Chapter 1
CHAPTER 1
“Miles, anak pasensya ka na kung hindi ka na namin kayang pag-aralin ng papa mo sa kolehiyo,” wika ni mama habang nakaupo siya sa upoan namin na kawayan. Naiintindihan ko naman si mama dahil alam ko naman na nahihirapan na sila. Mahirap rin kasi ang buhay namin dito sa probinsya kaya nagpasya na rin akong huminto na.
“Okay lang po ‘yon ma, naiintindihan ko naman po.” wika ko kay mama at tumabi sa kanya.
“Salamat anak at nauunawaan mo, mabuti na lang at may anak akong mabait na at maganda pa.” wika naman ni mama habang hinalikan ako sa noo.
“Si mama talaga binobola pa ako,” wika ko kay mama at niyakap siya.
Nang dumating si papa ay agad akong nagmano sa kanya.
“Kaawaan ka ng Diyos anak,” sabi ni papa pagkatapos kong magmano sa kanya.
“Armando, sinabihan ko na pala si Miles na tumigil muna sa pag-aaral.” wika ni mama habang binigyan si papa ng damit.
“Pagpasensyahan mo na anak ha, pero wag kang mag-alala sa susunod pagsisikap kung makapag-aral ka ulit.” Wika ni papa habang isinuot na ang kanyang damit na ibinigay ni mama.
“Okay lang po ‘yon pa, sa totoo po gusto ko sana mag paalam sa inyo ni mama na papasok muna ako bilang tinder ni tiya sa kanyang tindahan sa bayan.” paalam ko sa kanila.
“Pero anak, masyadong malayo ‘yon at baka mahirapan ka.” wika ni mama habang tumabi kay papa.
“Anak, bakit naman sa bayan ka pa mamamasukan pwede ka naman humanap ng trabaho rito.” sabi naman ni papa sa akin.
“Pa, ma, okay lang po ako roon kasi mabait naman po si tiya, at isa pa mabait naman po si tiya,” paliwanag ko sa kanila.
“Sige anak, basta mag-ingat ka roon, at kapag hindi mo kaya umuwi ka kaagad.” namilog ang aking mata ng marinig si papa, dahil pumayag na siya na mamasukan ako sa bayan.
“Ano kaba naman Armando. Alam mo naman na malayo ang bayan dito. Pinapayagan mo pa ang anak natin.” wika ni mama sa nagtatampong boses.
“Ma, pumayag ka na, para po makatulong rin ako sa inyo ni papa.” Niyakap ko naman si mama at nilambing ito para payagan na akong pumunta sa bayan.
“Sige, basta mag-ingat ka roon ha? At wag na wag mong pabayaan ang sarili mo.” Tumango ako kay mama at hinalikan siya sa pisngi.
“Asahan niyo po ma, magtatrabaho po ako ng maayos doon.” ani ko habang niyakap sila ni papa.
KINABUKASAN
“Anak mag-ingat ka roon ha? Tawagan mo agad kami ni papa mo kapag dumating ka na sa bayan.” wika ni mama habang pinupunasan niya ang kanyang luha.
“Ma, h ‘wag na po kayo 'ng umiyak uuwi naman po ako kapag may ipon na ako ma,” sabi ko kay mama habang yakap ko siya.
Narinig naman namin na aalis na ang bus papuntang bayan kaya agad na akong humalik kay mama at sumakay na. pag-alis ng buss ay napatingin ako kay mama habang nakatayo pa rin ito at nagpupunas sa kanyang mga mata.
Ako si Miles Reyes, eighteen na ako at kaka-graduate ko lang ng high school. Labing- isa kaming magkakapatid at ako ang panganay, kaya kailangan kong magsumikap para makatulong sa mga magulang ko.
Nang makarating ako kila tiya ay tuwang-tuwa ito.
“Miles, mabuti at nandito ka na, mabuti na lang pumayag si Armando at Doleres.” wika ni tiya habang pumasok kami sa loob ng kanyang bahay.
“ito pala ang makakasama mo sa tindahan Miles, si Darlyn.” Ngumiti naman ako sa babaeng pinakilala sa akin ni tiya.
“Hi!” aniya habang nakangiti sa akin.
“Hi,” sagot ko naman sa kanya.
“Oh Darlyn ikaw na ang bahala sa pamangkin ko bukas ha. Turuan mo rin siya sa mga presyo ng paninda natin.” ani tita.
“Opo ate Alicia.” sagot ni Darlyn sa kanya, habang inilagay ang aking bag sa aparador.
“Oh Miles, magpahinga ka, dahil bukas mag-umpisa ka na sa tindahan.”
“Opo tiya,” ani ko habang papalabas na siya sa kwarto namin ni Darlyn.
“Ilang taon ka na Miles?” Lumingon naman ako kay Darlyn at sinagot siya.
“Eighteen na ako ikaw?” sagot ko naman sa kanya.
