When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
NAKAMASID lang si Luther, sa ama at ina. Kahit nais niyang lapitan ang mga ito ay pinigilan ang sarili. Lalo at nakikita niya ang kagustuhan ng ama na masolo ang kaniyang mama. Sa katunayan ang papa niya ay iyak nang iyak habang hawak ang kamay ng mama niya. Ibig sabihin din matagal na nitong alam na hindi si Tita Salome ang asawa nito. Ang puzzle sa kaniya yung magkasabay pa sila ng oras na nagtungo sa underground. At paanong naririto din ito sa France? Samantalang nasa bansang Pilipinas ang mga ito. Tinalikuran ang mga magulang at lumabas pinuntahan ang kaibigan sa kwarto ng mga ito. Tinawag niya si Wyatt, “gusto kong alamin mo bakit si Papa ay agad na naririto din. Walang nabanggit sa akin si Kian, na nakabalik na ang ama. Kaya nakakagulat na sa mga oras na yon magkasabay pa kami.” “