When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Chapter 23 Raine ISANG napakalalim na buntong–hininga ang pinakawalan ko, pagkalipas ng ilang oras na paglalakad sa kagubatan. Sa wakas narating din namin ang bukana palabas sa makapal na kagubatan. Mabigat ang mga paa kong humakbang sa daan. Huminto ang mga kasama ko, at alam kong ito na ang hangganan ng kanilang pagsama. Pinilit kong ngumiti kahit ramdam ko ang kaba na bumibigat sa puso ko. Ngunit kailangan kong magpakatatag. Natatakot ako dahil hindi ko alam kung ano ang buhay na naghihintay sa akin sa siyudad. "Hanggang dito na lang ba kayo?" tanong ko, pilit pinapakalma ang aking sarili. "Oo, hanggang dito na lang kami, Dayang. Hindi na kami pwedeng magtagal. May mga Jeep na dadaan rito patungo sa terminal," sagot ni Ninay na sobrang nag–alala ang tinig. "Mag–ingat ka, Dayang,"