“Beinte na ako.” aniya habang umupo sa kama.
Kinaumagahan ay maaga akong nagising at naligo dahil susunod sa akin si Darlyn at kailangan naming magmadali, dahil sabi ni Darlyn kailangan daw maaga kami magbukas ng tindahan.
“Miles, ikaw na muna ang magdala nitong mga barya kasi dadalhin ko pa ang pagkain natin.” wika ni Darlyn at inabot sa akin ang mga barya na nasa plastic. Tumango naman ako sa kanya at inabot ito.
Nang huminto ang sinasakyan naming tricycle ay nauna na akong bumaba at naglalakad papunta sa tindahan ni tiya dahil may kausap pa si Darlyn at alam ko naman ang papunta roon. Pero bigla na lang may bumangga sa akin kaya natapon ang hawak kong mga barya. Napahinto naman ito at tumingin sa akin.
“Hoy! Bakit mo ako binangga? Hindi mo ba nakikita may dala ako?” bulyaw ko sa kanya habang kumunot naman ang kanyang noo.
“You’re so small that’s why I can’t see you.” hindi ko naman mapigilang mainis dahil sa kanyang sinabi.
“Hoy! Mr. for your information 5’3 ako kaya matangkad ako!” sigaw ko pa sa kanya pero ang luko nakatitig lang ito sa akin habang may ngiti sa kanyang labi. Kaya lalo akong nakaramdam ng inis sa kanya.
“At anong tinitingin-tingin mo?” wika ko habang inumpisahan ko ng pulutin ang mga barya 'ng nalaglag sa daan.
“You need help?” Nag-angat naman ako ng tingin sa kanya at kinunutan ito ng noo, dahil bakit kailangan pa niyang itanong samantalang kasalanan niya naman ito. Kung hindi lang sana niya ako binangga hindi sana malaglag ang mga barya.
“Ano pang hinihintay mo? Tumulong ka na.” sabi ko sa kanya habang pinulot ulit ang mga barya. Tumulong naman siya sa pagpulot kaya hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya.
Ang tangkad niya at at nakasuot siya ng formal attire. Matangos din ang kanyang ilong at ang puti ng kanyang balat. Napakalinis niya rin tingnan at halata siyang mayaman.
“Are you fantasizing me?” napabalik ako sa aking ulirat ng marinig siya.
“Hoy! Miles kunin mo na ang inabot sa ‘yo ni pogi.” wika ni Darlyn na nasa tabi ko na pala.
“Nice name huh, can I have your number?” sabi pa niya habang nakangiti sa akin. Sinamaan ko naman siya ng tingin at hinablot sa kanyang kamay ang mga baryang nilagay niya sa plastic. Napa-iling naman siya habang nakatingin pa rin sa akin habang tumalikod sa kanya.
“Hoy, Miles ang sungit mo naman kay sir Ranz. Alam mo ba ang bait kaya niya. Lagi nga ‘yong bumibili sa tindahan.” wika ni Darlyn habang binubuksan ang pinto ng tindahan.
Hindi na ako sumagot sa kanya ta tumulong na lang sa pagbubukas ng tindahan dahil hindi rin naman ako interesado sa lalaki ‘ng ‘yon. Mukha rin siyang babaero.
Nang sumapit ang hapon ay nagpaalam sa akin si Darlyn na aalis kaya naiwan akong mag-isa sa tindahan. Hindi rin naman ako nahihirapan dahil wala naman gaanong bumili.
“Tao po!” agad akong tumayo at nilapitan ang lalaking nakatayo sa labas.
“Ano ‘yon? Tanong ko sa kanya pero nang tingnan ko siya ay bahagya akong nagulat ng makilala ito. Siya kasi ang lalaki kanina na bumangga sa akin.
“Hi, miss pretty.” wika niya habang may ngiti sa labi.
“Tse!” ani ko.
“Ang sungit mo naman baka gusto mo isumbong kita sa may-ari rito kilala ko pa naman ‘yon.” Wika niya habang nakangiti pa rin sa akin. Aba! Talagang ginagalit niya ako.
“Ano ba kasi sa ‘yo?” tanong ko sa kanya habang nakakunot ang aking noo.
“Ikaw.” sambit niya na lalo naman nagpapainit ng ulo ko.
“Ikaw? Kung wala kang bibilin pwede ba lumayas ka na.” madiin kong wika sa kanya at tatalikuran na sana siya.
“Hey! I’m joking, magpapaload ako.” aniya habang pakamot-kamot sa kanyang ulo.
Nilapitan ko naman siya at kinuha ang kanyang number. Pagkatapos kong magload sa kanya ay umalis naman ito at hindi na umimik pa. sira siguro ang ulo ng lalaking ‘yon kung ano-ano pang sinasabi magpapaload lang naman pala. Sa isip ko naman.
“Oh, Miles bakit nakasimangot ka?” tanong naman sa akin ni Darlyn ng makabalik na ito.
