Chapter 1: Nakalipas ng Sampung Taon
Sampung taon na rin pala ang nakakaraan mula nang lisanin ni Reign ang Pilipinas dahil itinakwil siya ng magulang dahil sa nabuntis siya ng lalaking hindi niya kilala.
Masyado niya raw binigyan sila ng kahihiyan lalo pa't itinakda na ang kasal nila ng anak ng isa sa business partner ng kanyang papa ni Mr.Tejero na si Jameson Tejero.
"Welcome back, anak, akala ko ay wala ka nang balak na umuwi ng Pilipinas," naiiyak na wika ng kanyang taga pag-alaga noon na si Yaya Sandra.
Naiiyak na niyakap niya ang matanda.
"Na-miss ko po kayo, Yaya Sandra, I mean manang," aniya sa matanda na noon ay napangiti sa kanyang sinabi.
"Ikaw talagang bata ka hindi ka nabibigong patawanin ako," anang pa nito.
"Nakakaalangan na rin kasing tawagin ko pa kayong yaya, e, may anak na rin po ako," tugon sa matanda.
"Sabagay, basta super saya ko dahil sa wakas ay umuwi ka na rin. Hanggang ngayon ba ay hindi mo pa rin nahahanap ang lalaking nakabuntis sa 'yo?" maya-maya ay chikang usisa nito.
Napabuntong-hininga si Reign at paulit-ulit na binalikan ang gabing nawala sa kanya ang kanyang pagkabirhen.
Kasama niya ang mga barkada at unang beses niyang pumasok sa isang bar bilang isang adult. She just turned 19 at that time nang yayain siya ng kaibigang si Shirley sa 20th birthday nito at sa isang bar piniling mag-celebrate.
Mga lima silang magkakaibigan noon 'yon, high class bar ang kinaroroonan nila dahil elegante at halata sa parokyano nitong may-kaya ang mga naroroon.
"Kaya ko kayo dinala rito dahil baka nandito ang lalaking babayo sa mga tigang ninyong love life," bulalas ni Shirley.
Nagtawanan na lamang silang lahat sa biro ng kaibigan.
She's naivé but very alert at that time, hindi siya masyadong nainom.
"Anong tigang ka diyan, itong si Reign hinihintay lang mag-twenty para maikasal na kay—" putol na wika ni Samantha nang makalimutan ang pangalan ng lalaking sinabi ni Reign na papakasalan niya.
"Jameson Tejero, naku, matanda ka na talaga," dugtong ni Micah. "Ulyanin ka na, e," palatak pa nito sabay tawa.
Napabuntong-hininga si Reign dahil napunta sa kanya ang usapan ng grupo.
"Kayo talaga, pati itong si Reign na nananahimik ay nadamay," sita naman ni Angel sa grupo.
"Tama, huwag niyo munang i-stress itong si Reign," depensa ni Shirley. "Cheers!" taas nito ng kopita at lahat ay nagtaas maliban kay Reign. "Ayan tuloy nagtampo," palatak pa ng birthday celebrant.
Napabusangot si Reign sa isiping ikakasal siya sa lalaking halos hindi naman niya kilala. Well, nagkikita sila sa event ng kompanya nila kasi nga business partners ang magulang nila pero hindi naman sila as in magkakilala talaga. May hitsura naman ito pero hindi naman niya alam ang ugali nito.
"Ayos ka lang ba?" diga ni Veronika sa kanya.
"Ewan ko, ang hirap kasi ng sitwasyon ko. Gusto ko pang mag-explore pero heto at ikakasal na ako," nakabusangot na wika sa kaibigan.
"I feel you girl pero karapatan mo namang mag-aral kahit kasal na kayo," giit ng kaibigan. "Iyon lang magiging limited na ang time natin sa isa't isa," malungkot na rin saad nito.
"Girl, look, sa dulong table mukhang maraming cute guys," bulong ni Shirley.
"Akala ko ba'y 'yong may-ari nitong bar ang gusto mo bakit mukhang umiba na naman ang type mo?" sita ni Micah kay Shirley.
"Sinasabi ko ito para sa inyo, baka gusto niyong mag-explore habang hinahanap ko si Mr. Bar Owner," anang ni Shirley na noon ay panay ang gala ng mga mata.
Nakailang baso na rin ng cocktail si Reign, habang tumatagal ay sumasarap sa kanyang labi kaya napaparami siya.
Hindi nagtagal ay tumayo sina Micah, Veronika at Samatha at tinungo ang mesang sinabi ni Shirley kanina.
"O, bakit hindi ka sumama?" untag kay Angel.
"Wala akong type sa kanila," saad nito.
Not very vocal sa feelings nito pero may nasi-since ako kay Angel na mukhang hindi lalaki ang gusto kahit bihis babae naman ito.
"O, bakit ka ganyan makatingin?" sitang usisa nito.
Napangiti nang bahagya si Reign. "Ang ganda mo," aniya at doon ay natawa si Angel. Lalo tuloy napagtibay ang hinala niya na bisexual yata ito.
"Salamat pero hindi ako maganda," anito saka natahimik.
"May problema ba?" usisa niya rito.
"Kung mahirap ang sitwasyon mo, ako naman ay napakakumplikado," anang ni Angel.
Kinabahan si Reign dahil mukhang aamin na ito ngunit bigla itong tumayo.
"S-Saan ka pupunta?" awat niya rito.
"Naihi ako, magsi-CR lang muna," palatak ni Angel kaya hinayaan na lamang ito.
