Prologue
⛔️WARNING: Most scenes are not suitable for young readers. Maraming m*lalaswang eksena at hindi kaaya-ayang mga salita.⛔️
KASABAY ng pagpatak ng mga luha ni Liwayway, isa-isa niyang hinubad ang mga butones ng suot niyang blusa at tumambad ang maputi at mala-porselana niyang balat sa harap ng lalaking nakaupo sa driver’s seat.
“A-Anong ginagawa mo?” gulat at tarantang tanong ni Matteo na agad na napaiwas ng tingin.
Ngunit imbes na sumagot, kinuha niya ang kanang kamay nito na nakalagay sa manibela at dinala iyon sa malusog niyang dibdib na ngayon ay natatakpan pa ng manipis na bra.
Hindi siya sanay magsuot ng push-up bra o kahit na anong may makapal na foam. Kadalasan ay halos lace at tela lamang ang tumatakip sa dibdib niya dahil malalaki na ang mga iyon at hindi rin naman bumabakat ang ut*ng niya. Kaya naman nang dumapo ang kamay nito sa s*so niya, napaungol siya nang makaramdam ng kakaibang kiliti doon. Napakainit ng palad nito. Ganoon pala ang pakiramdam niyon.
“Liwayway!” biglang pagtaas ng boses ni Matteo. Rinig na rinig ang sunod-sunod nitong paghugot ng malalim na hininga sa loob ng kotse na para bang hinihingal ito.
Kasalukuyan silang naka-park sa madilim na bahagi malapit sa hardin ng mga Altamero. Napakalawak ng lupain nila kaya malayo-layo pa bago marating ang mismong mansion. Ang sabi kanina ni Liwayway ay doon na lamang siya bababa dahil ayaw niyang marinig ng mga magulang niya ang pagdating ng sasakyan dahil ayaw niyang malaman ng mga ito ang pag-uwi niya.
Dapat ang curfew niya ay kanina pang seven o’clock ng gabi. Malapit nang mag alas nuebe ngayon at ang masama pa, nakainom siya ng marami.
She was never allowed to drink except for social occasions. At kahit pa sa mga ganoong pagkakataon, iisang kopita ng wine o champage lamang ang puwede niyang inumin.
Ngunit masama ang loob niya ngayong gabi kaya hindi niya namalayan na naparami na pala siya ng inom. Nag-away sila ng kasintahan niyang si Garry at hindi siya nito pinansin buong magdamag. He said he wanted to break up with her.
It was his birthday at bumiyahe pa ito ng tatlong oras galing Metro Manila para lamang makasama siya sa espesyal na araw na ito. Kaya sobrang nakonsensiya si Liwayway sa nangyari ngunit labag din sa kalooban niya ang hinihiling nito sa kanya.
“Hindi ba ito ang gusto mo?” lumuluha niyang sabi. “Binibigay ko na ang sarili ko sa ‘yo, Garry. Angkinin mo na ako.”
“What the f—”
Bago pa matuloy ni Matteo ang pagmumura ay tinawid na ni Liwayway ang pagitan nila at siniil ito ng mapusok na halik sa labi. Mas lalo niya ring idiniin ang kamay nito sa s*so niya.
Napaungol na naman siya sa kiliting hatid ng paghalik dito. Napakalambot at napakainit ng mga labi ng binata kahit hindi ito tumutugon.
“Wait,” saglit na nakawala si Matteo at pilit siyang inilalayo. “Liwayway, hindi ako si—”
Muli niyang pinutol ang sasabihin nito at sinipsip ang itaas nitong labi. Marahil ay nagtatampo pa rin ito sa kanya kaya ayaw nitong tumugon sa ginagawa niya.
Mas pinag-igihan niya ang paghalik. Inilabas niya ang kanyang dila at pinilit itong ibuka ang bibig. Hindi siya sanay sa ganoong klaseng halikan pero iyon ang nakikita niya sa mga palabas na pinapanood nila dati ng bestfriend niyang si Bettina.
Palagi din siyang kinukuwentuhan ng kaibigan niyang iyon tungkol sa ginagawa nito at ng boyfriend nitong si Matteo. Napakasarap daw nitong humalik at nakakabaliw sa kama.
Kung iyon din ang nais ni Garry na mangyari sa kanila... siguro panahon na para ibigay na rin niya.
Giniya niya ang kamay ng lalaki at ipinasok iyon sa loob ng kanyang bra.
“Ohhh…” napasinghap siya nang masagi nito ang kanyang ut*ng. Pagkatapos ay muling ipinasok ang dila sa loob ng bibig nito.
“L-Liwayway…”
“I’m yours for tonight…” paos niya bulong.
Unti-unting uminit ang katawan ng binata. Natangay na rin ito sa ginagawa niya lalo pa’t nakainom rin ito ng kaunti. Nagsimula itong tugunin ang mga halik ni Liwayway. Mariin nitong sinipsip ang kanyang mga labi maging ang dila, bago nito ginalugad ang loob ng kanyang bibig. Pinisil-pisil pa nito ang kanyang ut*ng kaya’t napaarko ang likod ng dalaga at napasambunot sa buhok nito.
Kapwa sila umuungol sa sarap na tinatamasa habang nag-i-espadahan ng mga dila. Nang hindi makatiis, pinaupo nito si Liwayway sa kandungan nito habang hindi pa rin sila tumitigil sa paghahalikan.
Halos mabaliw na si Liwayway sa sarap na ngayon niya pa lang naranasan sa buong buhay niya kahit apat na taon na siyang mayroong nobyo.
Nangako siya noon sa sarili at sa mga magulang niya na ibibigay lamang niya ang kanyang pagkabirhen sa lalaking pakakasalan niya.
Pero ngayon ay handa na siyang ibigay iyon sa binata dahil ayaw niyang mawala ito sa kanya. Ito ang magsisilbing regalo niya sa ika-biente tres na kaarawan ng kanyang nobyong si Garry.
Hinahalikan ni Matteo ang leeg ni Liwayway nang kapwa na lamang silang napaigtad sa napakalakas na kalabog sa bintana ng kotse at pagkatapos ay ang pagtama ng nakakasilaw na flashlight sa kanilang mukha.
“What the hell are you two doing?!” Dumagundong ang boses ni Mayor Theodore Altamero sa katahimikan ng gabi.
Nagpakawala naman ng malakas at mahabang hiyaw ang ina ni Liwayway na si Analisa. Napahawak ito sa dibdib at bigla na lamang nawalan ng malay.
Gulat na gulat ang lahat kabilang na ang apat na matatandang bisita ng mga Altamero sa gabing iyon na saksi sa lahat ng mga nangyari.
At sa sandaling iyon, nagbago nang tuluyan ang takbo ng buhay ni Liwayway.