“Pa ‘no kasi may sira ulong bumili rito.” sagot ko naman sa kanya habang nilapitan ang ale na bibili.
“Talaga? Paano naman nakarating dito ang mga sira ulo eh, wala nama mga baliw na pakalat-kalat dito.” wika pa niya habang inaayos ang ibang paninda.
“Diko nga alam eh, paano nakarating ‘yon dito.” sagot ko naman sa kanya.
“Hay nako hayaan muna basta sa susunod h ‘wag mo nang pansinin baka babalik pa ‘yon dito, at h ‘wag kang mag-alala sasabihin ko kay ate Alicia na may baliw na pumunta rito. Hindi ko naman maiwasang mapangiti sa sinabi ni Darlyn. Dahil hindi niya alam na ‘yong lalaking sinabihan niya na mabait ang tinutukoy ko.
Bigla namang tumog ang phone na ginagamit namin para sa magloload kaya kinuha ko ito at tiningnan. Napatingin naman ako sa screen ng may nagtext dito.
091912345678: hi pretty.: bigla namang namilog ang aking mata ng mabasa ko ito paano niya nakuha ang number na ‘to? Malalagot ako kay tiya.
“Miles. Sino ba itong panay text sa cellphone na ginagamit natin sa tindahan?” tanong ni tiya habang pinipindot ang phone.
“Po, hindi ko po alam tiya.” ani ko habang napakamot sa aking ulo. Kapag nakita ko talaga ang lalaking ‘yon malalagot talaga siya sa akin.
“Sino kaya ito. Tawagan mo nga Darlyn ng makilala natin. Dahil hindi pangtext text ito.” wika niya sabay abot ng phone kay Darlyn.
Naka-ilang ulit na rin itong tinawagan ni Darlyn pero wala pa ring sumagot. Napapa-iling naman ako sa tabi habang tinitingnan sila.
KINABUKASAN….
Napatingin ako sa pagkaing nakalagay sa mesa ng tindahan. Tinanong ko naman si Darlyn kung sa kanya ito pero sabi niya hindi raw. Kinuha ko naman ito at tiningnan. mukha rin masasarap ang mga pagkain na nasa loob ng plastic wear at parang mamahalin.
“Kanino kaya galing ‘to Miles?” tanong ni Darlyn habang tiningnan ang mga pagkain.
“hindi ko nga rin alam Darlyn eh, at h ‘wag na lang natin kainin ‘to dahil baka may lason.” wika ko na kinatawan naman niya.
“Ano kaba walang lason ‘yan tingnan mo nga oh.” wika niya habang itinaas ang isang plastic wear na may lamang ulam.
“Sige na nga kainin na natin ‘to.” wika ko at binuksan na ang mga pagkain.
Napaisip naman ako kung sino ang naglagay nito rito sa tindahan, dahil sabi sa akin ni Darlyn ngayon lang daw may naglagay nito.
Lumipas pa ang mga araw at ganoon pa rin ang naabutan namin sa tindahan may pagkain pa rin na iniwan dito.
“Darlyn, sino kaya ang naglalagay ng mga pagkain dito.” ani ko.
“Hindi ko rin alam Miles. Pero alam mo may naisip ako.” Nilingon ko naman siya dahil sa kanyang sinabi.
“Ano naman ‘yon?” tanong ko sa kanya.
“Dito tayo matulog tapos babantayan natin bukas kung sino ang naglalagay ng pagkain.” Ngumiti naman ako dahil maganda ang sinabi niya.
“Sige magpapa-alam tayo mamaya kay tiya.” Ngiting wika ko sa kanya at tumango naman siya.
Pinayagan kami ni tiya na dito sa tindahan matulog kaya hindi na talaga ako mapakali na malaman kung sino ang naglalagay ng pagkain sa labas ng tindahan.
“Miles, pwede ba umupo ka muna. Ako ‘yong nahihilo sa ‘yo.” wika niya habang nakatitig ulit sa kanyang phone.
“Gustong-gusto ko na kasi malaman kung sino ang naglalagay ng pagkain dito.” wika ko habang umupo.
“H ‘wag kang mag-alala dahil bukas malalaman na natin kung sino siya.” Nakangiti niya pang wika.
Ilang oras pa ang lumipas at nagpasya na kaming matulog. Napatingin ako kay Darlyn dahil mahimbing na itong natutulog. Samantalang ako, hindi man lang dinadalaw ng antok. Kaya nagpasya na lang akong tumayo.
Nakarinig ako ng kaluskos sa labas kaya tiningnan ko ito dahil baka ito na ‘yong nag-iiwan ng pagkain dito.
Sinilip ko naman sa may butas ang pinagmulan ng kaluskos at namilog ang mata ko ng may nakita akong tao na nakatayo sa may pintuan kaya agad ko itong binuksan. Pero ng makita ko ito ay nagulat ako habang nakangiti lang siya sa akin.