Naiwan tuloy siyang mag-isa kaya tumawag ulit siya ng waiter at kumuha ng maiinom mula sa hawak nitong tray.
"Ma'am, mukhang nakakarami na po kayo," wika ng waiter.
"Ayos lang ako, thanks," aniya sa waiter na ngumiti.
Mukhang kaya pa naman niya ang sarili kaya kang nang tangkain na niyang tumayo ay doon umikot ang kanyang mundo.
"Oops, miss, be careful," baritonong tinig ng lalaking sumalo sa kanya sa kanya sanang pagkakabagsak sa sahig.
"T-Thanks," pasalamat ni Reign sa lalaki pero hindi man lang siya nito nagawang tapunan ng tingin at iniwan. Nakitang nagtungo ang lalaki sa may VIP room at batid na doon ginaganap ang ilang happenings gaya ng bachelor's party o 'di kaya ay birthday sa mga taong gusto ng private party. 'Suplado naman,' aniya sa isipan nang hindi man lang siya nagawang tingnan ng lalaki.
Napasapo na lamang si Reign ang ulo saka sumunod kay Angel dahil nakaramdam rin siyang naiihi.
Nasa bungad na siya ng CR nang makitang out of service kaya nagtanong siya sa isang waitress na nasa malapit.
"Miss wala bang ibang CR?" tanong rito.
"Ma'am, pasensiya na po at under maintenance ang CR natin ngayon, nasa second floor po ang isang CR," magiliw namang giya sa kanya ng babae.
Ngumiti siya rito at nagpasalamat saka pinilit na naglakad upang magtungo sa elevator papunta sa ikalawang palapag ng bar na 'yon. Halos malula si Reign nang makapasok siya sa elevator.
Pagiwang-giwang siya tuloy na lumabas ng elevator, mainam na lamang at mabilis na nahanap ang CR kung saan ay agad siyang pumasok dahil naduduwal na rin siya dahil sa pagkalula sa elevator kanina.
Matapos magduduwal sa lababo ay nagtungo sa cubicle si Reign upang mag-CR nang bigla ay may dalawang babaeng pumasok roon.
"You can't believe it, Janeth, I have a great time with Jameson last night," dinig na wika ng isang babae.
Napakunot-noo si Reign dahil kapangalan pa talaga ng lalaking papakasalan niya ang binanggit ng babae.
"You mean, Jameson Tejero?" palatak naman ng babaeng kausap ng babaeng bumanggit sa pangalan ng lalaki kanina.
'Sh*t!' mura ni Reign sa isipan. Hindi lang pala nito kapangalan dahil siya talaga ang topic ng dalawang babaeng nasa CR rin.
"Yup!" proud na sagot ng babae.
"Isn't he going to marry soon?" maang pa ng isang babae.
Natawa ang babae.
"Arranged marriage lang daw 'yon at hindi gusto ni Jameson ang babae," may kayabangan pang wika ng babae.
"Sabagay, mahirap naman kasing suwayin nito ang magulang lalo na at anak yata ng business partner ng magulang niya ang babaeng papakasalan nito," chika pa ng isang babae.
"Yeah, kahit hindi ko makuha ng buo si Jameson basta ako ang nasa puso niya," hirit pa ng babae saka sila lumabas.
Nakahinga nang maluwag si Reign habang tutop ang dibdib.
Lumabas na siya ng cubicle at naghugas ng kamay, paglabas ay nabigla siya dahil ay dalawang lalaking tila nag-aabang.
Nagulat pa siya nang lapitan siya ng mga ito, nakaramdam siya ng panganib kaya agad siyang napalingon-lingon ngunit laking gulat niya ng hawakan siya ng mga ito at ang isang lalaki ay may nilabas na panyo at nilagay sa kanyang mukha. May inilagay na kemikal roon kaya agad siyang nawalan ng malay.
Nang magising si Reign ay puno ng usok at may kadiliman ang silid na kinaroroonan. May tatlong babaeng gumigiling at sumasayaw sa harap ng lalaki na tila hari na nakaupo at naka-de kuwatro pa dahilan upang mabilis na mapatayo.
Pilit inaaninag ni Reign ang mukha ng lalaki at doon ay lumihestro ang mukha ng lalaking snob-ero kanina.
"Holy sh*t!" bulalas na mura ni Reign nang makitang nakipaghalikan ang lalaki sa isang babaeng sumasayaw habang nakahawak ang palad sa pwet ng isa pang babae na panay ang siksik ng pang-upo sa mukha ng lalaki. 'Anong ginagawa ko rito?' maang na tanong sa isipan nang makitang lumingon ang lalaki sa kanyang kinatatayuan.
Lalong naging pangahas ang mga babae sa harapan ng lalaki, tila nagpapasiklaban kung sino ang makakaakit rito.
Naging wild at tuluyang naghubad sa harap ng lalaki dahilan upang matutop na lamang ni Reign ang bibig. Alam niyang lango ang mga ito sa druga dahil batid na walang ganoong babae ang makakagawa noon kapag nasa tamang pag-iisip sila.
Nang tuluyang nakuha ang panimbang at sarili at nagpalinga-linga si Reign upang makatakas sa kinaroroonan ngunit bago pa man maihakbang ang mga paa ay may dalawang lalaking lumapit sa kanya at may pinainom sa kanya. Itinikom ang bibig ngunit masyado silang malakas kaya nagtagumpay silang painumin siya.
"Who are you?" nanghihinang tanong sa mga ito bago muling tuluyang nawalan ng malay at magdilim ang kanyang paligid.