PROLOGUE
"You know the rules; you're not allowed to have a relationship with anyone else while we're married. You must give me a child not to flirt with other men."
Gumapang ang kaba sa aking dibdib dahil sa boses ng lalaking nasa aking harapan ngayon.
Hindi ko alam ang rule, dahil hindi naman ako ang asawa na pinakasalan niya sa harapan ng altar. Pangalan ko lang ang gamit ng babaeng pinakasalan niya.
"Tandaan mo, Star hindi puwedeng malaman ng asawa ko na nagpapanggap ka lang. Kapag nangyari 'yon hindi lang ako ang mayayari kundi tayong dalawa. Kapag nangyari 'yon hindi mo na maipagagamot ang lola mo na nasa hospital." biglang sumingit sa isipan ko ang sinabi ni Starlet bago ako pumayag sa inalok niya sakin.
"Bakit hindi ka makapagsalita?" tinitigan niya ako na para bang kinakabisado ang aking mukha. Naningkit ang kaniyang mga mata. "Who are you?" dumagundong ang baritonong boses nito sa malawak na sala. Nagulat na lamang ako nang bigla niyang tawirin ang pagitan namin. Mabilis niyang sinakal ang aking leeg. Umiigting ang kaniyang panga.
Paktay!
Maiihi na yata ako ngayon sa aking salawal dahil sa sobrang takot. Nanginginig ang tuhod ko. Hindi lang tuhod kundi buong katawan. Hindi ko alam kung ano itong pinasok ko. Hindi ko alam na ganito pala siyang magalit. Hindi na nakakapagtaka iyon dahil sa tindig pa lang niya at sa hitsura niyang palaging nakakunot ang noo ay talagang matatakot ka sa kaniya.
Inaamin kong gwapo siya, pero hindi 'yon sapat para hindi kabahan kapag siya na ang kaharap.
He is Damon Arcanghel and I am the woman who pretended to be his wife.