Maria's POV
Dahil nanggaling pa ako sa Bulacan ay kumuha na muna ako ng maliit na kwarto pansamantala, habang hindi ko pa nakukuha ang loob ni Alas. Dahil kung araw-araw akong ba-biyahe pauwi ng Bulacan at paluwas ng Muntinlupa ay magastos at nakakapagod.
Nanghingi rin ako kay Sir Dizon ng palugit para sa project kong hindi ko alam kung magagawa ko ba. Masyadong matigas at siga si Alas kaya natatakot ako sa kan'ya.
Mabuti na lamang at ang nakuha kong k'wartong maliit, para sa isang linggong pananatili ko rito sa Muntinlupa ay may mga gamit na. Pagkain na lang ang po-problemahin ko.
At nakatutuwa dahil ang tutuluyan ko nang panandalian ay mababait ang tao. Parang probinsya kung batiin nila ako kanina kahit hindi nila ako kilala.
Napangiti ako nang mapagmasdan ko ang picture ni Alas. Bagaman hindi siya naka-ngiti ay masasabi kong napakalakas ng karisma niya. Teka.. ilang taon na ba siya?
Agad kong binulatlat ang folder na naglalaman ng kaunting impormasyon kay Alas.
Nang makita ko ang edad niya ay nanlaki ang mga mata ko. Napabukas-sara ang bibig ko sa gulat. Bakit ang bata niyang tingnan? Hindi angkop ang baby face niyang mukha sa edad niyang 32.
Shit ka, Maria! Nagkaka-crush ka sa lalaking mas matanda sa 'yo ng labing-dalawang taon?
Napapikit ako sa inis pero agad ding napangisi. Wala namang masama, crush lang naman.
Nakatulugan ko na ang pagtitig sa picture ni Alas.
Kinabukasan ay agad akong nag-ayos ng sarili. Lalabas ako para mamili ng ilang pirasong damit at ilan pang pangangailangan sa katawan. Napagdesisyunan ko ring sa labas na lang kumain.
Nagpahatid ako kay manong driver ng tricyle na sinakyan ko sa pinakamalapit na mall. Nagbayad ako sa kan'ya bago bumaba.
Nakatutuwang tingnan ang mga tao sa paligid ko. Sa mga simpleng bagay lang ay nakakangiti na sila nang maluwang. Pero agad ding napawi ang ngiti ko nang may isang pamilya na masayang-masaya ang dumaan sa aking harapan. Alam kong masama ang mainggit pero... hindi ko maiwasan. Lalo na sa mga bata o kaibigan kong mayroong masayang pamilya.
Inabala ko na lamang ang sarili sa pamimili ng aking mga kailangan. Kumain na rin ako sa isang fastfood na pasok sa budget; Jollibee.
Pagkatapos nang nakakapagod na pag-ikot-ikot sa buong mall ay umuwi na ako at nag-take out na lang ng pagkain para sa tanghalian ko. Binilhan ko rin si Alas ng Jollibee chicken joy, fries, isang large coke, yumburger, at choco sundae.
Magugustuhan niya kaya ito? Baka itapon niya lang 'to at masampolan na naman ako ng kasigaan niya?
Pagdating ko sa inuupahan kong k'warto ay agad na akong naligo. Mabuti na lamang at may sarili itong banyo. Hindi na ako mahihirapan. Nag-ayos lang ako ng isang dress na lagpas tuhod ko pero humahakab sa katawan ko. Kulay maroon ito kaya labas na labas ang kaputian ko. Naglagay lamang ako ng simpleng make up at mas pinili kong ilugay ang buhok kong mahaba. Napangiti ako nang makita ang sarili sa salamin.
Pumara agad ako ng tricycle pagkalabas ko sa aking inuupahan. Bitbit ko na naman ang mga folder at isang shoulder bag for my personal things.
"Manong, sa bilibid po tayo," Sinuri pa ako ng driver bago pinaandar ang tricycle niya.
Ilang kilometro lang ang layo ng bilibid mula sa inuupahan ko kaya mabilis akong nakarating.
"Bayad ho." Abot ko ng fifty pesos sa driver na sinuklian naman niya ng limang piso.
Lumapit agad ako kay manong guard na siya muling bantay sa gate ng bilibid.
"Magandang tanghali po, manong. Bibisitahin ko po sana ulit si Alas." Nakangiti kong sabi na ikinatango niya lamang kasabay ng pagbubukas niya ng maliit na gate.
Agad akong pumasok sa loob at dumiretso sa visiting area.
"Magandang araw po. Bibisita po sana ako kay Alas." Naasiwa ako sa pulis na kinausap ko. Hindi siya ang pulis kahapon na nakaharap ko na palabiro. Ang isa na ito ay iba ang dating.
Kung kay Alas ay takot lamang ang nararamdaman ko dahil sa kasigaan niya, iba ang sa tao na ito. Pakiramdam ko, sa bawat hagod ng mga mata niya sa akin ay hinuhubaran niya ako. At sa klase ng kanyang mga mata, panganib ang dala nito.
