CHAPTER- 13

1927 Words

NAGISING si Cariza, wala ang Daddy Luther niya. Agad siyang kinabahan ng makitang malinis ang higaan sa tabi niya. Kaya nagmamadaling bumangon at tumakbo palabas ng silid. “Ms. Cariza, hindi ka pwedeng lumabas.” Lumingon si Cariza, hindi niya kilala ang babaeng tumawag sa kaniya. Pati na ang isa pa nitong kasama. “Sino po kayo?” “Kami ang makakasama mo dito habang wala si Master Luther.” “Saan po siya nagpunta?” Naiiyak si Cariza, bakit iniwan siya ng stepdad niya ng hindi man lang sa kaniya nagpaalam? “May mahalaga silang pinuntahan. Ang bilin ay manatili ka lang dito sa loob. Kung nagugutom ka ay nakahanda na ang mga pagkain. Sumunod ka na lang sa dining room.” Iniwan na siya ng dalawang babae. Pero sa halip na bumaba ay bumalik sa higaan. Dumapa sa kama at hindi napigilan umiyak.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD