NAGTAKA siya kung bakit maraming pulis sa labas ng kumpanya nila. Agad niyang hinanap si Danny, tiyak na ito ang nakakaalam sa mga nangyari pero hindi niya ito nakita. Tumuloy siya sa loob ng opisina nito pero ibang taon ang nakita niya doon. Ang kanyang ama na matagal nang patay. Si Benny Ocampo. Ngumiti ito sa kanya pero hindi pa rin siya makagalaw sa kinatatayuan. Minumulto ba siya ng ama? Pinagpawisan siya ng husto habang nakatitig lang ito sa kanya.
“Anak ako ito, ang Papa Benny mo.” Turan nito sa kanya.
“Buhay ka?” tanong niyang hindi mapigilang mapangiti. Kahit matanda na ito bakas pa rin ang kagwapuhan nito at hindi niya masisisi ang nanang niya kung bakit ito ang minahal.
Ngumiti ito sa kanya. “Oo, hindi ako patay. Nagtatago lang ako sa inyo. Nitong nakalipas na buwan nagpasya akong magpakita na kay Danny nang malaman ko na nakita ka niya.” Masaya nitong kwento.
“Si Danny?”
“Oo anak, siya ang nagtago sa akin. Inutusan ko siyang itago niyang buhay pa ako hanggang hindi pa nahuhuli ang gustong magpapatay sa akin. Ako rin ang dahilan kung bakit napunta sa kanya ang lahat na para sana sayo.” Turan pa nito. Nalilito siya sa sinabi nito. Hindi niyo ito magets.
“Inutusan niyo si Danny at sinong gusto magpapatay sayo?” sunod-sunod niyang tanong.
“Nakakulong na si Tita Loida mo at Lucas. Sila ang nagtaka sa buhay ko at kumitil sa ibang tauhan natin. Sinadya nilang sunugin ang pabrika natin. Iyon ang naging dahilan ko kaya ako nagtago. Hinanap ko ang nasa likod ng lahat ng ito at kaya ko inutusan si Danny na kunin lahat sayo dahil marami ng perang nadispalko si Loida, mapaglinlang sila anak. Lahat gagawin nila para mawala sayo lahat at hindi ko yun hahayaan.” Pahayag nito sa kanya. Niyakap niya ang ama sa sobrang tuwa.
“Bakit hindi niyo agad sa akin pinaalam? Akala ko hanggang picture nalang kita makikita.” Umiiyak niyang pahayag.
Hinagod nito ang likod niya. “Ayokong may masamang mangyari sayo, tiyak mo hindi mo gugustuhin na hindi mo ako makasama sa iisang bubong kapag nagkataon.” Sagot nitong namamaos ang boses. “Thanks to Danny dahil hindi siya sumuko na hanapin ka.” Sagot nitong nakangiti. Buhat sa sinabi nito ay napakalas siya sa ama.
“Pa, nasaan si Danny?” tanong niya dito.
“Do you love him?” tanong nito na ikinagulat niya. “Alam ko ang lahat ng tungkol sa’yo Conchita. Lahat ng tungkol sa’yo ay detalyadong sinasabi ni Danny. Sinabi niya rin sa akin na mahal ka niya at tapat ang hangarin niya.” Dagdag pa nito.
Hindi niya mapigilang maiyak sa sinabi ng ama. May basbas na pala ito sa pagmamahalan nila.
“Pero Pa, nag-away kami ni Danny kagabi. Masasamang salita ang sinabi ko sa kanya. Hinusgahan ko siya.” Turan niya pa.
“Kaya pa’la malungkot ang mokong.” Papangiti nitong turan. “Kayo talagang mga kabataan.” Papailing nitong sagot. “Kanina nasa presinto siya, puntahan mo nalang sa bahay niya.”
Napangiti siya sa sinabi ng ama.
“I love you pa.” nakangiti niyang turan. Muli niya itong niyakap. “Kung sakali na hindi ako mapatawad ni Danny, tutulungan niyo ba ako?” tanong niyang nag-aalala.
“Para saan pa at naging anak kita. I want you to be happy Conchita at kung kay Danny ka sasaya, sino ba naman ako para tumutol? Kaya sige na, puntahan mo na si Danny baka mamaya maisipan pang mamundok.” Biro nito sa kanya. Malutong na hinalikan niya ito sa pisngi at agad na nilisan ang opisina nito.