"Anong pangalan mo, Miss?" tanong niya na ikinabahala ko.
"Maria po."
"Ilang taon ka na?" tanong niyang muli na ikinakunot ng aking noo pero minabuti ko na lang sagutin, dahil baka hindi pa niya ako papasukin.
"Twenty-three po," sagot ko, kahit twenty years old pa lang talaga ako.
"E, kaano-ano mo si Alas?"
"Boyfriend ko po siya." Natutop ko ang sariling bibig sa naging pagsagot ko. s**t, Maria!
"Sige, pasok ka na. Dalawang oras lang ang dalaw ngayon. Hindi p'wedeng sumobra. Pero bago ka makapasok, kakapkapan muna kita." Nakangisi niyang sabi na ikinabahala ko.
"Hindi po ako pumapayag na kapkapan n'yo ako. Kahapon ay dumalaw na ako rito, at nakapasok ako nang hindi kinakapkapan ng kahit na sino pang pulis dito." Taas-noo kong sabi sa kan'ya. Ramdam ko agad ang inis na dumaan sa mga mata niya pero ngumisi rin pagkatapos.
"Ako ang incharge ngayon na pulis dito. Ang bawat pulis ay may patakaran. At ang patakaran ko… kapkap muna bago makapasok ang mga dalaw."
"At pwede pong tumanggi ang kahit na sino sa patakaran n'yo. Babae po ako, lalaki ka. Hindi tama na ikaw ang kumapkap sa akin," inis kong sagot sa kan'ya.
Tantiya ko ay nasa beinte-sais pa lamang ang mayabang na pulis na ito, kaya malakas ang loob kong sagot-sagutin siya. Lalo na at alam kong bawal ang gagawin niyang kapkap, depende na lang kung ako ay talagang pinaghihinalaan sa isang kaso. Pero hindi, kaya magmamatigas talaga ako sa gusto niya.
"Magpapakapkap ka o iba-ban kita rito sa bilibid? Para hindi mo na mabisita at makita ang nobyo mong siga-sigaan dito?" Natigilan ako sa sinabi niya.
Kapag na-ban ako rito sa bilibid, paano na ang interview ko kay Alas? Paano na ako makaka-graduate?
Napakagat-labi ako sa kan'ya bago marahang tumango. Ngumisi siya nang maluwang at iminwestra ako sa isang gilid na wala masyadong dumadaan. Sumunod naman ako na puno ng takot at kaba, dahil baka kung ano ang gawin niya sa akin.
Napatingin ako sa bagong dating. Si Robin. Ang binatilyong naghatid sa akin kahapon sa k'warto ni Alas. Nakikiusap ang mga mata kong tumingin sa kan'ya, at nagpapasalamat ako na mukhang nakuha niya ang ibig kong sabihin dahil sa pa-simple niyang pagtango. Agad siyang tumakbo palayo para siguro makahingi ng tulong.
"Maria... kaygandang pangalan. Alam mo ba na wala ng laya si Alas? Habang-buhay na niyang yayakapin ang bilangguan na ito, dahil mamamatay-tao siya. Kaya kung ako sa 'yo, makipag-break ka na sa kan'ya." Nanginig ako sa takot nang dumapo ang malaki niyang kamay sa gilid ng bewang ko. Humahaplos, hindi kumakapkap.
Inilibot ko ang aking mga mata sa paligid. Ang ilang pulis na napapadaan ay napapailing na lamang sa ginagawa ng ka-trabaho nila sa akin, ni hindi man lang umaksyon o sitahin ang kasamahan nila.
Napayuko ako nang maramdaman ko ang isang kamay na pulis na umiikot papunta sa aking tiyan. Nagtaasan ang balahibo ko sa takot at kaba.
"Morales... Morales... ang ayoko sa lahat, pinapakialaman ang bisita ko." Isang tinig ang pumukaw sa akin at sa mayabang na pulis.
Agad kong itinulak at sinampal nang malakas ang pulis na nanghihipo sakin, na ikina-baling ng mukha niya. "Manyak!" Tumakbo ako sa tabi ni Alas. Nanginginig akong kumapit sa braso niya.
Nagsindi muna ng sigurilyo si Alas, gamit ang isang kamay niya. Humithit siya at binugahan ng usok sa mukha ang pulis na nanghipo sa akin.
"Ang dami mo ng kaso na panghihipo at pangmo-molestya ng kababaihan, bakit hindi ka pa makulong na tarantado ka?" maangas na tanong ni Alas.
"Apo ako ng heneral, baka nakakalimutan mo Alas," mayabang na sagot ng pulis. Bumaling pa ang matalim niyang mga mata sa akin na ikinatakot ko.
