Naiwan siyang natitigilan sa ginawa ng lalaki sa kanya. Nabalik lang siya sa kanyang diwa nang mag-iyakan ang dalawang batang paslit. Mabilis niyang nilaro ang mga ito ngunit tila nagpapaligsahan pa ang mga ito sa pag-iyak.
"Shhhhhh! Tigil na please. Shhhhhh! Tigil na tigil," aniya sa mga ito. Ngunit ayaw pa rin paawat ang mga ito. "Hay, Diyos ko tatanda ako sa inyo kasama ng inyong ammmaaaaaa!" 'di napigilang isigaw.
Paakyat na si Direck sa hagdan ng biglang magbunghalit sa iyak ang dalawang anak. Dahilan para mataranta naman ang babaeng iniwan kanina, nasa huling hakbang na siya nang biglang sumigaw ang babae sa 'di niya malamang dahilan.
"Hay, Diyos ko tatanda ako sa inyo kasama ng inyong ammmaaaa!" dinig na dinig na wika nito.
"Ang kukulit ninyo," pahabol pang wika nito. Doon ay tumigil ang dalawang paslit sa kakangawa at napalitan iyon ng mga hagikgik ng mga ito. Pagdungaw sa terace ay nakita nang nagapang ang babae na tila bata habang hinahabol ang mga ito na humahagikgik.
Nagpabaling-baling na lang ng ulo si Direck sa bagong yaya ng mga anak.
Nang mapatulog ni Haidee ang dalawang makukulit na paslit ay nag-inat-inat muna siya. 'Peste, ano bang ginagawa ko dito? Kailangan ko ba talagang mag-alaga ng makukulit na paslit na mga ito?!' aniya dahil sa totoo lang ay pagod na pagod siya sa kakulitan ng mga ito. Ang kukulit at ang lilikot ng mga bata, idagdag pa ang ama nila kung makatingin sa kaniya ay tila hinuhubaran siya.
Humihikab-hikab pa siya habang patungo sa kanyang silid nang madaanan ang mini-library ng mga Villareal. Uusisahin sana ito nang maramdamang may tao sa loob. Dinikit niya ang tainga sa pintuhan nang marinig ang malakas na tinig ni Direck buhat sa loob.
"Drove, your a big boy now! You can do your homework alone," pasinghal nitong wika. Batid na nangungulit ang panganay nitong anak sa kaniya.
'Big boy daw. Ikaw nga puro Papa. Hmmmp! Papa's boy!' kutya niya sa isipan lalo na sa narinig na usapan ng mga ito ng ama nito kaninang umaga.
"But Daddy I don't know what to do in this," tugon naman ng bata.
"I'm getting angry. I hired a tutor for you but what you did. Kung ano-ano ang ginawa mo. Do your homework, alone!" pinal na wika nito.
"Daddy?" mahina ng tinig ng bata na tila naiiyak na. Nang maya-maya ay may maliliit na yabag na papalapit sa pintuhan kaya lumayo siya roon. Doon ay sumungaw ang mukha ng batang lalaki na malungkot at laglag ang balikat.
Nang medyo nakalayo na ito sa kinaroroonan ng ama nito ay agad na sinutsutan ito. "Psssttt!" Nagpalingon-lingon naman ito. "Passttt!" muling sitsit dito hanggang makita siya nito. Agad niya itong sinenyasan.
Kumunot pa ang noo nito. 'Aba! Maldito talaga, ikaw na tutulungan ayaw mo pa!' maktol niya sa isipan sa nakitang reaksyon nito.
"Halika," aniya sa bata.
Alumpihit itong lumapit sa kanya. "Patingin iyang nasa notebook mo?" aniya rito ngunit mabilis nitong tinago sa likod nito. "Ayaw mo? Sige ka tutulungan pa naman sana kita pero ayaw mo, eh 'di huwag na lang," panunubok dito.
Muli itong napatingin sa kanya. "Ayaw mo talaga? Sige matutulog na ako," aniya rito nang akmang hahakbang na siya nang magsalita ito. Awtomatiko siyang napangiti.
"Tutulungan mo ba ako?" mahinang wika nito.
Automatikong napangiti siya rito. "Sure, huwag lang english. Mahina ako sa verb at adverb," aniya sa bata na nakangiti.
"Hindi po. Science po itong homework namin," anito na tila nabuhayan ng loob.
"Ah ganoon ba? Sure may alam naman ako kahit konti diyan. Lika rito, dito tayo. Aya sa bata sa isang lamesa sa malapit sa lagusan papuntang veranda.
Agad naman itong tumalima. 'Masunurin ka rin naman pala,' bunyi sa isipan dahil mukhang napapasunod ito sa nais.
Binuksan nito ang kuwaderno kung nasaan nakasulat ang homework nito. "Write in your notebook the three phases of matter," basa sa nakasulat doon. Muli ay napatingin siya sa bata. 'Susme! Seven years old ganito na ang assignment?' napapangiwing usal sa sarili.
"Hindi mo yata alam, eh," anito nang tumingin ito sa kanya.
"Naku! Maning-mani ito sa akin. Trust me I can ennumerate the three phases of matter. They are Solid, liquid and gas," bibong tugon sa bata.
