Kabanata 1
"Ang aga naman nyang t****k na nyan Christhel." sabi sakin ni mama habang nakahiga pa ko sa aking kama. Kakagising ko lang kasi at eto pinanunuod ko nanaman yung t****k vids ni doc kiel
"Para buong maghapon akong inspired ma,." sabi ko naman sa kanya
"Baliw ka na talaga jan sa tiktokerist na yan" sabi ni mama habang pailing iling pa
"Kahit sino Ma mababaliw dito kay doc kiel, tignan mo naman kasi para syang leading man sa mga pinapanuod ko sa mga k-drama at c-drama" sabi ko sa kanya habang pinapakita yung pictures ni doc kiel na nakasave sa phone ko.
"Tulad nga ng sinabi mo para syang leading man sa k-drama, edi malabo nga na mapansin ka nyan" sabi ni mama sabay talikod
"Maaaaaaaaa!! Bat ka po ganyan sakin?" pagtatampo kong sabi
"TUMAYO KA NA JAN! BUKSAN MO NA YUNG SHOP!" biglang sigaw ni mama sakin ng makalabas sya ng kwarto ko
Ano ba yan si mama napakabitter. Minsan na nga lang magkacrush ng parang leading man kinokontra pa ko parang di ko nanay e.
Tumayo na ko at dumiretso na sa cr, para maligo baka mamaya masigawan nanaman ako ng nanay kong kasing bitter ng ampalaya.
"kailangan ko na talagang magpadental check up, kelan nga ba yung huling pacheck up ko?" tanong ko sa sarili ko dahil di ko na matandaan yung date pero mahigit isang taon na din yun, sa sobrang busy ko sa shop hindi ko na nagawang bumisita sa dentist ko sumabay pang lumipat kami dito sa manila dahil nandito yung business ni mama na milkteahan ako yung taga tinda nya ta taga timpla. Hindi ko na nagawang makabalik kay dra, dahil sa bukod s busy ako, ang layo pa.
Nang matapos akong magayos bumaba na ko para umalis sana, palabas na ko ng pinto nang...
"Ano aalis ka nanaman ng di ka kakain Christhel Kate? kaya di ka na tumaba dahil jan sa ginagawa mo, tas magrereklamo ka na di ka na tumaba" sabi sakin ni mama kaya umupo na ko para kumain baka san pa mapunta tong sinasabi ni mama e.
"Opo ma, kakain na po ako."
"Nga pala kelan ka pupunta sa dentista mo? sasabay na ko"
"Ma, pano naman po ako makakapunta sa dentista ko napakalayo nung bulacan dito babyahe pa ko."
"Dami mong sinabi, pwede namang sabihin di ka pupunta" pangbabara sakin ni mama. Ayos talaga tong nanay ko hilig akong barahin e.
"Baka magpalit nalang ako ng dentista"
Biglang napalingon sakin si mama
"Wag mong sabihing pupuntahan mo yung doc kiel na sinasabi mo?" di ko naisip yun ah, pero imposible di ko nga alam kung san yun.
"Paano kaya ko makakapunta dun e di ko nga alam san clinic nun?"
"ANo ba yan, baliw na baliw ka dun di mo pala alam kung san pupuntahan, mahinang nilalang"
"Alam mo ma, hindi ko alam kung hadlang ka samin ni doc o sinusuportahan mo ko, kanina lang sbi mo sakin malabong magustuhan ako nun tas ngayon naman sinsabihan mo ko ng mahinang nilalang kasi hindi ko alam kung san sya pupuntahan. Ano ba talaga?"
"Kelan kita di sinuportahan aber? Saka bakit kita hahadlangan dun sa doc kiel mo e malabo naman maging kayo nun, ngayon pa nga lang di mo alam san pupuntahan yang doc kiel na yan maging kyo pa kya?" sabi ni mama, ayan nanaman sya kinokontra nanaman nya ko kay doc kiel
"Ewan ko sayo ma, aalis na nga ako makapunta na lang sa shop kesa kinokontra mo ko dito" sabi ko sabay tayo sa inuupuan ko
"mag ingat ka, tanga ka pa naman" biglang sabi ni mama sabay tawa
"Hay ewan ko talaga sayo ma, napakabitter mo."
"Whatever Christhel kate" ganyan kami ni mama para lang kaming magkapatid, nag iisang anak lang ako wala si papa iniwan kami sumama sa iba. kya si mama laang yung lagi kong kasama simula bata pa lang ako. Hndi kami mayaman, talagang nagtiyaga lang si mama na pag aralin ako. Business ad ang natapos ko kaya sakin pinapahandle ni mama yung maliit na negosyo namin ng milkteahan. Wala namna kaming ibang aasahan ni mama kundi kaming dalawa lang. Kya nagtutulungan kami.
Pagdating ko sa shop nagayos na agad ako, 10 am kasi ang open ng shop namin. Habang nagaayos ako ng tumawag si trixie ang pinsan ko.
"Hello"
"Oh bakit?"
"Aga aga sungit ah, hulaan ko inasar ka nanaman ni tita no" sabi ni trix sa kabilang linya
"Hay nako ano pa nga ba? Sinabi nanaman nya na wala daw akong pagasa kay doc kiel"
"KAsi naman insan di ka naman pinapansin nun diba sabi mo tuwing magcocomment ka sa mga t****k vids nya di naman napapansin?"
"Oo nga pero hindi naman ibig sabihin nun na di ako mapapnsin nun e"
"Tanga ka talagang bruha ka kahit kelan ka, ewan ko ba sayo kate."
"Oh e bakit nga ikaw napatawag, ano para lang sabihin yan?"
"Hindi, gusto ko sanang magpasama sayo sa dentist ko, nabanggit din sakin ni tita kanina na gusto mo magpalit ng dentist mo kasi malayo kamo jan senyo"
"Oo insan may alam ka ba?"
"Sakto dun ka nalang din sa dentist ko, kay Doc Escalante"
"Ay lalaki yung dentist mo?"
"oo bakit anong problema?"
" Ayaw ko baka magselos si doc kiel "
"Baliw ka na talaga, kala mo talagang kilala sya"
"O isa ka pa e, minsan na nga lang magkagusto sa dentist kontra pa."
"Yun naman pala e dentist naman pala yung crush mo bakit di ka nalang dun?"
"Kung alam ko kung san yung clinic nako, araw araw na kong nandun, kaso hindi e. Di ko kasi makita sa t****k acc nya, kiel nga lang name nun dun."
"Nu ba yan? Ang hina mo naman. o ano sasama ka ba?" tanong sakin ni trixie
"Kelan ba?"
" saturday pa schedule ko."
"O sgesge G ako. Sunduin mo na lang ako dito"
"Wow may tagasundo ka madam?"
"O wag na mag isa ka"
"Eto naman, oo na nga susunduin na kita. Pisti! Sge na bye na see you on saturday"
"Sge bye, ingat ka tanga kapa naman"
"gagu ka!" sabi nya sabay patay ng tawag
Siraulo talaga, ayaw nasasabihan ng tanga.
Habang naghihintay ako ng customer nag open ako ng t****k, pagkabukas na pagkabukas ko video agad ni doc kiel yung bumungad sakin. Gandang umaga naman neto. Video na nagssayaw kasama yung mga kaibigan nya, with caption na "2 weeks namin prinactice to sana maappreciate"
Habang pinapanuod ko di ko mapigilan di mapangiti.
"Ang swerte ng mapapangasawa mo doc kiel' sabi ko sa sarili ko ng biglang
"Sinong Kiel naman yan?" Bungad ni zach sakin ang bestfriend kong napakatagal kong di nakita san kaya nanggaling tong hinayupak na to.
"Pakialam mo ba?"
"Ang sunget naman ng Christhel Kate na yan"
"ANo bang ginagawa mo dito? matapos kang di magpakita ng ilang buwan bigla ka nalang susulpot dito na parang walang nangyari ah." pagmamaktol kong sbi sa kanya, sobrang nagtatampo ko sa kanya dahil di sya nagpaalam bigla nalang di nagparamdam.
"E kasi ho pinapunta ko ni dad sa states para ayusin yung business na iiwan nya sakin"
"E bakit bumalik ka pa? Dapat nagstay ka nalang dun." sabi ko sa knya sabay talikod sa kanya
"Edi namiss mo ko kung di na ko bumalik, "
"Ikaw mamimiss ko? Parang hindi naman Zachary"
"Talaga ba?"
"Oo hindi"
"Ano ba yan, may dala pa naman ako para sayo." sabi nya sabay ngiti ng napaka lawak
"Di mo na ko madadaan sa mga ganyan mo zach tigilan mo ko"
"Talaga?? kahit sabihin kong may dala kong kiamoy yung paborito mong candy at sobrng tagal mo ng hinahanap?"
Natahimik ako, jusko lord tulungan nyo po akong iligtas sa patibong ng lalaking to. Hindi po pwedeng dahil lang sa kiamoy ay tumiklop ako.
"Nasan patingin nga" sabi ko sa knya wala na kiamoy lang katapat mo Ck.
"Eto oh" sabay abot nya ng isang paper bag at may laman na dalawang jar ng kiamoy
"OMG! NAmiss ko talaga tong candy na to, sobrang tagal ko ng di nakakakain neto" sabi ko habang yakap yakap yung dalawang jar nung candy
"So ano bati na tayo? Di ka na galit sakin?" tanong nya sakin habang nakangiti
"pagiisipan ko pa, kala mo naman ganun kadali yun ilang buwan kang nawala? 6 months yon zach, tapos wala manlang paramdam. Nasan ang puso mo ha? Parang di mo ko bestfriend ah." sabi ko sa kanya sabay amba ng suntok
"Oh teka" sabi nya nung aambahan ko sya ng suntok "SOrry na, sorry na"
"Sorry ka jan"
"Sprry na kasi CK di na mauulit, wag ka ng magtampo jan pakiusap naman."
"Hmm osge na nga" sabi ko sa kanya, bigla naman nya kong niyakap.
"o teka di ako makahinga." awat ko sa kanya,
Di ko napansin na may customer palang dumating kung di pa to lumapit sa counter
"Miss, anong best seller nyo?" sabi nung lalaki habang nakatalikod ako inaayos yung kiamoy na bigay skin ni zach
"Okinawa Cream....." naistatwa ako pagharap ko, totoo ba to?
"Miss?"
"Zach pakikurot nga ako" sabi ko sa katabi ko na busy sa cellphone nya yata
"ha?" takang tanong ni zach
"Pakikurot kako ako, baka nananaginip lang ako e"
"nananaginip ng ano" ay pisti daming tanong, tinignan ko sya ng masama ng biglng
"ahhhhhhh aray ko" kinurot ako ni kiel
"Ayan miss di ka nananaginip, so ano pong best seller nyo?" tanong sakin ni kiel
"okinawa creamcheese, belgian choco frappe at tiger milktea doc kiel" nagulat naman sya dahil snabi ko yung name nya pero di nalang nya pinansin
"Osge 2 order ng oreo cheesecake" ay siraulo pala to e pasalamat to crush ko sya.
"Okay doc, total of 250 pesos" sabi ko sa kanya saka nya inabot yung bayad.
Habang ginagawa ko yung order nya di ko maiwasang di mapatingin sa pwesto nya may kasama syang isang babae na mukang kaedad nya. Girlfriend nya sguro, maganda yung babae, mahaba ang buhok, sexy ang katawan. Girlfriend nga sguro nya di malabo dahil kagusto gusto naman talaga yung babae at sa itsura ni docc kiel halos lahat magkakagusto sa knya.
"Hoy CK baka gusto mong bilisan jan, may iba pang customer" sabi ni zach sakin na kanina pa pala ko tinitignan.
"Ah oo eto na." sabi ko sa knya
after kong gawin yung order hindi ko sinerve sa table nila doc kiel yung order nila. Tinawag ko sya counter kahit dapat ay iseserve naman talaga.
"Doc Kiel here's your 2 oreo Cheesecake" sabi ko sa knya with my napakafake na ngiti
Tumayo naman agad sya at nagtungo sa counter kung san ako nakatayo.
"Kiel na lang Miss?" sabi nya ng makarating sa counter sabay tingin sa name plate ko.
"CK po" sabi ko naman
"AH okay Miss CK, Kiel nalang since wala naman ako sa clinic, thank you" ngiting sabi nya bago ako tinalikuran at kuhanin ang order nya.
Di ko alam kung san ako magtatago sa sobrang kilig dahil tinawag nya ko sa name kahit initials ko lang naman yun.
"myghad doc kiel, ay kiel pala. eto na ba yung epekto mo sakin?" sabi ko sa sarili ko
"Hoy CK ano ba ? Di matanggal yang ngiti mo jan?' sabi ni zach sakin
"Pakialam mo ba?" sabi ko s knya sabay simangot kunwari
"Para kang tanga alam mo ba yun?"
"Hindi, manahimik ka nga jan, kung tulungan mo nalang kya ako"
"Kilig n kilig ka napakasungit naman nung lalaki na yun" di ko nalang pnansin yng sinabi ni zach bahala na sya jan.
Sa sobrang saya ko di ko na napansin na umalis na pala si kiel at yung girlfriend nya, nalungkot naman ako sa naisip ko. May girlfriend yung crush ko, crush lang naman pero bakit ako nahuhurt dito. Pra naman akong tanga neto. Huhuhu Bakit ba ganito ang epekto mo sakin kiel.Pinilit ko na lamang alisin sa isip ko si doc kiel at yung girlfriend nya at naging abala nalang ako sa shop.
Nang dumating ang 8pm nagligpit n ko dahil uuwi na ko, 8pm kasi ang close netong store. Di ko pa pala nababaliktad yung sign na close sa pinto ng shop kaya may pumasok pa,
"Sorry po clos..." sabi ko at napatigil ako dahil sa customer na kaharap ko, si doc kiel ulit.
"Close na kayo Miss CK?" sabi nya
Hindi ko na nagawang ngumiti dahil bukod sa pagod na ko sa maghapon dito sa shop, naalala ko nanaman yung magandang itsura ng girlfriend nya.
"Yes po Doc kiel, oorder po ba kayo?" sabi ko sa knya
"Oo sana e" sabi nya sabay tingin sa menu board na nasa harapan nya
"Sge po, ano pong order nyo?" tanong ko sa knya
" Yung katulad nalang nung order ko knina, at please Kiel nalang, miss CK" sbi nya sabay ngiti
"Okay po" sabi ko at inayos na yung oreo cheesecake na order nya
"Bago lang ba tong shop nyo?" nagulat ako ng biglang magsalita si kiel sa pwesto nya sa malapit sa counter
"Yes po" matipid na sagot ko
"Oh kaya pala, nirecommend lang sakin ng isa sa mga patients ko tong shop nyo, masarap daw dito nabanggit ko sa kasi sa kanya na mahilig ako sa milktea. At muka ngang tama sya masarap naman talaga dito ganda pa ng ambiance nakakarelax" wala namang nagtatanong.
"Salamat po" sabi ko sa knya sabay abot ng Oreo Cheesecake na order nya
After kong iabot umupo sya sa table malapit sa counter, di pa umalis. Kaya nga nilagay ko sa takeout plastic yung order nya kasi akala ko for take out. tanga ko din kasi di ko tinanong kung take out or dine in.
"Miss CK, ilang taon ka na?" biglang tanong ni doc kiel sakin. Ano b to nagiinterview?
"24 po, and CK nalang po" sabi ko. AT di na ulit sya nagsalita.
Hanggang ngayon di pa rin maalis sa isip ko yung itsura nung girlfriend nya, sobrang ganda walang wala akong sinabi sa kanya. Maganda din naman ako sabi ng nanay ko.
Nawala ako sa iniisip ko ng biglang tumawag si zach
"Hello?"
"san ka?" tanong nya
"Dito pa sa shop why?"
"Sunduin kita, dinner tayo" bigla akong napangiti dahil sa sinabi nya sakto gutom na talaga ko.
"weh libre mo?" sabi k kay zach na kausap ko sa kabilang linya.
"Jan ka magaling sa libre e."
"oh edi wag na. Tagal tagal mong nawala e"sabi k na kunwaring nagtatampo, nang humarap ako sa counter ay nakita kong nakatingin sakin si kiel, umiwas na lamang ako ng tingin at tinuloy na ang pakikipagusap sa bestfriend ko.
"osya oo na , daanan kita jan ngayon magready ka na."
"osgesge, ayusin ko lang to mag out na ko" excited kong sabi
SAktong pagbaba ko ng phone ay ang pagtayo ni kiel sa kinauupuan nya.
"Thank you CK una na ko" paalam nya.
"Thank you" ngiti kong sabi sa knya
Pagkalabas nya ay dali dali na din akong lumabas at sinarado yung shop, late ko na napansin na hindi pa din pala umaalis ang sasakyan ni kiel. Pinagsawalang bahala ko na lamang, siguro ay may kausap pa sya sa knyang cellphone, baka yung girlfriend nya. Nagkibit balikat na lamang ako at saktong pagdating ni ZAch dali dali akong sumakay sa sasakyan nya. Nahuli ko pang binaba ni kiel ang bintana ng kanyang sasakyan at nakatingin sa akin.