"H'wag kang pakasisiguro, Morales. Pagdating ng tamang oras, sa bilibid ka babagsak, putangina ka!" Hinagis ni Alas ang sigarilyo niyang may sindi pa, na tumama sa dibdib ng pulis, bago ako hinawakan sa braso at hinila palayo sa manyak na iyon.
Para akong papel kung tangayin ni Alas. Ano nga ba naman ang maliit kong katawan kumpara sa laki ng kaniya? Kayang-kaya niya nga akong ihagis kung saan, e.
Mabilis ang mga lakad namin, at halos lahat ng napapatingin sa aming mga pulis at preso ay puro pagkabahala ang nakikita ko sa mga mata nila. Nang sulyapan ko si Alas ay seryoso at halatang mainit na naman ang ulo.
Nang makapasok kami sa k'warto niya ay pabagsak niyang sinara ang pintuan na ikinatalon ko sa gulat. Marahas niyang binitawan ang braso ko na ikina-takot ko.
"Putangina! Sinabi ko nang ayokong naaabala ang oras o araw ko. Bakit nandito ka na naman?!" Galit niyang sigaw sa akin na ikinatakot ko. Lumapit siya sakin at halos magdikit na ang mga ilong namin. Gigil siyang bumanat na naman ng mga salita sakin. "Alam mo ba na ang nakaharap mo ay halang ang kaluluwa?! Alam mo ba na ilang babae na ang na-r**e ng tarantadong 'yon?! At bakit pumayag kang magpakapkap, ha?! P"wede kang tumanggi, kung gugustuhin mo!" Napaiyak na ako sa takot sa kan'ya.
"W-wala akong m-magawa. K-kasi sabi niya, iba-ban niya a-ako rito sa b-bilibid oras na hindi ako n-nagpakapkap sa k-kan'ya." Utal-utal kong pagsasalita, dala ng kaba at takot, kasabay ng impit kong pag-iyak.
For sure, rinig na rinig sa labas ng mga tao ang pang-aaway sakin ni Alas.
"Putangina! Bakit ba kasi bumalik-balik ka pa rito! Ngayon, delikado ka! Siguradong ikaw ang target ng gagong Morales na 'yon!" Napasuntok siya sa pader, dala ng galit at inis sa akin o kay Morales. Ang pulis na manyak.
"Sorry. G-gusto ko lang n-namang m-maka-graduate." Napailing siya sa sagot ko.
Napatingin ako sa isang kahang sigarilyo niyang hawak. Kumuha siya ng isang stick doon at sinindihan iyon. Hithit-buga na sunod-sunod ang ginawa niya.
"Dito ka matutulog ngayong gabi. Hindi ka pwedeng umuwi nang mag-isa, dahil siguradong aabangan ka ng Morales na 'yan!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Seryoso ka ba?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
"Mukha ba akong nagbibiro?!" Iritado niyang sigaw na naman sakin. "Kung ayaw mo, lumabas ka na ng k'warto ko! Magpa-r**e ka sa tarantadong pulis-pulisan na 'yon!" Sunod-sunod na iling ang sinagot ko sa kan'ya. "At panindigan mo ang sinabi mong boypren mo ko! Kalat na kalat agad sa buong bilibid ang ginawa mong tsismis! Ba't mo sinabi 'yon?! Ngayon, ikaw ang pag-iinitan talaga ng Morales na 'yan!" Napayuko na lamang ako sa hiya kay Alas. Atsaka ko napansin ang hawak kong isang supot ng jollibee.
"Ahm.. Alas, may dala nga pala akong pagkain para sa 'yo." Atubili kong sabi sa kany'a atsaka ipinakita ang supot ng jollibee na ikinasalubong ng kilay niya.
"Alas? Alas lang ang tawag mo sakin? Ilang taon kana?"
"Tuwenty."
"E, 'di dapat Kuya ang tawag mo sa 'kin! Malapit na ako mag-treinta y tres!" Tumango na lamang ako sa kan'ya. "Akin na 'yang pagkain na dala mo, pagsaluhan natin." Ngumiti agad ako nang marinig ang sinabi niya. Inabot ko sa kan'ya ang pagkain na dala ko at siya na mismo ang naghain no'n.
"Alas este... Kuya Alas... ilang taon ka nang nakakulong?" Wala sa sarili kong natanong sa kan'ya habang kumakain kami. Mabuti na lamang at isang bucket ng chickenjoy ang binili ko. Ang lakas niyang kumain.
"Isang dekada na akong nakakulong dahil napatay ko ang sarili kong tatay." Naka-kamay siya habang kumakain pero ang g'wapo niyang panuorin.
"Siguro naman... hindi mo sinasadya ang bagay na 'yon?" Alanganin kong tanong sa kan'ya.
"Hoy, Maria makiling! Tigil-tigilan mo 'ko sa paunti-unti mong pagtatanong na 'yan, a! Kumain ka na atsaka mo gawing pasyalan 'tong bilibid." Napairap ako sa kanya.
He's not really bad. I know.