NAKAKULONG na nga si Tita Loida at Lucas dahil sa ginawa ng mga ito nang daanan niya ang mga ito sa presento, akala niya kasi nandun pa si Danny pero wala na pala.
“Ate?” tawag sa kanya ni Martina. Hindi niya mapigilang maawa dito, mabait naman ito sa kanya. Nilapitan niya ito. “Ako na ate ang humuhingi ng tawad sa nagawa ni Kuya at Mama.” Turan nito sa kanya. Hinaplos niya ang mukha nito.
“Wala kang kasalanan.” Nakangiti niyang turan.
“Meron ate,” sagot nito kaya natigilan siya. “Ako ang inutusan ni kuya na lagyan ng sleeping pills ang inumin mo. Plinano nila ni mama para makita kayo ni Kuya Danny.” Sagot pa nito habang umiiyak. Si mama rin ang nag-utos kay Kuya na gawin yun para maghiwalay kayo ni Kuya Danny.” Pag-amin pa nito sa kanya. “Sorry ate.”
Ngumiti siya atleast ngayon alam niya na ang totoo. Hindi niya magawang magalit dito. Biktima lang ito ng mga taong pera ang palaging nasa isipin. “Wala yun, basta wag mo ng susundin ang sasabihin ng kuya at mama mo baka sa susunod pati ikaw masaktan.” Sagot niya. “Teka, saan ka pala uuwi?” nag-aalala niyang tanong.
“Sa apartment po namin.” Sagot nito kaya naawa naman siya.
“Gusto mo bang sumama ka nalang sa akin? Dun ka’na sa bahay umuwi kasama ako at si Papa.” Turan niya pa. Gumihit ang ngiti nito sa labi at niyakap siya nang mahigpit.
MALAKAS ang kaba ng puso niya ng buksan niya ang pintuan ni Danny gamit ang kanyang spare key. Gusto niya sanang puntahan agad ito pero hindi niya nagawa dahil hinatid niya pa si Martina sa bahay nila. Kaya gabi niya na ito napuntahan. Tahimik siyang pumasok sa loob ng bahay nito. Madilim ang buong kabahayan. May naaninag siyang mga nakakalat na bote ng alak sa sahig, beer at kung anu-ano pa. Binuksan niya ang ilaw dahil wala siyang makita sa loob ng bahay at tanging nakakalat lang ng kung bote. Tumambad sa kanya ang nakahigang si Danny sa sahig. Agad niya itong dinaluhan. Lasing na lasing ito at nakahiga sa sariling suka. Hirap na hirap siyang ibangon ito pero pinilit niya pa rin. Hinila niya nalang ito hanggang sa silid nito. Pabagsak niya itong inihiga. Umungol ito sa tindi ng kalasingan. Tinanggal niya ang tshirt at short nito na may suka. Pinunasan niya nang maligamgam na tubig ang katawan nito para mawala ang kalasingan.
“I’m sorry Danny kung dahil sa akin kaya ka naglalasing.” Turan niya dito habang hinahaplos niya ang mukha nito.
“Co-nchita.” Ungol nito. “Ma-hal kita, maniwala ka nam-an.” Turan nitong nagpapabaling-baling ang ulo. Hindi niya mapigilang hindi maawa sa lalaki. Bumagsak ang mga luha niya sa narinig.
“Naniniwala ako Danny.” Sagot niya kahit na alam niyang malabong marinig siya nito. Ginagap niya ang kamay nito at dinala sa mga labi. “Kailanman hindi ka nawala sa puso ko. Ikaw lang ang pinakamamahal ko at pinakamahalagang tao sa buhay ko. I don’t want to lose you..” Dagdag niya pa.
MABIGAT ang ulo nang imulat niya ang mga mata. Hindi niya na matandaan kung ilang alak at beer ang nainom niya. Basta ang alam niya nagsuka siya kagabi. Napatingin siya sa bewang niya nang makita niyang may kamay ng babae. Nilingon niya ang katabi. Walang iba kundi si Conchita. Himbing na himbing pa rin ito sa pagkakatulog. Wala siyang maalala kung bakit ito nandito sa bahay niya. Inalis niya ang kamay nito at tumayo nang magising ito. Agad itong bumangon at sumunod sa kanya. Malinis na ang bahay niya na kagabi lang ay parang dinaanan ng bagyo.
“Anong ginagawa mo dito?” matabang niyang tanong na hindi nakatingin dito.