"Sino yun?" tanong naman sakin ni zach
"Ah yung huling customer sa shop kanina. kakalabas lang din kasi nya." sagot ko naman sa knya
"Ah ganun, so san tayo?"
"ikaw bahala, ikaw naman manglilibre e" sabi nya sakin
"ganito nalang maagdrive thru nalang tayo, tas magpunta tayo dun sa favorite tambayan natin."
"Sgesge. pinagpaalam mo naman sguro ko kay mama"
"Syempre naman, ayaw ko kayang masermonan ni tita" takot pa din kay mama kawawang nilalang ahahaha
"buti naman kung ganun"
"miss ko na nga yung tambayan natin"
"Paano naman kasi sobrang tagal mo pong nawala, di pa nagpapaaalam" sabi ko sa knya saka ko sya inirapan
"O ayan nanaman tatampo nanaman. Kahit namna matagal akong nawala ikaw pa rin namna ang bestfriend ko e hindi magbabago yon" sabi nya na nakapagpangiti sakin
"Dapat lang no"
"Marami kang utang na kwento sakin sa tagal ko ba naman nawala sguradong wala kang napagkwentuhan nung mga nangyayari sayo sa arawaraw" confident nyang sabi.
Tama naman sya wala talaga kong napagkukwentuhan, dahil bukod sa knya wala naman na kong ibang pinagkakatiwalaan kundi ang mama ko at ang pinsan kong si trixie, kaso busy sila mama at trixie talagang sya lang ang may oras para makinig sa bawat kwento ko. Nung mga panahong wla sya sa t****k ko ginugol yung mga oras na dapat nagkukwentuhan kaming dalawa. Yun din yung panahon na nagkagusto ko sa isang lalaki na malabong magkagusto sakin dahil bukod sa t****k ko lang nakita at malayo samin ay may girlfriend pang napakaganda. Walang walang yung ganda ko na sinasabi ni mama hay nako.
"Hoy natahimik ka na jan" gulat na sabi sakin ni zach ng hindi ko masagot yung sinabi nya
"Ah oo madami kong ikukwento sayo, ikukwento ko sayo si doc kiel." excited kong sabi saknya, kahit wala naman talgang nakakaexcite dahil may girlfriend na ito.
"Doc Kiel? Sino naman yun?"' takang tanong nya
"E basta dun ko nalanh ikukwento sa may favorite tambayan natin" sabi ko sa knya
" Okay sge, anong order mo?" sabi nya nandito na rin pala kami sa mcdo drive thru
"Tulad nalang dati" sabi ko sa knya
" 2 shake shake fries, 2 mcfloat , 2 chicken yung thigh part po ah, tas 2 chicken burger din po" sabi ni zach sa crew sa drive thru.
Kilalang kilala talaga nya lahat ng gusto ko alam nya, lahat ng bawal sakin alam din nya. Mula bata ba naman magkasama na kami, si zach ay anak ng bestfriend ni mama kaya naging mag bestfrienf din kami. Yung pagiging magkaibigan nila mama at ng daddy ni zach ay nalipat saming dalawa. Nakakatuwa na hanggang ngayon wala pa ring nagbabago saming dalawa.
""tara na sa favorite tambayan" sabi ni zach
"tara na gutom na rin akoe " sabi ko naman sa kanyaa.
Nang makarating kami ay nagsimula na kong magkwento sa kanya, Simula umpisa kung pano ako napadpad sa profile ni kiel, kung paano ako nagpapansin sa comment mapansin lang ng ultimate crush ko hanggang sa malaman kng may gf sya, dahil sa nakita ko kanina sa shop.
"Sa dinami dami ng milktea shop sa manila, bakit naman sa shop ko pa pumunta? At sinong patient kaya nya yung nagrecommend ? Hay nako crush lang naman pero bat ganto epekto nun sakin?" malungkot kong sabi kay zach
"hayaan mo na yung CK , atleast nalaman mo na may gf sya. Ngayon tatanungin kita, Crush mo pa rin ba?" sabi nya sa kin kaya napalingon ako sa knya
"Oo " sabi ko saka nya ko binatukaan
"Oh ayan wala ka talagang kasing tanga no" medyo masakit yun ah, Saka kami nagtawanan na dalawa.