first encounter
“kuya Sam dalian mo baka di natin sya maabutan”. Pag mamadali ko sa driver namin.
Kinakabahan ako kasi baka diko sya maabutan this is my last chance to give what they really deserve. Pag napalampas ko to wala na, end game na see you next life na ganun.
“ kuya malayo pa ba? Dalian mo kuya pls bilisan mo need natin sya maabutan kuya.” desperadang sabi ko.
“wait lang cai malapit na tayo”. Sagot ni kuya Sam. Kaya naman natahimik na ako pero patuloy pading kinakabahan sa kadahilanang baka diko sya maabutan
“Cai andito na tayo.... kitain mo nalang ako sa parking mamaya pag tapos ka na.” sabi ni kuya Sam nung makarating kami sa airport.
“ Sige kuya tawagan nalang kita mamaya”. Sagot ko at tumatakbong pumasok sa loob ng airport.
Hinahanap ko sya tinitignan bawat sulok ng airport na to kaso wala, wala akong makita kahit anino man lang nya. Hanggang sa may narinig ako. Biglang nagflash sa may monitor kaya napatingin ako roon bigla nalang daw may nagcrash na eroplano. Kaya naman napatingin ako sa flight details at nagtugma ang sinabi nila sa flight details nya. Naiiyak na ako.
Isa ba sya sa mga naaksidente? Hindi to maaari. Ito na ang last chance namin bat ganito pa ang nangyari?. Usal ko sa sarili habang patuloy na lumuluha habang nakatingin sa TV.
Kaya naman matapos kong panoorin iyon ay hinanap ko na si kuya Sam sa parking lot para umuwi na.
Habang hinahanap ko ang driver namin bigla nalang tumunog ang aking cellphone kaya kinuha ko ito. Si yra tumatawag.
“Ohh?” pag sagot ko sa tawag.
“Kita mo na yung sa balita?” bungad nya sakin.
“ fortunately, yes. Kita ko na sumabay pa talaga sa paghahanap ko sakanya sa loob ng airport.”
kasi totoo naman bat ngayon pa. Bat sakanya pa nangyari. Di naman sa gusto kong sa iba mangyari yun ang sakin lang bat sakanya pa?.
“Pero may nakapagsabi sakin na di daw pala sya natuloy sa flight na yun. Di nya lang nacancel kasi biglaan din ang nangyari kung bat di daw sya matutuloy.” bigla akong nabuhayan sa aking narinig .
“ so it means maaaring okay sya now? So asan sya? Alam mo ba ?” sabay sabay na tanong ko.
“unfortunately”pang gagaya nya sakin. Pang asar talaga tong babaeng to.
“di nasagap ng radar ko kung nasan sya right now. ” hay kala ko mahahanap ko sya within this day.
“Okay, galingan mo kasi makichismis next time detailed na ha wala ng ganyan ganyan.sige na bye na”. Sabi ko bago pinatay ang tawag.
Pero punyawa may bigla nalang nakabunggo sakin mukhang nagmamadali din. “Hoi! Ano to wala man lang sorry?.”sabay turo sakanya.
“ ikaw nga dyan dapat mag sorry bat kasi nasa gitna ka ng daan.” ahy aba sumasagot sya.
“ Hoi Mr antipatiko. Ikaw ang may kasalanan bat di mo tinitignan dinadaanan mo.” yung wala ka na nga napala sa lakad ko tapos may nakakasalubong ka pang tulad nya. myghad kamalasan lumayas ka sakin now na di kita need.
“ Okay I'm sorry but next time please wag ka mag stay sa gitna”. at bigla nalang syang nag walkout.
so yun na yun?di man lang ako nakarebat? wag lang sana magcross landas naming dalawa yawa sya.