UNTI- UNTING gumalaw ang talukap ng mga mata ni Strawberry. Nanunuot sa mga mata niya ang sinag ng araw. Naitakip niya ang kanyang palad sa kanyang mga mata. Mabigat at namimintig sa sakit ang kanyang ulo. Kaya bumaling ito sa gawing kanan niya upang talikuran ang araw. At napatigil ito dahil sa nabunggo ng mukha niya at nakapa ng kamay niya. Kagyat na napadilat si Strawberry at nanlaki ang mga mata nito nang malamang katawan ng tao ang nasa kanyang tabi. Mabilis itong bumangon subalit napangiwi ito nang may masakit sa gitnang bahagi ng mga binti niya. Sinipat niya ang sarili, tanging kumot lamang ang nakabalot dahil hubo't hubad sila pareho ng lalaking katabi niya. Magsisisigaw na sana si Strawberry nang mapansing nasa ibang lugar siya dahil sa hitsura ng magarang silid.
Magkaganoon pa man ay mabilis na inapuhap ni Strawberry ang mga nagkalat niyang damit. Kasabay ng pagpatak ng kanyang mga luha. Nakita niya ang puting panyo sa ibabaw ng side table at itinakip niya sa kanyang mukha. Ginawa niyang face mask ang panyong iyon upang hindi siya makilala ninuman. Pagkalabas niya ay mas lalong namangha ang dalaga dahil sa laki ng bahay. Mahirap lang siya subalit alam niya kung anong uri ang bahay na kanyang kinaroroonan. Nahigit ni Strawberry ang kanyang hininga nang makakita siya ng apat na katulong. Natigilan ang apat na katulong na nakatingin sa dalaga. Napapikit si Strawberry at kumaripas ng takbo. Sa pagtakbo ng dalaga ay nabangga ito sa isang katawan ng isang lalaki. Pag- angat nito nang kanyang mukha ay nanlalaki ang mga mata ng nabangga nito.
"Who are you?" nagtatakang tanong ng lalaki.
Hindi sumagot si Strawberry bagkus ay muli itong tumakbo. Nagkandaligaw- ligaw na ang dalaga kung saan ang labasan ng bahay na iyon. Nang makitang tila bumukas ang maindoor ay walang sinayang na sandali si Strawberry. Kailangang makaalis siya sa bahay na iyon sa lalong madaling panahon. Sa pagkalabas ni Strawberry ay nakamaang na nakatingin sa kanya ang hardinero, driver at mga guwardiya sa kanya. Bago pa man hulihin ng kung sino man si Strawberry at pagbintangang magnanakaw dahil sa hitsura nitong parang Ninja ay walang pakundangang nagtatakbo ito palabas ng malaking gate.
Sa paglabas nito ay mga kislap ng mga kamera at mga katanungan ng mga nagkukumpulang media sa harapan ng bahay ang bumungad sa kanya. Kaya mabilis na iniharang ni Strawberry ang mga palad nito pansangga sa mga kislap ng kamera sa kanyang mukha.
"Miss, bakit kayo nagmamadali? Sino ang karelasyon mo sa dalawang anak ng bilyonaryo sa Mansiyong iyan?" tanong ng isang reporter.
Natigilan si Strawberry at kagyat na muling napalingon sa Mansiyon. Napadilat ito dahil totoo ngang Mansiyon ang kanyang pinanggalingan.
"Miss, bakit tila nagmamadali ka? May nangyari ba sa loob? Ipinagtabuyan ka ba? Sino sa kanila ang nagtaboy sa'yo?" tanong na naman ng isa pang reporter.
"Sino sa kanila Miss? Ang cold blooded ba na anak nila o ang playboy na bunso?" tanong ng isa pa.
Hindi makasagot si Strawberry kaya napapikit na lang ito at buong lakas na hinawi at tinabig ang mga reporter. Sige sa pagtakbo nito kahit masakit pa rin ang buo niyang katawan. Hinabol ng mga media ang dalaga subalit dahil mas mabilis na kumilos si Strawberry ay nakalayo ito kaagad. Nakahinga ang dalaga at hingal na hingal nang makarating ito sa sa subway. Pinara niya kaagad ang taxi na paparating upang makalayo na siya roon nang tuluyan. Hapong- hapo ito na napasandal sa passengers seat kasabay ng pagtanggal nito sa takip niya sa mukha. Humugot ito nang malalim na hininga at napapikit. Nasapo ang sariling noo at gusto niyang maglupasay ng iyak sa mga sandaling iyon. Hindi na siya malinis na babae, wala na siyang maipagmamalaki sa magiging asawa niya balang araw.
Ilang minuto lang at nakarating na si Strawberry sa kanyang tinitirhan. Pumara siya ng tricycle dahil ayaw niyang maglakad papasok sa eskinita hanggang sa bahay niya. Nakakatiyak siyang marami na ang gising na kapitbahay niya. Mamaya pa ay ma- issue ang dalaga at makarating sa Unibersidad na pinapasukan niya. Mabuti na lang at tila malinis ang lalaking nakasama niya. Nasa ayos ang mga gamit ni Strawberry kaya madali lang niya iyon nadampot sa pag- alis niya. Napatingin ito sa hawak niyang panyo. May nakaburdang initial na letra na nakalagay roon. Mapait na napangiti ang dalaga at pinilit na muling makatulog kahit saglit lamang.