“Bakit wala ka sa bahay?”
Napakunot-noo ito. “Para saan pa, nagawa ko na ang parte ko and its time for me para ayusin ko naman ang sarili ko.” Pahayag niya.
“Bakit hindi mo sinabi sa akin na buhay si Papa? Na lahat at ginawa mo para sa ikabubuti ng lahat. Sana hindi ako namumuhi sayo. Sana naiintidihan kita.” Turan pa nito. Napangiti siya ng pagak sa naging sagot nito.
“Mahina ang puso mo Conchita, konting paawa lang sayo ni Tita Loida agad kang bumibigay. Sa tingin mo kapag sinabi ko sayo na buhay ang Papa mo malalaman naming kung sino ang nagbalak na pumatay sa kanya?” pahayag niya pa. Maging siya ay nabigla nang malaman niyang buhay ang amain. Nagulat pa siya nang madatnan niya ito sa loob ng bahay niya. Ayon sa kwento nito sa kanya, nakaligtas raw ito sa sunog dahil nakita nitong may bumuhos ng gas sa mga tela. Nakipagbuno ito sa taong iyon at nagawa naman nitong talunin iyon pero huli na dahil nasindihan nito ang mga tela at agad na nagliyab ang mga yon. Nagawa pa nitong isuot sa lalaki ang magkakakilanlan nito tulad ng singsing at kung ano pa at iyon nga pinacrimate nila.
“Kailan mo pa nalaman?”
“Nang araw na mag-away kami ni Lucas.” Walang gana niyang tugon.
“At nagawa mo akong saktan para lang sa drama niyo ni Papa?” Sagot pa nito kaya natigilan siya. “Nandito ako dahil gusto kong pag-usapan natin ang lahat. Naiintidihan ko ang ginawa mo.”
“Bakit may dapat pa bang mag-usapan? Saka hindi ba tinapos mo na ang lahat sa atin, ayaw mo na at ayaw mo na ring maniwala. Ano pa ang kwenta ng pag-uusap natin.” Turan niya pa. Natahimik ito dahil sa sinabi niya.
Mayat-maya pa ay narinig niya ang paghikbi nito. “Sorry na, Dan.” Pakiusap nito sa kanya na parang bata. “Nasaktan lang kasi ako nang makita kong may kahalikan ka sa opisina mo.” Dagdag pa nito.
“Hindi ka’na masasaktan pang muli Conchita dahil lalayuan na kita. Ayoko nang maging kumplikado pa ang buhay mo dahil sa akin.” Turan niya pa. Pumasok siya ng banyo at nagsipilyo pero sumunod pa rin ito sa kanya, likas talaga na makulit ito.
“Diba sabi ko sayo kung nasaan ka dapat nandun din ako? Kailangan mong tuparin yun Danny.” Sagot pa nito. Tiningnan niya ito mula sa salamin. Nakatitig ito sa kanya habang nagtotoothbrush siya. Agad niyang tinapos ang pagtotoothbrush para makausap ito.
“Paano kong ayoko?” sagot niyang tinitigan ito. Lumaban ito ng titig sa kanya kung pwede ka nga lang na halikan niya ito ginawa niya na.
“Pwes hindi ako aalis sa bahay mo. Hindi ka naman kumplikado sa buhay ko dahil ikaw lang ang hero ko diba? Nilagtas mo ako sa kamay ni Tita Loida at Lucas.” Pahayag pa nito. Umasim ang mukha niya nang marinig niya ang pangalan ni Lucas.
“Bakit ka nga pala nandito? Diba nasa presento si Lucas? Bakit hindi siya ang puntahan mo?” pasaring niya dito.
“Hindi ko siya mapapatawad. Nagsisinungaling lang ako noon nang sabihin ko na nasa labas siya. Hindi pa ako nababaliw para muli siyang pagkatiwalaan at isa pa nalaman ko na nilagyan ng pampatulog ang iniinom ko para hiwalayan mo ako.”
Natigilan siya sa sinabi nito. “Nagseselos ka ba?” tanong nito sa kanya kaya hinarap niya ito.
“At bakit naman ako magseselos?”
“Eh bakit nanlalaki ang butas ng ilong mo? Tama ka wala kang dapat na ikaselos dahil ikaw ang mahal ko, ikaw lang Danny.” Turan nito kaya natigilan siya. “Salamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin, para kay Papa at para sa kumpanya. Kung hindi dahil sayo sana lahat ng yun ay nawala na sa akin.” Pahayag pa nito.