Biglang nagliwanag ang mukha nito sa sinabi. "Wow! You're too bright!" anito sa sobrang kasiyahan.
"Sus! Ako pa! Gusto mo explain ko pa," pagbibida pa ni Haidee sa sarili. Maging siya ay na-excire dahil noon niya lang nakitang ngumiti si Drove. Panay kasi irap ang binibigay nito sa kaniya sa tuwing titingin ito sa kaniya. Malapit na nga niyang isipin isa itong bakla.
Nang makalabas ang anak ay tila naawa naman si Direck dito kaya hinabol niya ito ngunit napatigil siya nang may sumutsot sa anak at nakita kung sino iyon. Ang kanyang bagong yaya. Noong una ay akala niyang hindi lalapit ang anak dito dahil may pagkasuplado ito. Pilyo na rin at sa kakulitan dinadaan ang lahat kaya lahat ay nagsisipag-alisan.
Nag-usap ang dalawa hanggang sa igiya ng babae sa isang mesa. Doon ay malayang narinig ang pinag-uusapan ng dalawa.
'Di niya maiwasang mapangiti nang masagot naman nang babae ang homework nito. Natigilan lamang siya ng nagbuhat na ito ng sariling bangko.
"I will throw you question then answer me," ani ni Haidee sa anak.
"Sure!" game naman na wika ng anak.
"Solid form of water?"
Nag-isip ang bata saka sumagot. "Ice," anito.
"Check!"
"Yeheyyy!" tuwang bunyi nito sa kanya. Akalain ni Haidee na mapapatawa ang malditong bata na kaharap ngayon.
"I think you need to sleep now because tomorrow you need to be early," aniya sa bata.
Doon ay isang tingin ang binigay sa kanya na tila may nais itanong. "What is it?"
"I just wonder, all my nannies they don't speak English ,well. But you, you're too fluent," anito.
Natigilan si Direck sa narinig na tanong ng anak. Doon lang din niya napansin iyon. Noong una nga niyang nakita ito ay hindi siya makapaniwalang mag-aapply itong yaya.
"Ah—eh....ahhhhhh," naguguluhang sambit ni Haidee. Hindi niya inaasahan ang tanong na iyon ng bata. "Nagtrabaho kasi ako sa isang call center noon. Oo, nagtrabaho ako doon kaya magaling ako mag-English," pagdadahilan niya sa bata. Muntik na talaga siya doon. Kaya ibayong pag-iingat ang kanyang gagawin.
Napapangiti na lamang si Direck dahil kahit papaano ay mukhang nakukuha na ng bagong yaya ang loob ng panganay na anak. Sana lang ay magtagal na ito dahil hindi na alam kung saang lupalop pa siya maghahagilap ng yaya kapag umayaw ito.
Ganap na dumating ang araw ng Sabado. Off niya at linggo naman ang kasamang si Linda.
Mabilis na tinungo ang opisina nila at doon ay nasumpungan ang tatlong kasama.
"Hey! Hey! Hows your mission?" usisa ni Sundee sa kanya.
"Too hard pero I can handle it. Nahihirapan lang akong alagaan ang mga anak ng Direck na iyan," angal niya na nagpatawa naman sa ibang kasamahan.
"I told you," agaw ni Sundee. "Pero mapilit ka. So enjoy being a nanny," pang-aasar pa nito.
Mabilis na hinanap ang nakuhang CCTV at muling pinanood iyon. Sa kanyang laptop na naroroon.
Masusing pinag-aralan niya ang kuha ng CCTV nang araw na mawala ang kapatid. Mula nang dumating ang kapatid hanggang sa makita si Direck na nasa likod ng cashier na umaastima sa kapatid. Closing na kasi ang mga ito at nakiusap pa ang kapatid hanggang sa kinausap ni Direck ang tauhan na isikasuhin ang kapatid.
Nakita rin niya kung paano titigan ang lalaki ang kapatid. Nang tapos na ang kapatid ay nagpasalamat ito sa lalaking cashier. Lumabas na si Direck doon. Kasunod noon ay ang tila may nag-aya sa kapatid ngunit kasamaang palad ay hindi nahagip ng camera. Base sa ekspresyon ng mukha ng kapatid ay tila kilala ang yumayaya rito dahil tila nangiti pa.
Iyon ang eksenang palaisipan sa kanya. Ang pag-alis ni Derick sa pawnshop na saktong pagkawala ng kapatid. Muli ay umahon ang galit sa dibdib niya at hindi namalayang nakalapit na ang mga kasamahan at inuusisa ang nasa laptop at ini-freeze pa ng mga ito ang mukha ni Direck.
"Ah! Ah! No wander ganyan ka makatingin diyan sa suspect mo. Ang guwapo, kilay pa lang ulam na," ani ni ani naman ni Winona. Maraming tawag sa babae dahil ito ang pinaka-front ng grupo. Ikanga, bago sila sumugod sa giyera ay ito muna ang isusugo para malaman ang galaw ng kalaban. Siya rin ang nagpanggap na kaibigan ng sekretarya ni Direck para makapasok siya bilang yaya ng mga anak nito.
"Hinay-hinay lang ha, baka 'di ka pa nakakahanap ng hustisya sa kapatid mo ay panty mo naman ang malaglag," tawa nitong biro na nagpapaalala.