When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
HUMANTONG sila sa isang Italian Restaurant. Gusto daw ng pasta ni Chairman. Pwede naman sana lutuin na lang sa bahay. Pero mas gusto pa na dito sa labas kumain. Kaya heto sila at kasalukuyan kumakain ng pasta na hindi niya kilala. Hindi din makapag-focus si Venush, sa kinakain dahil ang mga mata ay nasa paligid. Bawat kilos ng mga taong naroon sa loob ng restaurant ay pinapasadahan niya ng tingin. “Bakit hindi mo kinakain ang mga pagkain sa harapan mo hindi ba masarap? Kaya ayaw mo nang lasa o baka wala ka lang gana?” “Masarap naman po, chairman, kaya lang medyo busog pa ako.” Kahit ang totoo ay gutom na gutom siya. Pero kailangan niyang unahin ang kaligtasan nito. Akmang ipagpapatuloy ang pagkain ng may pumasok sa customer. Malakas ang lagutok ng suot nitong heels kaya tawag pansin