“Kung dahil sa mga yan kaya mo ako mamahalin ulit makakaalis ka’na.” taboy niya dito.
“Bingi ka ba o ayaw mo lang intindihin? Mahal kita Attorney Danny San Miguel, mahal na mahal.” Naiinis na nitong turan sa kanya kaya napangiti na siya.
“Hindi pa rin ako naniniwala.” Pagmamatigas niya.
“Okay, fine, then will you marry me?” sigaw nito sa kanyang nanggagalaiti na. Napatakip siya ng tenga sa sigaw nito.
“Hindi ko maintindihan.” Sagot niyang napapangisi. Nabigla pa siya nang kabigin siya nito at siniil ng halik, wala siyang nagawa kundi ang tugunin ang halik nito. Mas mapusok at maalab.
“Ano naniniwala ka’na?” nanlalaki ang matang tanong nito sa kanya nang maghiwalay ang mga labi nila.
“Isa pa pa nga.” Sagot niya ng bigla siya nitong sinimukhaan ng suntok
“Pa hard to get ka pa, bibigay ka naman agad.” Mataray nitong turan sa kanya.
“So, payag kang pakasal sa akin?” paninigurado niya pa.
“Ako na nga ang nagproposed diba?”
Napangiti siya sa sinabi nito. Hinapit niya ito sa bewang at muling siniil ng halik. “Akala ko nakalimutan mo na ako at totoong hindi mo na ako mahal.” Pahayag niya pa. Hinawi niya ang nakatabig na buhok nito at pinagmasdan ang maganda nitong mukha.
“May rason naman ang lahat diba kung bakit mo ako sinaktan? Alam ko na ang lahat, sinabi na sa akin ni Papa. All I want now is you. Ibalik natin ang nakaraan Danny. Wala namang nagbago sa pagmamahal ko sayo. Labis lang akong nadala sa lahat kaya nasabi kong hindi na kita kayang mahalin.”
“Oo, Conchita. Ang lahat ay may dahilan. Kung ako lang ang masusunod ayokong saktan ka. Hindi mo lang alam ang sakit na nararamdaman ko sa tuwing nakikita kong nasasaktan ka dahil sa ginagawa ko. I’m so stupid hurting you.”
“Mahalaga pa bang pag-usapan natin ang nakaraan? Bakit hindi natin pag-usapan ang kasal natin?” nakangiti nitong pahayag.
“That’s a good idea.” Nakangiti niyang sagot. Napahiyaw ito nang kargahin niya. Pinaupo niya ito sa kandungan niya bago siya umupo sa mahabang sofa. “Gusto mo bang imbitahin natin ang buong katribu mo sa araw ng kasal natin?” turan niya dito. Alam niya kasing matagal na nitong namimiss ang mga kasama nito.
“Pwede ba iyon?”
“Aba oo naman, kung ikaw nga ay nadala ko rito sila pa kaya? I want you to be happy sa araw ng kasal natin at gusto kong masaksihan nilang lahat yun. Gusto kong malaman nila na ikakasal ka sa pinakagwapong lalaki sa buong mundo.” Nakangiti niyang turan.
“Sira!”sagot nitong napabungisngis. “Thank you for everything Danny. Hindi ko inakalang darating ako sa punto ng buhay ko ngayon. Mahal na mahal kita at gusto kong ipakita iyon sa’yo hanggang sa pagtanda natin.” Pahayag pa nito sa kanya.
“Salamat din dahil pumasok ka sa buhay ko. Ako man ay hindi ko inisip na mararating ko ito, na magiging masaya ako at magiging makulay ang buhay pag-ibig ko. You and I are meant to be together.” Pahayag niya sa nararamdaman. Wala nang makakatutol pa sa pagmamahalan nila. Magmamahalan na sinubok ng sakripisyo. Pagmamahalan na kailanman ay hindi kumukupas. Kung may hihilingin man siya iyon ay ang bigyan siya nang maraming pagmamahal para maibigay niya lahat kay Conchita. Sapat na siyang makita itong masaya, nakangiti at kontento pero higit sa lahat sapat na siyang nakikita niya itong masaya sa pagmamahal niya at sa magiging pamilya . Don’t give up and learn not to quit. Palaging may forever sa taong marunong maghintay.
END