Oh my god, hija, bitawan mo ang anak ko!" Boses ng ginang ang nagpatigil sa akin.
Kinakabahan akong bumaling sa pinanggalingan ng boses, lalo pa at nakompirma ang aking hinala. "P-Po? Siya po ang anak—"
"Yeah, that's me. Mind getting off," nahihimigang galit sa boses niyang taboy sa akin. Ang kaninang malamig niyang mukha ay napalitan ng inis habang magkasalubong ang kilay.
Sa halip na umalis ay nagpabaling-baling pa ang atensyon ko sa kanila. Huli na upang mapagtanto ko ang aming posisyon. Hawak ko kasi ang buhok niya habang nakaibabaw sa kanyang kandungan. Dahil sa kahihiyaan, dali-dali akong umalis at nagtatakbo palabas. Hindi na ako nakahingi ng tawad. Nagkandatisod na ako at muntik pang mahulog sa hagdan.
"Gigi! Masyado ka kasing matapang at hindi nag-iisip," inis kong kausap sa sarili, pagdating sa aking silid.
Dumiretso ako sa banyo, tinampal-tampal at sinabunutan ang sarili. Malay ko ba naman na ang aalagaan ko pala ay mas matanda pa sa akin at lalake pa. At sino nga ba siya? Kilala ba talaga siya?
Kinaumagahan, alas singko pa lang gising na ako. Nakaligo na rin ako at handa na sa unang araw ng trabaho. Ilang oras din akong hindi nakatulog sa kaiisip ng idadahilan sa mga amo ko. Makikiusap kasi ako ng kahit anong klaseng trabaho ang ibigay nila. Kahit magsibak pa ng kahoy ay kayang-kaya ko, 'wag lang alagaan ang anak nilang 'di hamak na mas malakas sa akin.
Pagdating ng kusina ay magandang ngiti ang agahan na ibinigay sa akin ni Nanay Cindy. Iniidolo raw niya kasi ang singer na si Cyndi Lauper noon kaya napalitan na ang totoong pangalan nito na si Kuring. Magiliw at masayahin si Nanay Cindy kaya nakagaanan ko agad ng loob.
"Ineng, ano nga baga ang nangyari kagabi? Parang may narinig akong sigaw," tanong ng matanda habang abala kami sa paghahanda ng agahan. Sasagot na sana ako nang makarinig ng tikhim sa aking likuran.
"Oh, hijo, ang aga mo yata nagising? May shooting ka ba ngayon?" baling ni nanay Cindy sa taong tumikhim.
Tila binulabog ng sampung asong nagtatatahol ang dibdib ko. Nanigas bigla ang leeg ko na bumaba hanggang sa aking mga kamay. May hawak akong kutsilyo ngunit hindi ko na alintana kung masugatan man ako. Ang tanging nasa isip ko ay kung paanong maglaho, dulot ng kahihiyang inabot ko kagabi.
"N-Nay, s-sumakit po bigla ang tiyan ko. Magbabanyo po muna ako," nagkanda-utal kong paalam sa matanda at hindi na hinintay ang sagot.
Lakad takbo ang aking ginawa, marating lamang ng mas mabilis ang kwarto ko. Subalit ilang hakbang pa lang ang nagawa'y boses na nito ang siyang nagpatigil sa akin.
"Miss kawatan!" baritonong boses na tawag nito sa akin. Wala naman ibang tao rito kaya malamang ako ang tinawag niyang kawatan. Gusto ko man magprotesta at magalit, subalit mas pinili kong manahimik at dahan-dahang lumingon.
Lahat na halos ng santo ay natawag ko na habang tahimk na nakatayo sa harapan niya. Inutusan kasi niya akong sumunod sa kanya at dinala sa isang silid.
Tahimik lamang siya at gano'n din ako. Abala kasi ang mata ko sa nakapaligid sa akin. Lahat puro larawan niya. May malaki na tanging pang ibabang suot lang ang nakatakip sa katawan. Hindi ko na gaano tinitigan, dahil baka isipin pa niya naglalaway ako sa katawan niya.
Meron ding nakasuot siya ng pormal habang may hawak na tropeo. Lahat halos ng postura na siya ang modelo ang tumambad sa akin.
"Had enough of fantasizing about me?" Ano raw? Akala naman nito porke probinsyana ako ay hindi ko maintindihan ang sinabi niya.
"Utot mo, ako? Fantasizing you?" Gusto ko sanang isatinig iyon pero walang lumabas sa aking bibig. Nakanganga lang ako't mukhang t@nga sa harapan niya ngayon. Kalaunan pumikit na lamang ako at huminga ng malalim at dahan-dahang ibinuka ang aking bibig. "P-Pasenya na po Sir, kagabi. H-Hindi ko naman po alam na–"
"Well, about that, I forgive you." Lumiwanag ang aking mukha nang marinig iyon sa kanya. Subalit sandali lamang ito nang dugtungan niya ang sinabi. "Hindi dahil mabait ako. Hindi ko pa rin mapapatawad na pinagkamalan mo akong kawatan at masamang tao."
"Huh? Kailan ko sinabi na masamang tao ka? Sinungaling!"
"May gusto ka bang sabihin?" tanong pa niya. Mabuti na lang at tanging sa isip ko lamang siya kung sagutin. Nagkamali naman talaga ako, hindi ko kasi inalam ang totoo.
"Wala po," maikli kong sagot. Nagpatuloy siya at maya-maya'y tumayo. Lumapit at itinuro ang isa sa kanyang mga larawan. Ako naman ay mukha paring tuod na nakatayo at hindi malaman ang sunod na hakbang.
"As you can see, I'm a respected actor of this generation," panimula niya. "You're lucky, since my parents asked me to accept you. Starting today, you'll be my caregiver or yaya, handling my meals, wardrobe and other necessities."
Wala pa rin akong imik. Pinaliwanag na naman sa akin ng mga magulang niya ang trabaho ko. Hindi ko lang akalain na damulag pala ang aalagaan ko.
"Nagkakaintindihan ba tayo, Miss Kawatan?" maangas niyang tanong na nagpablik sa aking ulirat.
"Gigi po at hindi kawatan," mahinang bulong ko bilang tugon sa huling sinabi.
Sa lahat ng naging trabaho ko sa baryo namin ay mukhang ngayon lang ako mahihirapan. Ni sa hinagap ay hindi ko aakalain na makakaharap ko ang isang sikat at iniidolo ng bansa – si Mathew Alonzo.
AN:
pa add naman po sa library nyo. New story na pampawala ng stress. Salamat po