Samantala, paggising ni Spencer ay wala na ang babaeng nakaulayaw niya kagabi. Napakunot- noo ang binata at napakamot ito sa kanyang batok. Bumangon ito at nagsuot ng damit saka dumiretso sa bathroom. Biglang nagbalik sa kanyang isipan ang eksena nila ng babae kagabi. Kung kaya't nagmamadaling lumabas ang binata mula sa loob ng banyo. Inayos niya ang kanyang kama upang matigilan nang makita ang dugong nasa sapin ng kanyang higaan.
"Sh*t! She's virgin!" bulalas ni Spencer.
Napaupo ang binata sa gilid ng kama nito at hinilot- hilot ang sariling sentido. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin. That is the first time na nakaulayaw niya ay isang birhen pa. Masaya ang binata na may pagmamalaki sa kanyang puso subalit naroon din ang pangamba lalo na kung menor de edad pa ang babae. Mabilis na inabot ni Spencer ang selpon nito at nag- dial.
"Butler, I want you to find someone for me. I will text you the details and pictures." Wika ng binata.
Pumayag ang nasa kabilang linya kaya agad na ibinaba ni Spencer ang kanyang selpon. Napangiti ang binata, mabuti na lang at nakuhanan niya ng litrato kagabi ang babae. Ngayon lang napansin at natitigang mabuti ng binata ang mukha ng babae. And he's really sure that the girl was young. Muling napamura si Spencer at bumundol ang kaba sa dibdib nito. Kung kaya't mabilis na lumabas ang binata upang mag- agahan kahit papaano. Hindi naman siya gaanong lasing kagabi kaya naalala pa rin niya ang mga ginawa nila ng babae. Nadala lang talaga ang binata sa gamot na inihalo ni Austin sa alak na ipinainom ito sa kanila. At alam ni Spencer na ganoon din ang babae nga lang ang pagkakaba nila, nalasing ang babae. Muling napangiti si Spencer nang maalala ang pangalan na sinabi ng babae, alam nitong hindi iyon ang totoong pangalan ng dalaga.
Nasa hapag na si Spencer nang lumapit ang kapatid nito na nakangisi. Inirapan lang ito ng binata sabay higop ng kape.
"Guess what?" wika ng kapatid nito.
"What?" bantulot na sagot ni Spencer.
"I think, may inuwi kang babae kagabi!" nakangising turan ng binata.
Napaayos ng upo si Spencer. Halos maubo ito sa ininom na kape.
"Paano mo nasabi?" pagkukunwari nito.
"Spencer, huwag ka ng magkaila. At kahit magkaila ka, malalaman pa rin." Wika ng kapatid nito sabay tingin sa mga cctv camera.
Napapikit si Spencer, nakalimutan niya palang tadtad ng cctv camera ang Mansiyon. At naalala na rin niyang last warning na nga pala niyang magdala ng babae sa kanilang bahay. Napakagat labi ang binata habang tawang- tawa ang kapatid nitong nakatingin sa kanya.
"You know the rules my brother! You can goodbye on your status as a single!" tudyo pa ng kapatid nito.
Marahas na napatayo si Spencer.
"Shut up!" angil ng binata sabay iwan sa kapatid nito.
Inis na nagpunta si Spencer sa hardin at naupo sa may kubong naroon. At noon lang napansin ng binata na kakaiba kung makatingin ang mga katulong sa kanya. Maging ang dalawang hardinero at mga iba pang naroon. Napatingala ang binata na parang pinagsakluban ito ng langit sa mga sandaling iyon. Kagyat na nakadama ng inis at galit si Stephen kay Austin. At ipinapangako niyang malilintikan ang lalaking iyon kaoag nagkita sila. Kung hindi nito nilasing ang babae, at kung hindi nito nilagyan ng bawal na gamot ang kanilang ininom ay hindi niya madadala ang babaeng iyon sa Mansyon. Hindi niya lang kasi napigilang hindi makialam sa kaharutan ni Austin kagabi. Lalo pa't tila inosente ang babae na nakikita naman sa mga kilos nito. Hindi niya maintindihan kung bakit may tila nag- udyok sa kanyang saluhin ag dalaga. Noon lang siya nakialam sa mga trip ni Austin na dati ay wala siyang pakialam. At ngayon, haharapin niya ang kakalabasan ng kanyang nagawang kapangahasan. Dahil ito na nga ang kanyang last warning mula sa kanilang ama. Na alam niyang magbubunga ng malaking impact sa kanyang pagkatao kapag nalaman na ito ng kanilang ama. Hindi iyon imposible, at baka nga mamaya ay ipatawag na siya ng Don.