When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Wala na ang mga lalaki ngunit hindi pa rin makaalis si Kath sa kinatatayuan. Nakapasok na rin ang mga bata sa kanilang munting bahay. "Oh Kath bakit hindi ka pa napasok. Kanina ka pa nakatulala diyan ah," untag ng ate na niya na papalabas naman sa kanilang bahay. Napatingin lamang din siya sa kanyang kapatid. "Naku Kath ha, masama iyan," anitong biro sa kanya. "Maraming bata ang gustong sumikat at maging artista. Itong opportunidad na ito para sa anak mo. Sunggaban mo na lang, bakit natatakot ka pa rin bang makilala ng anak mo ang tunay niyang ama?," dagdag pa ng ate niya. Napayuko siya sa sinabi nito. "Ops—sorry Kath. Wala akong intensyong saktan ka, hindi nga pala natin alam kung buhay pa ba siya o hindi," nanlulumong saad na rin nito.